NAPATUNAYAN ni Poppy na hindi pala masaya ang magkaroon ng condominium unit living, lalo na kapag may anak ka na. Maganda at malaki rin naman ang condo unit ni Blaise. Kaya nga lamang ay nasa mataas na floor iyon at hindi ganoon ka-safe. Ilang beses na nakalusot si Blair sa kanya sa pagpunta sa terrace. Mula roon, dumudungaw ito sa mataas na gusali. Libre ng nailalabas ng anak ang kakulitan nito dahil wala ng sumasaway. Noong nakita niya ang anak ay parang nagwala ang puso niya sa lugar nito sa takot. Napakadali lamang para sa bata na mahulog mula roon.
Pero hindi naman maggawang magreklamo ni Poppy kay Blaise. Wala naman siyang karapatan. Isa pa, malaki ang itinulong nito sa kanilang mag-ina. Higit na malaki ang inayos ng buhay nilang mag-ina. Baka mamaya ay masisisi pa rin siya ni Blaise. Pinatigil na kasi siya nito sa pagtatrabaho bilang virtual assistant para mabantayan nang husto si Blair. Nang i-suggest kasi nito sa kanya ang pag-hire ng katulong ay umayaw siya kaya binigyan siya nito ng option: ang itigil ang pagtatrabaho para mabantayan ang anak o ang kumuha ng katulong.
Nagkaroon ng trauma si Blair sa pagtrato ng mga magulang niya rito. Pina-check up na nila ito ni Blaise at in-advice sila ng psychologist na magkaroon ito ng counselling once a week. Bukod roon, kailangan rin daw nila na ipakita at iparamdam sa anak ang presensiya nilang dalawa ng ama nito. Kailangan na maramdaman ni Blair na hindi na muli mangyayari rito ang nangyari noon. Doon napagpasyahan ni Poppy na kailangan talaga niyang piliin ang unang option. Ina siya at siya talaga ang pinakakailangan ni Blair. Si Blaise naman, bagaman nagsimula nang pumasok muli sa trabaho ay sinisigurado na hindi rin nito napapabayaan si Blair. Tatlong beses itong tumatawag sa anak sa isang araw. Maaga rin kung umuwi mula sa trabaho. Naging malaki rin naman ang ipinagbago ni Blair simula noon. Umaasa sila ni Blaise na lubos na magiging maayos nito. Napag-usapan nila na sa susunod na buwan ay i-enroll na nila ito sa school.
Kaya si Poppy, ni-resolve na lamang ang lungkot sa kanyang sarili. Sinubukan niyang makipagkaibigan sa mga kapitbahay ni Blaise. Pero hindi siya nagtagumpay sa lahat. Iisa lamang ang nakasundo niya at iyon ay si Aaron. May pagkakapareho rin kasi sila. May anak na mag-iisang taong gulang na babae ang lalaki. Ito lamang at ang anak ang palaging nasa unit dahil ang asawa nito ang nagtatrabaho para sa pamilya. Nakasundo niya ito. Ilang beses rin niyang inalagaan ang anak nito. Naalala niya rito si Blair noong sanggol pa. Madalas rin naman siyang sinasamahan nito sa pag-aalaga. Tuwang-tuwa rin ito sa bata.
“Masaya po pala ang magkaroon ng baby sa bahay, Mommy.” Wika ni Blair habang nilalaro si Anita---ang anak ni Aaron. “Gusto ko po araw-araw na sa atin si Anita.”
Kasalukuyang nasa unit nila si Anita. Ipinagkatiwala muna sa kanila ito ni Aaron at ng asawa nito. Gusto kasing mag-date ng dalawa na wala ang anak. Naiintindihan niya ang mga ito. Hassle nga naman na mag-date kapag may kasamang bata dahil alagain pa iyon. Pumayag naman si Poppy. Napalapit na rin sa kanila ang bata.
“Hindi puwede. Hindi naman siya sa atin. Hihiramin na lang natin siya palagi.”
“Ay! Gusto ko po na magkaroon ng baby talaga, Mommy. Puwede po ba gawa kayo ni Daddy ng baby?”
“Ha?”
“Tinanong ko po kasi si Tito Aaron kung paano magkaroon ng kagaya ni Anita. Sabi niya, ang Mommy at Daddy daw po ang gumagawa noon.”
Namula si Poppy sa pinagsasabi ng anak. “A-ah, hindi pa puwede, Anak.”
Ni hindi ko pa nga alam ang estado ng relasyon namin ng Daddy mo.
Mahigit dalawang linggo na silang nasa Pilipinas pero wala pa rin na sinasabi si Blaise kay Poppy. Minsan ay naiinip na rin siya dahil nararamdaman rin naman niya ang pag-aalaga ni Blaise sa kanya. But then, sabi nga nila, good things takes time.
Malaking bahagi pa rin ng puso niya ang umaasa na linawin na ni Blaise ang mangyayari sa sitwasyon nila. Pero hindi naman niya gustong puwersahin ito. Ayaw na niyang mangyari ang nakaraan. Kailangang si Blaise ang unang gumawa ng kilos.
Matamang tinignan lang ni Blair si Poppy. Matagal-tagal rin na ganoon hanggang sa nagkibit-balikat na lamang ito. Nilaro na muli nito ang mabait naman na si Anita. Hindi na muli ito nagtanong.
Dumating na si Blaise ay hindi pa rin bumabalik si Aaron at asawa. Naabutan ni Blaise si Anita. Kunot na kunot ang noo nito.
“Kanino ang batang `yan?” kaagad na tanong nito.
Sinagot ni Blair ang tanong.
Tinignan ni Blaise si Anita. “You’re happy with the baby?”
Masayang sumagot muli si Blair. “Of course, Daddy! Because of Anita, I want to have another baby in our family, too. Iyong hindi na lang hihiramin.”
“All right. Your Tito Rolf is going to be a father soon. May baby na sa family natin.”
Namilog ang mata ni Blair. “Really? Are they going to live with us?”
Umiling si Blaise. “May sarili silang place. But we can visit them everytime you want.”
Nalukot ang mukha ni Blair. “Visit? Edi parang ang ginagawa lang namin kay Anita. Ayaw ko ng ganoon. Gusto ko may sarili rin tayo.”
“Y-you mean you want to have a sister?”
“Yes.”
Napalunok si Blaise. Namutla rin ito.
Pinaglipat ni Blair ang tingin sa magulang. “Can you give me a baby sister, Mommy and Daddy?”
“Blair...” may lungkot ang boses ni Blaise. Nasaktan si Poppy. Mukhang hindi nito kaya. Ibig sabihin lang noon, walang pag-asa na mag-level up ang relasyon nila.
Nahalata naman ni Blair ang hindi pagsang-ayon ng ama. Humalukipkip ito. Tumingin ito kay Poppy.
“Mommy, let’s just ask Tito Aaron. Para ko na rin po siya na Daddy. Hopefully, puwede po kayo gumawang dalawa ng baby.” Napaka-inosenteng suggestion ng anak.
“What? No!” may possessiveness ang boses ni Blaise. Dumilim rin ang mukha nito. Nabuhay na naman ang pag-asa sa puso ni Poppy. Halatang hindi nito nagustuhan ang ideya. Nagseselos ito...kahit wala naman itong karapatan. Mali iyon. Pero nangangahulugan lamang iyon ng ibang bagay...
Naputol ang pag-iisip ni Poppy nang umiyak ang sanggol. Mukhang natakot ito sa sigaw ni Blaise.
Kinuha ni Poppy ang bata para patahanin. Humingi naman ng patawad si Blaise. Nilisan nito ang kuwarto. Nagpapaalam ito na ito na mismo ang maghahanda ng hapunan nila. Mabilis naman niya na napatahan si Anita pero maya-maya ay umalis na rin sa poder nila. Si Aaron ang kumuha rito.
“Bakit kailangang ang lalaki pa ang kumuha at kumatok?” hindi maganda ang tinig ni Blaise.
Ipinaliwanag naman ni Poppy ang pagiging house husband ni Aaron.
“I don’t like him.” May simangot sa mukha at tinig ni Blaise.
Hindi nagkomento si Poppy. Mukha naman kasing nagseselos si Blaise. Pero tama ba na asarin niya ito? Baka ma-pressure na naman at mapilitan ito.
Pagkatapos kumain ay nagpunta ito sa TV. May inaabangan itong palabas sa Disney Channel kapag gabi. Madalas na sinasamahan ito ni Blaise pero nag-excuse ito ngayon. May mga kailangang asikasuhin raw ito sa trabaho. Nagpunta ito sa study room nito. Doon nito ginawa ang trabaho sa pamamagitan ng dalang laptop. Naging matagal iyon kaya naman hindi na rin nito nabasahan si Blair ng story book bago matulog. Siya na ang gumawa noon at nagpatulog sa anak. Kakatapos lang maggawa ni Poppy ang duty nang sumilip sa kuwarto si Blaise. Inimporma niya ito sa kalagayan ni Blair.
“That’s good. Pero bukod roon, gusto kitang makausap.”
“What for?”
“Just follow me.”
Sumunod naman si Poppy. Pumasok si Blaise sa kuwartong tinutulugan nito. Napasinghap si Poppy nang biglang isandal siya ni Blaise sa pader. Napalunok rin siya.
“Blaise...?”
There is a fire of anger in his eyes. “Sabihin mo sa akin, gaano kadalas kayong nag-uusap ng Aaron na `yun?”
“Araw-araw. Palagi namin siyang tinutulungan ni Blair na mag-alaga kay Anita.”
“From now on, you won’t do that.”
“What? Pero Blaise, masaya kami ni Blair na alagaan si Anita!”
“But taking care of her means that you should also be in contact with her father. Hindi ko gusto iyon, Poppy.”
“Blaise...”
“May asawang tao ang Aaron na iyon. Paano kung iba ang isipin sa inyo ng mga kapitbahay?” tumiim bagang si Blaise.
“W-wala ka bang tiwala sa akin?”
Doon naman biglang natauhan si Blaise. Niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya. Naglihis rin ito ng tingin.
“I-I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya. Its just that...hindi ko nagustuhan ang suggestion ni Blair kanina. It bothered me. It feels like killing me. You with another man---“ napapikit si Blaise.
“For sure, you also do that with another woman.”
“Aaminin ko na nagkaroon ako ng mga babae sa mga nakaraang taon. Kagaya ng dati, hindi rin iyon seryoso. But not now, Poppy. You and Blair are the only woman in my life. And I’m serious about the both of you...”
“Meaning?”
“I want you to be serious with me, too. No more Aaron from now on...”
“Pero Blaise---“
“You are mine, Poppy. And I intend that to be forever...” pinutol at hindi na rin binigyan pa ni Blaise ng panahon para magsalita si Poppy.
Blaise claimed Poppy’s lips.
Sandaling nagulat si Poppy sa ginawa ng lalaki, lalo pa at nag-umpisa na marahas ang halik ni Blaise. It’s rough she can’t almost withstand it. Pero sandali lamang iyon. Natutunan rin niyang magustuhan ang nakakalokang halik na iyon ni Blaise. He claimed her lips deeper and nipped it harder. Naramdaman niyang nagkaroon na ng dugo sa labi niya sa tindi ng kagat nito. But she seems to like it more and better.
Blaise was driving her crazy.
Napunta sa leeg ni Poppy ang mga halik ni Blaise. Hindi niya napigilan ang pag-ungol. He started undressing her using his mouth. Hindi maka-respond si Poppy dahil pakiramdam niya ay natutunaw siya sa ginagawa ni Blaise. It was flaglanty hot and erotic. Hindi naman nagreklamo si Blaise. He seems to like her surrender.
His lips were between her thighs when he stopped. “Say it first, Poppy.”
Ayaw niyang tumigil si Blaise. Pakiramdam niya ay mamatay siya kapag tumigil ito. “W-what is it?”
“You’re mine.”
Madali naman na kumbinsihin si Poppy. Lalo na at si Blaise pa ang nag-uutos. Kapag si Blaise ang usapan, napakadali niyang sumuko. “I’m yours...”
There’s a fire in Blaise’s eyes. “We’re together...”
Blaise claimed Poppy completely. Sa gabing iyon, naniwala siya na totoo nga ang sinasabi ni Blaise. They are together. They are one.
Pero nasaan ang pangako ng forever? Nasaan ang salitang mahal?
PAKIRAMDAM ni Poppy ay nadagdagan ang responsibilidad niya sa sumunod na linggo. Ngayon ay hindi na lang si Blair ang inaasikaso niya. Ganoon rin si Blaise. But she was not complaining. Sa totoo lamang ay nagugustuhan niya iyon. She loves taking care of her daughter and his father. She loves showing her love to the both of them.
Hindi pa rin talaga nawawala ang nararamdaman ni Poppy kay Blaise. Mahal pa rin niya ang binata.
Walang ibang pumasok sa puso ni Poppy sa loob ng limang taon na iyon kundi si Blaise. Paano, bihira rin naman talaga siyang lumabas dahil bantay sarado sa kanya ang mga magulang. Madalas kasi ay magkasalungat ang shift ng mga ito sa trabaho. Palaging may isang naiiwan sa bahay para bantayan silang dalawa ni Blair. Nakilala lamang niya si Zac nang minsang isama siya ng Tita niya na nasa Los Angeles rin. Pinayagan siya ng mga magulang noon dahil alam ng mga itong sosyalan iyon at umaasang doon ay makakita siya ng mayamang lalaki na tutulong sa kanila sa unti-unting paghihirap. Nabugaw siya nang ayos ng kanyang Tita kaya nagustuhan siya ni Zac.
Pero hindi na ganoong iniisip ni Poppy ang magulang at si Zac. Malayo ang mga ito sa kanya. Isa pa, ayaw niyang isipin ang mga naging masasamang nakaraan. Masaya siya ngayon. Baka ma-spoil lang ng pag-iisip ng masasama ang nararamdaman niya.
Masaya si Poppy. Iyon ang mahalaga. Gusto niyang pagbigyan ang sarili niya. Kagaya ni Blair, deserved rin naman siguro niya na sumaya pagkatapos ng mga naging paghihirap niya. Hindi man lubos ang saya dahil hindi niya sigurado kung ano ang kahihintanan nila ni Blaise dahil wala naman itong pangako pero ang makasama ito nang malapit at talagang maramdaman ito ay nagbibigay saya sa puso niya.
“Why, Mommy?”
Naramdaman rin ni Poppy ang lamig ni Blaise nang marinig ang boses ng anak. Sabay nilang pinatutulog ang anak at akala nilang dalawa ay tulog na ito kaya “oras” na nila para sa kanilang dalawa.
“Blair, we thought you are---“
“Nagkunwari lang ako, Daddy. Gusto ko kasing makita kung kagaya last night, iiwan niyo rin ako na mag-isa sa room ko. Ano po ang ginagawa niyo kapag gabi?”
Nawalan ng kulay ang mukha ni Poppy. Nahuli silang dalawa ng anak! Huminga siya nang tulong sa pamamagitan ng tingin kay Blaise. Nagulo rin ang mukha nito. Nagkamot ito ng ulo.
“Ah, `di ba you told us you wanted to have a little sister?”
“Yes. So every night, you are trying to give me a baby sister?”
Ngumiti si Blaise at tumango. Pumalakpak naman sa saya si Blair. Parang ayaw pa muli nitong matulog dahil sa sobrang saya. Mga isang oras pa silang nanatili sa kuwarto bago nakatulog talaga si Blair. Sa sobrange excited ay nahirapan itong makatulog. Pero kung gaano naman kaganda ang ngiti ni Blair sa pagtulog, hindi ganoon ang kay Poppy.
Napansin ni Blaise ang inis ni Poppy.
“Problem?”
Humalukipkip si Poppy. “So iyon lang pala ang lahat? You are sleeping with me because you wanted Blair to have a baby sister?”
Naiinis si Poppy. Ang saya-saya pa rin naman niya dahil alam niyang pinaglalapit talaga sila ni Blaise ng mga gabing magkasama sila. Pagkatapos ngayon ay malalaman niya na ang lahat pala ay dahil lang kay Blair? Anong akala sa kanya ni Blaise? Baby maker?!
Hinawakan siya ni Blaise. “You know it started with that and---“
“`Wag mo nga akong hawakan!” pumasok si Poppy sa kuwarto ni Blair. Nainis talaga siya sa pinalalabas ni Blaise. Alam niya na mali dahil wala pa nga talaga siyang pinanghahawakan sa lalaki. Wala itong pangako. Ni hindi niya naririnig mula rito ang salitang “mahal”. Pero kahit man lang ang dahilan na gusto siya nito ay sapat na sa kanya!
Kaya lang, sadyang wala yata talaga na pakialam si Blaise sa kanya. Ginagamit lang siya nito. Napakatanga niya.
Humiga si Poppy sa tabi ni Blair. Sinundan siya ni Blaise. Pilit ito na nagpapaliwanag pero sinarado niya ang tainga. Nilamon siya ng inis. Sumuko rin naman si Blaise nang makitang umiingit si Blair, halatang hindi nagugustuhan ang pangugulo ng ama.
Bumuntong-hininga na umalis ito ng kuwarto. Pinayapa na lamang ni Poppy ang sarili sa pagyakap kay Blair.
Naggising si Poppy na mataas na ang sikat ng araw. Wala na rin si Blair sa tabi niya. Nang makalabas siya ng kuwarto, nakita niyang inaayusan ito ni Blaise.
Binati siya ng anak. Tinanong naman niya ito kung bakit ito nakaayos.
“Daddy said she will send me to their family’s mansion. Aalagaan daw muna ako nina Tito Rolf , Tito Allain and Tita Agnes.”
Nakita na ni Blair ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Blaise. Naging maganda naman ang trato ng mga kapatid nito sa unang pamangkin. Nag-enjoy rin si Blair sa piling ng mga ito kaya ganoon na lang siguro ang excitement nito.
“All right. Mag-aayos lang rin ako ng sarili ko---“
“Hindi ka kasama, Mommy. Pero go on. You also fix yourself. Sabi ni Daddy, may iba daw kayong lakad na kayong dalawa lamang.”
Kumunot ang noo ni Poppy. “At ano naman iyon?”
“Date! Iyon ang ginagawa ni Tito Aaron at ng asawa niya kapag lumalabas sila ng sila lamang dalawa `di ba?”
Inis man ay tinignan ni Poppy si Blaise. Ngumiti naman ito, tila sinasabing tama ang sagot ni Blair.
“At bakit naman?”
“Kailangan kong bumawi sa `yo. I’m sorry about last night. Pero hindi naman talaga iyon ang intensyon ko.”
May sinseridad sa mata ni Blaise nang salubungin niya. Natunaw naman kaagad si Poppy. Nawala ang lahat ng inis niya kagabi. Isa pa, ang isipin na magde-date sila ay nagpapakilig na sa kanya. Pumayag na rin si Poppy sa huli. Sinundo ni Allain si Blair.
Dinala ni Blaise si Poppy sa isang malaking mall. Kumain sila roon, nanood ng sine at naglakad-lakad. Blaise also offered Poppy to go shopping.
“Nalaman ko sa investigator ni Brendon na naging mahirap sa `yo ang buhay sa America. You deserved some reward. And you girls love shopping, right?”
Na-excite rin naman si Poppy. She indulged. Na-miss nga niya ang pagsa-shopping. Ipinamili siya ni Blaise ng kung anong magustuhan niya sa mall. From dress, shoes, bags and even perfume and make-ups! It was heaven for a girl. Nagkaroon tuloy siya ng libreng make-over sa isang shop ng make-up kit na binilhan niya. Promo iyon dahil medyo may kamahalan at marami rin ang kanyang nabili. Matiyaga naman siyang inantay at pinanood ni Blaise. Mukhang aliw na aliw pa nga ito sa ginawa niya.
“It was my first time to do. Hindi naman pala nakaka-bored,” nakangiting wika ni Blaise.
“Sure ka? Baka matagal itong make-over.”
“Sure. Kakatawag ko lang rin kay Allain para kumustahin si Blair. She’s enjoying, too. Ni hindi nga daw niya tayo hinanap.”
“All right!”
Isang oras na inayusan si Poppy. Kahit siya ay humanga rin sa transformation niya. Pakiramdam kasi niya ay naging losyang na siya sa mga nakaraang taon. Ngayon ay parang bumata pa siya ng tatlong taon sa ayos niya. Ang laki rin ng naging nganga ni Blaise nang makita siya.
“Gorgeous, isn’t she?” wika pa ng make-up artist.
“Absolutely.” Wika ni Blaise. Lumabas sila ng stall na napakaganda ng ngiti nito. He seems so proud of her that he held her possessively.
Ang buong akala ni Poppy pagkatapos ng make-over niya ay tapos na rin siyang ipag-shopping ni Blaise. Naka-ilang balik na ito sa kotse para ilagay ang mga ipinamili roon. Wala kasi silang kasama na bodyguard. Lumalalim na rin ang gabi. Pero hinila siya ni Blaise sa isang stall na gusto man niyang puntahan ay iniwasan na rin niya. It was a jewelry store. Mamahalin ang mga produkto roon. Nahihiya na siya kay Blaise kung magpapabili pa siya rito ng mga alahas.
Dinala siya ni Blaise sa ring section. Kinuha nito ang kamay niya at pinatingin sa sales lady. “What’s the good engagement ring for this lady?”
Naging napakaganda ng ngiti ng sales lady. Halatang kinilig.
Nanlamig si Poppy. “Blaise...?!”
“What?” nakangisi ng nakakaloko ang lalaki.
Nahampas niya ito. “Ano ba kasi ito?”
Umiling-iling si Blaise. “Napakakomplikado niyo talagang mga babae. Kagabi inaway mo ako dahil akala mo ay natutulog lang ako kasama mo dahil gusto ni Blair na magkaroon na ng kapatid. Ngayon naman na binibigyan na kita ng magandang dahilan, nag-iinarte ka pa.”
Nakagat ni Poppy ang ibabang labi. “Nakakagulat ka naman kasi, eh. Pero seryoso ka ba?”
“Dadalhin ba kita rito kung hindi?” tumingin ito sa sales lady. “Pakibilisan nga, Miss. Baka awayin pa ako ng babaeng ito.”
Sumunod naman ang babae. Nang makakuha ito ng magandang singsing ay ipinakita nito iyon sa kanya.
“You like it?”
Tumango si Poppy. “B-but I think I would like it better if you slip it on me...”
Napakalaki ng ngiti ni Blaise. “That’s the plan...”
Isinuot ni Blaise ang singsing sa daliri niya. Daig pa niya si Cinderella na sinuotan ng prinsipe nito ng glass shoe sa kilig. And just like the shoe, the ring fits perfectly on her. Nagpalakpakan ang lahat ng staffs. Naiyak naman si Poppy.
“Mrs. Blaise de Guzman soon...” hinalikan ni Blaise ang mga kamay niya.
Napayakap siya sa sobrang tuwa rito. Sumunod na hinalikan nito ang noo niya. Ngayon, nakuha na ni Poppy ang simula ng pangako pang habang buhay sa lalaking mahal niya. Ang salitang mahal kita, kailan niya makukuha?
Pero mahalaga pa ba na malaman niya ang totoong nararamdaman sa kanya ni Blaise? Nararamdaman na rin naman niya. Isang mabigat na salita ang kasal. Kung iniisip ni Blaise na pakasalan lamang siya para kay Blair at sa last will ng Tita nito, dapat noong una pa nito ginawa. Pero nag-antay ng pagkakataon si Blaise.
Naramdaman niyang nag-antay ito ng pagkakataon para siguraduhin muna ang damdamin...
And now he is. Hindi na mahalaga siguro ang salitang mahal. Ang mahalaga ngayon ay magkakaroon na siya ng karapatan sa taong mahal niya pang habang buhay.
GINUSTO ni Blaise na madaliin ang kasal. Pagkatapos ng engagement ay inasikaso na nila ang lahat ng mga dokumento na kailangan. Kumuha rin sila ng wedding coordinator para ito na mismo ang mag-asikaso ng event. Simple lang naman ang gusto nilang kasal. Hindi ganoon ka-engrande ang simbahan. Ang tanging mahalaga lang rin naman kasi kay Poppy ay ang makasal sila. Isa ito sa mga pangarap niya.
Tatlong linggo pagkatapos magpropose ni Blaise ay itinakda ang kasal nila. Naging mabilis ang preparasyon dahil na rin sa kapangyarihan at pera ni Blaise sa Pilipinas. Dalawang araw bago ang kasal ay bumisita siya sa pinagpatahian nila ng wedding dress niya. Kinausap siya ng mananahi na pumunta para sa final viewing ng damit. Tignan raw niya kung pasok sa panlasa niya ang minadali nitong damit at kung hindi ay susubukan raw nitong ayusin at remedyuhan.
May importanteng kailangang asikasuhin si Blaise kaya hindi na nito nasamahan si Poppy. Si Blair naman ay sinundo ni Allain kanina at aalagaan raw muna nito. Dahil sa lahat ng kapatid ni Blaise ay si Allain ang pinakakasundo nito, doble ang naging saya ni Blair.
Nagpahatid si Poppy sa driver ni Blaise para pumunta sa shop ng mananahi. Nagustuhan naman kaagad niya ang tinahi nito. Na-imagine na niya na babagay iyon sa kanya.
“Nagustuhan ko rin nga. Infairness, magaling rin pala akong gumawa kahit nagmamadali,” ngumiti ang baklang mananahi. “Pero napansin ko lang, parang medyo tumaba ka yata. Baka hindi magkasya sa `yo ang damit.”
Kinuha ng mananahi ang naka-manequin pa na damit. Hinubad nito iyon at ibinigay kay Poppy. “Isukat mo. Para malaman natin kung may kailangan na i-adjust.”
“Ha? `Di ba bawal raw isukat ang wedding dress?”
“Naku, si Ma’am! Kapanuhanan pa ng Lola ko ang mga pamahiin na `yan. Napakarami ko ng babaeng nakitang isinukat ang kanilang wedding dress, natuloy naman ang mga kasal.”
Walang masama kung maniniwala. Ganoon palagi ang sinasabi ng dating kakilala ni Poppy na mahilig sumunod sa mga pamahiin.
“Pero---“
“Mahirap na magkaroon ng wardrobe failure, sige ka.” Banta pa ng mananahi.
Isinukat na rin ni Poppy ang wedding dress. Wala naman na naging problema. Kagaya ng inisip niya, bumagay sa kanya ang damit.
“Bongga!” komento pa ng baklang mananahi nang makita siya. “Now, everything is perfect! Mali pala ako ng tingin na tumaba ka.”
Pinabalik na muli siya ng mananahi sa dressing room para tanggalin ang damit. Tinitigan muna niya ang sarili bago tanggalin iyon. Naiiyak rin siya. She was really going to be a bride soon. Again. Hindi siya makapaniwala. Napakasaya niya. Hindi kagaya noong unang ikakasal siya. Ngayon ay ikakasal siya kay Blaise---ang lalaking mahal niya.
Hindi pa rin masasabi ni Poppy na maayos ang buhay niya. Binigyan lang siya ni Blaise ng pangako ng panghabang buhay na magkasama. Pero hindi ng pag-ibig. Wala pa rin na sinasabi ito. Pero kagaya ng palagi niyang pagpapakalma sa sarili niya, hindi na iyon mahalaga. Magkakaroon na naman siya ng hold at karapatan rito. Kung may isa lang siguro na pinaka-ikinababahala si Poppy, iyon ang mga magulang niya.
Kumusta na kaya ang mga ito? Wala na siyang balita. Sinubukan niyang contact-in ang mga ito pero walang sumasagot sa cell phone. Nag-aalala na si Poppy. Ganoon pa man, wala rin siyang magagawa. Desisyon niya ito. Ipinagpalit niya ang mga magulang para sa kasiyahan ni Blair at sa pansarili rin niya.
Deserved rin naman siguro ni Poppy na maging masaya. Alam niya na mangyayari lamang iyon kung kasama niya ang dalawang tao na nangunguna na sa puso niya ngayon---si Blaise at si Blair.
Hiling na lang ni Poppy na hindi nga totoo ang pamahiin. Pagkatapos ng lahat, may isa pa silang pamahiin na sinira ni Blaise. Sukob ang kasal nila sa kapatid nitong si Rolf. But Blaise said it doesn’t matter. Hindi raw ito naniniwala roon. Ang tao raw ang gumagawa ng sariling tadhana nito.
Matutuloy ang kasal nila ni Blaise. She can’t wait for that very special day.