“You have acid reflux? Hindi ba bawal ang kape sa iyo? Pinainom kita ng kape kanina,” natataranta nitong wika at inilayo sa kanya ang tasa ng kape nito na parang delikado iyon na mailapit man lang sa kanya. “B-Baka lalong lumala ang kondisyon mo dahil pinainom kita ng kape. I am sorry.”
“No. It’s okay. I own a café,” wika niya at hinawakan ang kamay nito. He had rough hands. A man’s hands. “Natural na sa akin ang uminom ng kape araw-araw.”
“You own a café but it is not good for you.” Bumuntong-hininga ito. “You must really love coffee even if it is not good for you. Hindi ka dapat ma-guilty."
“Ganoon naman ang buhay. Kahit na bawal sa iyo, ginagawa mo pa rin kahit na nakakasama. Because it makes you feel good.”
Parang si Kenji mismo. Binawalan na siya ni Dreamilyn tungkol sa mga katulad nito. Masyado na rin siyang matanda para mag-ilusyon dito. But he made her feel so good. Kiber lang.
“Something tells me that you are a very naughty girl.” Masuyo na pinisil ni Kenji ang baba niya. “Should I be scared?”
“Depende kung gusto mo ng naughty girls.” Handa siyang maging naughty para dito.
Binitiwan nito ang baba niya. “I am just a simple guy. I seriously want a girl who is simple and sweet like my mom.”
Toinks! Muntik na siyang sumubsob sa mesa. Dapat pala nagpaka-hinhin siya. Hindi rin siya pwedeng umarte-arte. Dapat din yata domesticated. Baka na-turn off ito sa kanya kapag masyado siyang forward.
Pilit siyang ngumiti at sumimsim ng tsaa. Konting pino lang, day. Simple and sweet katulad ni Mama Mia.
Pinili niyang ibahin ang usapan. “My café is really nice and relaxing. It has a nice view of the golf course. Wait. Kukuha lang ako ng business card.” Sabi niya at dali-daling pumasok sa suite bago pa ito makapagprotesta. Mabilis niyang hinalughog ang bag niya at inilabas ang card. Paglabas niya ay inabot agad niya ang card kay Kenji. “Pwede kitang i-treat doon. Basta dumalaw ka lang sa café ko.”
Tinanggap naman nito ang business card at inilagay sa wallet nito. “That is generous of you. Ako nga ang dapat bumawi sa iyo. Dahil sa amin hindi kayo nakapag-swimming na magkakaibigan. Tapos nahulog ka pa sa pool at muntik malunod dahil kay Missy.”
“Okay lang. Bawing-bawi naman,” sabi niya at kumimi sa sobrang kilig. I-shower lang siya ng atensiyon nito.
“Paanong bawing-bawi?” tanong nito.
Ooopps! Bakit ba sobrang lakas ng pagkakasabi niya? “You saved my life,” pagpapalusot niya at luminga sa paligid. “Saka maganda itong resort. Maganda itong island. I still intend to enjoy it. We have a tour tomorrow. Excited na nga kami na mamasyal.”
But Kenji Matsunaga she had ever seen. Ang makita itong nakaupo sa tapat niya at silang dalawa lang ay isang magandang tanawin. Kahit na tanghuran niya ito 24/7 ay hindi siya magsasawa.
He twisted his lips. “Nakakainggit naman. I have a tight schedule tomorrow. We have to go to this remote falls and do our photoshoot.”
“Oh! Mukhang hindi iyon kasama sa schedule namin. So… hindi pala kita makikita buong maghapon?” aniyang di maitago ang pagkadismaya.
“How about dinner tomorrow night? Can I invite you?” he asked. “Y-You might have other plans tomorrow night. I understand if you can’t come.”
She suddenly lit up like a light bulb. “N-No. W-Wala.”
Gosh! Dinner. Dinner date with Kenji Matsunaga. Kahit na may appointment pa siya sa presidente ng Pilipinas ay ika-cancel niya para kay Kenji. Chance na niya ito!
“You can bring your friends, of course.”
“Naku! Nakakahiya naman!” Isasama pa niya ang friends niya? Huwag na. Masisira lang ang masayang sandali nila ni Kenji. Her friends would understand. Mas okay kung sila lang ni Kenji ang magkasarilinan.
“Susunduin ko kayo bukas, okay?” sabi nito. Biglang nag-beep ang iPhone nito at tiningnan ang mensahe. “I have to go. Hinahanap na nila ako.”
Tumayo rin siya. “Yes. Yes, of course.” Ipinunas niya ang nagpapawis na kamay sa palda ng dress niya. “Thank you. Ako na ang bahala…”
Umiling ito at sinimulang ipunin ang mga pinag-inuman nila sa tray na pinaiwan nito sa staff kanina. “No. I will take care of this. You should get inside. Lumalamig na dito.” Lumapit ito sa kanya. He brushed his lips against the corner of her lips. “Goodnight, Yngrid. Sweet dreams.”
“G-Goodnight,” usal niya at parang robot nang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Sumandal siya sa pinto habang malakas ang kaba sa dibdib niya. Pinapakinggan niya ang papalayong yabag ni Kenji. She touched the corner of her lips. The part that he kissed. It was just a brush, ngunit sa palagay niya ay nakatatak na ang labi nito doon.
Makalipas ang ilang sandalii ay isang tili ang pinakawalan niya at saka tumakbo sa kama at ibinagsak ang sarili niya doon. “Hinalikan niya ako.” Isang matinis na tili ang pinakawalan niya. “Friends, gumising kayo! Gising!” Hindi pa siya nasiyahan at niyugyog sina Justine at Dreamilyn.
“Ano ba iyon?” tanong ni Dreamilyn at pupungas-pungas na bumangon.
“Niyaya ako ng dinner date ni Kenji at hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako,” sabi niya at niyakap ang sarili. “Hindi talaga ako makapaniwala.”
“Ako rin hindi makapaniwala,” sarkastikong sabi ni Justine at humiga. “Itulog mo na lang iyan. Panaginip lang iyan.”
Humiga na rin si Dreamilyn. “Goodnight, Yngrid,” wika nito at nagtalukbong.
Bigla siyang tumayo. Maang niyang pinagmasdan ang dalawa at saka namaywang. “Mga bruha kayo! Patutunayan ko sa inyo bukas na may date kami ni Kenji. Hindi ko kayo isasama,” nakaismid niyang sabi at nagmartsa papunta sa closet. Namili siya ng magandang dress para sa dinner bukas.
Kailangang maging maalindog siya para kay Kenji. Patutunayan niya sa mga kaibigan niya na hindi siya isang ilusyunada.