Chapter Chief Engineer

Sa isa sa bago at kilalang superclub ng Long Beach nagpunta sina Coleen at iba pang matataas na opisyal na nagtatrabaho rin sa barko kasama ang ilan sa crew nito. Masayang masaya ang mga ito habang ang iba naman ay sumasayaw at ang iba ay umiinom ng ilan sa kilalang alak dito. Kaya kahit ayaw ni Coleen ay napilitan na rin siyang uminom kahit konti bilang pakikisama sa mga ito.

Umupo na lamang siya sa isang tabi kasama ang iba pang kilalang officers ng barko habang nakikipag kwentuhan sa mga ito. Halos alas nuwebe na rin ng matanggap niya ang tawag galing kay Captain Mondragon kaya naman nagpaalam muna siya saglit sa ibang kasama para lumabas. Masyado kasing maingay sa loob ng bar at di niya maririnig ang kausap. Pagkalabas naman ay agad niyang sinagot ang tawag nito.

"Sir nakarating na po ba kayo sa hotel na sinasabi niyo?" Agad na tanong niya dito dahil medyo nag alala siya dahil ngayon lang siya nito tinawagan.

"Kanina pa hija, andito na nga kami ng anak ko sa barko eh. Nako kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa biglang pag sorpresa sa akin ng batang ito." Dinig na dinig ni Coleen kung gaano kasaya ang matanda sa pagbalita sa kanya.

"Your daughter is with you Sir? Wow! Masaya po ako para sa inyo.. Dapat po namasyal muna kayo habang magkasama kayo.. Saka susunod po ba kayo dito?" Tanong ni Coleen dito.

"Di ko rin alam hija eh. Saka mukhang pagod ang anak ko. Baka siguro hindi na, anong oras kaba makakabalik dito para naman makilala mo ang unica hija namin ng Tita mo?"

"Di ko masasabi Tito kung makakabalik kami ng maaga e, medyo nakainom na rin kasi sila at di rin naman ako papayagan ng mga itong bumalik ng mag isa dyan. Pero kung pagod po ang anak niyo mas mabuti pong pagpahingahin mo muna siya. Bukas naman wala akong gagawin at ako na mismo ang maglilibot sa kanya sa buong vessel." Nakangiting alok nito kay Joaquin.

"Nako salamat hija ha, bukas din kasi busy ako dahil may mga aayusin ako.. Sige mag enjoy muna kayo at magkkwentuhan muna kami dito." Natutuwang paalam ng matanda kay Coleen.

Pagkatapos ng paalaman nila ay bumalik na rin si Coleen sa loob at itinuloy ang pakikipagsaya kasama ang mga katrabaho niya.

JANE'S POV

Pagod na pagod ako sa tuloy tuloy na byahe ko para lang umabot sa date na sinabi ni Mommy. Semestral break kasi at nagkataon na nandito ang Cruise ship nina Daddy sa California kaya naman naisip ko na isurprise si Daddy sa tulong ni Tita Janice at Mommy.

Kaya heto ako ngayon, kasama ko na si Daddy dito sa barko niya. Kanina pa kami walang putol ang kwentuhan sinula ng sunduin niya ako sa hotel. Two days lang din ako dito dahil sa bahay naman ni Tita Janice ang punta ko para mamasyal, may bahay kasi yun malapit dito. Isa pa, sabi ni Daddy pupunta daw sa laot ang barko at di ako makakapasyal pag nagkataon.

"Anak, sigurado kabang di kana kakain? Pwede akong magpaluto ng pagkain mo." Sabi ni Daddy pagkapasok niya ng cabin niya galing sa labas, may tinawagan lang daw ito.

"Im full Dad, saka nag eenjoy pa ako dito sa room mo. Bakit kanina parang wala gaanong tao sa mga nadaanan natin?"

"Ahhh sa seaman's quarter? Dun tayo dumaan kanina. Wala talaga sila dahil alam mo naman na kakadating lang din namin nung nakaraan kaya sinusulit pa nila. Ayun, baka lasing na ang mga yun dahil umiinom sila sa isang bagong bar daw dito." Sagot naman ni Daddy sa akin habang may binabasang papel.

"Anyway anak, maglibot libot ka muna dito ha, pero wag kang lalayo dahil di mo pa alam ang pasikot sikot dito. May dapat lamang akong asikasuhing importante."

"If ever medyo malito ka at may masalubong kang crew, sabihin mo lang ang pangalan ko at ituturo ka ng mga yun. Basta wag kang masyado lumayo." Bilin ulit ni Daddy.

"Dad, ginagawa mo na naman akong bata. Gawin mo na nga muna yan. I can handle myself.. Saka madali lang naman magtanong eh.. Di naman ako mawawala." Natatawang sabi ko.

"Ikaw talaga anak, basta babalik ako agad. I love you..." At hinalikan ako ni Daddy bago siya tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Lumibot ako sa buong kwarto ni Daddy, malaki rin pala ito at parang kwarto din sa isang exclussive hotel. Kumpleto ang gamit at halatang mamahalin ang bawat nakadikit o kagamitan sa loob nito.

Nang magsawa na ako sa paglibot sa kwarto ni Daddy ay lumabas na ako at dahan dahang naglakad sa pasilyo. Nabasa ko ang bawat pangalan sa kada pinto na nadadaanan ko. Sabi ni Daddy ay kwarto daw ng may matataas na katungkulan dito ang lahat ng kwartong madadaanan ko. Sa baba naman daw ang sa regular crews.

Naaliw ako sa pagbabasa sa pangalan sa bawat pinto na madaanan ko ng mahagip ng mata ako ang isang pintuan.

               Chief Engineer

            Coleen Brylle Castro

Yan ang pangalan ng may ari ng kwartong yun. Di ko alam kung bat biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko habang nakatayo sa kwartong yun.

Bigla ding nagflashback sa utak ko ang babaeng hinding hindi ko makakalimutan kahit matagal ko ng di nakikita.

Si Coleen...

Naging malapit ako sa pamilya niya, lalo na kay Tito Enrique at Tita Lucia. Tuwang tuwa ito sa akin kapag dumadalaw ako sa kanila kapag wala akong pasok. Parang anak na nga ang turing nila sa akin. Pero kahit ganun, wala pa rin akong nakuhang information about Coleen.

Basta ang sabi nila nasa ibang bansa ito at may trabaho, bihira lang daw talaga silang tawagan nito. Di na rin naman ako nagtanong pa at kinulit sila tungkol kay Coleen dahil ayokong makahalata sila.

Bago pa nga ako umalis at sabihin ko na pupunta ako dito ay dumaan pa ako sa kanila para magpaalam. Napakabait ng mag asawang Tan sa akin kaya nakonsensya ako sa ginawa kong pagpapanggap na close at matagal na kaming magkaibigan ni Coleen.

Kaya naman di na rin ako gaanong nagpunta nun sa kanila at inaliw ko na lang ang sarili ko sa tulong ng mga kaibigan ko.

Bat ko ba iniisip si Coleen. Naiinis na sita ko sa sarili ko.

Bat naman kasi may kapangalan pa si Coleen dito, sa apelyido lang nagkaiba dahil Tan ang surname ng babaeng matagal ko nang gustong makita.

Nandito ako sa barko para magbakasyon at malibang. Di ko muna siguro dapat isipin ang babaeng yun.

Bumuntong hininga na lamang ako at nilagpasan ko na lang ang pinto saka itinuloy ang paglilibot libot dito sa barko. Pilit ko na lang siyang inalis sa isip ko habang nagmamasid sa bawat magagandang bahagi ng barko.

Sa lawak ng Cruise ship ay halos di ata ako umabot ng kahit ikaapat na bahagi nito dahil napagod rin ako kakalibot at kakakuha ng picture sa bawat madaanan ko. Muntik pa akong maligaw buti na lamang at may Pinoy na crew akong napagtanungan kaya ngayon ay naglalakad na ako pabalik sa kwarto ni Daddy na itinuro niya. Nalito rin kasi ako dahil halos magkakamukha ang ibang kwarto dito pati na ang iba pang bahagi ng barko.

Bawat naman madaanan ko ay puro ngiti ang sinasalubong sa akin. Yung iba pa ay nakikipagkilala kaya maayos din naman akong nagpakilala bilang anak ng Captain nila. Tuwang tuwa pa nga sila dahil nakilala daw nila ako, at pinuri pa nila na sobrang bait daw ni Daddy.

Natuwa din ako dahil sa bait ng ilan sa mga crew nila dito. Kaya medyo naiintindihan ko kaya nalilibang si Daddy dito. Iba talaga kapag mga Pinoy, magaling kasi sila makipag usap at makipag kaibigan di gaya ng iba na tataasan kapa ng kilay o di kaya ay di ka papansinin.

Bago pa ako makapasok ng kwarto ni Daddy ay nakita ko siyang papalapit na may mga kasama. Pinakilala niya ako sa mga ito na nagtatrabaho din daw doon kasama niya. Wala daw sila kanina dahil galing daw sila sa baba at namasyal. Siguro sila na yung kinukwento ni Daddy kanina na uminom daw na kasama niya dito na malapit sa kanya.

"Captain, napaka ganda naman po ng anak niyo. Mabuti po at nakarating siya dito. Nice meeting you hija." Bati sa akin ng nagpakilalang Chief mate na may kaidaran na rin. Ngumiti naman ako dito bilang tugon saka nakipagkilala.

Medyo natagalan rin ang kwentuhan namin dahil makukulit sila at ikinwento na rin ang ibang nakakatuwa nilang experience kasama si Daddy.

"Oo nga pala, di ba kasama mo si Chief Engineer, nasaan na sila?" Narinig kong tanong ni Daddy.

"Nako sir nagpaiwan, uubusin pa raw nila yung natitira eh. Saka nauna na kami ni Buson dahil tatawag si Misis. Alam mo naman yun." Sagot lang nito.

"Baka naman malasing yun, marami pa sila dun? Saglit nga at ng matagawagan ko." May himig na pag aalala sa boses ni Daddy.

Sino ba yung Chief Engineer na yun, concern na concern naman ata si Daddy dun.

Napansin ko na may kausap na si Daddy at seryoso ito habang palakad lakad. Nakatingin lang naman ako kay Daddy hanggang matapos ang usapan nila at bumalik siya sa pwesto namin.

"Okay naman daw siya, di daw sigurado kung uuwi dito dahil baka maghotel nalang daw muna siya at maaga nalang bumalik dito." Daddy.

"Wag niyo na po isipin yun si Chief Engineer, kaya niya na po yun. Kilala niyo naman yun. Saka baka kailangan niyo na rin magpahinga Cap, gabi na rin eh.."

"Oo nga eh, sige mauuna na kami ng anak ko ha, magpahinga na rin kayo dahil may mga gagawin pa tayo bukas." Paalam ni Daddy sa kasama niya bago kami pumasok ng kwarto niya.

"Anak marami akong babasahin pang report at kailangang pag aralan para bukas. Di naman uuwi si Coleen kaya sabi niya okay lang daw kung dun kana muna matulog sa cabin niya." Nakangiting sabi ni Daddy habang may hawak na papel sa kabilang kamay.

"Coleen?" Biglang kumabog ang dibdib ko sa pangalang binanggit ni Daddy.

"Oo, yun ang pangalan ng Chief Engineer namin. Wag kang mag alala, mabait yun. Isa pa kumpleto sa kwarto niya kaya sabi niya okay lang daw na dun ka muna at okay lang daw na gamitin mo ang ilan sa gamit niya. Di naman daw siya uuwi kaya dun kana raw matulog. Baka din kasi maistorbo ka dahil may kailangan pa akong tapusin." Paliwanag ni Daddy.

Nadidistract talaga ako sa kapangalan ni Ćoleen. Sa dinami dami naman kasi ng pangalan e nakapangalan niya pa ang isang kasama ni Daddy dito.

"Okay Daddy, pero mamaya na siguro ako pupunta dun kapag inaantok na ako. Dito muna ako, namiss kita eh." Paglalambing ko kay Daddy. Niyakap naman ako ni Daddy at nagkwentuhan kami habang magkayakap.

Namiss ko talaga si Daddy, almost 15 months ko ring di nakasama si Daddy. Puro skype lang o sa telepono kami nag uusap dahil sobrang busy niya at nasa malayo pa. Kaya habang nandito ako susubukan kong makabawi sa kanya, dati kasi napapadalas ang pagtatalo namin dahil sa pagiging pasaway ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.