Namalengke kami, masaya ang bawat sandali namin ni Fervid.
I was like in the romantic movie, endless love and happiness. I hope this is really infinite.
"Buko salad," nakangiti niyang nilagyan ng mga sangkap iyon. Kinuha ko ang gatas at nilagay rin iyon.
"Masiyado naman yatang marami ang pinamili natin? Dalawa lang naman tayo?"
"It's okay, Sexy Baby. Bibigyan natin ang kapit bahay."
"Kilala mo sila?"
"Yup, mga beshy ni mama."
"Talaga?"
"Yes," kinuha niya ang pasta. "Hindi ako marunong nito. Ikaw ba?"
"Marunong ako. Akin na."
Magkatulong naming niluto ang lahat ng handa namin. Spaghetti, buko salad, coffee jelly, may mga prutas, at iba pa.
Hindi na matanggal ang pagkakangiti ko. Nakikita ko kasing para kaming mag-asawang bagong kasal. Wala nang mapaglagyan ang saya sa dibdib ko.
"Wait, Sexy Baby. Alam ko may videoke si mama rito. Check ko kung gumagana pa." Pinanood ko ang pag alis niya.
He's cute. Araw-araw ko na yatang nasasabi 'yon. Child abuse man sa paningin ng iba okay lang.
Pinagmasdan ko ang bahay namin. Hindi masiyadong kalakihan sapat lang sa aming dalawa. Maayos ang pagkakapintura ng puti, kaunti lang ang gamit, 'yong sapat lang.
"Sexy baby! Maayos pa! Videoke tayo mamaya!" Sigaw niya sa sala.
"Sige."
Nang matapos kong magluto. Marami siyang nilagyan ng plato. Ibibigay raw sa mga kapitbahay.
"Samahan mo ako," umakbay siya sa akin. Lumabas kami at kinatok ang mga kapitbahay.
"Fervid! Umuwi ka pala?" Nakangiting sambit ng babaeng may katandaan na. Sinulyapan niya ako. "Girlfriend mo?"
"Hindi po." Siniko ko siya. Malapad siyang ngumiti, kumindat sa akin. "Asawa ko po."
"Ahh! Nako, nakakatuwa naman. Halika pasok kayo."
"Ay, hindi na po. Ibibigay lang sana namin ito." Inabot ni Fervid ang mga binalot niya kanina. "Happy New Year."
"Salamat! Happy New Year din, anak."
Marami pa kaming kinatok na binigyan ni Fervid. Akala mo namn mayor siya. Marami pala siyang kakilala.
Pumasok ulit kami sa loob ng bahay.
"Tuwing kailan ka umuuwi rito?" Hinila niya ako paupo sa sofa.
"Tuwing Christmas and new year, but my mama died two years ago that's why I did not go back here. Ngayon na lang."
"Anong kinamatay ng mama mo?"
"Leukemia."
"Oh? Sorry."
"It's okay." Yumakap siya sa baiwang ko. "Kinuha ako ni dad when I was eight. I don't really have complete family since then."
"Mabait naman ba 'yong step mother mo?"
"Kinda. Pinagtatanggol niya ako kay dad kapag nakagawa ako ng kasalanan."
"Good to know."
"Palaging mainit dugo sa akin ni dad. Madalas nga ayaw ko na roon. Gusto niya siya ang nasusunod."
Ihinilig ko ang ulo sa dibdib niya. "Kaya pala noon nag-aaway kayo."
"He wanted me to be a doctor like him. Ayaw ko naman noon."
"At least ngayon successful ka na sa pinili mo."
"Yeah, ginawa ko talaga 'yon para sa iyo."
Nag-angat ako ng tingin. Pinakatitigan siyang mabuti. "I want you to have nice future to me."
"Parang siguradong-sigurado ka sa akin, ah?"
Humalik siya sa noo ko. "Ewan, tinamaan."
"Ang lupit mo pala magmahal, idol."
"Kung ano-ano tinatawag mo sa akin, ate."
"Ikaw rin naman."
"Anyways, mag-videoke na lang tayo. Isang oras pa bago ang new year."
"Sige."
Siyempre ang una niyang sinalang ay 'Your Name'.
"Duet tayo."
Nakangiti kong kinuha ang mic. Nagsimula ang kanta. Katulad noon en-enjoy namin ang pagkanta. Hindi naman ako kagalingan, sapat lang, masasabing may boses.
"Go, Sexy Baby!"
Pumasok siya ng kusina. Pagbalik ay may dala nang alak.
"Ako lang ang iinom. Bawal ka."
"Bawal nga 'yan sa bata," pang-aasar ko.
"Bawal din 'to sa may allergy."
"May gamot ako."
"Bahala ka nga."
Dumaan ang maramimg kanta. Pipiyok-piyok na kami at susuray-suray.
"Happy New Year, Sexy Baby!"
"Wala pa. Hindi pa twelve," tumawa ako.
"Advance hehe," inagaw niya ang mic sa akin. Kanina pa kami nag-aagawan sa mic. Sinasabunutan ko siya kapag inaagaw niya ang kanta ko. Habang umiinom kami kumakain na rin kami. Hilig niya pala ang ubas.
Nalungkot lang ako sa isiping hindi ko makakasama ang pamilya ko ngayon. Siguro kung tinanggap lang ni papa na hindi kami magpakasal ni Xen nandoon siguro kami ni Fervid ngayon.
"'Wag ka nang sad." Isinayaw ako ni Fervid. "Nandito naman ako."
Pinalis ko ang luhang tumulo. "Hindi ko kasi makakasama ang family ko ngayon."
"Gusto mo bumalik na tayo?"
Umiling ako. "Ayaw ko. Kapag binalik mo ako ipapakasal nila ako kay Xen."
Sabay kaming bumuntong-hininga. "Hindi naman ako suwail na anak ngayon lang. Ayaw ko lang talagang matali sa taong hindi ko mahal."
"Shh," humalik siya sa noo ko. "I just want to remind you that staying at my side is also turning back to your family. Is that what you want?"
Umiling ako. "Ayaw ko, pero mahal kita. Hindi nila matatanggap 'yon lalo na ni papa."
"Hakuna Matata," bulong niya sa tainga ko. "Change topic. Let's left behind all the worries. What makes sense is that we're here. We're together."
Tumango ako. "Thank you for loving me," mahigpit ko siyang niyakap.
Uminom, nagtawanan, kumanta, sumayaw, umiyak at nabaliw na kaming dalawa habang hinihintay ang new year. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon sobramg saya ko pa rin. Ito 'yong sayang hindi matutumbasan kailanman.
Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko agad. Bago na ang sim nito kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
"Happy new year!"
Tumulo ang luha ko nang marinig ang boses ng mga Nematoda.
"Happy new year," mahinang sambit ko.
"Miyell, alam kong masaya ka ngayon. Gusto kong sabihin na tama lang ang ginawa mo. Hayaan mo tatanggapin din nila sa paglipas ng panahon," rinig kong boses ni Delight. "Enjoy, labyu!"
"Salamat, Delight."
Natakpan ko ang bibig ko. "Hi, Nematoda," boses naman ni Ailey. "Mamasko si Denveir Ley sa iyo," tumawa siya. "Tinakasan mo noong pasko."
Natawa rin ako. "Pagbalik ko na."
"Hi, honey babe, Happy New Year!" Si Key naman ngayon ang nagsalita.
"Happy new year. Tigilan mo kakatawag sa akin nang ganyan sabunutan kita!" Ang lakas ng tawa niya sa kabilang linya.
"Mainggit ka magkakasama kami," pang-aasar niya pa bago ibinigay kay AP ang phone.
"Miyell! Pasalubong, ah."
"Ano ako nag-abroad?"
"Siguro nagpaparami na kayo ni Fervid ngayon," humagalpak siya ng tawa.
"Ewan ko saiyo! Sige na bye na!"
Nakangiti kong ibinaba ang tawag. Nakakainggit nga magkakasama sila.
May yumakap sa likuran ko. "Sexy Baby, lasing na ako, 'di pa man lang nagtwe-twelve."
Hinarap ko siya. Lasing na, pero ang cute pa rin ng namumungay na mata. Medyo nahihilo na rin ako baka hindi na kami makaabot ng new year.
"Parang inaantok ka na, ah?" Tinawanan ko siya.
"Hindi, nahihilo lang."
Kinuha niya ang gamot ko. "Uminom ka na, baka mangati ka nanaman mamaya."
Ininom ko ang gamot ko. Hindi naman masiyadong namumula ang katawan ko.
Nagsalang pa kami ng maraming kanta. Sinubuan ko siya ng spaghetti.
"Busog na ako kanina ka pa subo nang subo."
"Kawasa't kainin mo."
"Eh, masarap."
Sumalampak kami ng upo sa ibaba ng sofa, sa carpet. Sinalang niya ang kanta ni Regine Velasquez 'Pangarap ko ang ibigin ka.'
"Kakantahin mo?"
"Hindi, ikaw," bumungisngis siya.
"Ang taas niyan."
"Gusto kong 'yong pipiyok-piyok ka na. I challenge you," nakangisi niyang sabi.
Lasing na ako kaya malakas ang loob. Pahiklas kong kinuha ang mic.
"Sure!"
"Woah! Palaban!"
Pangarap ko ang ibigin ka
By: Regine Velasquez
Tuwing ikaw ay nariyan
"Woah!" Pumalakpak pa ang echosero. "That's my sexy baby!"
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
"Ako rin namamangha kapag kausap ka," tatawa-tawang sabi niya.
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
"Sinisigaw ka rin ng aking puso!" Hindi na siya nawalan ng sasabihin sa bawat lyrics ng kanta.
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Naghabol ako ng hininga. 'Yon pa lang parang mapuputol na ang ugat ko sa leeg. Sobrang taas naman nito.
"Ayaw ko na ang taas!" Ibinigay ko sa kaniya ang mic. Kinuha naman ng siraulo. Wala sa tono ang kanta niya kaya tawa ako nang tawa.
Humugot siya ng malalim na hininga at pumwersa para sa chorus. Tawa ako nang tawa dahil piyok siya nang piyok. Hindi niya kaya ang taas noon.
"Galing ko,'no?"
Tatawa-tawa siyang umupo sa tabi ko. Kumuha siya ng ubas. Kanina pa niya kinakain 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang ubas na isusubo niya. Inaasar.
"Papansin. Kulang ka sa pansin, ate?"
Ang lahat ng kukunin niya ay kinukuha ko. Tawa ako nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Lasing na nga siguro ako. Umiikot na rin ang paningin ko.
"Favorite mo ang ubas?"
"Yes."
Isinubo ko ang isang ubas. Kinagat ng ngipin sa ibaba at itaas. Nanlaki ang mata ko nang kunin niya 'yon sa bibig ko gamit ang labi.
"Ay, bastos."
Ngingisi-ngisi niyang nginuya 'yon. Nagkatitigan kaming dalawa. Gumapang ang init sa buong katawan ko.
Hibiscus, yeah, I'm drunk, my brain function is not well.
Hindi lang siguro ako ang nakaramdam ng init maging siya rin. Nag-iwas ako nang tingin, pero bumalik lang din ang tingin ko sa kaniya nang hawakan niya ang baba ko. Nabibingi na ako sa kalabog ng puso ko. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko. Humalik siya sa noo ko habang hinahaplos ang leeg ko.
"I love you," malambing niyang bulong.
"I love you, too."
Pinaglapat niya ang noo namin. Nakangiti sa isa't isa. Sinalubong ko ang paglapit ng mukha niya. Magkasabay naming sinunggaban ng halik labi ng isa't isa.
I tasted the grapes and alcohol in his mouth. I grasped his nape. He held my waist tightly and push me harder near him.
"I love you," he whispered again in between kisses.
"I love you, too."
Itinulak ko siya dahilan para matumba kaming dalawa sa carpet. Nakahawak kasi siya sa baiwang ko.
Pinagpatuloy namin ang halik. Lumalalim, tumitindi, umiinit, pero marahan at may buong pusong pag-iingat. Ramdam na ramdam ang pagmamahal sa bawat paggalaw. Ang tibok ng puso namin ay parehong nagkakarerahan. Rinig ko iyon.
"Hmm."
I was shocked when his baritone voice let out those sounds making my body more heat.
"I don't want here." He grasped my thighs and went up. "I want in bed."
He carried me going to the bed. He went on my top.
"Okay lang ba saiyo?" Sa tono ng boses niya mayroong pag-aalala. Humihingi siya ng permiso. "I don't want to take advantage of your drunkenness."
Nahihiya akong tumango matapos ay ngumiti. "I'm yours."
"You, sure?"
"Y-yes."
He touched my cheek. He went up to kiss my forehead and down to claim my lips again. "Happy new year," he smirked.
"Happy new year." I chuckled before I kissed him back.
He removed all of my things.
We conjugated.
Before I passed out, I heard him whispering.
"I love you, I love you, I love you." Paulit-ulit niyang hinalikan ang noo ko. "Mahal kita ngayon, mamaya, bukas, sa susunod pang mga araw. Lagi kitang mahal." Humalik siya sa pisngi ko. "Kahit 'yon lang ang gawin ko habang buhay kompleto na ako."
Nakapikit lang ako hindi ko na magawang tugunan siya. Inaantok na ako. Ramdam ko ang mahigpit na brasong yumayakap sa akin. May ngiti sa labi ko nang tuluyan na akong makatulog.
Tanghali na ako nang magising. Tulog pa rin si Fervid sa tabi ko. Nahihilo pa rin ako. Ipinatong ko ang ulo sa dibdib niya.
No regret. What we did was the result of our love for each other.
Bumangon ako. Pumunta sa banyo.
"Aray ko naman, ang sakit pala niyon."
Nag-toothbrush ako. Sa kalagitnaan ng pagse-sepilyo nakita ko si Fervid sa repleksyon ng salamin. Abot langit ang ngiti ng echosero. Mapupunit na yata ang labi sa laki ng ngiti niya.
"Ba't ganyan ang ngiti mo?"
"Masama bang ngumiti?"
"Hindi."
Mas lumapad pa ang ngiti niya. Itinuro niya ang labi. "Ito ang ngiting may pinutukan."
Pinaghahampas ko siya. "Echosero ka talaga! Walang hiya ka! Umaapaw ang kabastusan mo!"
"Umaapaw? Ano 'yon tubig?" Ang lakas ng tawa niya.
"Pilosopo."
"I'm just stating the fact." Yumakap siya sa akin. Mahigpit na mahigpit, 'yong tipong ayaw niya na akong bitawan. "Nahihilo ako, pero tanda ko pa rin 'yo— hindi ko na siya pinatapos. Sinabunutan ko siya.
"Ouch! Ouch! Matatanggal na ang buhok ko."
"Dapat lang 'yan!"
"Sorry na, binibiro ka lang."
"Masamang magbiro sa umaga. Ang sakit kaya."
"Ah, kaya pala galit ka? Malamang, Sexybaby. That was your first time."
Sumeryoso ang mukha ko. "Hindi mo first time?"
Nagkibit-balikat siya. Tinalikuran ako. Binato ko siya ng toothbrush.
"Ouch! Ba't ka nambabato?" Hawak niya ang ulong tinamaan ko.
"Tinatanong kita!"
"Tinatanong pa ba 'yon?"
"Magsabi ka ng totoo!" Matalim ko siyang tiningnan. Nangingilid na ang luha ko. Natigilan ako nang humagalpak siya ng tawa.
"'Yong totoo?" Tumigil siya sa pagtawa.
Pumatak ang luha ko.
Bakit ba ako umiiyak? Eh, ano naman ngayon? Ganoon naman talaga ang mga lalaki, 'di ba? Kung sino-sino na lang! Kainis!
"Ikaw lang ang gusto ko."
"Ang layo ng sagot mo."
"Kaya hindi ko kayang gawin sa iba. So, that was my first time, too." Tinalikuran niya ako. Bumalik siya sa pagkakahiga. "My pride and ego, ouch."
"Bakit? Big deal ba 'yon sa lalaki?"
"Oo, alam mo bang sila Trevor nagpaparamihan ng babae?"
"Totoo?"
"Yeah."
"Hindi ka nakigaya?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hindi. Hindi maganda tingnan mapa-lalaki o babae."
Bumalik din ako sa higaan. "'Di mo ako inuuto?"
Humagalpak siya ng tawa. "Ba't kita uutuin? Hirap mo kayang nakawin kay Xen."
"Nakawin talaga?"
"Just don't worry," iniyakap niya ang dalawang braso sa tiyan ko. "Hindi ikaw 'yong first kiss and hug ko," nakanguso niyang sabi.
"You're my first kiss."
Nanlaki ang mata niya. "Really?"
"Yes. Magnanakaw ka, eh."
"Kailan?" Nag-isip siya. "Ah, noong university party."
"Yes."
Nakangisi siyang tumango. "Good, good. Minsan pala masayang magnakaw."
"Skill mo talaga 'yan."
Parehas kaming tumawa.
"Geez, hindi ako makapaghintay na sabihing..." ngumisi siya. "Ninakaw ko lang noon, asawa ko na ngayon."