Chapter TAI 15

Palakad-lakad si Riva sa kuwarto habang hawak ang cellphone niya. Hindi na siya nakihalo sa activity na ino-organize ng Mama niya ang party na gaganapin sa bisperas ng kasal nito kasama sina Renzie at Emarie.

Sabi ni Arice ay tatawag daw ito sa kanya sa gabing iyon. Hindi na siya mapakali dahil pasado alas otso na. Baka naman may nangyari na dito kaya hindi ito makatawag. Kung anu-ano nang tumatakbo sa utak niya.

Gusto na niya itong tawagan para alamin kung bakit hindi ito agad nakatawag pero pinipigilan niya ang sarili. Babae pa rin siya. Dapat lalaki ang unang tatawag. Baka isipin pa nito na sabik na sabik siyang kausapin ito.

She had never been this impatient before. Siguro dahil wala siyang masyadong ginagawa sa lugar na iyon. And something else was nagging inside her head. Gusto niyang sabihin dito ang natuklasan tungkol kay Estrella.

Dali-dali niyang sinagot ang cellphone nang mag-ring iyon at makitang si Arice ang tumatawag. “Hello, Arice. Bakit di ka agad tumawag? Kanina pa ako naghihintay,” sabi agad niya. Hinigit niya ang hininga. As if she was anticipating hearing his voice again.

“Hello, pretty one. Masyado mo naman akong na-miss.”

“Hindi kita na-miss,” kontra agad niya dito. Hindi kita na-miss. Hindi kita na-miss, paulit-ulit niyang sabi sa utak niya na parang kinukumbinsi ang sarili.

“Alright. Ayokong makipag-away sa iyo. I am tired. Nagka-problema kami sa glass supplies namin sa housing project sa Cavite.”

“I am sorry,” sabi agad niya. Of course may sarili din itong buhay. Hindi naman pwedeng siya na lang ang isipin nito.

“It is not your fault. Mukhang may importante kang sasabihin. Pwede mo naman akong tawagan agad kung kailangan mo akong makausap. I won’t mind. Alam ko naman na di mo ako aabalahin kundi importante.”

Ano nga ba ang importante niyang sasabihin dito? Nang makausap niya ito ay lumipad ang utak niya.

“Uh… siyempre naman.”

“Nag-enjoy ka ba sa pagbabasa ng pocketbooks?” tanong nito. “May napulot ka ba na magagamit natin next time na magkita tayo?”

“Ah.. ‘yung pocketbook?” Hinaplos niya ang dulo ng kilay niya at nagpunta sa balkonahe. Saka niya naalala ang usapan nila ni Estrella kaninang kumakain sila. “Oo nga pala kanina, si Estrella…”

Bigla siyang natigilan. Sasabihin ba niya dito ang obserbasyon niya na mukhang aware si Estrella sa ginagawa nito sa pinsan niya? Na sarili lang nito ang mahalaga dito at hindi naman talaga nito mahal ang Kuya Ernest niya o kahit siguro si Arice mismo. Kaya ba niyang sabihin kay Arice ang totoo?

Tiyak na masasaktan si Arice. Mahal nito si Estrella. Anumang sabihin niyang makakasakit kay Estrella ay baka maka-offend din dito. Siyempre nabuo na sa utak nito na mahal ito ni Estrella. Oras na sabihin niya ang hinala niya na sariling interes lang ni Estrella ang iniisip nito ay baka magalit pa ito sa kanya.

“Anong tungkol kay Estrella?” tanong nito.

“Ah! Mukhang hindi siya mahilig magbasa ng mga pocketbooks. Napansin ko lang kasi busy daw siya sa pagluluto,” sabi niya.

“Akala ko naman kung ano na. Anong masasabi mo sa nabasa mo?” excited nitong tanong.

Bumagsak ang puso niya. Pero parang nagwawala ang puso niya dahil gusto niyang isigaw dito na nag-aaksaya lang ito ng oras kay Estrella. Parang napaka-unfair ng mga sakripisyo nito kay Estrella pero di man lang ito nagawang ipaglaban ng babae. Naiintindihan pa niya ang unang beses na nagkahiwalay ang mga ito. Wala pang maipagmamalaki si Arice. Pero ngayon ay mas kaya na itong ipaglaban ni Estrella. Bakit hindi nito magawa? Dahil ba mas may sinasabi ang pinsan niya kaysa kay Arice?

Pero buhay naman ito ni Arice. Si Estrella ang pinili nito. Wala naman siyang magagawa kung bulag ito sa pag-ibig. At kailangan niya ito para ilayo si Estrella kay Ernest. Matalino naman ito. Sooner or later, he would know the truth.

“Kailangan ko ba talagang gayahin ‘yung mga babae dito? Kapag kasama nila ‘yung lalaki, kundi sila masyadong pa-cute, nagiging wild. Kung anu-anong ginagawa nila para lang mapansin sila ng lalaki o maipakitang mahal nila.”

“Well, I won’t demand too much from you.”

“So what do you want me to do?”

“Just show me how much you appreciate my presence. Na okay lang hawakan ko ang kamay mo. Na pwede din kitang halikan.”

Nahigit niya ang hininga nang maalala nang unang beses siya nitong hinalikan. “You can’t just kiss me right away.”

“I am not saying it has to be torrid, earth-shattering kiss. Tumatanggap naman ako kahit ng halik lang sa pisngi.”

Nakahinga siya ng maluwag. “Akala ko naman…”

“Pero kung gusto mong pagselosin talaga si Estrella at mas mapabilis ang pag-effect ng plano natin, we have to up our ante. But do it on your own free will.”

Hinaplos niya ang noo niya. Kailangan na niyang ihanda ang sarili niya sa mga susunod na mangyayari kung ganoon. Kissing was fine. Ano ba naman ang halik? Wala naman iyong epekto sa kanya. At wala rin iyong malisya kay Arice.

Walang malisya, walang malisya, paulit-ulit niyang kumbinsi sa sarili.

“B-Basta ikaw na ang bahala, Arice. Kung anuman ang gusto mong gawin, sasakyan ko na lang.” Kahit na di pa niya alam kung anong gagawin. Sana lang ay di siya mag-freeze kapag sweet ito sa kanya. “I trust you. Huwag ko lang malaman na pinagsasamantalahan mo ako.”

Humalakhak ito. “I am in love with Estrella. Walang personalan ito. Trabaho lang. And don’t frown that much. Nakakabawas sa ganda mo.”

“Bakit alam mong nakasimangot ako?” tanong niya.

“Because I am watching you. Nakatayo ka sa balkonahe ng kuwarto mo at nakasuot ka ng silk pajamas. Why not a nightgown? That’s sexier.”

Nagpalinga-linga siya sa paligid. “Nasaan ka?”

Wala siyang nakikita maliban sa mga puno dahil nakaharap sa garden ang bahaging iyon ng kuwarto na maraming puno. Subalit walang malapit na puno sa kinatatayuan niya.

“Nandito lang ako sa ilalim ng puno ng kaimito,” sabi nito.

“Great! Paano ko makikilala ang mga puno kung gabi naman?” Sa huli ay na-frustrate siya dahil parang di naman ito magpapakita. “Anong ginagawa mo dito?”

“Just watching you.”

“Watching me?” nakataas ang kilay niyang tanong. Baka naman si Estrella ang pinapanood nito. Nadismaya siya. “Sige na. Matutulog na ako. Goodnight.”

“Wait. Gusto mo bang mag-jogging bukas ng umaga? Susunduin kita.”

“Anong oras?”

“Five-thirty.”

“That’s fine.” Ilang araw na pala siyang di nakakapag-exercise dahil wala siyang ibang inisip kundi pigilan ang kasal ng Kuya Ernest niya. “Five-thirty then.”

“It’s a date. Goodnight, Riva.”

Minsan pa siyang lumingon sa mga puno kahit di niya sigurado kung naroon nga si Arice. “Goodnight.”

Malungkot siyang bumalik sa higaan niya. Sana lang ay nakita niya ito o kahit anino man lang. Hinayaan din niyang bukas ang balkonahe. Kung pwede lang ay pumasok din ito sa balkonahe niya katulad ng ginawa nito kay Estrella.

Natigilan siya dahil kung anu-ano ang tinatakbo ng utak niya. Why would she wish that? Ano ngayon kundi niya ito makita ngayong gabi?

Magkikita naman sila bukas. At hindi siya excited na makita ito. Period.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.