Chapter 13

"Approved na ako sa mga kaibigan mo."

"Seryoso ka ba, Xen?"

Sinundan ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa ni Fervid.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pa-check mo 'yang mata mo baka malabo na."

Umiling siya. "I have 20/20 vision." Hinawi niya ang buhok kong nalaglag sa noo ko. Napaiwas ako ng tingin. Itinaas ko ang salamin ko.

"Miyell? Comby?" Nakangising tawag sa akin ni Xen.

"Oh?"

"Maniwala ka naman. Ang tagal na nating magkaibigan ba't naman kita paglalaruan?"

"Wala naman akong sinabing ganyan."

"Eh, bakit parang iniiwasan mo ako?"

"Hindi kita iniiwasan."

Tumayo si Fervid kaya sa kaniya napunta ang atensyon namin. Walang emosyon niya kaming tiningnan.

"Mukhang nakakaistorbo na ako mga ate at kuya, aalis na ako."

Walang lingon-likod, nagmartsa siya paalis. Hindi nakalampas sa akin ang kuyom niyang mga palad.

Bakit siya nagagalit?

"Sunduin kita bukas, ah."

"Hmm-hmm."

Natapos ang mga araw na hinahatid at sinusundo ako ni Xen.

Paano ko ba sasabihing ayaw ko naman nang ganoon?

Inis akong napahilamos sa mukha. Nailang tuloy ako sa kaniya samantalang dati kapag magkasama kami naipapakita ko sa kaniya ang totoong ako, pero ngayon parang ang pananahimik ko ay lalong naging tahimik.

Nasa mansyon ako ng mga Baider. Talagang kapag gusto ni Mr. Baider, nasusunod.

"Look!" Masayang ibinigay sa akin ni Diamond ang salamin.

Napaawang ang labi ko. Dahil nga hindi ko tinitingnan ang sarili ngayon ko na lang nakita 'yon. Nawala na ang mga pimples ko pati na rin ang mga pimple mark, sa loob lang ng tatlong linggo. Ikaw ba naman ang alagaan ng dermatologist ng mga Baider. Ang buhok kong laging buhaghag ini-straight nila. Bagsak na bagsak iyon. Hindi naman ako kaputian, pero dahil sa kung anu-anong ginawa sa akin nag-glow ang balat ko.

"Mukha ka na ngayong person," nakangising sabi ni Diamond.

Nakagat ko ang labi. Pinangiliran ng luha. Ngayon ko lang nakita na ganito ako kaganda. Ang confident level ko ay tumaas.

Siguro naman hindi na ako pagtatawanan sa university party?

"Are you ready for your final touch?" Nakangising sambit ng kaibigang beke ni Diamond.

"Y-yes."

Ang dami nilang ginawang ritwal. Ang buhok ko ay lalong kumintab, may nilagay sila sa mata ko na hindi ko naman alam kasi ngayon lang ako nalagyan niyon. Pinasuot sa akin ay silky blue na may slit, labas nang kaunti ang taas ng dibdib at collar bone. Sinuotan ako ni Diamond ng silver na necklace na ang pendant ay sobrang liit na bilog. Ibinagsak lang nila ang buhok ko at nilagyan ng clip sa gilid ng tainga. May heels na pinasuot. Sinanay niya rin akong maglakad na suot 'yon.

Akala mo naman talaga sobrang bongga ng party. Well, bongga naman talaga dahil lahat ng estudyante ng iba't ibang course naroon.

Pinasuot din sa akin ang contact lens, tinago nila ang salamin ko dahil nagpupumilit pa akong isuot 'yon.

Nang tingnan ko ang sarili sa salamin namangha ako. Kung kanina nagandahan na ako habang wala pang make-up, pero ngayon mas matindi ang pagkagulat ko.

"A-ako 'to?" Itinuro ko ang sarili.

"Duh? Sino pa ba?" Umikot ang mata ni Diamond.

Pinigilan kong 'wag maiyak.

Ang ganda! Sobrang ganda!

Mukha akong barbie. Nailang lang ako dahil sa dibdib ko.

"Hayaan mo 'yan wala naman makikita," tumawa si Diamond. Biglang gumuhit ang ngisi niya. "Palagyan kaya natin ng silicon?"

"Woah! No! No! No!"

Tumawa siya ulit. Wiling-wili sa hitsura ko. "To be honest, I find you beautiful," pinasadahan niya ang kabuuan ko. "Kulang ka lang talaga sa pag-aalaga sa sarili mo at sa confident."

Ngumiti ako. "Thanks, Diamond," akmang yayakapin ko siya, todo layo siya.

"I hate hugs, I'm sorry."

"Bakit?"

"I just don't want it."

"Okay."

Dapat susunduin ako ni Xen kaya lang sabi ni Diamond sa University na lang siya maghintay para surprise.

Narating namin ang Laurente akmang lalabas ako nang pigilan ako ni Diamond.

"Hello, everyone! I just want you to meet the gorgeous lady here inside the car."

Sumulyap ako, nakita ko si Xen na naghihintay habang may hawak na bugkos ng bulaklak.

"The chairman of COE."

Sinenyas ni Diamond na lumabas ako. Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ng lahat nang makita ako. Nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya ako, pero itinaas 'yon ni Diamond.

"Enjoy the night, Miyer."

"It's Miyell."

"Don't care," umikot ang mata niya.

Humakbang ako para hanapin si Xen, pero hindi ko inaasahang nasa harap ko na siya.

Poging-pogi sa tuxedo niyang suot.

Tulala siyang nakatitig sa akin. "Y-you're s-so beautiful," halos walang boses na sambit niya.

"Salamat."

Inabot niya ang bugkos ng lily sa akin. Simula noong sinabi ni Key na hindi ko gusto ang rose iba't ibang bulaklak ang binibigay niya. Gusto kong sabihin kung ano ang gusto ko, pero hindi ko ginawa.

Gumamela.

Cheap, baka isipin niya. Hindi mo kasi mabibili 'yon, pipitasin mo lang madaling malanta at hindi naman talaga 'yon ang ibinibigay sa babaeng nililigawan, pero 'yon ang gusto ko. Simple lang at maganda kahit hindi pinapansin ng karamihan.

Maihahalintulad ko ang sarili ko sa gumamela, simpleng ganda.

Pumasok kami sa loob. Ang ganda ng Laurente lalong pinabongga ang venue.

Nakita ko si Fervid na may hawak na baso.

Ang aga niya naman uminom?

Nakapulupot sa braso niya si Xhane habang may sinasabi na sa tingin ko hindi niya naman pinapakunggan.

"Ate!" Tumakbo si Xhane at niyakap ako. "Ang ganda-ganda mo."

"Salamat, ikaw rin," aayusin ko sana ang salamin ko kaso naalala ko naka-contact lens nga pala ako.

Lumapit si Fervid, walang emosyon. "Hindi mo sinuot 'yong binili ko saiyo?"

"Hindi, sorry, si Dia--" hindi ko na natapos ang sasabihin nang talikuran niya ako at sunod-sunod na nilagok ang hawak niya.

"Hon? Kanina pa ang init ng ulo mo," hinabol siya ni Xhane.

Tiningala ko si Xen na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

"Wala kang balak tanggalin ang tingin mo?"

"Wala," napamura siya. "Ang ganda mo!"

Pabiro kong pinalo ang braso niya.

"Miyell Almildrez and Fervid Ruiz, kayo ang mauuna mag-perform pasok na sa backstage." Nagmamadaling sabi ng organizer.

Ito na 'yon, kinakabahan ako!

Hindi ko pa rin nakikita ang mga Nematoda baka pa-late effect 'yon dahil ang sabi nila.

"Male-late kami para may grand entrance."

Mga baliw talaga.

Pansamantala kong iniwan si Xen. Sumunod ako kay Fervid sa backstage.

"Fervid, ang cute mo sa tuxedo mo." Tumabi ako sa pagkakaupo niya.

No, he's handsome and yet cute. Adorable little kid.

Nilingon niya ako. "Galit ako saiyo."

"Bakit?"

"Ang tagal natin sa shop kapipili ng damit mo tapos hindi mo sinuot," pinasadahan niya ng tingin ang hitsura ko. "Yes, maganda, but notice at how men look at you." Napatakip ako sa dibdib ko nang dumapo ang tingin niya roon. "Wala ka naman dibdib ba't nilalabas mo pa?" Nabasa ko ang inis sa ekspresyon niya.

Natawa ako sa hitsura niya. Frustrated. Ginulo niya pa ang buhok niya.

"You look like protective boyfriend."

"I am."

Mabilis ko siyang nilingon. Pinakatitigan ang mukha niya.

"Boyfriend mo naman talaga ako. Lalaking kaibigan, didn't I?"

"You are," nag-iwas ako ng tingin.

"Oh!" Napatulala ako sa inaabot niyang kapirasong gumamela.

"Wha-- how did you know?"

"Of course I know! You always saying Hibiscus rosa sinensis, that is scientific name of gumamela and I saw you looking at blossoming gumamela in our house."

Kinuha ko ang gumamela at malapad na ngumiti. "Salamat."

"Fervid, Miyell, next na!"

Dumagundomg nang sobra ang dibdib ko. Kinakabahan ako baka mamaya pumiyok ako dahil hindi naman talaga ako bihasang singer tapos medyo mataas pa ang napiling kanta ni Fervid.

"Kinakabahan ka?"

"Hmm-hmm."

Inilahad niya ang kamay. "Hakuna Matata."

Inabot ko ang kamay niya. Pinagsalikop niya iyon. Magkahawak-kamay kaming lumabas ng stage.

"The chairman of COE in collaboration with the freshman of Architecture student! Ms. Miyell Almildrez and Fervid Ruiz!"

Dumagundong nanaman nang sobra ang kaba ko, pero unti-unti iyong naglaho nang higpitan ni Fervid ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Let's enjoy the show, Sexy-baby," kumindat siya.

Sexy-baby? Tama ba ang pagkakarinig ko?

Natulala na ako kung hindi niya pa hinila ang kamay ko hindi ako gagalaw.

Baka mali lang ang rinig ko?

Mas tumindi ang namumuong kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. May masayang dulot sa buong sistema ko. Gustong kong ulitin niya ang sinasabi sa paraang rinig na rinig ko, pero inisip ko rin na baka mali lang ang rinig ko dahil sa ingay ng mga taong panay ang tili.

Nagsimula ang intro ng kanta. Pakiramdam ko matutunaw ako sa kinatatayuan dahil sa sobrang daming nanonood. Ibinuka ko ang bibig para sa unang lyrics. Pinigilang mamayani ang kabang bumabalot sa sistema.

Your name

by: Myrtle and Young JV

I gotta stop my fooling around

Let's be together right here and now

I gotta know your na eh eh eh me

I gotta know your na eh eh eh me

Naghiyawan ang mga tao. Nagsimula silang sumayaw dahil energetic ang beat ng kanta. Kinuha ni Fervid ang hawak kong gumamela at inilagay sa tainga ko. Malapad siyang ngumiti. Rap na niya ang sunod na lyrics. Mas humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Pakiramdam ko ayaw ko nang matapo ang mga sandali. Sana huminto ang mudo para mas matagal pa kaming magkasama sa ganitong sitwasyon.

I see you across the room

All I can say is what a beautiful lady

Got me a bit of a daze

Unlike any other like you was mercedes

Your beauty is equipped to have me spinning like turn tables

Hinaplos niya ang pisngi ko. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya.

Ba't parang pakiramdam ko para sa akin 'yong kanta?

Nahagip ng mata ko ang mga Nematoda enjoy na enjoy na sumasayaw. Ang isa pa sa hiling ko ay sana palagi silang masaya.

The music make me flipped Yeah

Just like their record label

Baby I just wanna have a conversation

Your eyes shine bright like constillations

Baby all right I'll be spitting my game

So come over here and baby tell me your name

Ipinulupot niya ang kamay sa baiwang ko na ikinagulat ko.

Hibiscus!

Just like a bank roll on increment

Baby girl You got my interest

We connect like internet

Possibilities infinite

Sinabi niya iyon diretso sa mga mata ko! There is something on his gaze.

Chorus na kaya sinabayan ko ang kanta niya.

(Oh-woah-woah) you got me

Wondering (you got me wondering)

(Oh woah-woah) cause we can really be somethin'

I gotta stop my fooling around

Let's be together right here and now

I gotta know your na eh eh eh me

Natapos ang chorus, tumango siya para sabihing kaya ko ito dahil ako na ang susunod. Ako lang mag-isa. Humugot ako nang malalim na hininga at isinaliw ang katawan sa bawat beat ng musika.

Oh, boy. I'm into you

I must say you got game but don't overdo

I find you kinda cute

Pinisil ko ang pisngi niya. He's so cute!

You don't need to be acting

Why ain't you askin' for my name

And my number

Should I wait another hour

Should I take you where my world is

And we could start our romance

Why don't you wanna try

Nag-chorus ulit. Hindi ko na napansing ine-enjoy ko na ang palabas, masaya habang hawak ang kamay ni Fervid. Tumatalon, nakikisabay sa kaniyang kasiyahan na halatang wala nang mapaglagyan. Nabalewala na kung gaano karaming tao ang nanonood. Nabalewala na kung ano ang sasabihin ng iba basta ang mahalaga kaming dalawa, masaya kami sa isa't isa.

Tila bumagal ang mundo nang ilapit niya ang noo sa akin. May emosyong ipinapakita na hindi ko mahulaan kung ano. Malapad siyang ngumiti at ganoon din ang ginawa ko. Unti-unting lumalapit ang mga mukha namin hanggang sa hindi ko na napigilang pumikit.

"Unusually beautiful," bulong niya. Kaunting distansya na lang ay mahahalikan na namin ang isa't isa. Lumapit nang lumapit ang mukha niya hanggang sa magdampi ang ilong namin. I want something special for this night. I want to--

"Woaah!"

Napabitaw ako sa braso niya nang marinig ang hiyawan ng mga tao. Natapos na pala ang kanta na hindi namin namamalayan. Nagmadali akong pumasok ng backstage. Tumakbo ako habang nag-iinit ang pisngi. Nakakahiya ang nangyari sa stage. Nakita ko agad si Xen at Xhane magkamukhang-magkamukha ang hitsura dahil parehas ng emosyon.

"Hindi ba't parte 'yon ng performance, Ate?" Taas-kilay niyang sabi. Pinakadiinan pa ang salitang Ate.

"Xhane!" Saway ng kapatid.

"My boyfriend was about to kiss that girl," itinuro niya ako. Nakakamanghang kahit halatang galit na siya ay parang mahinahon pa rin ang tono niya. "Bakit may paglapit ng noo? Bakit may paghawak sa baiwang? Bakit may paglagay ng gumamela sa tainga? Answer me!" Kunot-noo niyang tiningnan si Fervid.

Nagbaba ako ng tingin.

Para saan nga ba 'yon? Hindi ko rin alam.

Nagtatanong din ang mata ni Xen nang tingnan ako.

"Wala akong itatanong. Wala akong karapatan," bumalatay ang lungkot sa mukha ni Xen.

No way, I don't want to hurt my friend. 'Yon ang ayaw na ayaw kong nagagawa ko dahil ang bawat isa sa kanila ay sobrang mahalaga para sa akin.

Gusto kong magsalita, pero ano ang sasabihin ko? Wala naman.

Walang emosyon akong sinulyapan ni Fervid matapos ay ngumiti. Umakbay kay Xhane..

"Hon, ang selosa mo." Humalik pa ito sa noo niya.

My heart aches. It hurts.. I don't know why.

You don't know why or you don't want to accept the fact that you're in love with him?

Natigilan ako nang magsalita pa ulit si Fervid..

"That was just a show," nakangiti niya akong sinulyapan. "'Di ba, Ate?"

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

"Yes, that was just a show," matapang kong sinalubong ang mata ni Fervid. "That was included in the practice."

I lied.

I thought it was real.

Imagine the sweet moment of Miyell and Fervid, but 'that was just a show' LOL! Pinagloloko tayo ng dalawang ito. 😂

@AdiennaMichelle

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.