Biglaan ang pagdating ni Pinay sa Stallion Island. Akala niya ay simpleng date lang ang pupuntahan nila ni Lee pero nagulat na lang siya nang isakay siya nito sa seaplane at ia-anunsiyo ng piloto na sa Stallion Island na sila pupunta.
“Are you crazy, Lee? Hindi ako prepared!”
Naka-long dress pa nga siya dahil akala niya ay sa isang first class restaurant sila kakain. Ni wala nga siyang baon na damit.
“Don’t worry. I got everything covered.”
Diskumpiyado niya itong tiningnan. “Ano naman ang sorpresa mo sa akin ngayon? Baka bigla mo na lang akong pikutin, ha?”
“Relax! I am sure hindi mo mahuhulaan kung anuman ang sorpresa ko.”
Pagdating sa airport terminal ay sinalubong agad siya ni Imhan, isa sa volunteer sa Sulong Kababaihan at nobyo ng member ng Stallion Island na si Jayden Arcega. “Pinay, let’s go! Naghihintay na ang mga gamit mo sa hotel.”
“Hotel?” tanong niya at nilingon si Lee. “Hindi ba ako sasama sa iyo?”
“Basta sumama ka na lang kay Imhan.” Kinintalan nito ang noo niya. “I want you to enjoy your night. From now on, I am sure you will be happy.”
“Imhan, alam mo ba kung anong plano niya?” tanong niya habang papasok sila sa suite niya sa hotel.
Nagkibit-balikat ito. “Basta kinontrata lang niya ako para pagandahin ka.” Inabot nito ang Stallion Shampoo sa kanya. “Pakalunod ka daw muna dito. Mukhang gusto ni Lee na magandang-maganda at mabango ka. Excited na rin akong malaman kung ano ang sorpresa niya.”
Napaisip siya habang nagsa-shampoo. Magpo-propose na kaya ng kasal sa kanya si Lee? Hay! Di niya ito tatanggihan oras na mag-propose ito. Lee easily captured her heart the second time. Di siya natatakot na mahalin ulit ito. Ito ang lalaking handang gawin ang lahat para pasayahin siya. Wala na siyang ibang lalaking kilala na handang maging matapang upang harapin ang kahinaan nito at tiyakin ang kaligayahan niya. Only Lee was brave enough to do that. No doubt that he loves her.
Sa halip na gown, simpleng dress na hanggang tuhod lang ang nakahanda sa kama para isuot niya. It was casual, perfect for a stroll around. Pero di na mukhang ordinaryo ang itsura niya matapos ayusan ni Imhan. She was prettier. Di na nakakahiya sakaling mag-propose ito ng kasal sa kanya.
“Thank you, Imhan,” aniya nang ihatid siya nito sa lobby ng hotel.
“Huwag kang magpasalamat sa akin. Kay Lee ka magpasalamat. Nandito na pala ang sundo mo,” anito at itinuro ang horse carriage.
“Wow! Pakiramdam ko si Cinderella ako.”
Idinala siya ng karwahe sa Wind’s Café. Parang wala pang katao-tao nang oras na iyon samantalang alas otso na ng gabi. Karaniwan ay jam-packed ang mga ganoong lugar sa Stallion Island dahil nagsisilbi iyong social hub ng guests at members. Parang napakaganda niya kahit na hinahangin ang buhok niya. She was a woman in love, wishing that the man she loves would propose to her.
Nang pumasok siya ay pinaupo siya ng waiter sa table. May isang lalaking may hawak na gitara at tumutugtog sa stage. Dito lang nakatutok ang spotlight at sa table niya. Nahigit niya ang hininga nang mabosesan si TJ. Natutop niya ang bibig. It was really TJ Javellana. At nararamdaman niyang sa kanya lang nakatutok ang mata nito at siya lang ang nag-iisang magandang babae sa mundo.
Bigla siyang kinabahan. Hindi kilig ang nararamdaman niya. May mali sa mga pangyayari. Dapat ay si Lee ang naroon. Si Lee dapat ang tumutugtog at kumakanta para sa kanya kahit di pang-artist ang boses nito gaya ni TJ.
Dapat ay matuwa siya dahil naroon na sa harap niya ang lalaking pinapangarap niya pero pangamba ang namamayani sa puso niya. Itinapik niya ang paa. “Lee, nasaan ka na?” Umaasa pa rin siya na susulpot na lang ito kung saan para sabihin na iyon ang sorpresa nito. Then he would propose.
Napansin na lang niya si TJ na palapit sa kanya bitbit ang gitara nito. “Hi, Pinay! You look pretty today.”
“Thanks!” Tipid niyang sagot. Wala na siyang oras para ma-starstruck at kiligin kay TJ dahil puro si Lee na ang umokupa sa utak niya. “Nice song.”
Umupo ito sa tapat niya. “Iyon ang kinanta ko sa iyo nang magkita tayo seven years ago, hindi ba? I even gave you a handkerchief so you’ll stop crying.”
“Yes. Right.” She was overwhelmed. Naalala pa pala nito ang nangyari noon. Ibig sabihin ay tumatak pala siya sa isip ni TJ. “Thank you for the song. Hindi ko inaasahan na magre-ready ka pa ng dinner para sa akin. And your performance is really lovely.” She knew the song by heart. Pero sa tanang pakikinig niya sa kantang iyon, ngayon lang yata siya naging disoriented dahil sa kaiisip kay Lee.
“Medyo matagal na akong hindi nakakapag-perform sa stage. Kaya pagpasensiyahan mo na ang boses ko.”
Tuwid ang tingin niya kay TJ. Sinasabi ng utak niya na napakaguwapo nito. And his sexy voice really touched her soul. Pero bakit lumilingon ang puso niya? Iniisip pa rin niya si Lee. Alam ba nito ang nangyayari? Bakit pinayagan nitong matuloy ang date nila ni TJ? He even handed him to her in silver platter. Nasisiraan ba ito ng bait? Mahal daw siya nito pero di ba ito masasaktan sa mga nangyayari?
“Ipinahanda mo ba lahat ng ito para sa akin?” tanong niya kay TJ nang isine-serve na ang dinner nila.
Tumango ito. “You deserve it. Gusto kong magpasalamat sa babaeng ipinaramdam na espesyal ako nitong nakaraang araw.”
Natigil siya sa paghahalo ng vegetable soup at nakanganga itong pinagmasdan. “I did that?” Ganoon na ba siya kaganda para tumatak siya sa isip nito sa dalawang beses na matipid nilang pag-uusap habang nagvi-vigil siya sa harap ng bahay nito? Kung ibang babae siguro ang sinabihan nito ay hihimatayin sa kilig.
“Yes. Salamat sa mga ipinadala mong teddy bear, flowers at sulat sa akin.”
Napaisip siya. “Anong teddy bears? Anong sulat?”
Natigilan ito sa pagsubo. “Hindi ba nagpadala ka sa akin ng package habang nasa States ako? Halos araw-araw pa ngang dumadating ang regalo mo.”
“Pero wala akong ipinapadala sa iyo habang nasa States ka. Binigyan kita ng bulaklak pero habang nandito ka lang sa isla. Tapos di na nasundan iyon dahil nga umalis ka na.” Nasa kay Lee na ang konsentrasyon niya nang sumunod na araw.
Kumunot ang noo nito at may inilabas sa bulsa ng jacket. “Ibig sabihin hindi sa iyo galing ang sulat na ito? Hindi ikaw si Filipina Cornejo?”
Inisa-isa niya ang mga sulat. Sulat-kamay niya ang mga iyon pero di naman siya ang nagsulat. Ikinukwento doon kung paano silang nagkakilala ni TJ. Naroon pati ang mga kabaliwan niya dito. Kung paano siyang iniahon ni TJ mula sa depression niya. Kung paanong ginusto ulit niyang magmahal dahil sa mga kanta nito. Nasasalamin ng sulat na iyon ang lahat ng nararamdaman niya na parang siya mismo ang nagsulat.
Sa isang sulat ay mayroong tula. Tula iyon isinulat niya para kay Lee at lalapatan na lang sana ng musika.
“Paanong napunta ito sa iyo? Kay Lee ko lang naibigay ang ito. At hindi ako ang sumulat ng mga ito pero identical halos ang handwriting sa akin.”
“Great!” anito at idiniin ang kamay sa mesa. “Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari. Someone wants me to fall in love with you.”
Nanghaba ang nguso niya. “Sino namang baliw ang gagawa no’n?”
Wala namang sumusuporta sa kabilawan niya kay TJ kahit yata bayaran pa niya ng isang milyon.
“Only a man who is in love. Leigh Armaund Lopez.”
The realization hit her hard. Nagsasakripisyo si Lee para sa kanya kahit na nasasaktan ito. Nag-effort pa itong gumawa ng sulat at magkwento kay TJ at padalhan ito ng regalo. Ito na halos ang nanliligaw para sa kanya.
“Baliw ba siya? Sa palagay naman niya matutuwa ako sa ginawa niya? Masasaktan nga siya kapag ginawa niya iyon pero sumige pa rin siya. Hindi naman niya kailangang gawin ito para sa akin!”
“He wants to make you happy. Ang isang lalaking nagmamahal nang totoo, di na iniisip ang sarili niya. Di na iniisip ang pride niya. Mas maganda pa siguro kung si Lee na mismo ang kausapin mo.”
“Okay.” Nakailang hakbang na siya nang lingunin ulit niya si Lee. Nakangiti ito habang nakapamaywang. Parang amuse na amuse sa kanya. “TJ, huwag mong isipin na hindi kita mahal dahil kakausapin ko si Lee. Ang totoo, gusto ko pa ring pakasalan ka sa lahat ng simbahan, relihiyon, sala ng judge at office ng mayor.”
“I hear a but.”
Sinapo niya ang sariling dibdib. “But I don’t think I could live forever with you. Baka bukas-makalawa itapon mo lang ako sa dagat at ipakain sa mga pating. I am hard to live with. Baka maubusan ka ng pasensiya.”
Tumango-tango ito at lalong lumapad ang ngiti. “Nice logic and you are right. Sa palagay ko isang lalaki lang ang tatagal sa iyo.Si Lee.Kaya puntahan mo na siya.”
Di pa rin siya makaalis sa harap nito at kinagat ang labi. “Pwede bang mag-request? Isang kiss at hug lang bago ko puntahan si Armaund?”
She was still a true blue fan. Mahal nga siguro niya si TJ pero bilang isang baliw na fan. It was an immature love. And she was happy to let it go. Napasaya naman siya ni TJ sa mga panahong di niya kasama si Lee.
Humalakhak ito at niyakap siya. Saka siya nito hinalikan sa magkabilang pisngi. “This is the first time that someone made me laugh this hard. You are one hell of a girl. Huwag mo nang pakawalan ang lalaking nagmamahal sa iyo. Kung sinaktan ka man niya dati, I think he deserves a second chance.”
“How about the girl in your song? Iyong babaeng mahal mo na kahit na gusto mong humanap ng iba, di mo pa rin magawa dahil siya ang mahal mo.”
Nawala ang ngiti sa labi nito. “That girl doesn’t exist. It’s just a song.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Huwag kang in denial. Kapag may chance na balikan mo siya, gawin mo. Tutulungan kitang kidnapin siya.”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Go now! Baka magselos na si Lee at kung ano pang gawin niyon sa bahay niya. Mataas pa mandin ang verandah doon.”
“Oh, gosh! Si Lee!”
A hand gripped her chest. Naiisip na niya ang itsura ngayon ni Lee. Malungkot na malungkot siguro ito. Baka nga nagpapakalunod ito sa alak. Drat! Tatanga-tanga pa mandin ito pagdating sa pag-inom. Baka sa sobrang depresyon nito at tumalon na lang ito sa verandah ng villa nito. Sayang ang lahi. Paano na siya? Ngayon pang sigurado na siyang mahal siya nito, di na ito dapat mawala sa buhay niya.
Nagpahatid agad siya sa villa ni Lee. Sinunod-sunod niya ang doorbell nito. Sampung ring na ay di pa rin iyon nagbubukas. Muntik na niyang tadyakan ang pinto nang bigla iyong bumukas. Sapo ni Lee ang ulo habang may hawak na baso ng brandy sa isang kamay. “What the hell! Di laruan ang doorbell ko.” Nanlaki ang mata nito nang makita siya. “Pinay, bakit nandito ka na? Si TJ…”
Inagaw niya ang baso ng brandy sa kamay nito. “Bakit ka naglalasing?”
“Tinatanong ko kung ano ang nangyari sa date ninyo ni TJ.”
Itinapon niya sa money plant ang brandy nito. “Di ka pwedeng uminom. Marami kang tanong na sasagutin sa akin. Bakit maraming natatanggap na kung anu-anong regalo si Lee na nakapangalan pa sa akin?”
“Hindi ba ikaw ang nagpadala no’n?”
“Stop playing dumb with me! Sasapakin talaga kita!” At inambaan ito ng suntok. “Tapos may mga sulat pa gamit ang handwriting ko. Si Freya ba ang inutusan mo na mag-forge ng handwriting ko?” Di kasi nalalayo ang sulat nila ni Freya. “Tapos malamang barkada ko din ang inusisa mo tungkol sa mga kabaliwan ko kay TJ, no? Sila lang ang nakakaalam ng mga nasa sulat.”
Nagkibit-balikat ito at naglakad papunta sa verandah. “Ano ngayon kung ako ang nagpadala? Hindi ka ba natutuwa? Tinulungan kitang manligaw kay TJ. Ayan nga at siya na ang nagyaya ng date sa iyo. Iyon naman ang pangarap mo, di ba?”
Hinila niya ito pabalik sa loob ng bahay. “Huwag ka diyan sa verandah. Baka bigla ka na lang tumalon. Sasabog ang utak mo sa batuhan. Yuck!”
Mariing nagdikit ang labi nito. “What’s eating you? Hindi ako tatalon! Saka balikan mo na nga si TJ. Kung gusto mo akong komprontahin, dapat mamaya na lang. Tapusin mo na ang date ninyo.” Hinawakan nito ang balikat niya at magaan siyang itinulak papunta sa pinto. “Go now! Enjoy your night!”
“Tanga ka ba? Paano ako mag-e-enjoy kung alam kong may isang baliw na lalaking magpapakalunod sa alak dito at malapit nang tumalon sa verandah dahil nakikipag-date ako sa ibang babae na hamak mas guwapo sa kanya? Na mas magaling kumanta at handa kong pakasalan sa kahit saan.”
Mapait itong ngumiti. “Yeah, right! Rub it in. Mas guwapo si TJ. Magaling kumanta. May brown na mata. At kasalanan ko rin bakit nasira ang date ninyo.”
Inilabas niya ang isang sulat na ipinadala kay TJ. “Bakit pati itong kanta na ginawa ko para sa iyo ibinigay mo rin sa kanya?”
Tinitigan nito ang papel at iniwas ang tingin. “Because he deserves that song more. Siya ang lalaking nagpasaya sa iyo noong sinaktan kita. Siya na ang mahal mo. Dapat lang naman siguro na sa kanya mapunta iyan. Hindi na ako ang karapat-dapat para sa iyo.”
“Tapos magpapakamatay ka dahil doon?”
Mahina itong tumawa at pinahid ang luha niya na di niya alam na tumutulo kanina pa. “Silly! Hindi ako magsu-suicide. Gusto ko pang makita na masaya ka kasama ang lalaking mahal mo. That’s TJ.”
“Hindi ba suicide din itong ginagawa mo?” Parang sinasaksak din nito ang sariling puso habang tinutulungan nitong magustuhan siya ni TJ.
“I will do everything to make you happy, Pinay. Even if it breaks my heart.” Hinawakan nito ang balikat niya at tiningnan siya ng direkta sa mga mata. “There are no excuses, no justifications, no way I can undo what was done. I fucked up. Period. I blew the chance that was given to me. I don’t know how the hell I’m still doing here. Kung malalaman ito ng mga kaibigan ko, baka pagbabatukan nila ako isa-isa. But I love you. Gagawin ko ang lahat para pasayahin ka. Kung si TJ ang kaligayahan mo, gagawin ko ang lahat para magustuhan ka niya. I may lose you but at least I know that I contributed something to make you happy. Kahit masakit…”
In front of her was the man who was telling her that he would willingly sacrifice everything for her and more. Pero nagagalit lang siya tuwing naririnig ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. “Lee, hindi mo kailangang masaktan. Di mo naman ako kailangang ipa-deliver kay TJ nang naka-gift wrap.”
“I want to make life easier for you.”
“Then kiss me now!”
“What?”
Hinatak niya ang kuwelyo nito. “Ay! Babagal-bagal!”
Di na niya hinintay pang maka-recover ito sa shock nito. He was in for another shock when she kissed him fervently. Gusto niyang matauhan ito. Gusto niyang malaman nito na wala siyang ibang lalaki na gustong halikan nang mga oras na iyon kundi ito lang. And she would willingly accept him and love him again. Gusto rin niyang bawiin ang lahat ng sakit na naibigay niya dito dahil sa mga sakripisyo nito sa kanya. She wished to make it better.
Pinigilan nito ang balikat niya at inilayo siya. “Teka, bakit mo ako hinalikan?”
“Because I love you, Leigh Armaund Lopez.”
Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. “How about TJ? Hindi ba in love na in love ka sa kanya?”
“It was an immature love. Siya at ang kanta niya ang naging takbuhan ko para hindi na ako ma-in love sa iyo. He made me feel safe. Dahil di naman niya alam ang nararamdaman ko, hindi ako masasaktan. Walang masyadong expectations. But you are the man whom I am willing to risk everything to be with. I don’t care if you messed up before. Tapos na iyon. Mahal ko ang Lee na nakikita ko sa harap ko ngayon. The one who would stand up for me and surpass his weaknesses.”
Idinikit nito ang noo sa noo niya. “That is so nice to hear. Mula nang malaman kong si TJ na ang mahal mo, di na ako umasa na matatalo ko siya. Lamang na lamang siya sa akin. Ten wheeler lang ako, sixteen wheeler siya.”
“Well, gusto ko pa rin siyang pakasalan sa lahat ng simbahan pero ikaw naman ang gusto kong makasama habambuhay. Pero pwedeng bang maka-arbor ng kiss sa kanya paminsan-minsan?”
Tumalim ang mata nito. “Pinay!”
Humalakhak siya. “I love you, mi querido!”