Nakarating kami ni Celestine sa bahay nila ng hindi man lang ako kinakausap, hanggang ngayon galit pa rin siya sa'kin. Sinalubong naman kagad kami nila mama Celicia ganon din ang mga kapatid niya.
"Hello hija!” Yakap ni mama Celicia kay Celestine.
"Hi beshy!”
"Oh Kiana nandito ka rin pala!” Gulat na hinarap naman ni Celestine ang kanyang kaibigan.
"Of course! Namimiss na kasi kita eh!”
"Ilang araw lang naman tayong hindi nagkita," pagkaupo naman ni Celestine ay bigla na lang siyang napangiwi at umupo na lang ng patagilid na nahalata naman ni Kian.
"Oh beshy anyare sayo?” Para kang may pigsa sa pwet niyan!” Tumikhim naman ako at tinignan si Celestine na halatang nagulat sa tanong ni kian.
"Ah m-may s-sugat kasi ko sa pisngi ng ano ko eh, oo meron nga," nauutal niyang paliwanag kay Kian.
"Aba e dapat pinagamot mo sa asawa mo yan anak baka maimpekyon pa yan”
"Don’t worry ma hindi naman masyadong malaki yung sugat niya right baby?” Sabay kindat ko kay Celestine na inirapan lang ako.
"Kumusta naman kayo anak?”
"Okay naman po kami ma"
"Naka home based ka na ba doc handsome?” Napa ubo naman ako sa tanong ni Kian at pati mga kapatid niya ay napatitig na lang din sa'kin.
"Hoy Kian umayos ka nga dyan!” Singhal ni Darren sa kanya.
“Biro lang naman!”
"Siyanga pala may gusto din pala akong sabihin sa inyo," taka naman nila akong tinitigan.
"Ano yun anak?”
"Lance is not my biological son," nanlaki naman ang kanilang mga mata at gulat na gulat nila akong tinignan.
"You mean, iba ang ama ni Lance ganon ba?” Hinarap ako ni Clarence na nakahalukipkip.
"He's only 9 years old, at nalaman ko din na may mental illness si Arianne kaya ganon yung mga kinikilos niya"
"What?!” Sigaw ni Clarence, samantalang si Celestine ay mataman lang na nakikinig sa'min.
"Baby are you okay?”
"O-oo, naawa lang ako kay Arianne"
"She'll be fine baby," sabay halik sa kanyang noo.
Naputol lang ang usapan namin ng biglang may tumawag sa aking cellphone tinignan ko naman kung sino ang tumatawag, nakita kong doctor ni Celestine ang tumatawag kaya napatayo akong bigla at sinagot kaagad. Pinapapunta ako sa ospital at kailangan daw akong makausap tungkol sa isinagawang lab test kay Celestine noong dinala siya sa ospital ni Marco. Hindi ko na muna ipinaalam ito sa pamilya niya dahil kasalukuyang kasama ko pa si Celestine.
"Baby aalis muna ko ha? Pinatawag lang ako sa ospital pero babalik din ako kaagad"
"Gaano ka katagal mawawala?”
"Dyosko beshy ilang oras lang naman mawawalay sayo yang asawa mo, walang aagaw dyan!”
"Pwede ba kong sumama?”
"Baby dito ka lang babalik din ako okay? Malungkot naman siyang tumango at pagkuway niyakap ko siya.
"Don’t worry baby matitikman mo ulit ako mamaya," bulong ko sa kanya at kita ko sa kanya ang pagkagulat, pasimple naman akong ngumiti at nagpaalam na muna ako sa kanila at hinabilin si Celestine.
Mabilis naman akong nakarating sa ospital at tinungo ang clinic ng doctor ni Celestine.
"Doc ano pong resulta?” Hindi kagad siya nakapagsalita at mataman lang na nakatitig sa'kin.
"Doc?” Bumuntong hininga muna siya at muli akong binalingan nito.
"You should be prepared Doctor miller"
"W-what do you mean?”
"Anytime magtutuloy tuloy na ang pagkawala ng ala-ala ni Celestine," hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan base sa narinig ko mula sa kanya.
"So, you mean? K-kapag nawala ulit ang ala-ala niya dere deretso na talaga yon?Marahan siyang tumango.
Napasandal naman akong bigla sa aking kinauupuan at hinilot ang aking sentido hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Baka mamaya pag-uwi ko ay hindi na niya ko kilala at tuluyan na talaga niya ko kalimutan.
"I'm so sorry Doctor Miller kahit na inumin niya pa sa oras ang mga gamot niya hindi na talaga babalik sa dati, sa kaso niyang yun ay nauuna ang emotional death kaysa sa physical death"
Bagsak ang balikat kong lumabas ng opisina niya at tulala lang na nagtungo sa aking opisina don muna ko magstay bago puntahan si Celestine ayokong mag-alala siya dahil sa kinikilos ko ngayon.
Kakapasok ko pa lang ng aking opisina at hindi pa nakakupo ay biglang pasok naman ng dalawa kong kaibigan na si Roco at Jake nahuli naman si Marco at sumandal lang sa likod ng pintuan.
"Wooooah! Kala ko ba nasa honeymoon ka ngayon? Bakit pumasok ka na kagad? Bungad sa'kin ni Jake na naupo naman sa mahabang sofa katabi si Roco.
"May dinaanan lang ako saglit pauwi na rin ako maya-maya"
"So, kumusta naman ang buhay may asawa? Pinakilala mo na ba kay Celestine ang mahiwagang kamote mo? Sabay tawa naman ng dalawa kong siraulong kaibigan.
Hindi ko na lang pinahalata sa kanila ang pinagdadaanan ko ngayon dahil ayokong pati sila ay malungkot din ng dahil sa'kin, kaya nakisabay na lang din ako sa kalokohan nila.
"Nakipag shake hands na nga siya eh!”
"E di gulat na gulat siya sa haba niyang kamote mo?” Binato ko naman ng ballpen si Roco na ikinailag niya.
"May kasalanan ka pa sa'kin Rocs! Hindi ka pumunta kahapon sa kasal ko"
"Sensya na Wal may inasikaso kasi ko sa Isla Montealegre eh, kakarating ko nga lang kaninang madaling araw"
"Di ba Roco maraming chicks don? Saka marami din erotic foods don!” Binatukan naman ni Roco si Jake dahil sa huling sinabi nito.
"Anong erotic food pinagsasabi mo?!” Baka exotic food! Nahawahan ka na ba ni Wallace ng kamanyakan o baka naman sayo na niya naisalin ang pagiging malibog?”
"Exactly!” Tipid na sagot naman ni Marco na lumapit pa sa'min.
"Hoy 9 inches! Simpleng malibog ka rin baka kala mo hindi ko alam!”
"Excuse me Jake kayo lang ni Wallace yon”
"Anong kami pinagsasabi mo? Kita mo kambal kagad anak mo! Ang dami sigurong lumabas sayo kaya naka dalawa ka kagad!” Humagalpak naman kami ng tawa dahil sa tinuran ni Jake, kahit kailan talaga basta ganon ang usapan lagi siyang may pang counter.
"Punta kayo sa Isla Montealegre Wallace dun niyo ituloy ang pulot gata niyo ni Celestine," baling naman ni Roco sa'kin. Sila kasi ang may-ari ng buong Isla Montealegre, na siya rin ang nagmamanage simula ng pumanaw ang kanyang ama. Pero mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang bar dito sa Maynila.
"Oo nga Wal, sarap mag push and pull sa may niyogan don!” Kunot noo ko siyang tinitigan at tinaas taas pa niya ang kanyang dalawang kilay, pagkuwa'y nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin.
"Hayop ka talaga Jake! May nalalaman ka pang push and pull dyan!”
Alam mo naman niyang si Jake simpleng manyak yan!” Si Marco na nakangisi siyang tinignan.
"Hoy 9 inches!”
"Tang-ina naman Jake! Pwede ba wag mo kong tatawaging 9 inches! Lalo na pag kaharap si Lyn"
"E 9 inches ka naman talaga!”
"Palibhasa kasi 4 inches lang yang sayo!”
"Woooah! Akala ko ako lang ang may alam na 4 inches lang yang si Jake!” Pang-aasar pa ni Roco.
"Seriously Roco? Totoo nga?” Hindi makapaniwalang tanong ni Marco.
"Bro, ikaw lang ata ang hindi nakakaalam!” Natatawang turan ko kay Marco.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?! Mga walang hiya kayo! 4 inches? Meron bang 4 inches na tumitirik ang mata kapag dinidiin maigi?”
"Jake nagpapanggap lang si April kasi mahal ka niya ayaw ka lang niya madissapoint!”
"Fuck you Roco! Sabay naman kaming tumawa dahil sa biruan ng dalawa.
"Mukhang masaya ka naman Wallace, kumusta si Celestine? Seryosong tanong sa'kin ni Marco.
"She's fine… right now, hindi ko alam kung baka mamaya pag-uwi ko or bukas hindi na niya ko maalala. Hindi niya maalalang asawa na niya ko.”
"Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kanya na na alam mo na ang tungkol sa sakit niya?”
"Hindi pa bro, bumubwelo pa ko baka kasi iba ang isipin niya na kaya ko siya pinakasalan dahil naaawa ako sa kanya. Ayokong isipin niya yun"
"Ipaliwanag mo sa kanya Wal, kasi darating yung araw talaga na hindi mo na maitatago sa kanya yon"
"I know Jake. At darating din ang araw na tuluyan na nga niya ko makakalimutan, ang pagmamahal ko sa kanya, at bilang asawa niya. Lahat lahat ay mabubura na sa kanyang ala-ala”
Hapon na ng makarating ako sa bahay nila Celestine, naabutan ko naman na naroon din sila mama at papa at masaya silang nagkukwentuhan.
"Hi baby!” Bati sakin ni Celestine at sinalubong ako nito ng yakap at halik. Pag ganito araw araw ang sasalubong sakin ay hindi ko naiisip yung sakit niya.
"Wow ang cute niyong tignan anak!” Masayang baling naman ng aking ina. Umupo naman sa kanilang harapan habang katabi ko naman si Celestine.
"Anak alam na namin ang totoo tungkol kay Arianne at kay Lance, malungkot na saad sa'kin ni papa. Alam ko na napamahal na si papa kay Lance dahil masaya ito twing pupunta siya sa bahay at masayang nakikipaglaro sa itinuring niyang apo.
"I'm sorry pa”
Don’t be anak, hindi mo kasalanan. Mabait si Lance kaya hindi malabong mapamahal siya sa'kin.
"Kumusta pala si Arianne? Tanong naman sa'kin ni mama Celicia.
"Nagstart na daw po siya ng theraphy ma, at yung totoong ama ni Lance ang gumagamot sa kanya. Nagulat naman sila sa isiniwalat ko kung sino ang tatay ni Lance, kinwento ko din kung pano ito nangyari.
"Sinasabi ko na nga ba eh, una pa lang alam kong hindi anak ni Wallace yon!”
"Ma, tama na. Saka Lance is a nice kid, kita mo naging close nga sila ni papa"
"Mabuti na lang at hindi nagmana sa ina"
"Sige ma mauna na kami ni Celestine ah”
"Mamaya na kayo umuwi anak kararating lang namin dito ng papa mo eh"
"Bakit san tayo pupunta?” Kunot noo akong tinitigan ni Celestine.
"Sa bahay natin, sa condo”
"Kailan pa tayo lumipat?” Titig na titig naman ako kay Celestine at dumako naman ang tingin ko kay mama Celicia at kina mama, na parang nanghihingi ng tulong upang magpaliwanag
"Aaah b-baby, a-ano k-kasi..
"Lumipat na kasi kayo anak ni Wallace eh, kahapon lang kayo lumipat nung kinasal kayo”
"K-kinasal na kami?!” Gulat na gulat siyang hinarap kami at pagkuwa’y tinignan niya ko ng makahulugan. Hindi ako kagad makapagsalita dahil hindi ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Y-yes baby," nauutal kong sagot sa kanya,
"S-sorry nakalimutan ko"
"It's okay baby, siguro pagod ka na noh? Tara na umuwi na tayo sa bahay para makapagpahinga ka.” Tumango naman siya at nagpaalam na rin kami sa aming mga magulang.
Naisipan ko namang maligo muna bago matulog. Nang nakalabas na ko ng banyo ay nakita ko naman si Celestine na nakaupo sa harapan ng salamin at titig na titig sa cellphone na hawak niya. Unti unti ko naman siyang nilapitan at napansin ko na cellphone ko pala ang kanyang hawak.
Dahan dahan naman siya nag-angat ng tingin sa'kin at napansin ko na tila nanunubig na ang kanyang mga mata. Dumako ang tingin ko sa aking telepono dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Celestine. Nanlaki pa ang aking mga mata ng mabasa ang nilalaman ng text message, napapikit ako at napakagat ng ibabang bahagi ng aking labi.
"So you knew?” Para akong napipi at hindi makapagsalita sa kanyang tanong.
"You knew my illness Doc Wallace?” Nakatingin naman ako sa kanya at marahang tumango, napabuga siya ng malakas sa hangin at tuluyan ng bumagsak ang kanina niya pa pinipigilang mga luha.
"Baby please let me explain"
"Kailan pa?”
"Noong dinala ka sa E.R nalaman ko kila mama ang sakit mo”
"Kaya mo ba ko pinakasalan kaagad, dahil naaawa ka sa sinapit ko?”
"Of course not baby!” Umupo naman ako sa kanyang harapan at mataman lang siyang tinitigan.
"Hindi kita pinakasalan dahil sa awa, I love you Celestine! Ikaw ang buhay ko, mahal na mahal kita sobra!”
"Paano mo nasasabi na ako ang buhay mo kung mawawala naman ako sa piling mo?”
"Don’t say that please,” niyakap ko naman siya ng mahigpit at patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak.
"Hindi ko kaya Doc Wallace, hindi kita kayang iwan. Ayoko pang mamatay! Gusto pa kita makasama ng matagal," ang kaninang simpleng iyak lang niya ay nauwi sa malakas na hagulgol. Ang sakit sakit marinig mula sa kanya ang mga katagang iyon. Kung pwede lang sana na magamot o kaya maoperahan siya ay matagal ko ng ginawa. Sobrang sakit na makita ang asawa ko sa ganoong sitwasyon.