Chapter RAIVEN AND THE TEMPTRESS: Chapter 18

MATAGAL na nakipagtitigan si Raiven sa kisame ng silid niya. Nang maramdaman niya ang malalim na pagtulog ni Lauradia sa tabi niya ay noon lang niya ito nilingon. Maamo pa rin ang mukha ng babae habang natutulog, just as he remembered from eight years ago. Pero may nabanaag siyang lambong sa mukha ni Lauradia na tila ba napakarami na nitong pinagdaanang hindi maganda. Na marami itong pinoproblema. Malamang isa ako sa mga iyon. May sumundot na konsiyensiya kay Raiven pero agad din niya iyong pinalis. Especially when he remembered how he took her the first time after they met again. At ang kontratang pilit niyang pinapirmahan sa babae. Hindi naman talaga kailangan ng kontratang iyon. Pero labis siyang naghimagsik sa naramdaman niyang matinding emosyon habang nasa mga bisig niya si Lauradia.

He knew it was harsh. At may mga pagkakataon, tuwing pinagmamasdan niya ang babae kapag hindi ito nakatingin sa kanya ay nangangati siyang hawakan ito at humingi ng tawad sa ginawa niya. Pero pinipigilan ni Raiven ang sarili. In fact he had been telling himself that she deserved it. Kulang pa iyon kumpara sa labis na sakit na naramdaman niya noong nawala na parang bula si Lauradia at nang makita niya ito ay nalaman pa niyang niloloko lang pala siya ng babae. Hindi na siya ganoon kabaliw rito na gaya noon kaya kaya na ni Raiven na iparamdam dito ang sakit ng ginawa nito sa kanya noon.

Yet, when he came home and found his house empty, he felt the same heaviness on his chest na gaya ng naramdaman niya nang hindi niya naabutan sa bahay niya noon si Lauradia. Nataranta at natakot siya na baka gaya noon ay nawala na naman ang babae at hindi na babalik pa. Na baka masyadong malupit ang mga sinabi at ikinilos niya sa harap nito at mas pinili nitong takbuhan na lang siya kaysa makasama siya. And when Raiven saw her at his doorstep, he felt so relieved it took all his willpower not to hold her and kiss her right there and then.

His reaction at that moment scared the hell out of him. Hindi siya dapat naaapektuhan ng ganoon. Galit siya kay Lauradia at kahit anong mangyari ay hindi na niya ito pagkakatiwalaan pa. Pero nang marinig ni Raiven ang malumanay na tinig ng babae habang nangangako itong hindi ito mawawala hangga’t hindi niya sinasabi ay parang may kamay na pumisil sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kaya ginawa niya kung ano lang ang handa niyang ibigay rito. They ended up in his bed.

Tumagilid siya para lalong mapaharap kay Lauradia at pinakatitigan ang mukha nito. “I hate it that you still have too much power over me,” bulong ni Raiven.

Umungol lang ang babae at isiniksik ang sarili sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga at bago pa niya napigilan ang sarili ay lumapat na ang braso niya sa baywang ni Lauradia at hinigit ito palapit sa kanya. It felt too good that she was in his arms that he let himself forget for a moment that she had hurt him and slept.

NAGISING si Lauradia kinaumagahan na may mabigat na bagay na nakadantay sa katawan niya. Saglit siyang na-disorient. Nang dumilat siya ay ang natutulog na mukha ni Raiven ang nakita niya. Tuluyan siyang nagising. Naging aware siya na ang nakadantay sa baywang niya ay ang isang braso ng binata habang ang isang binti naman nito ay nakapatong sa mga hita niya. May humaplos na masarap na init sa puso niya habang nakatitig sa mukha ni Raiven.

Kung kailan ka tulog, saka mo lang ako niyayakap, sumbat niya rito sa kanyang isip pero may munting ngiti naman sa mga labi. Sa tingin ni Lauradia, kahit paano ay nag-improve na ang estado nila ni Raiven. Kompara nang una silang nagkita na pakiramdam niya ay nais siya nitong yugyugin sa galit. Nangangati siyang haplusin ang mukha nito pero natatakot din siyang magising niya ang binata. Natatakot siyang kapag nagising ito ay maging malamig na naman ang pakikitungo nito sa kanya.

Hindi niya alam kung gaano katagal niyang tinitigan ang mukha ni Raiven. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Napakagat-labi si Lauradia dahil bigla ay nais niyang tawirin at hagkan ang mga labi ng binata. Pero natakot siyang magaalit ito sa kanya. Dahil hindi pa siya hinahalikan ni Raiven sa mga labi niya kahit ilang ulit na silang nagniig. Tila ba may makapal na pader pa ring nakapagitan sa kanila.

Pero hindi naman siguro siya magigising kung magaang na halik lang ang gagawin ko. Sa huli ay hindi rin siya nakatiis. Buong ingat siyang lumapit dito at tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Her heart swelled with emotions when she felt his soft lips against hers. Napapikit siya. Hindi niya nagawang lumayo kaagad dito. Just a little more… aniya sa isip.

Napaigtad at napadilat si Lauradia nang kumibot ang mga labi ni Raiven. Nakita niyang nakadilat at nakatingin na ito sa kanya. Nilukob siya ng pagkapahiya at mabilis na lumayo rito. Pero hindi rin siya napalayo nang husto dahil humigpit ang braso nito sa baywang niya.

“What did you just do?” tanong ni Raiven sa bahagyang paos na tinig. Hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya.

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Lauradia. May kumislap na kung ano sa mga mata nito. Was it fascination? “Lauradia?”

Bumuntong-hininga siya. “I kissed you.”

Umangat ang mga kilay ni Raiven at naramdaman niyang hinigit pa siya nito palapit sa katawan nito. “And that’s what caused you to blush?” manghang tanong ng binata.

Napayuko siya. “It’s because you haven’t… kissed me on the lips yet. Akala ko hindi mo gusto kaya…” Bumuntong-hininga uli si Lauradia dahil hindi niya magawang tapusin ang nais niyang sabihin. Nang hindi nagsalita si Raiven ay tumikhim siya at nagpumilit kumalas dito. Hinayaan siya nito at bumangon siya. “Gusto mo ng almusal? Puwede akong magluto kung may laman ang fridge mo,” pag-iiba niya sa usapan.

Bumangon din si Raiven. “That sounds good.”

Hindi tumitinging tumango siya at tuluyan nang bumaba sa kama. Hinablot niya ang isa sa mga roba nito at isinuot iyon.

“Lauradia,” tawag ni Raiven sa kanya.

Napahinto siya at lumingon sa binata. He looked glorious sitting on the bed with only a white sheet covering his lower body. “Come here.”

Napakaseryoso ng mukha nito nang sabihin iyon kaya walang salitang tumalima siya. Nagulat si Lauradia nang hawakan ni Raiven ang batok niya at iyuko siya. Sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya sa halik na muntik nang magpapugto sa hininga niya. Tila nakalutang pa rin siya sa epekto ng halik nito at sa pagkalito nang pakawalan siya ng binata.

“Honey, if a kiss on the lips is what you wanted, all you have to do was ask,” amused na sabi ni Raiven.

Napamaang siya rito nang makita niya ang munting ngiti sa mga labi nito na kay tagal niyang hinintay na makita mula nang magsalubong uli ang mga landas nila. She saw the wall he put between them slowly crumbling and it made her smile back.

“Tatandaan ko `yan,” tanging sagot ni Lauradia bago siya nito pinakawalan. Masiglang naghanda siya ng almusal. Tulad iyon ng siglang naramdaman niya nang tawagin siya ni Lance ng “mama.”

NAPATITIG si Raiven sa isang artikulo sa isa sa mga broadsheet na dinala ng sekretarya niya sa opisina niya. Hapon na at katatapos lang niyang magpunta sa mga meeting na naka-schedule nang araw na iyon. Ang pagbabasa ng mga diyaryo ang ginagamit niyang paraan para magpahinga bago umuwi. Ang artikulong nakaagaw ng pansin niya ay ang tungkol sa pagkakahuli kay Armando Villacorta dahil sa pamemeke ng testamento ni Loretta Chen at kung ano-ano pang kaso na hindi maaaring piyansahan ng lalaki. May koneksiyon din pala si Armando sa isang malaking sindikato na ang modus ay mang-akit ng mayayamang matrona at nakawan ang mga ito. Sa tulong daw ng tunay na testamentong napasakamay ng anak ni Loretta Chen ay lalong tumibay ang kaso laban sa lalaki.

Testamentong muntik nang makapagpahamak kay Lauradia para lang makuha. Napatiim-bagang si Raiven. They must add attempted rape to that bastard’s crimes. Dahil mula noong may mangyari sa kanila ni Lauradia ay sigurado siyang hindi totoo ang akala niyang trabaho nito. He knew she didn’t sleep with anyone for a long time. Ibig sabihin lang niyon ay totoo ang sinabi ng babae na pinagtangkaan ito ng Armando Villacorta na iyon.

“She should cut all her ties to whoever she’s working for. Masyadong delikado ang trabahong ginagawa niya,” sabi ni Raiven habang nakakunot-noong pinapasadahan ng basa ang artikulo. Hindi niya makontrol ang makaramdam ng protectiveness para kay Lauradia tuwing naiisip niya ang posibilidad na sa susunod ay tuluyan na itong mapapahamak sa kamay ng kung sino mang lalaki.

“Sino’ng tinutukoy mo?”

Napaangat ang tingin niya sa tinig na iyon ng kapatid niyang si Riki. Kasama nito si Choi. Ni hindi alam ni Raiven na nakabalik na pala si Riki mula sa honeymoon nito. Bago pa siya makasagot ay nakalapit na ang mga kapatid niya at umupo sa dalawang upuang nasa tapat ng mesa niya. Sinusuring pinagmasdan siya ng dalawa.

“What?” tanong ni Raiven.

“May sinabi sa amin si Jeremy at may sinabi sa `kin si Choi na nagkita na uli kayo pagkatapos ng walong taon. Raiven, what do you think you are doing?” prangkang tanong ni Riki na ang tinutukoy ay si Lauradia.

Tuluyan na niyang itinupi ang broadsheet na hawak niya at sumandal sa swivel chair niya. “Getting even,” simpleng sagot niya. Pero kahit sa pandinig niya ay kulang sa kumbiksyon ang tinig niya. Not after a heart warming breakfast and hot kisses he shared with her this morning. Pero ayaw niyang pakaisipin iyon nang husto. Dahil kapag ginawa niya iyon ay siya na naman ang magmumukhang tanga sa huli.

“Sigurado kang hindi mo lang `yan ginagawa dahil gusto mo siyang makasama? Tinanong mo ba siya sa kung ano ang tunay na dahilan niya sa mga ginawa niya noon in the first place?” tanong naman ni Choi.

Napatiim-bagang siya at ikinuyom ang mga kamay. “No. And I don’t have to ask her. Alam ko kung ano ang nangyari. Pinuntahan ninyo lang ba ako para doon? If so, I still have more important things to do than talk about her,” pangdi-dismiss ni Raiven sa mga kapatid.

Nagtinginan ang dalawa, bago sabay na bumuntong-hininga at tumayo. “Sige, aalis na kami,” paalam ni Riki.

Nasa pinto na ang mga kapatid niya nang tingnan uli siya ni Choi. “Be careful, brother. It could be you who’d fall hard on your scheme.” Iyon lang at tuluyan nang umalis ang mga ito.

“No way,” sabi ni Raiven sarili. Matagal siyang nanatili roon. Pagkatapos ay nagmumurang tumayo. He decided to go home. And this has nothing to do with her being there.

Pero sino ba ang niloloko niya? Hindi nga ba at halos ayaw na niyang umalis kanina dahil ayaw niyang iwan si Lauradia roon? “Damn!”

KUMABOG ang dibdib ni Raiven nang mapansing tahimik na naman sa bahay niya nang makauwi siya. Mabilis na binuksan niya ang pinto at inaasahan na niyang wala na naman doon si Lauradia nang matigilan siya. She was there. Patagilid na nakahiga ang babae sa mahabang sofa at mukhang malalim na natutulog. Nakapantalong maong at simpleng blouse lang ito na gaya ng suot nito nang nagtungo sa bahay niya. Hanggang ngayon ay nako-caught off guard pa rin si Raiven sa tuwing ganoon lang ang ayos ni Lauradia. Pero kung siya ang tatanungin, mas gusto niya kapag simple lang ito. She looks younger and prettier than when she was acting as a temptress.

Sa sahig na nasa tabi ng couch ay naroon ang shoulder bag ng babae. Mukhang galing ito sa kung saan. Napakunot-noo siya. Saan nagpupunta maghapon si Lauradia? He realized he didn’t even know that because he never asked. Wala sa loob na inilapag ni Raiven ang suitcase niya sa isang one seater couch bago lumapit dito. Ang intensiyon niya ay gisingin ang babae para tanungin kung saan ito galing. Pero nang makita niya ang payapang pagtulog nito ay hindi niya nagawa ang balak. Sa halip ay maingat siyang lumuhod sa harap ni Lauradia at pinagmasdan ito. Hanggang sa hindi na nakatiis si Raiven at hinaplos niya ang mukha nito. Umungol ang babae at marahang nagmulat ng mga mata.

Saglit na tila disoriented pa ito pero nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito. “Raiven, nandiyan ka na pala,” ani Lauradia sa bahagya pang paos na tinig. It brought a tingle of sensual awareness to his body. Tanggap na niya na ang babae lang ang nakakagawa niyon sa kanya. At kung noong nakaraan lang ay naghihimagsik si Raiven tuwing nangyayari iyon ay kataka-takang wala siyang nadamang ganoon ngayon. Sa katunayan ay nagdulot pa iyon ng mainit na haplos sa dibdib niya.

Huminga siya nang malalim sa realisasyong iyon. “Yes,” nakangiting sagot ni Raiven.

Bago pa niya napigilan ang sarili ay niyuko niya ang babae at ginawaran ng magaang na halik sa mga labi. Na hindi rin niya natiis na hindi palalimin nang gumanti ito ng halik. Bago pa mauwi sa kung saan ang halik na iyon ay pinakawalan na rin niya si Lauradia. Tumayo siya.

Bumangon na rin ito. “Nakatulog pala ako.”

“Oo nga. Saan ka galing?” tanong ni Raiven.

Natigilan si Lauradia at biglang umilap ang mga mata. Nawala ang ngiti niya. “Sa isang kaibigan lang,” sabi nito at tumayo na. “Kumain ka na ba? Magluluto ako.” Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ang babae at dumeretso sa kusina. Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin. Kung kailan nagdesisyon si Raiven na kilalanin si Lauradia ay saka naman ito umaaktong may ginagawang ayaw nitong sabihin sa kanya. Kung iba lang ang sitwasyon nila ay babale-walain niya ang reaksiyon ng babae. But his gut was telling him not to ignore it. Aalamin niya kung saan ito nagpupunta. Kung ayaw nitong sabihin, mayroon siyang ibang paraan para malaman iyon.

KINABUKASAN ay naramdaman ni Raiven na bumangon si Lauradia nang mas maaga kaysa karaniwang gising nito. Pero hindi siya bumangon at nagkunwang tulog pa rin. His chest warmed when he felt her kiss his lips before she went out of the room. Pero napalitan na naman iyon ng pagdududa nang sa pagdilat niya ay makita niya ang maliit na note ng babae sa bedside table. Ayon doon ay may pupuntahan lang daw ito at babalik din kinagabihan.

Bumangon siya at mabilis na kinuha ang cell phone niya at may taong tinawagan. “Are you following her?” tanong ni Raiven sa imbestigador na kinausap niya kagabi.

“Yes, Sir.”

“Good. Tawagan mo ako kapag alam mo na kung saan siya pumunta.”

Pagkatapos ng tawag na iyon ay naligo na siya at nagbihis. Kinausap na niya ang sekretarya niya kagabi na hindi siya pupunta sa opisina sa araw na iyon. Buo na ang pasya ni Raiven na kausapin nang masinsinan si Lauradia sa araw na iyon.

Naka-polo shirt at jeans na siya at handa nang umalis nang sa wakas ay tumawag ang imbestigador na kausap niya. “Where is she?” agad na tanong ni Raiven.

“Sa ospital, Sir. Ayon sa pagtatanong ko ay ilang linggo na raw naka-confine dito ang anak niya.”

Natigilan siya at muntik ng mabitawan ang cell phone niya. “Anak? May anak siya?” manghang tanong niya.

“Yes, Sir. Mrs. De Guzman ang tawag sa kanya ng mga nurse dito.”

Nanghihinang napasandig siya sa pader at ibinaba ang cell phone niya.Tumatahip ang dibdib niya at halos kapusin siya ng hininga. May asawa at anak na si Lauradia? Hindi iyon imposible sa loob ng walong taong lumipas. Hindi rin imposibleng hindi nito iyon sabihin sa kanya kung trabaho lang para dito ang makasama siya. But he couldn’t believe the effect it had on him. Ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay gaya ng naramdaman niya nang malaman niyang niloloko lang siya ni Lauradia. He felt like his chest was about to explode.

“My God,” hindi makapaniwalang sabi ni Raiven. Matagal siyang nakasandig doon bago bumalik ang lakas ng mga tuhod niya. Sigurado ang mga hakbang na nagtungo siya sa kotse niya. He had to see it for himself no matter how painful it was going to be. Lauradia’s family. Pero kahit determinado siyang makita ang mga ito ay ilang oras pa siyang nagpaikot-ikot bago siya nagkalakas ng loob na i-park ang kotse niya sa parking lot ng ospital kung saan naroon sina Lauradia.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.