Chapter 23

Parang nagkaroon ako ng bikig sa lalamunan.

Automatic na tumayo si Julian at gulat na lumapit sa akin. Adriana, on the other hand, stood up too at walang reaction na tumingin sa akin. Gusto ko bigla maiyak.

"Kat? What are you.. Bakit ka bumalik?" Puno ng pagtataka na tanong ni Julian.

Nanginginig yung labi ko. Hindi ko sya nasagot, nakatingin lang ako kay Adriana. Parang bigla ay gusto ko sya sugurin at saktan. But damn. Hindi ako ganoon. Ano ba ang malay ko bakit sya nandito? I need to relax. Hindi naman sila magkapatong ng datnan ko. But..

"Isasama na sana kita. M-may bisita ka pala.." Halos hindi na iyon nanulas sa bibig ko. Nagkatitigan kami ni Adriana. Sa huli ako ang pumutol ng tingina namin at hinarap ko si Julian.

"Ah yeah. S-si Adriana.. y-you know her.." Parang hindi rin alam ni Julian ang sasabihin.

"Don't be silly. We aren't properly introduced." Ngumiti si Adriana tapos lumapit sa amin. Inilahad nya yung kamay nya sa harap ko. Yinuko ko iyon at nalito ako kung tatanggapin ko, but in the end, i did.

"K-Katrina.. Katrina San Sebastian." Sabi ko.

"Adriana Martinez." She shook our hands tapos parang napapaso na binawi ko yung kamay ko. "I heard so much about you." Dagdag nya tapos makahulugan na nilingon si Julian.

Hindi iyon napalampas ng mata ko. I wanted to cry right there and then. It's like meeting my demons all at once. Nanghihina yung tuhod ko, bigla ay para ako'ng matutumba.

"Kat! Are you alright? Namumutla ka." Nasalo ako ni Julian sa bewang bago ako tuluyang matumba. Damn this. Hindi dapat ako magpahalata.

"Oh, oo nga. Namumutla ka. I guess stressed ka." Nakangiti na sabi ni Adriana.

Bitch. Usal ko sa loob ko.

Tumayo ako at tinanggal yung pagkaka hawak sa akin ni Julian. "I'm fine. Uh I-I'll go.." Tatalikod na sana ako. I really wanted to get out. Nasusuffocate ako. Seeing them together.. Parang may sumasaksak ng paulit ulit sa dibdib ko kahit wala naman talaga sila ginagawa.

"No, Baby. Adriana was just about to leave actually." Matigas na sabi ni Julian at muli ako'ng hinapit sa bewang tapos nakita ko na tinapunan nya ng matiim na tingin si Adriana.

Tumawa si Adriana. "Yeah." Tuya nya. "I'll go." Halatang labag ito sa loob ng babae ngunit sinulyapan pa sya bgao tuluyang naglakad palabas.

Hindi ko mapigil yung puso ko sa mabilis na pagtibok.

The moment na sumara yung pinto pagkalabas ni Adriana ay tinanggal ko ang kamay ni Julian sa bewang ko at lumayo ako sa kanya. I can't take this anymore. Tutulo na ang luha ko. Dumiretso ako sa kwarto nya at sumunod sya.

"Hey Baby.."

"Magbabanyo ako." Mabilis na putol ko sa sasabihin nya tapos dumiretso na sa loob ng banyo. Agad ko iyon na ni lock tapos ay umupo ako sa sink.

My tears automatically started to fall. Damn this. Wala na ako pakealam kung masira ang mascara at eyeliner ko. Nasasaktan ako, eh.

The exact moment na tinawag ko kanina si Julian, i want to scream at him. I want to scream at Adriana too. They're making a fool of me, i could have be mad and screamed at them, pero hindi ko ginawa.

The moment na nakita ko yung mga mata ni Julian na puno ng pag-aalala nang makita ako na nakatayo doon, alam ko na hindi iyon ang gusto kong gawin at mangyari. I wanted Julian. I love him. I'll marry him kahit ano pa ang gusto nyang gawin na paghihiganti.

I wanted to be Mrs. Scott, even if it means he'll complety have the advantage of hurting me over and over again. Noong una, alam ko na nandoon pa yung pagka guilty ko. I wanted him to exact his revenge on me para mapalaya nya na ang sarili nya and maybe, just maybe, bumalik sya sa dati at mahalin nya na ako ng tunay.

"Baby? Are you okay there?"

Napapitlag ako ng marinig ko na kumatok si Julian. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal doon. Tumayo ako at tiningnan ang mukha ko sa salamin sa harap ng sink.

"Shit." Mahinang mura ko.

My eyeliner and mascara smudged big time, at may natuyo na luhang itim na sa pisngi ko. Agad ako'ng kumuha ng tissue at binasa iyon.

"Kat? What are you doing?!" He sounded impatient.

"W-wait lang!" Kinakabahan na sagot ko.

Hindi naman ako mukhang umiyak pero magtataka sya bakit wala na ako mascara at eyeliner. I'm fully made up a minute ago and now i look bare.

"Kat! Open this!" Isang malakas na katok ang ginawa ni Julian.

"Saglit! Bakit ba?" Kunwari ay inis na lang na sabi ko.Nanginginig na kamay ko habang nagpupunas ng pisngi. Kunwari ay nag flush ako kahit di ko naman ginamit.

As realizations hit me, kahit papaano ay napakalma ko na ang sarili ko. Sana lang ay makapagpigil pa rin ako next time na makita ko sila na magkasama.

Nang okay na ang itsura ko ay huminga ako ng malalim bago pinihit ang pinto.

Bumungad sa akin si Julian na nagkakandarapa at parang nalilito sa pag aayos at paglalagay ng tie sa leeg nya. Nagbihis na ito.

"What- Bakit ka nagbihis?" Nagtataka na tanong ko.

Nilingon nya ako. He smiled. "Hey.. Come here. Can you help me with this damned tie?"

Agad naman ako'ng lumapit at hinawakan ang tie nya.

"What happened to your make up?" He was looking down on me as i fix his tie.

"Nairita mata ko, tinanggal ko na lang." Sabi ko na focus pa rin sa ginagawa ko. "There." Tapos pinagpag ko pa ang balikat nya. "S-sasama ka ba?" Tapos ay tiningala ko sya.

Tumango sya. "Diba sabi mo?"

I smiled at him. "Yeah.. Baka lang gusto mo."

"Nakabihis na nga ako eh." Then he cupped my face with his hands. "I love you." Malambing na sabi nya at unti unting nilapit ang labi nya sa labi ko.

Napapikit ako when his lips touched mine.

Kakaiba iyon sa ibang halik nya. It's a kiss telling me that everything about us is okay.

I slowly opened my eyes as we part.

"I love you." Mahinang sagot ko.

He smiled so wide. "I know. Tara?"

Tumango ako then we went to the party.

I told Reiza about it bago kami dumating. Wala naman daw kaso sa kanya iyon, si Julian lang ang iniisip nila dahil nga galit ito sa mundo.

Nasa elevator na kami paakyat sa floor ng condo ni Reiza nang maramdaman ko ang pagka uneasy nya. I was about to ask him that bago kami pumasok pero bigla na lang sya tumigil maglakad, eh hawak nya yung kamay ko kaya napatigil na rin ako.

"Baby.. A-about kanina. Si Adriana, ano. S-she just came by. Hindi ko sya pinapunta or what. I just.. I just want to make it clear to you." Parang hirap na hirap nyang paliwanag, lalo nya pang pinisil ang kamay ko na hawak nya.

Pinilit ko ngumiti. Just by hearing her name, nadudurog na puso ko. "It's okay."

"No, Kat. It's not okay." Tapos napahilamos sya ng isang kamay nya. "I don't want you to think na may something sa amin or what. I just used her to get to you and it landed me here, back at you. She's just.." Kumurap kurap sya tapos hindi na natuloy ang sasabihin.

Magsasalita na sana ako when Reiza;s door opened.

"Oh, hey, Nandyan na pala kayo." Nakangiti na sabi ni Reiza ng makita kami. She smiled at me at alanganin na ngiti naman ang ibinigay nya kay Julian. "P-pasok." Niluwagan nya yung pagkakabukas ng pinto.

We were welcomed by a smooth song. Classic.

"Hey!" Mula sa gilid ay bigla na lang ako yinakap ni Theresa. Amoy alak na. "Kala ko hindi ka na pupunta. Ang tagal mo."

"Pwede ba naman yon?" Tapos tumawa ako.

"Tara, ipapakilala kita sa iba." Hila ni Theresa. Alam ko na iniiwasan nya lang tingnan si Julian. Awkward pa rin sila.

Nilingon ko si Julian na mukhang naghahanap na rin ng kakilala.

"Baby.."

Tumango lang ito, saying na payag sya na umalis muna ako.

"Thanks." I smiled then dumukwang ako para halikan sya.

Hinila na ako ni Theresa. Baka daw hindi maka punta si Zara dahil may tinatapos.

Nakipag kwentuhan kami saglit sa mga common friends namin. Hindi ko na makita si Julian, baka naka hanap na ng kasama nito.

"Kat! I want you to meet Jacob. Babe, this is Katrina." Mula sa gilid ay ipinakilala ni Reiza yung fiancee nya.

So ano, mahili ba kaming magkakaibigan sa may mga lahi?

"Nice meeting you." Sabay pa naming sabi tapos nagkamay kami.

Jacob's a little higher than Reiza but they looked perfect. Nag kwentuhan pa kami saglit bago ako magpasya na hanapin na si Julian. Halos kakilala ko lahat ng nandoon, mga college friends na siguraodng kilala din si Julian.

"Julian's still a hottie. Too bad he's like a damaged robot na hindi na makapag function ng maayos." That was just supposed to be a whisper, pero hindi yata alam ng mga ka batch naming babae na magkasama kami dumating ni Julian.

There were three people in that crowd, puro babae. I forgot their names but i'm sure na ka batch namin sila.

"I know. Alam mo ba, i heard na after nya makipag date at ipakilala yung mga models at kung sino sino na naging girlfiends nya, hindi nya na pinapansin pagkatapos. Douche." Naiiling na sabi ng isa.

Hindi ko alam ang iisipin ko. Kahit pala batchmates namin ay alam ang nangyari kay Julian. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko at sa nangyari. I know, Julian's slowly coming back to normal but hindi ko rin alam kung tuluyan ba syang makakabalik. I guess i just did so much damaged without me knowing.

"Baby.." Napa pitlag ako nang may braso na pumulupot sa bewang ko. I automatically smelled Julian's smell.

"San ka galing? Na meet ko na fiancee ni Reiza." Sabi ko sa kanya. May hawak na sang kopita. Hindi pa ako nakakapag decide kung iinom ako ngayon or what.

Imbes na sumagot ay bigla nya na lang ako hinalikan.

I heard some gasped.

Then he smiled after the kiss.

Napatingin ako sa paligid. Most of them ay nakatingin sa amin at halatang nagulat.

Tumama ang tingin ko sa tatlong babae na kanina lang ay pinag uusapan si Julian. Nakita ko silang nagtinginan at nag iwas ng tingin sa akin. I can't blame them anyway.

"What are you doing?" Nagtataka na tanong ko.

"I want them to know our score. Mukhang akala nila i'm free for tonight." Nakangisi na sabi nya. "And for the men to know to back off at staring at you." Pahabol nya.

Napangiti na lang din ako. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila sa terrace. Kami lang ang tao dun dahil mukhang nag eenjoy sa loob ang mga tao. Inakbayan nya ako. Agad na dumampi sa mga mukha namin ang simoy ng hangin.

The city lights welcomed us, and i feel very overwhelmed. Nakaka kita din naman ako ng city lights sa condo ni Julian pero mas maganda ang view sa condo ni Reiza.

Walang nagsasalita sa amin. Julian's taking a sip at his glass.

"Baby.." Untag ko sa kanya.

"Hmmm?" He answered still looking at the city lights.

"What if.. H-halimbawa, hindi tayo mag work out? I mean, what if our marriage get us caught in something tapos-"

"Where would this conversation go, Kat?" Pagalit na tanong nya sa akin. Tinanggal nya ang pagkaka akbay nya sa akin tapos humarap sya.

"I was just asking.." Defensive na sabi ko. I really want to know what's on his mind para kahit papaano ay mapaghandaan ko.

"It'll never happen, Kat. All you have to do is love me back and it's all that matters." Seryosong sabi nya sa akin. Madilim doon pero kita ko ang mga mata nya na matiim na naka titig sa akin.

"Mahal kita, alam mo iyan. I was just saying, if there would be possibilities na magkaroon-"

He cut me off again. "No. Hindi ako papayag. Kahit ano pa iyan. We've been through a lot, siguro naman sapat na iyon para malaman natin na tayo na talaga ang para sa isa't isa."

"What if i cheat on you?" Bigla ay bulalas ko.

Parang may kung anong tumulak kay Julian at napa atras sya, naka awang ang mga labi.

"That will never happen."

"You can never say."

"Damn it, Kat! Why are you being difficult? Stop messing this night." Galit na sabi nya na sa akin.

"I was just stating some possibilities, Julian." Sagot ko naman. Natatakot ako sa galit nya pero nasimulan ko na rin naman. "What if i cheat on you? Aakto pa rin ba tayong normal na mag asawa? Papalayasin mo ako? Annulment?"

Mariin na napapikit si Julian. "Don't you ever think of cheating on me, Kat. Makakapatay ako ng tao, I swear." Sabi nya nang dumilat na sya. I can feel the danger in hsi voice.

Doon ko ipinasya na itigil na ito.

Hindi na ako sumagot. Bigla nya ako'ng hinila, tapos marahas ako'ng hinalikan.

Kapwa kami humihingal ng maghiwalay. Pakiramdam ko dumudugo ang labi ko sa mariin at mapagpaursa nyang halik. He's mad, i know. But i wanted to know what his thoughts are.

"Akin ka lang, always remember that." Mariin na sabi nya tapos yinakap nya ako.

I can feel his chest heaved up and down. Pigil na pigil yung galit ni Julian. For the nth time, na guilty na naman ako. Bakit ko pa kasi inopen iyon?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.