Chapter 25

"Ate.. sagutin mo na yan. Mag usap na kayo."

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Kevin. Ipinagpatuloy ko lang ang pag aayos ng sarili ko sa harap ng salamin. It's my second day to go out, exactly fifth day since the inevitable happened. The first three days was agonizing, and it was never better.

The first day, hindi ako lumabas. Hindi ako makausap ni Kevin. Pagkauwi ko galing sa condo ni Reiza, tulala na lang ako. Umiyak lang ako ng umiyak doon, all i told Reiza was nag away kami ni Julian. She comforted me. Gusto ko'ng sabihin kay Reiza ang lahat, pero hindi ko alam kung bakit pinoprotektahan ko pa din si Julian.

Deep inside me, inisip ko na susundan nya ako. Susuyuin. Magpapaliwanag.

Although alam ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon, sa sobrang galit ko ay hindi ko pa rin sya mapapatawad. But at least he should try.

But damn. Mabaliw baliw ako the second day. I miss Julian so damn much pero galit ako sa kanya. Hindi din mapakali si Kevin. Hindi ko sya kinakausap. All the self pity shrunked into me. Half of me wanted him to come to me, magmakaawa. I wanted to make him suffer.

But it never happened.

Third day became the worst. Naglango ako sa alak, gusto ko sya makalimutan. Naka mind set na sa akin na wala na talaga. Minumura ko sya ng minumura sa isip ko. Bakit sya pa kasi?

The next morning, i had a different view. Suddenly, na realize ko na lang na hindi nya ako hinabol. He did not even called. Tangina lang. Ganoon na lang? Sinabi nya na mahal nya ako.. Naramdaman ko naman pero.. Shit.

Lumabas ako ng bahay noon, nagliwaliw. Naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko sya.

That's when he started to call.

And i ditched all of it. Kung kailan hindi ko na inaasahan na tatawag sya, tsaka lang? After what. four days? Bullshit. I turned off my phone. Sobrang ang sakit. Pakiramdam ko sinasaksak ako sa dibdib sa tuwing naiisip ko yung napanuod ko.

And now's the fifth day. Nagising si Kevin sa ingay ng cellphone ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at pinatay ulit.

"Ano ba kasi problema nyo? Para naman kayong mga bata. Magpapakasal na kayo tapos ganyan. Tsk." Napapailing pa na sabi ni Kevin bago muling humiga at nagtakip ng unan.

Hindi ko ulit sya sinagot. Nagwisik na ako ng pabango tapos kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. I made sure na mukha ako'ng presentable so nobody can tell how broken and shattered i am inside. I needed to feel better. Walang patutunguhan kung magmumukmok ako.

Wag lang sana ako tawagan nila Mama at Papa. Hindi ko alam gagawin o sasabihin ko. I needed sometime alone. Naisipan ko na din bumili ng sasakyan. I'll be needing it from now on. Wala na akong aasahan na susundo o maghahatid sa akin. Wala na mag iinsist na samahan ako. Damn. All of the things i do for the past days was with Julian. Paano ako agad makakapag move on?

I started loving him way back. And because of our stupid unlikely business, mas lalo ako nahulog. And it got us here. Hindi naman ako nagsisisi sa lahat. At least i got to feel Julian loving me back.

Pinagbuksan na ako ng pinto ng guard. Hinawi ko ang buhok ko at naglakad sa parahan ng taxi when i spotted a familiar car. Napamura ako ng makita ang plate number.

Iniba ko ang tingin ko at nag hintay ng cab na walang laman.

Lalo ako napamura ng bumukas ang pintuan noon. I wasn't looking but i was just seeing him in the corner of my eyes. Naka suit and tie sya. Sigurado ako na si Julian iyon. Naglalakad sya palapit sa akin. Pakiramdam ko naging jell-o bigla ang tuhod ko.

I wanted to run away. I don't want to see him. Bakit ba ang tagal ng walang laman na taxi kung kailan kailangan ko?!

"Kat.."

Mariin ako'ng napapikit ng marinig ko ang boses nya. Nakatalikod ako sa kanya.

"K-kat mag usap naman tayo.." His voice almost shivering.

Hindi ako sumagot, imbes ay bigla na lang ako mabilis na naglakad. Naiiyak ako. I wanted to turn away and hug him. Gusto ko sya yakapin ng mahigpit at halikan, pero masyadong masakit yung ginawa nya sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta when i felt him grabbed my arms.

"Kat sandali. Mag usap naman tayo please." Puno ng pagmamakaawa yung boses nya.

Pumiksi ako upang matanggal ang pagkaka hawak nya sa kamay ko. Tinigasan ko ang mukha ko at humarap sa kanya. "What do you want?!" Angil ko sa kanya.

Kita ko na napaawang ang labi nya.

"I-i can explain Kat. Let's talk, please..." Humahalimuyak ang amoy nya pero halatang wala ito'ng maayos na tulog. May eyebags sya at halata ang stubles nya.

"Go away, Julian. Quits na tayo, wag mo na ako'ng guguluhin." Tapos naglakad ako ulit palayo sa kanya. Just then ay nakakita na ako ng cab. Agad ako'ng pumara at hindi ko na sya nilingon.

Agad na tumulo yung luha ko nang makasakay na ako. I told the driver my direction at nag emo na ako the whole time sa cab. Wala na ako'ng pakealam kung hindi mapakali kakatingin sa akin yung driver kung okay lang ba ako. I wanted to punch Julian for it.

Nang makarating na ako sa mall na pigil na pigil na ang pag iyak. Nagpupunas ako ng tissue sa mata at mabilis na naglalakad when i bumped into something.. uh someone?

"Hey, I'm sorry! I was- Katrina?" Halata sa boses ng lalaki na nagulat sya. Nasalo nya ako sa muntik ko na pagka tumba. He was holding me at my waist.

Tiningala ko sya at napa nganga ako ng makilala sya.

"Seven? Seven is that you?" Nanlaki ang mga mata ko. Unti unti ako'ng umayos ng tayo.

I almost melt when he smiled. Grabe, ibang iba na Seven yung nakikita ko. Long hair na wavy, brownish yung buhok nya tapos naka baseball cap sya nasa likod ang visor. Umaalingasaw ang cool na pabango nya. May kaunting stubbles pero very manly. Isa pa, lumaki ang katawan nito.

Naka maong na long sleeves button down sya na pinatungan ng gray na chaleco, then naka maong na skinny jeans.

"Hey.." Parang nahihiya pa na nagkamot sya ng ulo.

"Oh my God! Grabe! Ibang iba na itsura mo!" Hindi ko na naisip na nasa gitna kami ng daan. Tiningnan ko sya ulit mula ulo hanggang paa.

"Ikaw din. You look very pretty..." Naka titig na sabi nya sa akin.

"Kamusta? Grabe. Wow." Tapos huminga ako ng malalim. Hindi ko na naisip kung ang creepy ng ginagawa ko.

He chuckled. "So.. are you alone? I mean.. w-we can talk for a little while. May one hour pa naman bago next schedule ko." Tumingin sya sa suot na wrist watch tapos

"Oh! Yeah, yeah. I'm alone.. Coffee?" I was grinning.

Hindi ko alam kung bakit pero of all times, ngayon talaga ako natuwa na nakita ko ulit si Seven. I mean, the first and last time we met, nag click agad kami. I wanted to know kung bakit ganoon na ito. He was the clean cut guy before.. pero bumagay dito ang bahagyang pagka rugged ng porma nito ngayon.

Besides, Julian fired him matapos ko syang iwan. Unreasonable but i guess, he got a better life. I wanted to ask him what happened to him.

We ended up in a not so famous yet very cozy coffee shop. Pinaupo nya ako then asked for my order. After i told him, umorder na sya at bumalik.

"So.. wow. Kamusta? Kailan ka pa bumalik?" Agad na tanong nya. His eye smile is still charming.

I smiled at him. "Two weeks ago.." After i mouthed it, doon ko lang na realize kung gaano kaikli ang panahon na iyon pero sobrang ang dami nangyari.

"I see." Tumango tango sya.

"Uhm ikaw? I mean.. Y-you were fired, i heard." Nahihiya ako ungkatin iyon. Di ko man alam kung alam nya na dahil iyon sa akin, i wanted to know.

"Oh, yeah. Well, mukhang mainit talaga ang dugo ni Scott sa akin noon." Then he shrugged his shoulders. "But i went by fine."

"Looks like it. What happened to the clean cut Seven?" Then i giggled.

"Nah, i used to look like this on my college days. Nagpa clean cut and all lang ako for job hunting." Tapos huminga sya ng malalim. "Do you listen to jazz music?" Then he grinned.

I said yes and apparently, may gig daw sya later that night and his band. Doon ko nalaman na hilig na pala before ni Seven ang music. Mas nagamit nya daw nung na fired sya dahil inaya sya ng mga kaibigan nya na mag form ng jazz band since all of them plays jazz instruments.

He invited me and gave me a vip ticket. It's a high end bar!

Hindi ko na namalayan na two hours na kaming nag uusap. That's when naalala ko na magpapa salon pala ako at bibili ng kotse. I was too damn entertained with Seven. He's really a great guy and yeah. Kailangan ko rin mag unwind. Ayoko masyado isipin si Julian.

We parted ways. Gumaan ang pakiramdam ko bumping into Seven. He came at the right time. Hindi ko rin naman kasi matawagan sila Theresa, Zara at Reiza. Ayokong marinig ang mga I TOLD YOU SO nila. I admit i fucked up and i know very well na partly fault ko ito at ayoko na rin sila i drag.

"You sure you want this cut? I mean.. i can just put some volume and style. Sayang naman kasi." Sabi ng babae sa salon na pinuntahan ko while she was playing with my hair.

Oh. I get that a lot. I know how my hair looks shiny, straight without chemicals and all tapos hindi buhaghag. But i need a change. And i am determined.

"Yes, please. Lagpas balikat then ipapa brown ko sya." Tiningnan ko sya sa salamin na nasa harap naming dalawa.

"Okay, got it." Ngumiti sya tapos kumuha na ng gamit.

Hindi ko na halos nakilala ang sarili ko when i checked myself out bago lumabas doon. I looked younger than the usual. Mas lalong lumiit ang mukha ko. Nag crave ako sa seafood kaya kumain ako saglit tapos dumiretso na ako sa car shop.

Nakakainis na tuwing nakakakita ako ng blue na kotse ay ang kotse ni Julian ang naaalala ko. Wala na bang katapusan to? This agonyzing pain is killing me!

Wala ako'ng sinayang na panahon. I just want a freaking car!

Dumaan ako sa Bliss Mart at kinumusta ang mga workers. I lingered for about one hour then umuwi na ako. Nag take out ako ng pizza for Kevin. I feel better knowing na hindi ko kailangan mag mukmok mamaya. May pupuntahan ako, and i have company. Si Seven na hindi dull kasama.

I am not thinking of him romantically, but i get the feeling na he can at least help me forget the feeling of being broken. With his company.

Agad na nilantakan ni Kevin ang pizza pagdating ko.

"Galing si Kuya Julian kanina dito. Mag usap na kasi kayo. Nakita mo ba itsura nya? Mukhang zombie! Tapos ikaw pasalon salon na lang." Naiiling na sabi nya pa.

"Bahala sya." Sabi ko na lang. I don't wanna hear his name.

"Bahala ka. Ikaw din."

Hindi ko na sya pinansin. Hindi rin naman alam ni Kevin ang nangyayari at ayoko na rin malaman nya. I'll let it pass. For now. Kung hanggang kailan ko ito maitatago, i don't know.

The clock striked seven pm and Seven texted me. We exchanged numbers before we part our ways. I told him that i was on the road already.

Magaan ang pakiramdam ko. Sana palagi na lang ganito. Whenever i think kung paano ako pinaglaruan, sinaktan at tinryador ni Julian, sumusikip lang ang dibdib ko.

Nang maipark ko na ang kotse ko ay nakita ko agad si Seven sa tapat ng bar. He's looking at his watch at napangiti ako. He really looked good now more than ever. Naka boots sya ngayon, brown pants plus black v neck na may brown coat.

"Hey handsome!" Bati ko sa kanya.

Halatang nagulat sya. "Hey.. Ang ganda mo talaga, Kat." Then he grinned.

Tumawa lang ako. "Asus. Nangbola ka pa."

"Seriously. Mas bumagay sayo yang hairstyle mo." nakatitig lang na sabi nya sa akin.

Medyo nailang ako, although i liked how he look at me admiring me like i was a queen.

"Thanks. Tara na?"

"Yeah." Inakay nya ako papasok. I showed the ticket and we went in.

Sobrang namangha ako sa loob ng bar. Cozy, carpeted walls and the chandeliers are massive! Good thing i wore my little black dress. Akala ko maooverdressed ako. Pero tama lang pala. Karamihan ng mga naroroon ay couples, may mga grupo din.

"Here." Itinuro ni Seven yung uupuan ko. It's the table near the stage. May mga instruments na doon.

"Thanks." I mouthed when he helped me sit. He's every inch a gentleman.

"Dinner muna tayo. My treat." Tapos kumindat sya at kumaway sa waiter.

"Nako, mukhang may naloko ka na naman Pito." Natatawa na sabi nung waiter. May katandaan na ito at mukhang masayahin.

Tumawa din ako.

"Mang Gerry naman. Huwag nyo ako ipahiya sa bisita ko. Baka sabihin playboy ako." Nagkamot ng ulo si Seven na parang bata.

"Biro lang." Tapos bumaling sa akin yung waiter. "Ikaw pa lang naman ang naisasama nyan dito mag isa, hija."

Tumango tango ako.

We said our orders. As expected for a fancy resto, tumataginting na lilibuhin ang mga pagkain. But Seven looked cool with it.

Nag usap pa kami habang kumakain and hindi ako nagsisisi na pumunta ako ngayon.

"Kat, punta na ako sa backstage." Tumingin sya sa relo nya. "First set na namin."

"Oh, sure. Don't mind me." Taboy ko sa kanya.

"Alright. I told them to bring you a bottle of wine here. Enjoy while listening to us."

"Oh, hindi ka na sana nag bother. But thanks anyway."

Ngumiti at tumango lang sya bago sya umalis at pumunta na sa backstage. The said bottle came after five minutes. The waiter poured an ample amount on my glass. Almost fifteen minutes pa bago may umakyat sa stage at may nagsalita.

It said na anytime ay sasalang na ang banda nila Seven. it's called Soul Serenity and they seemed popular there. Naroroon pa rin yung ibang kumakain mula ng pumasok ako.

The spotlight opened at isa isa na lumabas sila Seven. There's four of them. May isa na lumapit sa cello, may isa na hawak na violin, may thrombone and si Seven naman ay saxophone. Napa lunok ako. The saxophone looked good on him. He looked hot holding it!

Si Seven ang lumapit sa mic at nagsalita. Madaming babae ang tumili, sumigaw at pumalakpak. Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya. Somehow ay talagang ibang iba na si Seven. He looked a bit nerd way back, pero may itsura na talaga ito.

"Before we start our first set, i just want to dedicate my performance for tonight to a friend who came for me tonight." Then tumingin sya sa akin. Tsaka lang nag sink in sa akin yung sinabi nya. Biglang pumunta sa akin ang spotlight. "Hi Kat! It's for you."

May mga nag YEEEEEEEE at nang aasar pa.

I awkwardly smiled at them tapos nahihiya na tumingin ako kay Seven sa stage. He winked at me bago sya bumalik sa pwesto nya. Pakiramdam ko uminit ang buong katawan ko sa ginawa nya. I suddenly feel special and wanted and i don't know why.

The light went off at naging madilim ang paligid. May bumukas na brown lights ant nagsimula silang tumugtog. Agad ko'ng napikit ang mga mata ko. It sounded so relaxing! Painom inom ako habang nakatingin kay Seven. Madalas din ang pagpikit nito habang tumutugtog.

Their first set ended. Madami ang pumalakpak. He mouthed WAIT to me bago sya bumalik sa backstage, Tumango lang ako. I sip on my glass at hindi sinasadya na napalingon ako sa pinto.

Muntik ako mabilaukan sa iniinom ko nang mag landing ang mga mata ko sa kung sino, rather, sino sino ang mga pumasok.

I first saw Julian. Hindi ako pwedeng magkamali. Malayo pero nakita ko sya dahil bahagyang lumiwanag na ang paligid. He was wearing a tuxedo and he's not smiling at all. He looked tired, just like Kevin said.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mahapuhap ang sasabihin ng makita kung sino ang kasama nya sa likod nya. Fucking Adriana.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.