Chapter 31 Tipping Point

**

We'll keep holding on.

Cherries: Chapter Thirty-One

Nakahiga pa rin kami sa damuhan ni Resshin. Habang pinagmamasdan ang mga ulap na dahan-dahang naglalakbay sa malawak na langit.

Ang sarap sa pakiramdam. Naaalala ko nung mga bata pa kami.

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Resshin ‘yung kamay ko.

Louie: =0_0= S-Shin..??

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa langit. Seryoso ‘yung mukha niya.

Resshin: Matagal-tagal ko na rin itong napag-isipan...

Louie: (nakikinig)

Resshin: Nakapag-decide na ako.

'Saka lang siya tumingin sa kin.

Resshin: Louie, samahan mo ako.

Louie: S-Saan??

Resshin: May kailangan lang akong gawin sa bahay. Pwede mo ba 'kong samahan?

Louie: Okay.. ayos lang..

Tumayo na kaming dalawa at pinagpag namin ang mga damit namin.

Umalis na rin kami doon sa park.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta kina Resshin. Mga ilang buwan na rin. Kasundo ko ‘yung parents niya nung kami pa, pero simula nung nag-break kami, hindi ko na sila nakakausap.

**

Pagkarating namin sa bahay nila, nakita kong nasa salas ang mga magulang ni Resshin.

At may bisita sila...

.

.

Si Emma.

Medyo nanikip ‘yung dibdib ko nang mkita ko siya, pero ano nama'ng karapatan ko?

Pumasok na kaming dalawa sa loob. At nagulat silang lahat sa pagdating ko.

Louie: G-Good morning po..

Daddy ni Resshin: (napatingin sa asawa niya, then kay Louie) G-Good morning din sa’yo, Louie.

Mommy ni Resshin: L-Long time no see, iha.. (nagkatinginan sila ng asawa niya)

"Bakit kaya siya nandito? Nakakahiya naman kay Emma" Parang ‘yun ‘yung nasa utak nila nung nagkatinginan sila. Medyo napayuko tuloy ako..

Hindi naman makapaniwala si Emma at gulat pa rin siya.

Resshin: Tamang tama nandito lahat kayo, may importante akong sasabihin.

Nagulat ako dahil biglang hinawakan ni Shin ang kamay ko! Waah!! Ano’ng binabalak niyang gawin!? Sa harap pa talaga ng magulang at fiancee niya!!

Louie: O__O !!!

Resshin: Hindi ko na po kayang pigilan ang tunay na nararamdaman ko. Si Louie po talaga ang mahal ko. Mahalaga sa akin si Emma, pero hanggang kaibigan lang talaga. Hindi ko kayang lokohin na lang ang sarili ko at magpakasal sa isang taong tinuturing ko lamang na kaibigan.

Tumingin siya kay Emma, na gulat na gulat naman.

Resshin: Emma, hindi ko na kayang magpanggap na lang palagi. Saka alam mo naman ang tungkol sa amin ni Louie. Hindi rin tayo magiging masaya kung pakitang tao lang naman ang relasyon natin. Walang mabuting idudulot ang pagsasama natin kung dahil lang ‘yun sa simpleng awa o utang na loob..

Then tumingin siya sa Mommy at Daddy niya.

Resshin: Dad, Ma.. Alam ko kung gaano niyo naa-appreciate ang kabaitan ni Emma. Marami na siyang nagawa at naitulong sa pamilya natin. Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ako ngayon. Pero ayokong abusuhin ang kabaitan ni Emma. Kung talagang gusto kong makabawi sa kanya, hindi ang pagpilit sa sarili kong mahalin siya ang tamang paraan. Kaya.. kung pwede lang sana.. Gusto ko nang tapusin ang kasunduan nming dalawa..

'Nanginginig ang boses niya. Pati ang kamay niya na nakakapit sa’kin nang mahigpit, nanginginig rin. Hinawakan ko ito pabalik upang bigyan siya nang lakas ng loob.

Nararamdaman ko rin ang bilis ng tibok ng puso niya, kinakabahan siya nang husto.

Louie: Resshin...

Narinig ko namang umiiyak si Emma.

Tumayo ang Daddy ni Resshin at lumapit sa amin.

Daddy: May relasyon na ba kayong dalawa ulit?

Hindi ako makasagot. Natatakot ako. Pa’no kung magalit siya??

Resshin: Wala po. Pero gusto ko po sanang ligawan ulit si Louie.

Nakitang kong nilapitan ng nanay ni Shin ang umiiyak na si Emma.

Tumingin sa akin ang Dad ni Shin, napayuko ako sa sobrang takot.

Daddy: Balak mo bang sagutin ang anak ko?

Louie: . . .

Hindi talaga ako makasagot!! Natatakot at kinakabahan ako..

Resshin: Hindi nanliligaw ang isang lalake dahil sigurado siyang sasagutin siya ng babae. Nanliligaw ang lalake para patunayan ang pagmamahal niya.

Daddy: Napag-isipan mo na ba ‘yang maigi!? Hindi mo ba alam kung gaano mo sinaktan si Emma sa mga sinabi mo!?

Resshin: Para rin po ito sa ikabubuti niya! Hindi siya magiging masaya kapiling ko. Walang magiging masaya sa isang pagsasamang wala namang pagmamahal!!

'Grabe. Nagsasagutan na silang mag-ama. Panay pa rin ang iyak ni Emma habang inaalalayan siya ng nanay ni Shin. Tila gusto ko nang umalis. Pero hindi ko pwedeng pabayaan si Resshin.

Naging matapang siya. Kailangan ng matinding lakas ng loob para sa ginawa niya. At hinahangaan ko siya sa ginawa niya. Kailangan ko siyang suportahan.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

Louie: Tito Andrew, sa palagay ko po, mas maganda kung hindi natin pepwersahin si Shin sa gusto niya. Para rin po ito sa ikabubuti nilang dalawa.. A-Aaminin ko po, nasaktan po ako nang lubos nung hiniwalayan ako ni Shin para kay Emma. N-Naisip niyo rin po ba ang kalagayan ko nun?? Naisip niyo po ba ang kaligayahan ng anak niyo? W-Wala po siguro ako sa tamang lugar o posisyon para magsalita. Pero unfair naman po..

'Nagbuntong-hininga ang tatay ni Shin, tapos nagsalita na rin.

Daddy: Pasensya ka na, Louie. Resshin, sige pumapayag akong putulin ang kasunduan niyo ni Emma pero... hindi ibig sbihin nun ay pababayaan mo na siya. Kailangan mo pa ring maging mabuting kaibigan kay Emma.

Sobrang natuwa si Resshin at niyakap niya ang tatay niya.

Resshin: SALAMAT PO, DAD!! SALAMAT TALAGA!!! =D

Nakita kong tumayo si Emma at tumakbo paalis ng bahay.

"Emma!!!"

Sumigaw kaming lahat, hindi naman ako nagdalawang isip na sundan siya. Nahabol ko siya hanggang sa labas at hinatak ko ‘yung kamay niya.

Louie: Emma, okay ka lang ba?

*PAK!!!*

Bigla niya 'kong sinampal.

Emma: Ang hilig mo talagang makialam! Pumapayag na nga akong makipagkita si Shin sa’yo, tapos ito pa ang gagawin mo! Sinabihan na kitang layuan sila, pero ang tigas pa rin ng ulo mo!

Louie: . . .

Emma: Tandaan mo ang ginawa mong 'to. Hindi mo alam kung sino'ng kinalaban mo. Hindi mo ko kilala Louie, hindi mo alam ang kaya kong gawin.

'Pagkasabi niya nun, umalis na siya nang tuluyan. Saka lang naman dumating sila Shin at ang magulang niya.

Mommy ni Resshin: Louie, ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba? Si Emma? Nasan?

Louie: U-Umuwi n-na pa-po s-siya..

Resshin: Louie, ayos ka lang? May nangyari ba?

Umiling ako. Sobrang natatakot ako. Galit na galit sa’kin si Emma. Bakit gano’n? Nanginginig pati mga tuhod ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako sa kanya...

Louie: R-Resshin!!?

Nagulat ako dahil bigla niya 'kong niyakap nang mahigpit.

Resshin: Naiintindihan ko kung nagtatampo si Em sa ngayon, pero 'wag mo na muna ‘yung alalahanin, Louie.. Ang mahalaga sa ngayon, kaya ko nang patunayan sa’yo kung gaano kita kamahal.

'Niyakap ko siya pabalik at umiiyak ako. Nawalan ako ng isang kaibigan.. Pero kung tutuusin... naging kaibigan ko nga ba talaga si Emma sa simula...?

Louie: R-Resshin..

Sobrang higpit ng yakap naming dalawa. Tila ayaw na naming pakawalan ang isa't isa.

Namiss ko nang lubusan ang pakiramdam na 'to. Ang pakiramdam na may umaalalay sa’yo.

Kaaway ko na ngayon si Emma. Ang kaaway ni Daren at kaibigan ni Resshin. Ngayon paano ko magagawang lumaban sa kanya? Best friend siya ni Kimmy na kaibigang matalik ko rin..

Naiipit ako ngayon sa isang pumupulupot na kadena ng pag-ibig at pagkakaibigan..

Wala akong masyadong alam tungkol sa mga nangyayari sa paligid ko.

Pero isang bagay ang malinaw sa akin ngayon.

Hindi na ako tutunganga na lang at magtitiis sa sakit. Hindi ko na hahayaan na malito at masaktan na lang ako parati.

Aalamin ko ang totoo.

At higit sa lahat, lalaban na ako.

~CONTINUE TO NEXT CHAPTER.

xx

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.