CHAPTER 14

XATANA'S POV

Parang isang malakas na sampal yung sinabi ni Ria sa akin.

Bumuntong hininga ako nang maisip kong muli ang nangyare kanina.

Gano'n na ba talaga ako ka tanga para sa pagmamahal ni Morpheus? Hindi ko alam na sobra kong minahal ang lalaking iyon.

Napatingin ako sa langit at muli kong naalala si Lolo. Si Lolo lang naman nakakaintindi sa akin, kung ano talagang nararamdaman ko. Bakit ba kasi iniwan mo ako Lolo.

Alam kong walang kuwenta itong itatanong ko Lolo, pero ikaw nakakakilala sa akin ng lubos.

Tama ba yung pagmamahal ko sa ex-boyfriend ko noon Lolo, o sumobra ako at walang naitira para sa sarili ko kaya ganito din kasakit sa akin dahil totoo?

Hindi ko maiwasang mapaluha, sa nakaraan na meron kami ni Lolo.

Naaalala ko pa noon, may isang araw na may nakita akong isang batang babae at may laruan ito, isang barbie. Noong nakita ko iyon nainggit ako sa batang babae.

Ni minsan ayaw nila Mom na humawak ako ng mga bagay na kung saan lang nakukuha. Strict sila Mom and Dad lalo na pag hindi abot sa standards nila.

Ilang araw akong hindi kumain at lumabas dahil lang doon. Pakiramdam ko hindi ako naging bata dahil sa nakaraan ko. Na halos lahat ng gusto ko hindi ko man lang makuha. Kung saan gusto kong pumunta hindi naman ako makaalis dahil bantay sarado ako sa mga butler ko.

Hanggang sa may sinabi si Lolo sa akin na talagang tumatak sa akin.

"If you don't like how things are, change it! You're not a tree."

Noong araw na iyon, naisip ko na gagawin ko yung sinabi ni Lolo sa akin. Siguro ay hindi pa sa panahong iyon dahil bata pa ako, pero meron namang tamang panahon hindi ba?

Siguro dahil sa sinabi ni Lolo ay nag-iba ako. Hindi ko inisip kung ano talaga ang gusto niyang iparating sa akin.

Na porke mahal ko si Morpheus ay kaya kong baguhin ang lahat. Siguro dahil sa mayaman ako kaya ko naisip iyon. Hindi ko alam na pati ako nagbago.

Sa totoo lang, hindi naman niya talaga ako mahal at ni kailan man hindi niya ako minahal kahit naging kami. Isa lang naman talaga minahal niya, si Estella. Natakot lang ako na isang araw maging sila.

Oo na, sabihin niyo na sa akin na selfish ako. Dahil lang naman sa pagmamahal na iyon kaya ko nagawa ang isang bagay na iyon. Akala ko mababago ko lahat, na mamahalin niya ako.

Naging mabait si Morpheus sa akin noong birthday ko. Binigyan niya ako ng regalo at inalagaan. Tuloygtuloy iyon pero iba pala ang intensiyon niya. Yun ay lokohin at saktan ako.

Niloko niya ako, may kasama siyang ibang babae, akala ko minahal na niya ako. Masakit syempre, dahil yun ang unang lalaking minahal ko, pero ako din naman ang may kasalanan.

Sumombra ako, na pati ako nakalimutan ko nang mahalin pati sarili ko. Parang sarili ko lang din kaaway ko. Kaya ayoko ng magmahal dahil masasaktan lang din naman ako at ayokong maramdaman ulit iyon.

Ayokong umasa, akala ko na destiny ko na si Morpheus yun pala destruction ang mangyayare.

Napayuko ako at sumigaw. "Lolo! Kung naririnig mo ako, miss na kita! So-sobra pa sa sobra! Na miss ko na lahat ng memories na kasama ka! Ma-masakit, na wala akong mapagsabihan hindi tu-lad noon na nandito ka at nakikinig sa akin." Hindi ko na napigilang umiyak.

Buti at nandito ako sa bundok. Sumisigaw ako kapag hindi ako ok. Ito lang ang naiisip kong paraan para ilabas lahat ng nararamdaman ko. Mas mataas na bundok mas maganda.

"Here.." may nakita akong kamay na may panyo. Tinignan ko kung sino ito, si Mr. CEO pala.

"Ah, huwag na. May dala naman ako." Kinuha ko naman yung panyo sa bulsa ko pero wala akong makapa.

Hindi ko ba dala—tsk, ang dala ko lang pala yung laptop ko.

"Here, gamitin mo na."

"Sa-salamat Mr. CEO, huwag kang mag-alala pagkatapos ko itong labhan ibabalik ko din sa iyo."

"Madami kaming panyo, kahit 'wag na." Malamang, mayaman nga pala sila.

"Salamat nga pala dito."

"Anong minumukmok mo dito?"

Tsk, binalewala yung pagpapasalamat ko?

"Wala naman, maganda kasing pagmasdan kapag nasa taas. Kita mo lahat."

"Lier, umiiyak ka at nakikita ko 'yon. Akala mo maniniwala ako sa dahilan mo?"

"Ok sige, oo na malungkot ako ngayon. Hindi lang malungkot kundi masakit, masakit na lahat ng sinabi niya sa akin totoo."

"Who?" Nag tanong siya, usisero ba siya ngayon? "Ayoko lang pati pagtrabaho mo madamay sa problema mo."

Natawa naman ako sa pagdadahilan niya. Halatang defensive.

"I'm professional enough to handle this kind of thing. Hindi ko naman idadamay ang trabaho sa personal kong problema."

"Go-good, gusto ko lang ng malinaw na sagot."

Natawa ako sa reaksyon nito. Nag-aalala ba siya sa akin?

"Bakit nga pala nandito ka sa bundok? Akala ko busy kayo para sa design?"

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito, teka may problema din kaya siya?

"Something came up. Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin."

"Care to share? I mean, baka may maitulong naman ako, bakit naging chief secretary pa ako kung wala akong gagawin right Mr. CEO?"

"No need, personal na problema ito. Not related—" Hindi ko na siya pinatapos sasasabihin niya. Kung ayaw niyang sabihin edi huwag, diba?

"Ok, kung ayaw niyong sabihin huwag na lang."

"I read what you said about the designs I sent you. You didn't like it, why?"

"Because not all people can afford to buy those dresses. Let's be honest, not all women are rich."

Hindi lahat ng babae nahuhulog sa mga lalaking mayayaman. Dahil ang pagmamahal kusa mo lang mararamdaman kahit kanino.

Once na tumibok ang puso mo o nagmahal ka sa taong yun. Hindi mo naman pwedeng diktahan puso mo. Pero minsan may mga nagmamahal na nasasaktan at kinakalimutan na lang ang nakaraan.

Teka bakit parang ako yung tumatama sa sinabi ko?

"Uhm, hindi rin kasi presentable yung design. I mean, kung ikaw magpapakasal kailangan ba lantaran?" Lalo na nung nakita ko yung mga design.

Merong backless, may off shoulder, may telang manipis, tapos butas-butas like ano bang okasyon nun?

"At isipin mo, bilang lalaki magsusuot ka ng halos walang nakatakip sa katawan mo? O well, oo nga lalaki kayo pero paano naman sa girls diba? Halos party na yun hindi kasal!"

Sa dami ng sinabi ko nakatulala lang siya kung saan, seriously?

"Hey! Mr. CEO?"

Nagulat ako ng bigla itong tumingin sa akin.

"For you, anong gusto mong kasal?" Nagulat ako sa tanong nito. Bakit na punta sa akin?

"Mr. CEO, wala pa akong balak magpakasal. Wala nga akong boyfriend, at saka trabaho muna bago mga ganiyan."

"Wala ka pang naging boyfriend?"

"Meron pero..."

"Pero niloko ka niya?" Ouch, ang sakit na ipamukha ulit sa akin iyon, mula pa sa lalaki. "Be thankful, there is someone who is not even for us but will serve as a lesson for you. If you’ve been hurt, you already know what you should do."

Kaya nga ayoko ng magmahal. Kung ngayon na ganito na kasakit, paano pa kaya kung sa susunod hindi ko na makaya?

"So I don't want to love again or I'm afraid to love again." Ngumiti naman si Mr. CEO sa sinabi ko.

"You also can't tell when your heart will beat for someone. You are hurt because you loved the person, it's only natural depending on if you didn't really love him."

Tama nga naman siya...

"Teka, nagmahal ka na ba Mr. CEO?" Bigla naman itong naging seryoso.

"Don't call me Mr. CEO, we are not in the company."

Tumango na lang ulit ako sa sinabi niya. Grabe siya, bakit ganun siya makatitig. Nakakatakot, grrrr parang ang lamig.

Patayo na ako sa inuupuan ko ng may maramdaman akong jacket.

"It's getting late, wear that so you don't get cold." Oo nga, ang bilis ng oras.

"Salamat Mr. Hunt, aalis na ako. Baka hinahanap na nila ako." Pagpapaalam ko sa kaniya. Siguro ay uuwi na din siya.

Bigla naman itong umalis ng walang sinasabi. Ano pa nga bang aasahan ko, porke nakausap ko siya ngayon meaning friends na kami?

Malamang dahil sa ayaw nitong madamay pati trabaho ko kaya kinakausap niya ako.

Pinakatitigan ko ang mga bahay at iba pang gusali sa baba. Onti na lang ang magliliwanag na sila. Mag-iintay muna ako hanggang sa makita ko na yung pinaka magandang view dito.

"Lolo sana nandito ka kasama ko. Gawain natin ang pumunta ng bundok at titigan ang mga ulap. Ngayon ako na lang

mag-isa na magpapatuloy. Alam kong masaya ka na diyan, miss na kita."

Muli ay napaluha ako, pero ngayon hindi na katulad kanina na masakit. Ngayon ay gusto kong kalimutan na ang lahat. Huling luha ko na ito.

Kung luluha man ako, para na lang kay Lolo at hindi na sa lalaking minahal ko noon.

"Xatana! Nandito ka ba? Xatana!"

Boses ni Estella yun, nandito siya? Nabigla ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.

"Buti at tama ako, nandito ka lang." Nag-alala siguro siya sa akin.

"Ano ka ba naman Stel, magga-gabi na bakit pumunta ka pa dito?"

"Gusto lang sana ni Ria na mag-sorry sayo, kung ano man ang nasabi ni Ria sana mapatawad mo siya."

Hinawakan ko dalawang kamay nito. "Alam mo Stel, hindi ako galit kay Ria. Oo, nasaktan ako pero hindi dahil doon ay magagalit ako sa kaniya." Ngumiti naman ito.

"Mabuti naman kung gano'n. Ok ka na ba?"

"Ok na ok na Stel, salamat at may pinadala si Lolo na kakausap sa akin."

"Si Lolo? Teka! Patay na si Lolo ah?"

Natawa ako sa reaksyon niya, akala niya siguro buhay si Lolo yung tinutukoy ko.

"I mean, may nakausap ako kanina. Kahit papaano ay nabawasan din yung sakit at ngayon moving forward na ulit ako. Never na akong iiyak."

"Good to know, ano uwi na tayo?"

"Teka may ipapakita ako sayo bago tayo umalis, pumikit ka muna." Agad naman itong pumikit kaya naman inayos ko posisyon nya kung saan nakaharap siya sa mga gusali.

"Pagbilang ko ng tatlo didilat ka ah. Isa.. Dalawa.. Tatlo!"

Dumilat ito pagkasabi ko ng tatlo at halata sa mukha nito na namangha siya.

Tumingin din ako sa mga gusali na ngayon ay nagliliwanag na sa ganda. Salamat Lolo, alam kong kasama kita palagi.

"Ang ganda, paano mo nalaman 'yan?"

"Hindi ako kundi itong lugar na ito mismo ang nakahanap sa akin."

Hindi pa rin nagbago kahit ilang taon na ang lumipas.

"So, dito ka pumupunta dahil dito?"

"Yes, noong unang punta ko dito inabutan ako ng dilim. Paalis na sana ako ng magliwanag ang mga gusali. Hanggang sa kapag malungkot ako, galit or nasasaktan, dito ako pumupunta."

"Kaya naman pala, ngayon alam ko na kung bakit. Teka, halika na at anong oras na!"

"Oo nga pala."

Umalis na kami doon pero may napansin akong nakatingin sa akin. Malayo at biglang nawala ito, siguro dahil gabi na kaya kung ano na nakikita ko. Guni-guni ko lang siguro dahil sa gutom.

Nandito na kami sa bahay, hindi pa pina-uwi si Ria sabi ni Stel dahil sa kakagising pa lang nito at kailangang masuri muna.

Kami ni Stel muna ang nandito, si Ame naman ang bahala kay Ria doon sa hospital. Dahil sa iniwan niya si Ria kaya sabi ni Stel siya na magbantay kay Ria bilang punishment nito. Tinakot din kasi siya ni Ria kaya pumayag siya.

"Kanina, noong nasa restaurant kayo ni Morpheus. Anong napag-usapan niyo?"

Hindi niya pala nakalimutan iyon. Sabagay, mahal ni Estella si Morpheus.

Nagtataka kayo bakit hindi ko sabihin kay Estella na gusto din siya ni Morpheus? Well, si Morpheus nagsabi sa akin na huwag ko daw sabihin kay Estella, pati si Estella ganun din. Ayaw pa nilang magsabi sa bawa't-isa sa kanila.

Ewan ko kung anong iniisip ng dalawang iyon. Kung para sa akin naman, ok lang kung maging sila tutal wala naman na kami ni Morpheus at gusto kong sumaya si Estella.

Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang oras para sa kanila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.