Chapter 28

ZACH'S POV

" Bro, anong mayroon at dito pa tayo sa bahay niyo iinom? " Tanong ko kay Zandro.

Hinahanda na namin ang mga gagamitin sa inuman session namin para mamaya. Wala akong naaalala na may okasyon kaya nagtataka ako na bigla bigla na lang siya nag aya na uminom.

" Dapat ba tuwing may okasyon lang ako mag aya na uminom tayo dito sa bahay? " Abalang abala siya sa pag aayos ng mesa na gagamitin namin.

" Bakit dito pa? Pwede naman tayo uminom sa ClubRep. " Suhestiyon ko.

" Ayaw mo ba dito? Wala ako sa mood pumunta ng ClubRep at maging yaya ni Zander. " Bigla naman umangal si Zander.

"Tangina, ako na naman ang nakita mo. " IBinato niya ang hawak niyang plastic cups kay Zandro.

" Totoo naman eh, tuwing mag bar tayo ako lagi ang taga bantay mong kupal ka. " Tinaas naman ni Zander ang middle finger niya kay Zandro.

Silang dalawa ang laging nag aaway sa grupo namin. Para na kaming magkapatid at kilala na namin ang isa't isa kaya normal na sa amin yung ganitong eksena.

Biglang tumunog ang doorbel nila Zandro kaya napalingon ako sa pinto. Since ako ang pinaka malapit sa pinto kaya ako na ang nag bukas nito. Pero nagulat ako na makitang nakatayo doon si Skye at ang mga kaibigan nito.

" Yes? May kailangan kayo? " Tanong ko sa kanila nung makabawi na ako sa pagkagulat ko.

" Zandro, invited us here. " Ngumiti siya sa akin pero hindi ako nagpaapekto sa ngiti niya.

" Bro, papasukin mo sila. I forgot to inform you na pupunta din sila dito. " Tiningnan ko ng masama si Zandro.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba ito or talagang nakalimutan niyang sabihin sa akin. Kasi kung alam ko na darating sila dito sana hindi na ako pumunta.

Tumabi ako para makapasok sila sa loob ng bahay. Nahuli ko ang pag ngisi ni Zandro kaya tinaas ko ang middle finger ko sa kanya saka napailing na lang.

" Skye, I'm glad you made it. "Lumapit si Zander sa kanya. Hawak niya ang kamay ni Skye at inakay niya itong umupo sa tabi niya.

Nang makita ko na hawak ni Zander ang kamay ni Skye biglang uminit ang ulo ko. Parang gusto kong hilahin palapit sa akin si Skye. Pero bakit? What's wrong with me? Kumuha ako ng isang bote ng beer at tinungga ito. Napatingin naman si Zander sa akin pero hindi mawala ang ngisi ng gago. Kating kati akong basagin ang mukha niya. Tangina!

" Bro, maaga pa. Dahan dahan lang sa pag inom. " Paalala ni Zandro sa akin.

" Gago, sanay akong uminom. Don't mind me. " Sagot ko sa kanya.

Nabaling ang paningin ko kay Skye and I caught her staring at me. Nakatingin ako sa kanya pero agad din ako nagbawi ng tingin. I can't looked straight to her eyes. Pakiramdam ko hinihigop ako nito sa kawalan.

" Bro, simulan na natin ang inuman. " Anas ni Zandro.

" Sinimulan ko na nga eh. " Sabi ko sa kanya.

Naka tingin lang ako kay Skye pero wala akong gaanong emosyon na pinapakita sa kanya. Kinakausap siya ni Zander at may binubulong sa kanya ang kupal. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang selos na hindi naman dapat. Ayoko na isipan yung sinasabi nila na girlfriend ko daw siya, kasi kung naging kami nga, bakit hindi ko siya maalala?

" Guys, gawin natin yung game na Truth or Dare. " Suhestiyon ng kaibigan ni Skye.

"Pass ako dyan, kayo na lang maglaro. " Tumanggi ako kaagad.

" H'wag ka ngang KJ dyan, Zach. Sasali ka sa ayaw at sa gusto mo. " Inirapan niya ako pagkatapos.

" Sige na bro, pantanggal boredom lang naman ito. " Pamimilit ni Zandro.

" Fine! Sasali na ako. "Tumingin ako sa gawi ni Skye pero kinakausap niya si Zander. Biglang nag ring ang cellphone niya. Lumayo siya ng kaunti at sinagot niya ang tawag.

" Baka matunaw na yan sa kakatitig mo. "Bulong ni Zander. Binaling ko naman sa kanya ang tingin ko.

" Gago! Hindi ako nakatingin sa kanya. " Depensa ko kahit nahuli niya akong nakatingin talaga kay Skye.

Bumalik na sa pagkakaupo niya si Skye at pasimple niya akong tinapunan ng tingin at pinag patuloy ang pakikipag usap niya kay Zander.

" Okay, truth or dare lang ang isasagot kung sino matatapatan ng bote. Pag nag truth ka at hindi mo sinagot ng totoo ang tanong, iinom ka ng alak. Kapag dare naman at hindi mo ginawa ang dare, iinom ka din ng alak. Game na. "  Mahabang litanya ni Abby.

Pinaikot na niya ang bote at nung tumigil na ito sa pag ikot tumigil ito kay Zandro.

"DARE! " Sigaw ni Zandro. Tangina, ang lakas ng boses. Kung makasigaw akala mo nasa kabilang bundok ang kausap.

" Mag dirty dancing ka sa harap ni Abby. "  Utos ni Ayana, yung isa pa nila na kaibigan.

Tumayo naman si Zandro at game na game na sumayaw sa harap ni Abby. Sobrang namumula naman si Abby dahil sa sobrang hiya siguro.

" That's enough. Mukhang enjoy na enjoy ka ah. "Tinulak niya pabalik sa kinauupuan niya si Zandro.

Pinaikot na naman nila ang bote at tumapat ito kay Skye. Nag hiyawan naman ang mga kasama ko dito.

" Dare! "Sabi niya kahit di pa tinatanong ni Zandro.

" Kiss the guy you love. " Napatingin naman siya sa akin at bigla naman uminit ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung epekto ng alak or yung way ng pagtitig niya sa akin.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakatayo na siya sa harap ko at sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ako mapakali dahil sa presensya niya at sobrang lapit niya sa akin.

" Sorry, napag utusan lang. " Ngumiti siya sa akin pero nakatitig lang ako sa mga mata niya.

She closed the gap between us and claimed my lips. I was stunned. I didn't know how to react. Pakiramdam ko  ilang libong boltahe ng kuryente ang sumakop sa buong katawan ko. Parang niyanig ang sistema ko. Mabilis lang ang halik na ginawa niya pero pakiramdam ko nalunod ako sa ginawa niya. Her kissed was way different than Natasha.

Bumalik na siya sa pagkakaupo niya pero yung init ng pakiramdam ko hindi parin humuhupa.

" Zach, ikaw na. Truth or Dare? "  Sabi ni Skye.

Tiningnan ko lang siya pero hindi ako nag salita.

"Truth or Dare? " Ulit niya. Tinapik ako ni Zandro.

"Bro, truth or dare? Parang lutang na lutang ka ah. "Sumilay ang nakakainis na ngisi niya.

" Truth. " Yun na lang nasabi ko dahil ayoko ng dare. Ayokong utusan nila na gawin yung mga kagagohan nila.

"Mahal mo ba ako? " Napatda ako sa tanong niya. Pwede ko naman na sabihin na hindi ko siya mahal pero may parte sa puso ko na hindi sumasang-ayon.

Kinuha ko ang alak at ininom ito ng straight. Nakatitig lang siya sa akin na animoy hindi makapaniwala na hindi ko sinagot ang tanong niya.

" Boooo. Ang boring mo naman Zach. "Kantiyaw nila sa akin. Napailing na lang ako sa kanila.

NATASHA IS CALLING..

Tumayo ako at lumabas para sagutin ang tawag ni Tasha. Masyado kasing maingay sa loob baka hindi kami magkarinigan.

" Tasha, napatawag ka? " Bungad ko sa kanya.

" Wala na ba akong karapatan na tumawag sa boyfriend ko? " Paglalambing niya sa akin.

" Bakit nga? "

"I'm bored. Labas naman tayo. " Buong Linggo na kaming magkasama hindi ba ito nagsasawa sa pagmumukha ko?

" Lumabas ka with your friends. Halos araw-araw mo na akong kasama. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko?"

"Sige na babe, samahan mo na ako. " Pamimilit niya. Pero tuwing tinatawag niya akong babe, may parte sa puso ko na gustong mag disagree sa kanya.

"I'm sorry but I can't. Nandito ako sa bahay ni Zandro ngayon. Umiinom kami. Next time na lang. " Umingos lang siya sa sinabi ko.

" Fine, but next time sasamahan mo na ako. " Naiimagine ko ng nakasimangot siya. Napangiti ako sa iniisip ko.

"Bye Tash. " Binaba ko na ang tawag at pumasok na ulit sa loob.

Pagdating ko sa loob bigla silang natahimik pero hindi ko na lang pinansin. Nakita ko naman si Skye na namumula na at medyo tipsy na. Umupo ako sa tabi ni Zandro at kinuha ko ang bote ng beer at ininom ito.

" Si Natasha na naman yun no? " Tanong ni Zandro. Tumingin naman ako kay Skye at nakatingin din siya sa akin. Nakaguhit ang lungkot sa mga mata niya. Was it my fault?

" Zach, can I talk to you? " Tanong ni Skye sa akin. Siniko naman ako ni Zandro dahil nakatingin lang ako sa kaharap ko.

" What for? Wala naman tayong dapat na pag usapan. "Malamig ko na sabi sa kanya.

" P-please, kahit sandali lang. " Pakiusap niya sa akin.

"Fine, follow me. " Nagpatiuna na akong lumakad at binabagtas ko ang daan patungo sa may hardin. Nakasunod naman si Skye pero tahimik lang siya. Pinipilit kong alalahanin kung kailan at paano kami nagkakilalang dalawa. The more na pinipilit ko na alalahanin ang nawawala ko na mga memorya mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

"Z-Zach.. " Lumingon ako sa kanya.

"Anong gusto mong pag usapan natin? Dahil wala akong naaalala na tungkol sayo o sa ating dalawa man. " I know it may sound harsh but I'm just being frank.

" Bakit hindi mo nasagot ang tanong ko kanina kung mahal mo pa ba ako? Mahirap ba yun sagutin? " Nakatingin siya sa mga mata ko pero ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Wala akong maalala na tungkol sa kanya pero bakit parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko siyang nasasaktan?

" You want my answer? Okay! Hindi ko sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo, dahil wala akong memorya na tungkol sayo or sa ating dalawa. "Prangka ko na sabi sa kanya. Nagbabadya ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Alam ko hindi mo kasalanan na mawala ang alaala mo. Hindi mo kasalanan na hindi mo ako maalala. " Umalpas ang butil ng luha na pinipigilan niya.

" Ayaw kitang sukuan dahil wala ka namang kasalanan sa lahat ng ito, pero tangina Zach, tao lang din ako na may hangganan ang lahat. Mahal kita pero nasasaktan na ako ng sobra. " Ang luhang pinipigilan niya mula pa kanina unti-unting nag bagsakan. Parang pinipiga ang puso ko na makita siya na umiiyak. Gusto ko siyang aluin pero may pumipigil sa akin. Ayoko na bigyan siya ng false hope.

" I'm sorry! " Pinanatili kong blangko ang mukha ko. Mas mainam na isipin niyang wala akong pakialam sa nararamdaman niya kesa umasa siya sa akin.

Ngumiti siya ng mapakla sa akin. Pinunasan niya ang mga mata niya na hilam sa luha.

"I'm breaking up with you, Zach. This is the last time na kakausapin kita, after this wala ka ng maririnig sa akin. Sinagot kita noon cause I want to give myself a chance to be happy again. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, ayaw niya yata akong maging masaya. " Tumalikod na siya sa akin pero hindi pa siya nakakalayo ay muli siyang bumalik sa harap ko at sinampal ako. Napatda ako dahil hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako.

" I just want to get even. Sinaktan mo ako kaya yan ang ganti ko sayo. " Saka tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Nanatili lang ako sa labas dahil hindi pa ako naka recover sa pagsampal niya sa akin. Hawak-hawak ko parin ang pisngi ko na sinampal niya. Para akong nanghihina sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Lumabas si Zandro at nilapitan niya ako. Tinapik niya ako sa balikat at umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang bro? "Tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

" Tangina bro, sinampal niya ako. "

Natawa naman siya sa sinabi ko.

" At least sampal lang inabot mo. Mas masakit sa part niya kasi hindi mo siya maalala. " Pailing-iling niyang sabi.

"She broke up with me. Kahit wala akong maalala na naging kami pero pakiramdam ko sobrang bigat din ng nararamdaman  ko ngayon. " Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto kong mag-wala pero mag mumukha akong tanga dito.

" Wala na tayong magagawa dun. Nasaktan mo kasi talaga siya kahit sabihin natin na hindi mo sinasadya. " Huminga ako ng malalim. Kumikirot na naman ang ulo ko pero hindi ko pinapahalata kay Zandro.

" Nasaan na siya ngayon? " Tanong ko sa kanya. Pero nakahawak na ako sa sentido ko.

" Umalis na sila. Umiiyak si Skye nang pumasok siya kaya nag decide na sila na umuwi. " Lumingon siya sa gawi ko at napapikit na ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko. " Bro, okay ka lang? Sumasakit na naman ba ang ulo mo? " Tanong niya pero bakas sa mukha niya ang pag-alala.

Pumikit ako  ng mariin at pinakalma ko ang sarili ko. Unti-unti naman na nawawala ang kirot ng ulo ko.

" Okay lang ako. Sumakit na naman pero hindi naman ako nag iisip ng sobra. "

"Hoy, bakit kayo nandito? " Sigaw ni Zander. Kupal talaga kahit kailan.

Binato siya ni Zandro ng tsinelas niya pero nakailag naman ito. Napamura naman si Zander sa ginawa niya.

" Sayang kayong dalawa ni Skye. Pero ano ba ang magagawa natin? Baka hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. " Wika ni Zander.

" Minsan kasi sa buhay natin hindi talaga maiwasan yung mga ganitong unexpected turns of event. " Aniya ni Zandro.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Nasapo ko ang ulo ko dahil bigla itong sumakit. Huminga ako ng malalim pero hindi mawala ang sakit nito.

" Zach, masakit ba ang ulo mo? Tawagan ko si Tita Zeny. " Wika niya.

Pero pinigilan ko siya dahil ayoko mag alala si Mommy.

" No need Zandro, mawawala din ito maya mayang kunti. " Napapikit ako dahil sobrang sakit nito na para bang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

" Bro, inumin mo muna itong gamot baka sakaling mawala yung sakit ng ulo mo. "Binigay ni Zander yung gamot at tubig. Agad ko naman ito na ininom.

Unti-unti naman na nawawala ang sakit ng ulo ko kaya nagpasya na akong umuwi na sa bahay.

" Bro, alis na ako. Magkita na lang tayo sa sa school. " Paalam ko sa kanya. Nauna nang umalis si Zander dahil susunduin niya pa ang parents niya sa airport.

"Sige bro, ingat ka. " Ani ni Zandro.

PAGDATING ko sa bahay sinalubong ako ng nag aalalang mukha ni Mommy. Tinawagan siguro siya ni Zandro kanina to inform her my condition.

" Iho, dumadalas na ang pagsakit ng ulo mo. Gusto mo ba na bumalik tayo sa Doctor mo para malaman kung ano ang reason bakit sumasakit ang ulo mo? " Hinalikan ko si Mommy sa noo habang yakap-yakap niya ako.

" Ma, no need. Baka sign na ito na malapit na bumalik ang mga nawawala ko na memories. " I had to assure her otherwise she will insist to visit my Doctor. As much as possible ayoko siya na mag worry dahil matanda na rin siya and she has to look after herself as well.

" Sige iho, just tell me kung sumakit na naman ang ulo mo. " Tumango ako sa kanya at nagpaalam na ako na papasok na sa kwarto.

Nag bihis ako at nahiga sa kama ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"I love you, Zach. " Pinipilit ko na tingnan ang mukha ng babaeng nasa harapan ko pero blurred ito. Hindi ko alam kung sino siya.

"Zach, whatever happens, know that I love you always." Tinalikuran na niya ako at lumakad palayo sa akin. Pilit ko naman siyang hinahabol pero palayo ang distansya naming dalawa.

" Miss, wait up. Gusto ko lang malaman ang pangalan mo. " Lumingon naman siya at nag wave sa akin. Malapit ko na siyang maabutan pero bigla naman akong nasilaw sa liwanag na galing sa likuran niya. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay dahil sobrang liwanag at halos wala akong makita.

"Zach.. "  Tinanggal ko na ang kamay ko sa mukha ko pero wala na dun ang babae sa harap ko.

"Zach.." Hinahanap ko yung boses na tumatawag sa akin pero hindi ko makita ang tumatawag sa akin. Pamilyar ang boses, parang narinig ko na ito dati pa.

"Mahal na mahal kita, Zach. " Unti unting humina ang boses hanggang sa mawala na ito. Sobrang bigat ng damdamin ko at hindi ko napigilan na bumagsak ang mga luha ko.

Napabalikwas ako ng bangon. Shit! Panaginip lang pala pero parang totoo dahil ramdam na ramdam ko pa rin yung bigat sa puso ko na para bang may nakadagan doon. Hinawakan ko ang mukha ko at basa ito na parang kagagaling ko lang sa pag iyak. What the hell! Sino ba ang babae na iyon at bakit lagi ko siyang nakikita sa panaginip ko?

Baka isa siya sa mga alaalang nawala at pilit na bumabalik. Whoever she is, I know that I love her. Ramdam ko iyon sa kaibuturan ng puso ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.