Chapter I Remember the Boy: Hiro Hinata

CHAPTER 7

"HEY, Hinata! Busy ka diyan, di mo sinasagot ang tawag ko kanina pa.”

Nagulat si Hiro nang may magtanggal ng earbud niya. Matalim ang mata niyang inangat ang tingin mula mula sa binabasang libro. Nasa ilalim siya ng isa sa mga puno sa tabi ng UP Library. Subalit ngumiti siya nang makilala ang kaibigang si Yuan.

"Yuan! Ni hao!" bati niya dito at binigyan ng brotherly hug ang kaibigan.

Nag-aaral ito sa De La Salle at kaibigan niya mula pagkabata dahil nagkakasama sila sa summer camp sa iba’t ibang bansa kung saan sila ipinapadala ng mga magulang nila. Ito ang nag-encourage sa kanya na mag-aral sa Pilipinas kahit na isang taon. Silang dalawa din dapat ang magkakasama sa condo pero sa huli ay pinili ni Hiro na bumukod ng condo para mas maging independent. Yuan had the same sentiments, bagamat nagmagandang-loob ito na patuluyin siya sa condo nito. He decided that it was too far from UP.

Galig si Yuan sa pamilya ng mga Chinoy na nagmamay-ari ng iba’t ibang kompanya sa Pilipinas at China. Pero sa batang edad ay gusto na nitong umukit ng sariling pangalan. Ito rin ang nag-encourage sa kanya na mag-invest sa batang edad.

“I’m good. Ano bang binabasa mo at tutok na tutok ka?” tanong ng lalaki at umupo sa ugat ng puno sa tabi niya.

“Just some book,” kaswal niyang sagot at akmang itatago iyon sa bag.

Inagaw nito ang libro mula sa kanya. Bago pa niya mabawi ay tumakbo na ito palayo at binasa ang pabalat. “Perhaps Love? Nagbabasa ka ng Tagalog romance pocketbook?” tanong nito at nagpakawala ng nakakalokong tawa.

Sa unang pagkakataon ay gusto niyang bigwasan ang kaibigan. Minsan na lang ito tatawa, nakakainsulto pa. Binawi niya ang pocketbook dito. “Anong nakakatawa?”

"Ano? Ano naman sumapi sa iyo at binabasa mo iyan?"

"Part of my lesson,” kaswal niyang sagot at umupo ulit sa puno.

"Lesson? Lesson sa love?” nakakunot ang noo nitong tanong. “Manliligaw ka na ba? May mapupulot ka bang matino diyan sa pocketbook?”

Di niya masagot ang tanong ng kaibigan. Di rin kasi niya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Jemaikha. Nangangapa pa siya sa nararamdaman niya. He maybe educated with books and the latest technology but he had no idea about love. Akala niya ay di pa niya kailangan iyon dahil may sariling timetable ang puso niya. At hanggang ngayon ay inaalam pa rin niya kung bakit gusto niya ang dalaga. By reading those novels, he was hoping that he could get an idea and what he should do about his feelings.

Pinagtatawanan niya ang mga kaibigan niya na na-love at first sight dati. Until it hit him hard. Nang magkabangga sila ni Jemaikha sa pool, pakiramdam niya ay may kuryente ang tubig. Kapag nagsasalita ito ng Japanese, parang musika sa tainga niya. At nang makulong sila sa elevator, kumanta siya para I-comfort lang ito. He couldn’t sing for shit. At di niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin para lang sa Jemaikha.

"Hiro! Sorry. Kanina ka pa naghintay? Goumen nee,” humihingal na hingi ng paumanhin ni Jemaikha at umupo sa tabi niya. Pawisan pa ito dahil tinakbo pa nito ang Palma Hall kung saan ang huling klase nito. While some women tried to be perfect and immaculate around him, Jemaikha didn’t care much. Pero maganda pa rin ito sa paningin niya. Natural and confident.

"Yuan, meet Jemaikha-sensei. My since we were kids, Yue Anthony Zheng,” pagpapakilala ni Hiro sa dalawa.

"Hello. Kumusta?” bati ni Jemaikha sa kaibigan at inilahad ang palad dito.

Di man lang ngumiti si Yuan nang kamayan si Jemaikha. Napansin niya na nailang ang dalaga dahil parang suplado ang kaibigan. Ganoon naman ito sa lahat ng babae. Magaang tumawa si Hiro. “He is part-Chinese. We spend much of our summer camps together since we were kids.”

“Ah, Chinese! Kaya siguro di niya ako naiintindihan,” sabi ni Jemaikha at kumaway. "Ni hao!"

Mariing nagdikit ang mga labi ni Yuan at di man lang siumagot sa dala. Bumaling ito sa kanya. "Why do you need an English and Filipino instructor?"

"So I can learn more. There are so many things I don't know. But now I have improved my English and Filipino. Thanks to Jemaikha. You should polish your Filipino, too,” suhestiyon ni Hiro. “Jemaikha can help you with your Filipino.”

Pumalag si Yuan. "Bakit? Wala naman akong problema..."

Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ni Yuan. Ngumisi siya kay Jemaikha. “He is bulol. Ayaw niyang aminin dahil nahihiya siya. Can you give him a lesson? Don't worry. He will pay."

Nagliwanag ang mukha ng dalaga. “Of course, of course. Maybe we can schedule your lesson later. We can have a free trial if you want. I have a free schedule later at six o'clock."

“Um-oo ka na lang,” bulong niya sa kaibigan.

Umungol ito at tumango saka lang niya inalis ang takip ng bibig nito. "O...kay," sabi ng lalaki at suminghap habang naghahabol ng hininga.

"I'll help. I'm a good student,” sabi niya at itinaas ang kamay.

“Salamat, Hiro,” anang si Jemaikha at pinisil ang braso niya.

"Pasikat,” bulong ni Yuan.

"What did you say?" tanong ni Jemaikha na nalukot ang mukha. “Chinese ba iyon?”

"I said see you later, ma’am," sa halip ay sabi ng lalaki at yumukod. “It is a dialect in Luoping County.”

“Ohhh! Luoping county. Ino-note ko iyan. Parang pasikat pala sa kanila ang I’ll see you later,” usal ni Jemaikha at inilista sa loob ng notebook nito. Nagniningning ang mga mata nito na parang nakatagpo ng kayamanan. Fascinated talaga ito sa iba’t ibang salita. Isinara nito ang notebook. “Maiwan ko muna kayo. I have to go.”

Nawala ang ngiti ni Hiro. “Bakit? Akala ko sabay tayong magla-lunch.”

“Sorry. May group project kasi kami. Mamaya na lang alas sais at good luck sa klase mo. Istrikto ang professor mo doon. Ganbarremasu!” anito habang nakakuyom ang palad. “Fight-o!”

Inangat niya ang isang kamay para pigilan ito. “Pero ‘yung isang project ko…”

Tumakbo na ito palayo. “Laters!” Mukhang importante talaga ang lakad nito.

“Kisama! Di niya sinabi sa akin kung sino ang kasama niya,” usal niya. “Di kaya manliligaw niya ang kasama niya?”

“Ano mo ba ang Jemaikha na iyon?” tanong ni Yuan at matiim ang tingin sa kanya.

“She is my tutor. She’s a good one.”

“Tutor saan?” tanong ng kaibigan. “German? I know your German sucks.”

“English and Filipino.”

Nagdilim ang mukha ng lalaki. “At kailan mo pa kinailangan ng tutor sa English at Filipino. Tatlong taon ka pa lang, may personal tutor ka na para doon. At lalong wala akong problema sa Filipino. Tuwid ang dila ko. Tigilan mo ako sa kalokohan mo.”

"Gawin mo na para sa akin. Ako ang magbabayad,” prisinta niya.

“At saan ka naman kukuha ng pambayad. Mas kuripot ka pa sa Instrik, Hiro.”

“I will sell my stocks,” aniya at itinaas ang noo. Pagkapanganak pa lang niya ay ikinuha na siya ng stocks ng magulang niya sa stock market. Nang mag-disiotso anyos siya ay isinalin na ng magulang niya full responsibility sa kanya.

“Baka,” usal ni Yuan na tinawag siyang tanga. “Why waste your time and money with this girl? I can’t see the charm.”

Paano naman ito makaka-appreciate ng charm samantalang wala itong pakialam sa mga babae? Pag-aaral sa pagpapatakbo ng negosyo at pagkakaperahan lang naman ang iniisip nito.

“She’s a good daughter. Her father is sick. I am just helping her out,” aniya at nagkibit-balikat. “I have so much in life, Yuan. Bakit naman di ako tutulong sa ibang tao?”

“Hindi ka lang basta tutulong sa ibang tao. You like this girl.”

“I do. She’s… she’s someone really special. I am falling for her and she’s just being her.”

“Your parents won’t like this.”

“They trust my judgment. Isa pa, ni hindi ko pa nasasabi kay Jemaikha na gusto ko siya. Di pa ako mag-aasawa.”

“Paano kung pikutin ka niya?” tanong nito.

Umiling si Hiro. “That’s so unlikely. Ayaw ngang magpalibre sa akin kahit na fishball. Tapos pipikutin pa ako? She has so much pride. It is irritating sometimes but that is part of her charm. Mas gusto niyang paghirapan ang lahat ng kinikita niya. Kaya tulungan mo ako.” Pinagsalikop niya ang mga palad. “Onegai! Luluhod ako dito kapag di ka pumayag.”

“Sira ulo ka talaga. Di ka nga pumapayag na lumuhod nang talunin ka ng bubwit na si Myco Gosiaco sa karate sparring n’yo. Tapos para lang sa babaeng iyan luluhod ka? Ikain na lang natin iyan.”

”Just one session, Zheng. Para makilala mo rin ang babaeng gusto ko.”

“IBIGAY mo sa kaibigan mo,” seryosong sabi ni Jemaikha nang iabot ang sobre kay Hiro.

Gulat na inangat ng binata ang tingin sa binabasang libro. Sa library sila magkikita para sa I-assist ang binata sa pagre-review. Ino-offer niya na tulungan ito sa ibang lesson nito na di nito nakukuha. “Doushitano?” tanong nito kung ano ang problema.

“Ibabalik ko ang downpayment ng kaibigan mo. Isang beses lang siyang nagpa-tutor sa akin. Tapos no’n di na ulit nagparamdam sa akin.”

Mabilis din namang matuto si Yuan. Wala nga itong accent kumpara kay Hiro pero wala pa silang isang oras na nagle-lesson ay nagpaalam agad ito na aalis dahil may emergency daw ang pamilya nito. Mula noon ay di na ito nagparamdam sa kanya.

“He is busy,” kaswal na sagot ng binata at ipinaghila siya ng upuan para makaupo siya. “May training siya sa Hong Kong kaya di siya makakapunta sa iyo.”

“Bakit di siya nagsabi? Parang tanga akong text nang text sa kanya. Sabi ko naman sa kanya huwag ibibigay sa akin ang pera. Gusto ko muna na I-try niya ang service ko. Anong gagawin ko sa pera ngayon?”

“Just keep the money. Siya naman ang di tumupad sa usapan ninyo.”

“Ayokong gamitin ang pera na di ko pinaghirapan,” giit ng dalaga. Naiiyak na siya sa inis. Muntik na niyang magamit ang pera kanina pambili ng gamot ng tatay niya. Nate-tempt siya. Mas mabuting wala sa kanya ang pera para makapaghanap siya ng ibang pagkakakitaan at alam niyang perang pinaghirapan niya ang magagamit niya.

“Ako na lang ang gagamit ng slot para sa kanya.”

“What else can I teach you, Hiro? Alam mo naman na lahat.” Tuwid na itong makipag-usap sa Filipino at English. Marunong na rin itong mag-Taglish. May mga salita na nahihirapan ito pero para sa malalalim na Tagalog na iyon. May naliligaw na Japanese words sa sentence nito pero naiintindihan naman niya iyon.

“Not on this one,” sabi nito at inabot ang sulat sa kanya. Nakasulat pa iyon sa katakana na Japanese alphabet. “How can I tell you I love you?” pagta-translate niya.

“I wrote it. Gusto ko sanang I-recite sa English at Filipino para sa babaeng gusto kong ligawan.”

“M-May liligawan kang babae?” nakatigagal niyang tanong.

Mahiyain itong ngumiti. “Susubukan ko lang. Di ko kasi alam kung magugustuhan niya ako.”

Aray ko. Para naman pinagulong sa bubog ang puso ko saka pinahiran ng wasabe. Why so malupit, Hiro?

Pilit siyang ngumiti. “Hindi mo na kailangang magpaturo sa akin para lang masabi mo sa isang babae na gusto mo siya. Kaya mo na iyan,” pagpapalakas niya sa loob nito. “Hindi mo na ako kailangang bayaran.”

“B-But this is my first time to confess to someone. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. At ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan para matulungan ako na sabihin sa kanya nang tama ang nararamdaman ko. Gusto ko maiintindihan niya ang lahat ng sasabihin ko.”

Maasim siyang ngumiti. Ngayon lang din siya nakaramdam ng ganitong sakit. Bakit naman ito nanggugulat? Di man lang siya ihinanda na may iba palang babae na nakapukaw ng interes dito. Kapag magkasama sila, minsan ay nahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya na parang gandang-ganda ito. Akala ko lang pala iyon. May iba naman pala siyang liligawan. Hopia lang ako.

“Sa iba na lang. Wala naman akong alam sa love-love na iyan,” aniya at umingos.

Hinawakan nito ang kamay niya at nagmamakaawa ang maamong mata nito habang nakatitig sa kanya. “Onegaishimasu, sensei,” pakiusap nito. “I am willing to double the payment if you will just help me. This is important to me. And this is important for you, too.”

Parang sinasagaan ng pison ang nagdadalamhati niyang puso. Kahit na masakit para sa kanya na tulungan ito sa panliligaw sa babaeng gusto nito, mas kailangan siya ng may sakit niyang ama.

Pumikit si Jemaikha at huminga ng malalim. Kakayanin ko ito. Kakayanin ko. Pamilya muna bago ang pag-ibig. Wala kang oras sa pride.

Dumilat siya at pilit na ngumiti sa binata. “Sige. Nasaan ulit ang ita-translate ko? Titiyakin natin na sasagutin ka ng babaeng iyon.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.