Chapter 20

Nagmamadali kaming pumasok ni Xen sa loob dahil sobrang lamig na.

Tatawa-tawa niya akong hinila patakbo.

"Ang lamig, 'no?"

Bumungisngis siya. "At least hindi nanlalamig saiyo."

Tumawa rin ako. "'Yang mga banat mo."

Nakayakap siya sa akin sa buong paglalakad namin paakyat sa kwarto.

"Ilang taon ka na, Miyell?"

"Seryoso? 'Di mo alam?"

"Tinatanong ko, bilis."

"Twenty three."

"Taon na pala para pakasalan kita."

Nawala ang pagkakangiti ko. Sa tono ng pananalita niya kanina pa parang may gusto siyang sabihin.

"Teacher ka na at okay na ako sa business industry. Can we settle?"

"Huh?" Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya sinagot.

Kahit wala siyang natanggap na tugon nakangiti pa rin siya. Nagulat na lang ako nang buksan ko ang pinto ng kwarto.

It was like a honeymoon set up.

Puno ng small lights sa bawat paligid. Kitang-kita ang puting tela na bumabalot sa kama.

"Ano 'to?"

Isinarado ni Xen at ni-lock ang pinto. Isinandal ako sa likod ng pinto.

"X-xen? Ano 'to?"

Nakangiti niyang inilagay ang buhok ko sa likod. Akmang magsasalita pa ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Natahimik ako. Umiwas ako nang akmang hahalikan niya ang labi ko.

Hindi ko alam, pero si Fervid ang nakikita ko.

Siya ba ang mahal ko? Paano si Xen?

Akala ko may puwang din siya, pero sa nararamdaman ko ngayon parang wala. Kaibigan lang talaga.

"Babe, is there anything wrong? Ayaw mo ba sa surpresa ko?"

"G-gusto kaya lang bakit ganyan?"

Ngumiti siya nang malapad. "Babe, magpapakasal naman na tayo."

"Oh? Tapos? Bakit nga rito sa kwarto mo ang surprise?"

"Eh, kasi," nagkamot siya ng ulo. "Akala ko magugustuhan mo."

"Nagustuhan ko naman," lumayo ako sa kaniya. Binuksan ko ang ilaw. "Magbibihis lang ako."

Nakaawang ang mga labi niya nang tingnan ako. Alam ko tumatakbo sa isip niya, pero no, I can't, kahit pa birthday niya.

"Sorry." Yumakap siya sa baiwang ko. "I'm sorry. Nag-iisip ako ng kung ano."

"Okay lang," humalik ako sa pisngi niya. "Bihis lang ako, birthday boy."

Tumulo ang luha ko pagkasarado ko pa lang ng pinto.

Hindi ko na talaga kayang makasama pa siya. Nagi-guilty ako sa lahat nang nagawa ko. Kay Fervid, halos ibigay ko na lahat, pero kapag sa kaniya parang hirap na hirap ako.

Oo nga at siya ang boyfriend ko, pero hindi ko man lang nakita kahit minsan na nagpaka-girlfriend ako sa kaniya.

Ang unfair ko.

Pinigilan kong maging hagulgol ang iyak ko.

Dapat hindi ko na siya pinaasa para lang sa wala. Ang sama kong tao.

Inayos ko ang sarili bago lumabas. Nakangiti naman siyang pumasok sa banyo para magbihis din. Maya maya lumabas na siya. Sumalampak siya sa kama.

"Babe, tabi ka sa akin kahit ngayon lang?" Nakangiti niyang niyakap ang baiwang ko.

'Yan ang hirap sa kaniya. Palagi siyang nakangiti paano mo babasagin ang magandang awrang 'yon? Paano mo sisirain ang masayang pakiramdam niya? Paano mo bibitawan ang taong wala naman ibang ginawa kung hindi ang mahalin, alagaan at iparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga?

Parang wala akong choice kung hindi ang mag-stay.

Hindi ako tumatabi sa kaniya sa pagtulog, pero tingin ko sa hiling niya ngayon dito ako matutulog.

Kasi birthday niya. Kahit ngayon lang.

"Babe?"

"Hmm?"

"Mahal kita," isiniksik niya ang mukha sa leeg ko.

Hindi ko magawang magsalita. Dati naman natutugunan ko 'yon, pero ngayon parang ang hirap bigkasin.

"Sleep ka na," hinaplos ko ang buhok niya.

Para sa taong lubos akong minahal hindi ko kayang basta na lang mang-iwan. Siya ang kauna-unahang tao na nagparamdam sa akin na 'maganda ako' hindi kailangang ayusan pa.

We're friends. The friendship we had will never compare to any material in this world.

Ang maling desisyon ko lang sinagot ko siya dahil ayaw kong masaktan, pero parang mas masakit ang ginagawa ko ngayon.

Narinig ko ang paghihilik niya kaya napangiti ako.

"You know you really mean something to me," humalik ako sa noo niya.

You mean something, but not my everything.

Makakatulog na sana ako nang may kumatok. Bumangon ako para buksan.

Nanlaki ang mata ko nang may magtakip ng bibig ko at basta na lang ako ipinasok sa katabing room.

It was Fervid.

"Fervid, gumagawa ka nanaman ng gulo."

Isinandal niya ako sa likod ng pinto. Ihinilig niya ang ulo sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya.

"Why we can't be together?" May tumulong likido sa balikat ko. "I thought during my home coming I can make you mine, but my expectation will never gonna happen."

Nakababa lang ang tingin ko. Dapat tinutulak ko na siya, pero hinayaan ko siyang umiyak sa akin.

Masakit pa lang makitang umiiyak siya.

"Hindi kita maagaw kahit alam ko naman na ako ang mahal mo."

"Wala akong sinabing mahal kita."

"Hindi ito hide and seek, 'di tayo naglalaro 'wag mong itago ang feelings mo."

"Gaano ka ba kasigurado?"

Nag-angat siya ng tingin. "Nakalimutan mo na agad 'yong nangyari noong nakaraang araw?"

"W-wala lang 'yon."

"What the geez, Miyell! Sige, itago mo pa!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Hindi alam?" Matalim niya akong tiningnan. "Eh, kung ihagis kaya kita sa kama ngayon? Tingnan natin kung makapalag ka pa?"

"Alam mo 'yang utak mo iba na mag-isip."

"Eh, sa wala akong maisip na paraan!"

"'Wag mo akong sigawan!"

"Taguan ba 'to, huh? Taguan ng feelings?"

"Wala nga akong gu—" dumampi ang labi niya sa akin.

"'Yan ka nanaman ginagawa mo nanaman kung ano ang gusto mo! Hindi ako sa iyo kaya hindi mo ako pwedeng halik-halikan kung kailan mo gusto!"

Akmang hahawakan ko ang doorknob nang magsalita siya.

"Sige, lumabas ka. Sa labas tayo gumawa ng eskandalo."

Hinarap ko ulit siya. "Matulog ka na lang lasing ka na."

"Eh, ano ngayon?"

"Saturday," sarkastiko kong sabi.

"Inisin mo pa ako "

"Hindi kita iniinis, isip bata."

Kahit nagagalit na siya. Ang cute niya pa rin tingnan.

Parang immortal ang hitsura niya. Hindi man lang makikitaan ng katandaan. Lumapad man ang balikat niya, ang mukha niya parang sa eighteen years old pa rin.

Baby face.

Sa naiisip ko parang gusto ko siyang kurutin sa pisngi.

"Natulala ka na sa kaguwapuhan ko?" Pumorma ang ngisi sa labi niya.

"Lah? Asa ka."

Tinalikuran ko siya. Napatili ako nang buhatin niya ako papunta ng banyo.

"Hibiscus! Bitawan mo ako! Ano ba! Kakaligo ko lang!"

"Mainit, Sexy Baby. Join me under the shower," ngumisi siya.

Kinakabahan ako dahil baka magising si Xen. Ang kapal din naman ng mukha ko, nasa kabilang kwarto lang siya.

Sinabunutan ko si Fervid. Akmang tatakbo ako nang hilahin niya ang baiwang ko.

"May nakalimutan akong sabihin, Sexy Baby."

"A-ano 'yon?"

"We showered together last night."

"W-what!" Halos malaglag na ang panga ko sa pagkakaawang.

"Gusto mong ipaalala ko?" Napasinghap ako nang hilahin niya ang tali ng pantulog ko. Hinawakan ko iyon nang mahigpit.

"Fervid naman. 'Wag, ano ba!"

"Edi 'wag."

Nakahinga ako nang maluwag nang tigilan niya ako. Hinubad niya ang damit pagkatapos.

"Bumalik ka na sa room niyo," pinakadiinan niya pa ang salitang room. "Habang nagpipigil pa ako. Basta siguraduhin mo lang na buo ka pa rin."

Nagmadali akong maglakad.

"Miyell?" Napahinto ako sa paglalakad. "I love you."

'Di ko tinugon iyon. Dire-diretso akong lumabas. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala naman ibang tao.

Habang tumatagal palaki nang palaki ang kasalanan ko kay Xen. Napakabuti ng taong ito, pero bakit ganito ako sa kaniya?

Tumabi ako kay Xen. Yumakap sa baiwang niya. Hindi ko na napigilang humikbi. Nagising ko yata siya dahil may naramdaman akong haplos sa buhok ko.

"Babe, nananaginip ka ba?"

Pinigil ko ang mga luha. "O-oo."

Sinungaling nanaman. Hindi naman ako sinungaling, pero ngayon parang nasa akin na ang korona. Manloloko, mapanakit, at higit sa lahat makasarili. Sarili ko lang ang iniisip ko kapag nandiyan na si Fervid, kaming dalawa lang, samantalang heto si Xen, walang kaalam-alam.

"Shh, tahan na." Hinaplos niya ang buhok ko. Dumampi ang labi niya roon. "Shh."

Nakatulugan ko na ang pag-iyak.

----

Hila-hila ako ni Xen papunta sa kusina nila. Natigilan ako nang makita ang buong pamilya ko pati na rin ang pamilya niya.

"Nandito na sila. Let's talk about the wedding," nakangiting sambit ni Mr. Azarcon.

Natigilan ako sa akmang pag-upo.

Wedding? Ikakasal ako?

"Honey, Miyell, anong color ang gusto mong maging theme ng kasal niyo?" Nakangiti ring sambit ni Mrs. Azarcon.

Nahawakan ko nang mahigpit ang kutsara ko.

No! I can't.

"Miyell, anak, tinatanong ka." Nakangiti ring sabi ni papa.

Heto nanaman tayo sa mga ngiti nilang hindi na mapuknat. Hindi ko tuloy magawang tanggalin 'yon sa mga mukha nila.

Siguro nga ito ang kapalaran ko? Ang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal. Kasalanan ko rin naman.

"P-pink po," mahinang sambit ko.

Masaya nilang pinag-usapan ang mga kailangan, lugar, araw, pati invitation.

Hindi man lang sinabi sa akin ni Xen.

Tahimik ako sa buong pag-uusap nila. Nagtatawanan at kulitan pa na animo'y excited.

Matapos ng dinner, hindi ko pinansin si Xen nang makasakay ako sa kotse.

"Babe, galit ka ba?"

Tumulo ang luha ko. "Bakit ba ang bait-bait niyo?"

"Huh?"

"Bakit ba ang saya-saya niyo?"

"Babe, anong sinasabi mo?"

"Tinanong mo ba ako kung gusto kong magpakasal saiyo!"

Natigilan siya. Napuno nang pag-aalala ang hitsura.

"Babe, 'di ba, matagal na rin naman tayo? Akala ko—"

"Akala mo lang 'yon!"

"Anong sinasabi mo? Ayaw mo sa akin magpakasal?" Natahimik ako, nagbaba ako ng tingin. "Then why? What is your reason of rejecting our proposal?"

"That's not even proposal. That's arrange marriage."

"What?" Sa tono ng boses niya parang pinipigilan niya ang mainis. "Anong arrange marriage? Matagal na tayo, walang namilit maging tayo. Hindi ba dapat maging masaya pa tayo dahil suportado tayo ng magulang natin?"

"Xen, you can't understand."

"Okay, ayaw mo magpakasal?" Namuo ang luha sa gilid ng mata niya.

Hibiscus, I don't want to see him crying.

"Ayaw mo na sa akin?"

Hindi ako nakapagsalita. Tumulo lang nang tumulo ang luha ko.

"Tell me, why? May mahal kang iba?"

Namutawi ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Wala naman akong makitang ibang lalaking pwede mong mahalin. Imposibleng si Keyar dahil magkaibigan lang kayo. Then, who?"

Hinawakan niya ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin. Para akong binagsakan ng malamig na tubig nang makita kong dumadausdos ang masaganang luha sa pisngi niya.

"I'm good boy, Babe, right? Nasaktan ba kita para maghanap ka ng iba?"

Umiling ako. Nag-uunahan ding pumatak ang luha sa pisngi ko.

"Anong rason mo para hindi magpakasal sa akin?" Humagulgol na siya ng iyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sobrang sakit na ang nadulot ko sa kaniya.

I do make things complicated. Ako talaga 'yon. Desisyon ko ang sagutin siya noon kahit alam kong si Fervid naman. Ang sakit sa dibdib na makita siyang ganito.

Mali nga talaga ang desisyon ko simula pa lang.

"All I can do is to love you. Kung may mahal kang iba sige, hindi ko ipipilit."

"Xen..."

"Tell me, who is he?" Naging matunog ang pag-iyak niya.

"Xen," umiling ako.

Pinunasan niya ang luha. "Ihahatid na kita sainyo."

"Xen." Yumakap ako sa kaniya. "I'm sorry."

Hindi siya nagsalita. Pinaandar niya lang ang kotse. Pinupunasan niya ang luhang patak nang patak. Hindi ko siya kayang makitang ganito kaya iniwas ko ang tingin.

Masakit man para sa kaniya ang katotohanan kailangan niya 'yong malaman.

"No! Hindi niyo ika-cancel ang kasal!" Galit na sigaw ni papa. "Maghihiwalay kayo?" Matalim ang tingin na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Xen. "Hindi kayo pwedeng maghiwalay! Sa ayaw at gusto niyo magpapakasal kayo!"

"But tito—"

"No, Xen, I'm sorry, itutuloy natin ang kasal niyo!"

Padabog na isinarado ni papa ang pinto.

Tumayo si Xen. "Uuwi na ako." Hindi niya man lang ako tiningnan.

"If you really don't want to marry me that's okay." Walang lingon-likod na naglakad siya palabas. Huminto siya saglit. "Tumakas ka na. Isama mo ang lalaking mahal mo." Pilit siyang ngumiti. "Hindi kita ikukulong sa akin, hindi ko 'yon ikaliligaya."

Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Mahigpit ko siyang niyakap.

"Salamat."

Mahigpit niya rin akong niyakap. "Ihahatid kita. Saan kita dadalhin?"

Pinalis ko muna ang luha bago nagsalita.

"Dalhin mo ako kay Fervid."

Napaawang ang labi niya, hindi makapaniwala.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.