Chapter WHC: 38

Nanlaki ang ulo ni Kenji habang maang na nakatingin kay Margaret. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula sa nobya sa kung saan nito gustong magtungo ang relasyon nila.

"What the hell are you saying? Na itutuloy mo ang pagpapakasal kay Congressman Padilla ayon sa gusto ng pamilya mo. Then I will be a boytoy? Your paramour? And you are telling me that you love me? Anong klaseng pagmamahal ba ang alam mo para pababain nang ganito ang kung anong mayroon tayo?"

Nang dumating siya sa Pilipinas ay inakala niyang may perpekto siyang relasyon. May dala pa siyang magandang balita kay Margaret. Kung inaakala niya na malala nang malaman na pinagsabi ni Margaret na hiwalay nila at lumabas ito kasama ang ibang lalaki, may mas malala pa doon. Pakakasalan nito si Congressman Padilla, while keeping him at the side. Parang sinampal siya nito.

Inilahad ni Margaret ang palad, as if she was helpless. "I have no choice. The family won't let me choose you. They will disown me. Alam mo iyan sa simula pa lang. At hindi ko kakayaning mawala ang pamilya ko. Importante sila sa akin."

"But I am doing everything to make this work. Para matanggap nila ako para sa iyo."

Lumaki siya sa isang simple at mahirap na pamilya. Hindi siya katulad ni Margaret na ipinanganak na may pilak na kutsara sa labi. Her family were some sort of snobs. Pero laging sinasabi sa kanya ng mga magulang niya na basta ipakita lang niya ang pagsisikap niya ay maa-appreciate din siya ng mga Choi. Kaya nga halos di siya nagpapahinga sa trabaho. Gusto niyang patunayan sa mga ito na karapat-dapat siya kay Margaret. Na sapat na ang paghihirap niya para kay Choi.

Pagak na tumawa si Margaret na parang walang kwenta ang ipinaglalaban niya. "You are deluding yourself if you think that it would work. Kahit anong gawin mo, hindi ka nila matatanggap para sa akin. In their minds you will always be a trashy boy. You are not elite enough for the family. Binigyan lang nila ako ng isang buwang ultimatum. Kundi ko pa rin pakakasalan ang gusto nila para sa akin, they will ruin both of us. You will never be good enough. At hindi na natin mababago ang iniisip niya."

Mahabang sandali niyang pinagmasdan si Margaret. She was his angel. The love of his life. Mahigit isang taon niya itong minahal. He thought their love would last forever. They promised to endure anything. They promised that they would fight for their love.

Subalit habang pinagmamasdan niya ito ngayon ay mukhang sinukuan na nito ang laban. She just gave in to her family's wishes. Kundi nga naman susundin ang gusto nito ay mawawala dito ang masaganang buhay na tinamasa nito mula nang isilang ito. And just like her family, perhaps she thought he was not good enough for her either. Not good enough to be her husband, at least. Paano pa siya lalaban kung ayaw na siya nitong ipaglaban pa?

Bumagsak ang balikat ni Kenji. "You are right. I am deluding myself that this will work out. Base sa mga sinasabi mo, wala kang planong ipaglaban ako o sa simula pa lang tanggap mo nang ipapakasal ka sa iba bago mo pa man ako makarelasyon. So what am I, Margaret? Your boytoy?"

Itinaas ni Margaret ang isang kamay. "Stop it, Kenji," anito sa iritadong tono.

"A last hurray before you marry Mr. Suitable? Ganoon lang ba ang role ko sa buhay mo?" tanong niya sa mapait na boses.

Noong una ay matiim lang ang mukha ni Margaret at gusto na manahimik lang siya. Subalit nang di siya tumigil ay sumabog na rin na parang geyser ang emosyon nito. Itinaas nito ang mga kamay sa ere. "Yes! I thought you are fun. What we had was good while it lasts. Hinayaan lang ako ng pamilya ko at di ako pinalayo sa iyo sa kondisyon na pakakasalan ko pa rin ang pipiliin nila para sa akin. Sa maniwala ka at hindi ay minahal kita. Ipinaglaban kita sa pamilya ko. But I can only do so much, Kenji. Hindi ko sila kayang labanan."

"Bakit di mo na lang ako isuko? Ayaw mo bang makahanap ako ng ibang babae na magmamahal sa akin?" tanong ni Kenji.

He was a romantic guy. Lumaki siya sa isang mapagmahal at buong pamilya. Hindi man sila mayaman pero busog siya sa pagmamahal. Nakita niya kung paano magmahalan ang mga magulang niya na tatlumpung taon nang kasal.

May ganoon din siyang pangarap para sa kanila ni Margaret. Ang magsama habambuhay at maging mabuting halimbawa sa magiging anak nila. Pero kung hindi siya ang pakakasalan nito, he might as well see himself settling for another girl. But he would never be the kept man.

Kept man. Gusto niyang matawa sa terminong iyon. He had become a kept man during the start of their relationship. That was fine because she was single. Pero di siya papatol sa babaeng may asawa. Even if he had her first. Kahit pa mahal niya ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.