Chapter 26

It's been  two weeks nung magising si Zach at yun din ang huling kita ko sa kanya. Hindi na ako bumalik sa ospital after that incident.

Nasa parking lot ako ng school ngayon. Kararating ko lang actually pero may nakita na akong demonyita papalapit sa kinaroroonan ko.

" Balita ko may amnesia boyfriend mo and of all people na pwede niyang makalimutan, ikaw pa talaga na girlfriend niya." Nang uuyam na sabi ni Martina. My god! Ang aga aga para mambwiset ng bruhang to.

" Does it bother you? Di ba ayaw mo akong maging masaya kaya ginagawa mo ang lahat para asarin lang ako. But girl, I don't give a fuck! " Iniwan ko na siya after ko na sabihin yun. Galit ako sa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi sirain ang araw ko but I will not give her any satisfaction.

Pagkapasok ko sa classroom namin nandun na si Zach. I caught him staring at me. I did not look back. Dumiretso lang ako sa upuan ko at nag lagay ng headset since wala pa naman yung prof namin. Nilapitan ako ni Zander at kinuha ang isang earpiece at nilagay sa tenga niya.

Tiningnan ko siya ng masama pero binalewala lang nya yun.

" I want to know what kind of music you are into. "Bwiset na to, nag eenglish na naman di naman bagay sa kanya. Grr.

Tinanggal ko ang earpiece ko sa tenga at tinodo ko ang volume ng cellphone ko. Agad naman niya tinanggal ang earpiece sa tenga niya. Tumawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Serves you right. " Kinuha ko yung earpiece sa kanya at binalik na ito sa bag ko.

"Ang sama mo talaga. Zach is watching us. Kung gusto mo na bumalik alaala niya sayo, please cooperate. "Bulong niya sa akin. Pasimple naman akong lumingon sa gawi ni Zach and true enough, I caught him staring. Blanko pa rin ang mukha pero nakatingin lang siya sa amin.

"I told you. "Bulong ulit ni Zander. Tinulak ko naman siya pabalik sa upuan niya dahil hindi lang si Zach ang nakatingin sa amin kundi buong klase na.

" Doon ka na nga sa upuan mo, pinag titinginan na tayo ng mga tsismosa nating mga kaklase. " Angil ko sa kanya. Tiningnan ko naman ng masama ang mga echosera kong classmate.

Wala kaming pasok dahil absent ang prof namin sa isang subject, nasayang ang oras ko dun kaya lumabas na ako ng classroom at pumunta na ng cafeteria. Nasa akin na naman ang atensiyon ng mga estudyante pero sanay na ako. Kinawayan ako nila Abby at pumunta naman ako dun sa table nila.

"Kamusta ang pagkikita niyo ni Zach? " Bungad niya sa akin.

" Hindi niya ako pinansin, so I did the same thing. " Walang gana kong sabi sa kanya.

" What? Anong nangyari sa sinabi mo last week na ipaalala ko sa kanya na nag eexist ako sa buhay niya? Akala ko ba mahal mo yun? Bakit wala kang ginagawa to make him remember you? " Sermon niya sa akin. Kung minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko si Abby or Mommy ko kasi dinaig pa niya parents ko kung manermon sa akin.

"I'm doing it. Ang hirap lang kasi kahit sobrang lapit niya sa akin pakiramdam ko milya milya ang pagitan naming dalawa. Ni ayaw nga akong kibuin eh. " Akala ko madali lang na tulungan siyang makaalala pero hindi pala. Back to zero kaming dalawa ngayon.

" They're here with the bitch. " Bulong ni Ayana sa akin. Tumingin ako sa gawi nila na sana hindi ko na lang pala ginawa, nakita ko na mag kahawak kamay silang dalawa ni Natasha. Nag titimpi ako sa galit ko dahil iniisip ko na may amnesia siya.

Then he suddenly cupped her face and kissed that bitch right there, in front of so many people and in front of me. Napatayo ako bigla dahil sa nakita ko. Nagpupuyos ako sa galit, i feel betrayed and cheated on despite the fact that he is not in his proper mind. Pinaupo ako ni Abby at pinaharap sa kanya.

" Don't do it. Not worthy of your time." Pang aalo niya sa akin. But I can't let this pass without getting my revenge.

" You know me, Abby. I will not just sit around watching them flirting in front of me. I am his girlfriend and I have all the fucking right to get angry. " Pinipigilan pa nila ako pero nakatayo na ako at pumunta sa table ng Zion. Nakabuntot naman ang tatlo sa akin.

Tiningnan ako ni Natasha at ngumiti siya sa akin na parang ngiti ng nagbubunyi. I slapped her face, hard. Hindi niya ineexpect na lilipad ang kamay ko at dadapo yun sa makapal niyang mukha. The moment she recovered from her shocked, I gave her another slap.

" What the fuck is wrong with you? " Sigaw niya sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na siya sa sahig.

" Landiin mo na lahat, huwag lang ang boyfriend ko. "Madiin kong sabi.

" I'm not your boyfriend, get the hell out of here. "Dumagundong ang boses ni Zach sa loob ng Cafeteria. Nabaling ang tingin ko sa kanya at sa galit ko hindi na ako nag dalawang isip na sampalin din siya ng sobrang lakas. Na para bang sa pag sampal ko na yun baka sakaling bumalik yung mga alaala niya na nakabaon sa pinaka sulok-sulukan ng utak niya.

" Damn you, Zach! May amnesia ka lang, utak mo lang ang nakalimot hindi ang puso mo. Nawala na ba yung nararamdaman mo para sa akin? Paano babalik ang nawala mong alaala kung hindi mo ako hinahayaan na lumapit sayo at tulungan ka para maalala mo ako? " Sumigaw na rin ako. Hindi ko na alintana yung dami ng tao na nakamasid sa amin. Punong  puno  ako ng galit at selos at hindi ko na kayang mag timpi pa.

"Ikaw naman Natasha, you took advantage of the situation. Malandi ka! " Tinawanan lang niya ang sinabi ko.

" Don't flatter yourself, Skye. Kung talagang minahal ka ni Zach, mararamdaman niya yun. Pero base sa pinapakita niya, obvious naman na hindi ka niya mahal. Ako pa rin ang mahal niya. You see? Naaalala niya ako pati yung feelings niya para sa akin pero ikaw, nakalimutan ka niya just like that. " Sobrang sakit ng mga sinabi ni Natasha na tumutusok sa puso ko. Minahal ba talaga ako ni Zach? Tumingin ako sa gawi niya at nakatingin din siya sa akin pero blanko pa rin ang mukha niya. Walang emosyon na makikita dun.

" Minahal mo ba talaga ako, Zach?" Umiling lang siya. That's my cue to leave. Pero bago pa ako umalis, hinawakan ako ni Abby sa kamay.

" Asshole! You don't deserve, Skye. Tandaan mo ito Collins, bumalik man ang alaala mo pero wala ka ng babalikan na Skye in the future. " After she said that, I left the place.. Broken!

I went home straight away. Kung hindi pa nag busina ang kotse na nakasunod sa akin hindi ko pa namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin. I park my car outside and went inside the house. Nadatnan ko si Stephen na kumakain pero hindi ko na siya pinansin.

" Hey, anong problema mo? Parang pasan mo ang mundo. "Alam niya agad na may mali kasi kadalasan binabati ko siya kapag nadatnan ko siya sa bahay.

" Not now, Stephen. I'm not in the mood. " Tinalikuran ko na siya at agad umakyat sa kwarto ko. Nung nasa kwarto na ako, sinalubong ako ng katahimikan. I feel so empty, sad and broken. Parang gusto ko na makipag hiwalay kay Zach kanina pero ayoko na bigyan ng pagkakataon si Natasha na makipag balikan kay Zach. Damn her!

Abby is calling..

" What do you want? " Bungad ko pag sagot ko ng tawag niya.

" I know that you are hurting right now. Pero girl, we need to attend Sarah's party. Hindi ka pwedeng umayaw dahil umuo kana sa kanya. " Shoot! Nawala sa isip ko na may pupuntahan pa pala akong party tonight.

"Papunta na kami ni Ayana sa bahay niyo. Iinom natin yang badtrip mo. " napailing na lang ako sa sinabi niya.

" Fine, see you later. " Binaba ko na ang tawag at binuksan ang pinto. Kanina pa kasi may kumakatok doon.

"Is it true na nag away kayo ni Zach? " Aleeeeexxxxx.. Sigaw ko sa isip ko. Bruhang yun, nag sumbong na kay Stephen.

"Nag sumbong na agad si Alex sayo? Bruha talaga. " umupo ako sa kama ko at binuksan ang laptop ko.

" Hindi si Alex ang nagsabi. Barkada ko ang nag sabi sa akin. What happened? " Usisa niya. Alam ko hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanya ang totoong nangyari. I know Stephen, makulit siya at nag mana ako sa kanya.

" He kissed his ex in front of us. Kaya sinampal ko silang pareho. Galit na galit ako sa kanila that time. " Himutok ko. I can still feel the anger I felt earlier.

"Haha. I know, wala sa lahi natin na nagpapaapi. We will get even in any way we could. " Tiningnan ko siya ng masama.

Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay para ipaalam na hindi siya makikipagtalo sa akin.

" They deserved that slap. Kulang pa nga iyon kung tutuusin. " Napabuntong hininga ako. Lumapit si Stephen at naupo sa tabi ko.

" Kaya mo pa bang ipaglaban yang nararamdaman mo? Kung ikaw na lang ang lumalaban, itigil mo na. Marami ka pang makikita na mas deserving. " Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos niyang sabihin yun.

" Stop it. "Sigaw ko. I hate it when he do that. But I'm lucky I have a cousin like him. Ngumiti ako sa kanya.

" Thanks Teptep. For comforting me. " Inirapan ako ng bruho. Aba!

" Hoy, may bayad yung pag comfort ko sayo. " Turan niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kung palayasin ko kaya siya sa bahay ko?

" Kung singilin din kita sa pagtira mo dito sa bahay ko? " Tumawa lang siya sa akin. Abnormal talaga.

" Oh siya, aalis na ako. Yung pagkain mo lalamig na yun. Pinahanda ko na yan kay manang. " Bumaba na siya pagkatapos. Sumunod naman ako dahil gutom na rin naman ako.

" Skye, hindi ka pa bihis? " Sigaw ni Abby pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.

" Shut up, Abby! I'm eating. " Sagot ko sa kanya.

" Bilisan mo na dyan, 7pm ang start ng party ni Sarah. " Reminding me again. Tinapos ko na ang kinakain ko at umakyat na ulit sa kwarto para mag ayos. I'm wearing a white crop top na tenernohan ko ng black leggings and a white adidas shoes. Ayoko mag suot ng stilleto dahil ako din ang mag suffer mamaya.

" Let's go girls. " Aya ko na sa kanila. Sakto na palabas na kami ng bahay saka naman lumabas ng kwarto si Stephen.

" Saan na naman kayo pupunta? " Tanong niya sa akin. Hinahanap niya yata si Alex pero hindi siya kasama.

" Sa party ni Sarah, don't worry wala si Alex ngayon. Sige na, aalis na kami. " Tumalikod na ako at dumiretso na sa kotse ni Abby. Siya ang nakatoka na mag drive ngayon. Alternate kasi kami sa pag drive para fair.

" I remember, nakita ko kayong nag uusap ni Ethan Araneta last time sa ClubRep. Himala na nakipagusap ka sa ibang lalaki. " Untag ni Ayana.

" Ang gwapo niya ha? Suplado daw yun sabi ng source ko. " Dagdag pa niya.

" Gwapo siya pero suplado? Not really. Kinausap naman niya ako ulit kahit tinatarayan ko siya. "Kibit balikat kong sagot.

" Whaat? Rumored kaya na suplado siya. Baka sayo lang siya mabait. " Ngiti niya at tinukso na ako kay Ethan.

"Baliw! My boyfriend ako--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na si Abby.

" Na wala namang naaalala tungkol sayo. Boyfriend mo siya pero kinalimutan ka not intentionally pero nakakabwisit siya. " Sabat ni Abby. Panira talaga itong bruha na to. Parang may period kung mambara eh.

" Whatever! " Tumahimik na lang ako kesa makipagtalo kay Abby kasi may point naman siya.

" We're here. " Anunsiyo niya after ng mahabang katahimikan. Malayo pa lang kami sinasalubong na kami ni Sarah.

" Girlsss. "Tili niya.

" I'm glad you made it. Magtatampo talaga ako kung hindi kayo dumating. "Nakipag beso beso kami sa kanya. Inakay niya kami papasok sa venue. Lumingon naman lahat na madadaanan namin pero deadma lang kami.

" Balita ko may amnesia ang boyfriend niya at kinalimutan siya nito. " Bulong ng tsismosang palaka sa katabi niya na dinig na dinig ko naman. Hindi naman ako pumapatol sa mga kagaya niya pero pag ganito na imbyerna ako, wala akong sinasanto.

" Tsismosang babae, para sa kaalaman mo, magkaiba ang kinalimutan sa hindi maalala. Know the difference, okay? Hindi porket okay lang maging bobo ay araw arawin mo na. " May dumaan na waiter na may dalang tray ng mga drinks. Kinuha ko ang isang basong juice at binuhos ito sa babae.

" Oopss, natapon. Sorry ha, hindi ko sinasadya na buhusan ka ng juice. " Napatanga ang babae at mga kasama niya sa ginawa ko. I know, I crossed the line. Can you blame me?

"Seriously Skye, do you really have to do that? Sobra na yung ginawa mo kanina. " Sermon ni Abby. Hinarap ko siya.

"You are not my mother, Abby. Stop lecturing me. You know me well, I don't like people talking shit behind my back. " Kinuha ko ang isang shot glass na may laman na alak at ininom ko ito.

" Sorry Skye, another third wheel. " Hinging paumanhin ni Sarah sa akin.

" Hindi mo kailangan mag sorry sa akin Sarah. Wala kang ginawa. " Iniwan kami sandali ni Sarah at pumunta siya sa ibang mga bisita niya.

" Hey, nandito ka rin pala? " It was Ethan, holding a glass of hard drink. Lumapit naman si Ayana sa tabi ni Ethan.

" Nandito ka nga din, diba? " I'm not sarcastic, binara ko lang siya ng kunti.

"The famous Skye. " tumawa siya sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Hi Ethan, I'm Abby. "

" I'm Ayana. " Pakilala nila isa isa kay Ethan.

"I know you guys. You are famous in our school. The Ace Goddess. "

" Sa Branston ka rin pumapasok? "Hindi ko alam na dun din pala siya pumapasok. Kaya naman pala tuwing party ni Sarah nakikita ko siya.

" Can I join you guys? " Tanong niya sa aming tatlo. As if naman may choice ako na itaboy siya, nakapalibot na sa kanya ang dalawa at nakikipagusap na. Kumuha ako ulit ng isang shot ng tequila at ininom ko ito agad. Sarap sa pakiramdam yung hagod ng tequila sa lalamunan.

"Whoa, dahan-dahan lang sa pag inom. Mahaba pa ang gabi. " Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Pakialamero!

" Wala akong balak na mag stay dito ng matagal, kaya nilulubos lubos ko na ang pag inom. " Napasipol siya sa sinabi ko.

" Sabi ko nga eh. " Napakunot noo naman ako sa kanya saka binaling na sa iba ang tingin ko. Then I caught him staring. Zachary Collins. Sinundan naman ng tingin ni Ethan yung tinitingnan ko.

"Your boyfriend is looking here. Aren't you going to approach him? " Untag niya sa akin.

"Why would I do that? He cheated on me, earlier. " Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun sa kanya. We're not close and we're not even friends.

"What? Did he really do it? " Tumango ako sa kanya. " What an asshole. " Dugtong niya. Umalis siya sandali at pumunta sa table para kumuha ng food. Ibinigay naman niya ito sa akin. Tiningnan ko lang ito pero hindi ko tinanggap.

" Don't worry, wala yan lason. It's safe to eat. "Ngumiti siya ng nakakaloko. May pagka abnormal din pala itong si Ethan.

Nilapag niya sa table ang plato na may laman na pagkain.

"Bakit hindi ka mag ikot at makipagkilala sa mga babae dito? For sure naman maraming nagkakandarapa sayo dito. " Kanina ko pa kasi nakikita yung mga babaeng nakatingin sa amin at parang gusto na nila akong sabunutan dahil sa katabi ko na lalaki. Kasalanan ko ba kung ako ang nilapitan ng mokong na to?

" Ah, those girls are just for one night stand only. I don't date those kinds. " Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. Nakipagtitigan ako sa kanya pero binawi ko rin ang tingin ko. Bwiset, matutunaw na ako sa kanya.

"Ayaw mo sa kanila pero nagtitiis ka sa pakikipag usap sa akin. " He chuckled.

"Wala naman masama kung kausapin kita diba? " Ngumiti siya ng sobrang lapad na animoy nag eenjoy sa pakikipag usap sa akin. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko at nilagay sa tenga ko. Bigla naman akong nag blushed sa ginawa niya.

" Tingnan nga natin kung magseselos ang boyfriend mo. " Bulong niya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na kung titingnan sa malayo parang hahalikan niya ako. Nagulat naman ako dahil sa narinig ko na nabasag na baso. Napalingon ako kay Ethan at ang loko tuwang tuwa sa nakikita niya. Napatingin ako sa tinitingnan niya pero nakita ko ang papalayong si Zach at hinahabol siya ni Natasha. May basag din na baso sa  sahig.

Lumapit sa amin si Zander at Zandro na walang bakas ng emosyon.

" May nagseselos yata sa ginagawa niyo. " Anas ni Zander. Napatanga naman ako sa sinabi ni Zander. What the hell?

" Wala naman kaming ginagawa at nag uusap lang kami ni Ethan. " Tahimik lang si Ethan at nakikinig sa amin.

" Nag uusap nga kayo pero kung titingnan kayo kanina sa kinatatayuan namin, para kayong nag hahalikan na dito. " Nagimbal ako sa sinabi ni Zander. Nag selos si Zach? Imposible!

" I told you. "  Sabi ni Ethan kasabay nun ang pagtawa niya ng malakas. Parang baliw lang.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.