Chapter 26

Five Days Later...

“DINNER tonight, Babe?” napakaganda ng ngiti sa labi ni Banjo nang dalawin siya nito sa kanyang trabaho. Tamang-tama at kakatapos lang rin niya sa kanyang ginagawa, puwede niyang pagbigyan ang halos kakauwi lamang na boyfriend.

Kahapon ay dumating si Banjo galing Dubai. Nagkita na sila kahapon dahil siya mismo ang sumundo sa boyfriend sa airport. Gusto niyang bumawi rito. Nagyaya rin siya na mag-dinner pero dahil masyadong napagod ang boyfriend sa flight, nag-suggest ito na some other time na lang. Matindi raw ang jetlag nito.

Inintindi ni Sheena ang boyfriend. Alam naman niya na babawi ito. At iyon nga, dumating ang boyfriend sa kanyang trabaho at may dala-dala pa na isang bouquet na bulaklak. Ah, she just really needs to appreciate what is around her. Hindi siya malas sa pag-ibig. Pinili lang niya na maging malas sa pagmamahal sa isang taong hindi siya kaya na mahalin.

Masuwerte siya sa boyfriend na si Banjo. Nakikita siya nito, mahal siya nito. Hindi siya nito sasaktan, naniniwala si Sheena roon. Ang klase ni Banjo ang dapat mahalin niya.

Gagawin na ni Sheena ngayon ang tama. She will appreciate him.

“Sure!” masiglang bati niya. Hinalikan niya ang boyfriend sa pisngi, pinilit niya na huwag mailang. Tinanggap rin niya ang mga bulaklak at sinigurado na makikita ni Banjo ang kasiyahan niya. Hindi naman mahirap lalo na at napakaganda ng bulaklak.

Naging maganda ang ngiti ni Banjo. Sandaling nag-ayos siya ng sarili at nagpaalam sa mga ibang staff na natira. Inalalayan siya ni Banjo na maglakad. Inilagay nito ang kamay sa kanyang baywang.

Sandaling pinakiramdaman ni Sheena ang sarili. Guwapo si Banjo kaya may bahagi niya na proud na hindi ito nag-aalinlangan na ipakita sa mundo na espesyal siya para rito. Mabango rin ito kaya nakaka-turn on lalo. Pero nadidismaya siya dahil wala ang klase ng tibok ng puso niya kapag nasa tabi niya si Allain.

Stop thinking about him. Pagpapakalma ni Sheena sa sarili. Kailangan niyang turuan ang sarili na magmamahal. Hindi na dapat niya pinapansin o kahit isipin man lang si Allain. Kasalanan iyon.

Pero si Banjo ay hindi siya pinalagpas.

“Hey, kumusta na si Al? Bati na ba kayo? Hindi mo siya naikukuwento sa akin pala noong nasa abroad ako.”

“Ha, yeah. Okay naman siya. Okay kami,” pinilit na ngumiti ni Sheena. Ang totoo, hindi sila okay. Pagkatapos ng last date, hindi pa sila nag-uusap at nagkikita. Hindi na kataka-taka. Nandiyan na si Ria. Abala ito sa babae.

“Kung ganoon, subukan kaya natin na yayain siya sa dinner? Para naman makumusta ko rin siya.”

Napakabait ni Banjo. Kaya siguro hindi nito napapansin na may kakaiba sa kanya at kay Allain. Masyado itong mapagkatiwala.

“`Wag na. Busy `yun,”

“There’s nothing wrong in trying and---“

“No. Hindi ko siya gustong makasama sa ngayon. We’re together. Mas nag-e-enjoy ako na kasama ka na ikaw lang. Istorbo lang si Allain.”

Pinindot ni Banjo ang ilong niya. “Selfish much? Pero kung iyon ang gusto mo, ano ba ang magagawa ko?”

“I want to spend more time with you. Just you.” Naisip ni Sheena na baka kapag mas pinagbigyan niya ng oras si Banjo, matutunan na rin ng puso niya na makita at mahalin ito.

Hinalikan ni Banjo ang ulo niya. “You will. Pangako,”

DINALA ni Banjo si Sheena sa isang sikat na Chinese fine-dining restaurant. Relax siya sa buong biyahe dahil hindi na muli binanggit ni Banjo si Allain. Nagkuwento ito ng mga experiences tungkol sa course na dinaluhan nito sa Dubai. Nagpapasalamat si Sheena dahil natuon sandali ang pansin niya sa iba.

Iyon nga lamang, mukhang nanadya ang tadhana. Sa mismong restaurant kung saan siya nito dinala ay naroroon rin si Allain. Ang masakit pa, kasama nito si Ria.

Ang nangyari ngayon ang pinakamasama ng coincidence na naranasan ni Sheena. Sa lahat ba naman ng restaurant, bakit doon pa? May sarili naman na restaurant si Allain. Ngayon rin na naggawa nila ang will, kay Allain na talaga iyon. Dapat ay doon na lang ang mga ito kumain.

Gusto niyang umiwas kayna Allain. Hindi na nga siya ang unang bumati. Pero dahil kasama si Banjo, pinairal na naman nito ang pagiging nice.

“Hey!” ang ganda ng ngiti ni Banjo. Nakipagkamay pa ito kay Allain. “Kumusta? Kakabanggit lang kita kay Sheena kanina. It’s a good coincidence to see you,”

Tumingin si Banjo kay Sheena. “Gusto yata ng tadhana na makasama talaga natin si Allain, Babe.”

Pilit na ngumiti lang si Sheena. Ibinaling ni Banjo ang tingin kay Ria. “And who’s the pretty girl with you, Al?”

Si Ria ang ngumiti at sumagot. “I’m Ria, Allain’s girlfriend. I presume you are Sheena’s boyfriend?”

Banjo held Sheena possessively. “Yes.”

Tumingin si Banjo kay Sheena. “May nililigawan pala si Allain? Bakit wala kang nakukuwento sa akin?”

“Ah, akala ko ay hindi na mahalaga.” Sagot lang ni Sheena.

Nagkibit-balikat si Banjo. “Well then, what about we dine out with them, Babe?

“Sure!” si Ria ang sumagot. Tumingin ito sa isang staff. “Table for four, please?”

Walang naggawa si Sheena. Nakakahiya naman kung magdadahilan siya. Alam kasi niya na mahahalata ni Allain. Ayaw niyang isipin naman nito na apektado pa rin siya nito.

Sinubukan na lang ni Sheena na ituon ang pansin kay Banjo. Pagkatapos ng lahat, iyon naman talaga ang balak niya `di ba? Ang asikasuhin at turuan ang puso niya na mapalapit sa lalaking ginawa niyang boyfriend.

Nang dumating ang pagkain, ipinaglagay at halos subuan pa ni Sheena si Banjo. Amused na amused naman ito sa ginagawa niya. “Thanks, Babe.”

Sinubukan rin ni Banjo na asikasuhin siya. Naagaw nila ang atensyon nina Ria at Allain. Napansin niyang dumilim ang mukha ni Allain samantalang dreamy ang kay Ria. Si Ria lang rin ang nagsalita.

“Ang sweet niyo naman. Matagal na ba kayo? Wala kasi akong naririnig kay Allain o kahit kay Sheena na may boyfriend na pala siya,”

Umiling si Banjo. “Bago pa lang kami. Pero matagal ko ng gusto at dalawang taon ko na rin na nililigawan si Sheena.”

“Oh, I see. Parang kami rin pala ng baby ko,” nagniningning ang mga mata ni Ria nang tumingin kay Allain. “Gusto mo rin ba na subuan kita, Baby?”

Natigilan si Allain. Matagal na nakatitig lang ito sa girlfriend.

“Baby?” itinaas na ni Ria ang kutsara. Susubuan na nito si Allain.

Inilayo ni Allain ang mukha nito. “H-hindi na ako bata, Ria.”

Kumunot ang noo ni Ria. “But I just want to be sweet to you. Hindi ka ba naiinggit kayna Sheena at Banjo?”

Tumingin si Allain sa kanilang dalawa ni Banjo. Tumiim ang bagang nito pero nang maramdaman na napakunot ang noo si Banjo, naglihis ito ng tingin. Ibinaling nito ang pansin kay Ria. “M-masama lang ang pakiramdam ko, Baby. I’m sorry.”

Inilagay ni Ria ang kamay sa leeg ng boyfriend. “Hindi ka naman mainit.”

“Masakit ang ulo ko. Napagod yata ako sa trabaho,” tumingin muli si Allain sa kanilang dalawa ni Sheena. “I’m sorry, guys. Pero mukhang kailangan na namin na umalis ni Ria,”

Napaawang ang bibig ni Ria nang tumayo si Allain. “But baby, ni hindi pa tayo tapos kumain! Paano kung kaya naman sumasakit ang ulo mo dahil kulang ka lang sa kain?”

“I just want to call it a day, Ria. I’m sorry.”

Dumilim ang mukha ni Ria. Mukhang nainis sa ginawa ni Allain. Pero sumunod rin naman ito. Humingi rin ito ng tawad sa kanila bago umalis.

Naiwan silang dalawa ni Banjo sa restaurant. Dapat ay nakahinga na nang maluwag si Sheena. Iyon ang gusto niya `di ba? Ang hindi makasama si Allain. Pero pakiramdam niya, nanikip pa ang kanyang dibdib.

Bakit ginawa ni Allain iyon? Napapaghalata niya ito. Mukhang mas gusto nito na iwasan siya. Naging tahimik ito at mas sumama ang timplada ng mukha nang makita na inaasikaso niya si Banjo.

Nagseselos si Allain, iyon ang nasa isip ni Sheena. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kung nagseselos si Allain, naapektuhan ito sa kanya. Ang mga taong nagseselos ay mga taong may nararamdaman lamang sa isang tao.

May nararamdaman ba si Allain para kay Sheena? Ah, bakit ngayon pa? Hindi na niya kaya na umasa. Sawang-sawa na siya.

GUSTONG i-appreciate ni Allain ang ganda ng paligid. Ang ganda ng lugar kung nasaan siya. Ang ganda ng kasama niya. Pero bakit hindi niya maggawa na maging masaya? Bakit ang sama pa rin ng pakiramdam niya?

Kasalukuyan na nasa isang pizza house sa Tagaytay ni Ria. Nagyaya ito na gumala. Matapos ang paggala sa iba’t ibang pasyalan roon, dumaan sila sa pizza house na overlooking sa Taal Volcano. Napagdesisyunan nila na kumain muna roon bago bumaba pauwi sa Maynila.

Bakit hindi maggawang maging masaya ni Allain kasama si Ria? Ang tagal niya na pinangarap ang araw na ito. Ang tagal niyang pinapangarap ang babae. Pero bakit hindi niya maramdaman rito ang mga nadiskubre niyang pakiramdam kasama si Nashee noong mga araw na pinilit sila na magdate?

Allain feels empty. Bakit? Paano? Napu-frustrate siya sa sarili niya.

“Masama pa rin ba ang pakiramdam mo, Baby?” may pag-aalala ang boses ni Ria nang makitang natutulala siya. She sounded like a sweet and caring girlfriend, too. Paano ba niya magagawa na makaramdam pa ng hindi maganda kung ganitong babae na ang ibinigay sa kanya?

Napakatagal niyang hinintay si Ria. Sa loob ng maraming taon, ito lamang ang babaeng nanatili sa puso niya. Paanong dahil lamang sa limang dates na iyon, nagbago ang isip niya? It feels so weird.

May nararamdaman na si Allain kay Nashee Nahihirapan siya na itanggi iyon. Hindi niya maloloko ang sarili. Binago ng dates ang nararamdaman niya sa matalik na kaibigan. Nagseselos siya nang makita na kasama nito si Banjo, inaasikaso, nilalambing. At ang nararamdaman niyang hindi intense na damdamin kay Ria? May kahulugan iyon.

Nagbago na ang tibok ng puso niya. Si Nashee ang gusto niya na makasama. Hindi niya ma-appreciate ang pagdating at pagsagot sa kanya ni Ria dahil nasa isip niya ang babae.

“I-I’m okay. Just don’t mind me,” sagot ni Allain.

Mali ang ginagawa niya. Tinatago niya pa rin ang nararamdaman niya kay Ria. Niloloko na niya ito. Pero nahihirapan siyang mag-isip kung ano ang tamang gawin. Napakalaking pagbabago ng nararamdaman niya. Mali rin iyon. Gusto niyang pigilan pero napakahirap.

Tumango-tango si Ria. “If you say so,”

Maya-maya ay dumating ang order nila. Tinanong ni Ria kung ano ang password ng wifi ng pizza house.

“Wala po kaming wifi rito, Ma’am. Pasensya na po,” sagot ng staff.

“Aanhin mo ang wifi?” na-curious na tanong ni Allain.

Madalas na kapag kumakain sila sa labas ay hinihingi ni Ria ang password ng wifi ng restaurant. Tila napakahalaga ng internet sa buhay nito. Nagtataka siya dahil noong nasa ibang bansa si Ria ay hindi naman ito mahilig mag-online. Sa katunayan, once a week nga lamang sila nakakapag-video chat dahil hindi nga ito active sa online world. Pero simula nang umuwi si Ria sa Pilipinas, panay ang hanap nito ng wifi.

Naiisip ni Allain na baka na-miss lang ni Ria ang mga naging katrabaho sa ibang bansa kaya gusto nito na mag-online. Pero ano ba ang mas mahalaga, katrabaho o lalaking interes rin nito? Hindi siya binibigyan ng ganoong atensyon ni Ria noon.

“Ah, may titignan lang ako na e-mail.” Bahagyang nagulo ang ekspresyon ng mukha ni Ria. Pero ngumiti rin naman ito.

“I have a hotspot on my phone. Puwede ka naman na maki-connect kung gusto mo,” malakas ang data ng mobile plan niya.

“Really? Sige. Hindi ko pa kasi alam kung paano mag-avail ng promos for internet usage.” Ibinigay rin ni Ria ang cell phone nito sa kanya para siya na mismo ang mag-connect noon para sa hotspot.

Itinuon ni Ria ang tingin sa pagkain. Maya-maya ay napakunot noo nito. “Babe, hindi ito ang in-order ko. Ngayon ko lang napansin.”

“Oh,” natigil si Allain sa ginagawa. Tumingin siya sa paligid. Malayo sila sa counter at wala rin na staff ng restaurant sa paligid na puwede nilang papuntahin sa table para magreklamo. “I’ll bring it to the counter for a change.”

“It’s all right. Ako na ang magbabalik. I can manage. I work in a restaurant kaya naiintindihan ko sila. Baka masyado lang toxic sa work. Kakausapin ko sila nang maayos. Just wait for me here,”

Hindi na nagprotesta pa si Allain nang makatayo si Ria. Umalis ito sa table dala-dala ang pagkain. Iniwan nito ang cell phone sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang hiling nito na maka-connect. Nang mai-connect ang cell phone sa mobile data niya, nagsunod-sunod ang notifications roon.

Iphone ang cell phone ni Ria kaya lumabas sa screen ang mga messages notifications mula sa Facebook Messenger. Lahat ng notifications ay nanggaling sa iisang tao. Dahil hawak-hawak, na-curious si Allain na tignan ang mga notifications. Naisip niyang hindi rin naman masama dahil girlfriend naman niya ito.

James Milburne: Hey Babe, I miss you.

James Milburne: I know I really have done wrong to you. I regret it all. I want you back, Babe. Life is not complete without you.

James Milburne: I can go to the Philippines if you want. I really want to see you. I miss you so badly. I love you so much.

Nagulat si Allain sa mga nabasa. Base sa messages, mukhang nagkaroon ng relasyon si Ria at ang James na iyon.

Hindi pa kita kayang sagutin, Allain. Hindi ko priority ang love life. Naalala niyang palaging sagot ni Ria sa kanya.

Kung hindi priority ni Ria ang love life, bakit may kinarelasyon ito? Mukhang Australiano pa iyon base sa pangalan at apelyido.

Nang bumalik si Ria ay kinuha nito ang cell phone. Nang makita nito na nakakunot-noo siya, nagtaka ito. Nang tumingin ito sa cell phone ay namutla ito. Napagtanto na nito ang nangyari.

“Y-you have read the messages?”

“I accidentally read the messages.” Pagtatama ni Allain. “Tama ba ako na hindi talaga e-mail ang inaabangan mo?”

“Allain, I’m sorry…” napayuko si Ria. Nakagat nito ang ibabang labi. “Damn, I’ve been so careless! H-hindi ko rin naman kasi inaasahan na magpapadala siya ng messages…”

“Nagkaroon ka ng karelasyon sa ibang bansa. Hinintay kita, Ria. Ipinangako ko iyon sa `yo. Pumayag ka rin kaya umasa ako. Pero sa nangyari, may maganda ka ba na paliwanag roon?”

“I’m sorry, Allain. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Mahirap ang buhay sa ibang bansa. Palagi ako na mag-isa. S-Si James, siya ang naging karamay ko.”

“Ano pa?”

“Nahulog ako kay James. Hindi sinasadya. Naging karelasyon ko siya sa loob ng anim na buwan. Pero hindi iyon isang normal na relasyon. It was a trial and error relationship. Hindi official kaya hindi ko rin muna inamin sa `yo. Isa pa, nahihiya ako sa `yo kapag nalaman mo na niloko at pinaasa lang kita. Magulo ang isip ko. Natatakot rin kasi ako na iwanan ako ni James. May pagka-player rin kasi siya.

“Nangyari nga ang kinatatakutan ko. Ilang buwan bago ako umuwi, lumayo si sa James sa akin. He asked space. Ayoko ng ganoon. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa akin.

“Minahal ko si James. So kung napapansin mo, madalas ako na nag-o-online. Tinitignan ko ang updates niya sa Facebook. Naghihintay ng messages niya. Umaasa ako na mami-miss rin niya ako…”

“And he did.”

Huminga nang malalim si Ria. “Bumalik talaga ako sa Pilipinas para makalimot. I turn to you. Iyon naman kasi ang nararapat. You are nice man, Allain. The nicest man I ever met. Napakatiyaga mo para hintayin ako sa napakaraming taon. Ikaw ang dapat kong pagtuunan ng pansinin at hindi ang isang kagaya ni James. I’m sorry kung ginawa kita na panakip butas. B-but I’m just so desperate to moved on. Nagkamali ako para gamitin ka. It was so unfair to you. I’m sorry. I am really sorry…”

Umiyak si Ria kay Allain. Pero sa halip na masaktan, napangiti pa si Allain. Naging maganda ang kanyang damdamin.

“Hindi mo na kailangan na mag-sorry, Ria. Sa tingin ko ay pinadali mo pa ang buhay ko. Maraming salamat sa paliwanag.”

ALAS DIYES na ng gabi nang iparada ni Banjo ang sasakyan nito sa tapat ng bahay nila Sheena. Simula nang makauwi mula Dubai ay araw-araw na siya nitong sinusundo sa trabaho. Madalas ay sabay sila na nagdi-dinner at ganoon nga ang nangyari ngayong araw.

Pumapayag palagi si Sheena sa gusto ni Banjo. Hindi siya nagrereklamo kung hinahawakan at naging matagal ang pagsasama nila, kagaya ngayong araw. Kailangan niya iyon. Naisip niya na kapag inilapit niya ang sarili niya kay Banjo, matutunan rin niya na mahalin talaga ito.

Hindi pa nagtatagumpay si Sheena. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Sandali pa lang naman ang oras na ginugugol niya kasama si Banjo.

“I’ll see you soon, Babe.” pagpapaalam ni Sheena sa boyfriend. Hindi niya sinabi na tomorrow dahil baka imposible. May lakad kasi si Banjo bukas. Niyaya raw ito ng high school barkada nito na mag-hiking. Half-day hike lang iyon pero sa Batangas pa kaya baka magtagal rin ito roon. Niyaya siya nito pero hindi siya pumayag. Hindi siya mahilig sa ganoon.

“Yes, see you. I love you,” binigyan siya ni Banjo ng halik sa pisngi.

Ngumiti lang si Sheena bilang sagot. Masyado na siyang maraming kasalanan kay Banjo para magsinungaling.

Hindi naman nagtataka si Banjo sa inaasal niya. Umalis na rin ito pagkatapos.

Nanatiling nakatayo si Sheena sa harap ng gate nila. Pinanood niya ang pag-alis ng sasakyan ng boyfriend. Nang mawala na iyon sa tanaw niya ay doon lang siya kumilos para pumasok. Pero bago pa niya naggawa, may isang kamay na pumigil sa kanya. Nanginig siya nang maramdaman na pamilyar sa kanya ang pakiramdam ng hawak.

“Mag-usap muna tayo, Nashee.”

Hindi lumingon si Sheena. “Malalim na ang gabi. Pagod na ako at---“

Kinuha ni Allain ang ulo niya. Pinaharap siya nito rito. Hindi napigilan ni Sheena na salubungin ang mata nito. “You always have time for me. Kahit pagod ka, gabing-gabi na ay willing ka na kausapin ako palagi.”

“Change is inevitable.”

Umarko ang kilay ni Allain. “Dahil lang sa tinanggihan ko ang nararamdaman mo? Ginawa ko lang naman iyon dahil mali iyon. May boyfriend ka, may babae rin na nagmamay-ari ng puso ko.”

“Yes. Isa na nga na dahilan iyon kung bakit hindi ko rin gustong kausapin ka. Paano ako makaka-move on `di ba? Kapag palagi kitang nakakasama, magiging mahirap para sa akin na kalimutan ka. So maybe, its just better this way.”

Hinawakan ng isang kamay ni Allain ang pisngi niya. “Pero iba na ang sitwasyon ngayon. You are the one that’s holding my heart.”

Naging doble sa normal ang heartbeat ni Sheena. “A-anong sinasabi mo?”

“Wala na kami ni Ria. We broke up.” Ikinuwento ni Allain sa kanya kung ano ang natuklusan nito kay Ria. “Hindi na mahalaga sa akin ang nalaman ko. Damn, it didn’t even hurt me even a bit! Sa halip, natuwa pa ako. Pinadali niya ang buhay ko. Hindi ko na siya kailangan na saktan pa sa pagsasabing I fall out of love for her. May pag-asa na tayo, Nashee.”

Nawalan yata ng hangin sa paligid ni Sheena. Uminit, pinagpapawisan siya. Gusto niyang mapapikit. Totoo ba itong naririnig niya? Nahihirapan siyang paniwalaan. Napakarami na ng nangyari sa nakalipas para paniwalaan niya ang mga sinasabi ni Allain.

“I love you, Nashee. I’m sorry if I’m too late to realize that.” Tinanggal na ni Allain ang isang kamay sa pisngi niya. Kinuha nito ang dalawang kamay niya. Pareho nitong pinisil iyon.

“H-hindi. Hindi puwede na mangyari ito. Paano ako maniniwala sa `yo? Tinanggihan mo ako. Sinaktan mo ako. And falling out of love, does it really happen? Hah, sinasabi mo lang `yan at ginawa mo lang na makipaghiwalay kay Ria dahil naawa ka sa akin. Yes! Iyon na nga iyon.”

Kumunot ang noo ni Allain. “Best friend mo ako. Dapat ay pinagkakatiwalaan mo ako. Hindi ako magsisinungaling sa `yo.”

“Pero ang sinasabi mo, napakahirap paniwalaan noon at---“ nabitin ang sasabihin ni Sheena nang unti-unting ilapit ni Allain ang mukha nito sa mukha niya. Naninikip na ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Naririnig na rin iyon ng tainga niya.

“Really? If so, believe this...”

Lalong naputol ang dila ni Sheena nang ang labi naman ni Allain ang inilapit sa labi niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.