Chapter Exactly

"Titigan mo lang ba yan?"

Halos mapatalon si Jane sa gulat ng biglang magsalita si Charlotte sa gilid niya. Di kasi niya namalayan na dumating ito dahil na rin sa malalim na pag iisip niya sa kung sino ba talaga ang laging nagpapadala sa kanya ng mga red roses na halos tatlong beses sa isang linggo. Halos memorize na nga niya yung oras o araw na darating ito na kung hindi iaabot sa kanya ng guard ng school na pinapasukan niya ay delivery boy naman.

Ilang beses na niyang pinilit paaminin ang guard nila kung saan o sino ang nagpapabigay ng mga bulaklak pero tikom parin ang mga bibig nito. Kahit yung delivery boy ang tinatanong niya, iisa lang ang sagot nito. Hindi nila alam at napag utusan lang.

"Jane Mondragon nandyan ka pa ba?!"

Natauhan ulit siya ng muling magsalita si Charlotte na titig na titig sa kanya.

"What is it with you these days?" Sabi nito bago isinubo ang chocolate na pinabili nito sa boyfriend nitong si Cylde.

"Kung hindi ka tulala, para ka namang baliw na di namin maintindihan kung magpalit ng mood. And now you're looking the flower like you want to eat it or what.."

"Kanino ba yan galing? Ang tiyaga niya ha.. kung di mo isho-shoot sa basurahan o iiwan sa kung saan lang yung mga roses na yan e tinatambak mo lang din naman sa compartment ng kotse mo. Ni hindi mo nga ata inuuwi sa bahay niyo.."

"Poor suitor.." dugtong pa ni Charlotte na ngayo'y naglalagay ng eye liner nito.

Nanatili lang namang tahimik si Jane na nakatitig pa rin sa bulaklak at mukhang malalim ang iniisip.

Nakaisip ng paraan si Charlotte para maagaw ang atensyon ng kaibigan.

"What if kay Coleen nanggaling yan? Tapos tinatapon mo lang sa basurahan, ano kaya ang mar---"

"Will you shut up Charlotte?! Pano namang manggagaling sa unggoy na yun 'tong mga bulaklak na 'to e ni hindi ko na nga nakikita mag iisang linggo na simula nung nagpunta ako sa bahay nila. Saka yun? Magbibigay ng---"

"See? Sa dami dami ng iniisip ko kung bat ka nagkakaganyan at kung bat para kang baliw dyan dahil sa pagkatulala mo e si Coleen parin naman ang dahilan."

Parang hapong hapo namang napabuntong hininga nalang si Jane at laglag ang balikat na sumandal sa upuan niya habang hawak hawak parin ang bouquet na inabot sa kanya ng delivery boy kanina.

"Aminin mo na kasing miss mo yung tinatawag mong unggoy na yun."

"Na kahit galit kapa rin sa kanya e mahal mo parin siya at di mo parin siya nakakalimutan."

"Na nag iinarte ka lang kaya ka ganyan pero nasasaktan ka na------"

"Hindi ako nag iinarte! Alam mong nasaktan talaga ako Charlotte.." Singit nito sa mga sinabi ng kaibigan.

"Oo na Mondragon, nasaktan ka na nga diba.. Ginusto mo naman yan diba, kasi nga sabi mo mahal mo.. na you're willing to risk it all etcetera etcetera.."

"What now? Lumapit na nga pabalik sayo para kausapin ka, nilambing kapa, pinagluto kapa, nagpapasubo pa sayo n---"

"Pwede ba! Wag mo ng ibalik.. "

"What the hell is your point?" Naiinis na turan ni Jane sa kaibigan niyang alam niya na inaasar lang siya.

"Well, di mo lang naman kasi binigyan ng chance i explain ang sarili nung tao. Nagtampo kapa na parang bata. Tapos ngayon mabaliw baliw ka sa kakaisip kung pano ba mawawala yun sa utak mo lalo na ngayon na di na nagparamdam. Saka mo naman iisipin yun, baka nga araw araw yun nabibilaukan sa kakaisip mo eh."

Natatawang sabi ni Charlotte na sinamaan lang ng tingin ni Jane saka inirapan ito.

"Im moving on, di na siya nagpaparamdam. Alangan namang ako pa ang magparamdam sa kanya. Bwisit sya!" Jane.

"One more..., kung talagang nagmomove on kana dun e bat di mo inaalam kung kanino ba talaga nanggaling yang mga bulaklak na yan? I know you Jane, may babae lang na magparamdam sayo o matripan mo e papatulan mo na agad kahit wala pang tatlong oras na kakilala mo."

"Unlike now.. Ni hindi kana sumasama halos sa mga bar hopings namin, sumasama ka man pero himala. Inis na inis ka kapag may babaeng lumalandi sayo, Unlike before.." Sinadya nitong diinan ang saling unlike before para ipaalala sa kaibigan kung ano yung nakikita nila.

Magsasalita pa sana si Charlotte para pangaralan ang kaibigan pero dumating na ang boyfriend nitong si Clyde para ihatid sya sa susunod na subject nito.

"Think and do something about it Jane.. we love you. Ayaw pa naming magkaroon ng kaibigang nabaliw dahil sa pag iinarte." Natatawa pa nitong pahabol bago pa ito nawala sa harapan niya.

JANE'S POV

Ako pa ang nag iinarte? Sobra akong nasaktan at alam nila yun. Pero bakit parang mas kinakampihan pa nila ang bwisit na babaeng yun.

Matapos niya akong sabihan ng kung ano ano, tapos lalapit lapit na naman sakin at ano ngayon? Ayun nawala na naman na parang bula. Dun naman siya magaling e, magpapakasweet tapos maya maya parang walang nangyari na bigla nalang mawawala at wala ng pakialam.

Ughhhh!!!! Bwisit siya!!

Huling usap na namin nung maysakit siya. Nainis pa ako nun dahil napakabilis magbago ng mood niya. Nung una hinalikan pa ako sa cheeks tapos konting may nasabi lang ako pinalabas na ako ng kwarto niya. Bwisit siya! Bwisit!!!

Then what? No more signs of her.

Ni hindi na nag effort pang kausapin ako or what.

Nag eexpect ba ako?

Sa sobrang inis ko na naman ay hinampas ko sa kung saan ang hawak kong bouqet at hinagis yun.

Naiinis ako pero ramdam ko na gusto ko siyang makita.

Mukha na ba talaga akong baliw? Pare parehas ang sinasabi ng mga kaibigan ko. Na mukha na daw akong baliw.

Kinalma ko saglit ang sarili ko at ipinikit ang mga mata ko. Bwisit talagang babae yun, lagi nalang nasisira ang araw ko kapag naiisip ko siya!

"Yung mga bulaklak na naman ang napagtripan mo. Tsk! tsk!"

Napamulat ako ng makita ko si Yasmin na naglalakad palapit sa side ko habang nakatingin sa nagkalat na petals at dahon ng mga bulaklak ko na hinampas ko sa kung saan kanina.

"Yas mukha na ba talaga akong baliw?" Parang tangang tanong ko sa bruha na nakapoker face lang habang nakatingin sa mukha ko.

"Hindi...." Tiningnan pa ako ng bruha saka hinawakan ang baba niya.

"Mukha kang si Sisa." Natatawang sabi nito na lumayo pa sakin dahil nakita niya akong nakaambang babatukan siya.

Napahawak ako sa sentido ko at parang naiiyak na tumingin kay Yasmin.

"Yas nag iinarte ba ako?"

Tumingin lang naman siya sakin at saka tinaas ang kilay at inirapan ako.

"Bakit kasi napakapabebe mo friend? Di ka naman ganyan dati? " Yasmin.

"Nasaktan ako, alam niyo yan. Alam niyong lahat yan." Maiiyak na sabi ko.

"Jane.. Kung mahal mo pa siya, itigil mo na yang pagsusungit mo at yang pagpapabebe mo. Look, parehas kayong nasaktan. Alam mo naman na straight yun diba?"

"Straight as fuck. Yet you chose to love her no matter what the consequences would be. Kahit na alam mong mahirap at maraming pwedeng mangyari."

"She's older than you. More matured. More focused. Deal with it."

"Pero dahil sa pagiging matigas ang ulo mo, sinubukan mo parin. Kaya ayan. Nagkasakitan kayo. Straight yun girl.. S T R A I G H T.

Inispelling pa niya sa akin ang huling sinabi niya saka humalukipkip.

"Alam mo din ang kahihitnatnan ng lahat dahil dun. Syempre mahihirapan munang mag adjust yun. Kung sabihin na nga natin na tama yung nakikita natin na mahal kana rin niya kaya siya bumalik at gusto kang makausap."

"Ano naman ang ginawa mo diba? Di mo siya pinakinggan tapos ngayon halos magkandasira ang ulo mo dahil sa paiba ibang topak mo."

Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

And now they're blaming me.

"All im saying is.. Why not try to listen to her? Maybe nahihirapan din siya mag adjust or whatever her reason is. Di natin alam."

"Kasi nga di ko siya pinakinggan?" Dugtong ko na parang alam na alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"Exactly spolied brat!" seryosong sabi ni Yasmin saka pinilantik ang daliri bilang sign na nakuha mo rin sabay tingin sa akin.

Saglit akong natigilan at napaisip. May point nga siya.

Ilang saglit lang parang nahihirapan akong pigilin at iiyak na yata ako. Pakitamdam ko ang bigat bigat ng nararamdaman ko.

Tama ba sila?

Ganun ba talaga ang nararamdaman ni Coleen?

"It's been a week and.." i gave Yasmin a deep sigh.

"No more signs of her."

"Maybe umalis na siya pabalik sa barko or.. i dont know Yas..." halos pumiyok na sabi ko.

Or maybe nagsawa na siya at talagang ayaw na akong makita. Gusto kong idugtong pero parang may humarang sa lalamunan ko kaya di ko masabi.

"Nagcoconclude kana naman Jane."

"Yan ang hirap kasi sayo, mabilis ka magconclude kahit di mo pa alam ang totoo. Malay mo naman baka may mahalagang inasikaso lang diba?"

She has a point.

Baka talagang nahihibang lang ako.

I have to fix myself and put it together.

Siguro nga kailangan ko siyang makausap or pakinggan.

"What?" Nakasalubong ang kilay na tanong niya ng mapansin niyang parang medyo ngumiti ako.

"God, bat niyo po ako binigyan ng abnormal na kaibigan." At nagsign of the cross pa itong kunwariy sumulimpat pa ng tingin sa akin.

Para naman kaming mga bata na naghabulan ni Yas habang nag aasaran.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.