“TWENTY THOUSAND pesos?!” tatlong salita lamang iyon pero pakiramdam ni James ay nayanig na ang buong mundo niya dahil sa lakas ng boses ng babaeng nagbigkas noon. Napakurap pa siya dahil parang ayaw maniwala ng isip niya na ang babaeng nakilala niya noon bilang tahimik at parang walang pakialam sa mundo ay sinisigawan siya ngayon.
“May kagulat-gulat ba doon? You made a lot of damages,”
“Salamin lang `yung nabasag. Paano naging ganoon kamahal `yun? Saka sigurado ka bang ako talaga ang nakabasag ng salamin na `yun? Oo nga at nakasipa ako ng bato dahil sa pag-urong ko pero bakit mabilis naman yata na nabasag `yung salamin? Kung mahal `yun, dapat ay matibay `yun,”
“Yes, those were quality window glasses. Pero dahil ayon kay Mr. Marquez ay mukhang nawala ka sa sarili mo kanina habang nasa labas ka ay mukhang hindi mo raw napansin na malaking bato na pala ang nasipa mo. And even quality windows can break if it was hit by a big stone. Nag-domino effect pa sa ibang salamin ang nangyari kaya naman lalong naging malaki ang damages. Pasalamat ka na nga lang at kahit nabasag ang mga salamin ay walang naging epekto iyon sa aming nagdadala kundi ay mas malaki ang babayaran mo,”
“You know, sometimes we lose our control when we are in fear. Natakot ako bigla sa palakang dumapo sa paanan ko kaya naman naging impulsive ako. And it was just an accident. Hindi ko sinasadya ang lahat ng `yun,”
“Bakit, kapag ba sinabing isang aksidente lang ang dahilan ng isang krimen, pinapalaya pa rin?”
Pinaikot nito ang mata. “Ang OA mo mag-isip, ha? I know I damaged a property because of my stupidity pero parang isang malaking krimen na `yang binibintang mo sa akin, ha! Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan, ha? Oo nga at nandito ka sa loob pero malay ko ba kung isa ka palang construction worker dito na nakahubad dahil pagod sa trabaho?
Ngumisi siya. “Why? Do I look like just an ordinary construction worker here?”
Humalukipkip ito. “Wala akong sinasabing ganyan,”
“Pero parang ganoon na rin ang pahiwatig mo dahil sa una mong sinabi sa akin,” pumalatak siya. “Hindi ko akalaing magiging ganito ka katalakera, Franceska,”
“Nagiging ganito ako kapag nabubuwisit ako. Isa pa, puwede ba `wag mo akong tawagin sa buong pangalan ko? Hindi tayo close dahil kung close tayo, edi sana nakilala ko kung sino ka talaga ngayon,”
“That’s because you didn’t give me a chance to get close to you then,”
“Kung binigyan ba kita ng chance noon, `di mo ako pagagalitan nang husto ngayon dito?”
“I will not even make you go to a place like this. O kung dadalhin man kita, I’ll make sure na hindi ka makakagawa ng katulad ng ginawa mo ngayon dahil hindi kita pababayaan,”
Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga lang, ha? You sound like you wanted to be my keeper,”
Ngumisi lang siya. She was right. He wanted to be her keeper, but that was way back then. Noong mga panahon na kasagsagan ng bagyong tanga pa sa sarili niya dahil nahumaling siya sa isang babaeng hindi man lang siya binibigyan ng priority kahit minsan noong highschool pa lamang sila.
At kahit ngayon.
Gusto niyang mapatiim-bagang sa katotohanang ni hindi man lang siya nakilala ni Frances. Ganoon ba siyang hindi kapansin-pansin noong highschool sila para hindi man lang siya nito makilala ngayon o sadyang wala lang talaga itong pakialam sa mundo? Bakit ba napakalupit nito sa kanya samantalang wala naman siyang ginawang masama dito noon? All he had done to her was kindness. But then, she never failed to make his ego trampled.
Inis na inis tuloy siya. Conceit aside, he knew that girls had been dreaming to look on his face forever but this girl can’t even remember his name. Kaya naman kahit kilala siya bilang gentleman sa mga babae, nagbabago ang ugali niya rito. Tama lang naman sigurong parusahan niya ito at pagbayarin sa ginawa nitong kasalanan sa project ng kompanyang pagmamay-ari niya.
“Or maybe you are!” sambit naman nitong muli. “At kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagdadamit ay dahil gusto mo akong akitin!”
“And I’m sure naakit na kita `di ba?” mas lalo siyang napangisi nang dahil doon. Hindi man nito sabihin ay halatang-halata naman niyang noong una pa lamang na naakit na agad ito sa kanya. Ilang sandali rin yata nitong halos tunawin ng tingin ang mukha, lalo na ang katawan niya kanina. She even created a “banat line” dahil lamang sa pagkatulala nito sa kanya. Magyayabang na sana siya kanina pero dahil sa kaalamang tinapakan na naman nito ang ego niya, iyon at kasing-taas ng Eiffel tower ang inis niya rito kahit na ba alam niyang nagkakagusto naman ito sa kanya.
He always loved to work shirtless, lalo na kapag nasa field siya. Pero dahil kapag nasa site siya ay hindi siya puwedeng maghubad dahil na rin sa safety purposes roon, pagkatapos na lang niyang magtrabaho siya naghuhubad kapag pumapasok siya sa loob ng opisina niya na matatagpuan naman sa mismong lounge house ng site. Mainitin kasi siya at mabilis pagpawisan. Kapag nasa field siya at nagsu-supervise katulad na lamang ng nangyari kanina ay binabanas siya. Kaya naman nang pumasok siya sa opisina upang mag-lunch break ay naghubad siya. Sanay na naman ang mga empleyado niyang iyon sa kanya. Pero dahil bago at babae pa ang naging “bisita” niya ngayong araw, iyon at mukhang nawala ito sa pag-iisip nito nang makita siya.
Dahil malaki ang project na iyon ay may sariling opisina ang mga engineers sa project site at may lounge house naman ang mga iba pang labourers. Dalawa ang entrance sa loob ng site pero ang main entrance ay ang nasa may lounge house. Ang sa engineers office naman ay may entrance rin na nasa likod na bahagi ng site pero ang tanging nakakadaan lamang doon ay ang mga engineers. Kapag may mga bisita ang mga ito ay sa main entrance ng site dumadaan ang mga ito at sa tantiya niya ay ganoon ang nangyari kay Frances kaya nandoon ito malapit sa lounge house. Sa lounge house naman matatagpuan ang opisina niya dahil mas madalas siyang makipag-bonding sa mga labourers niya kaysa sa mga engineers niya. Bago kasi siya maging CEO ng kompanya nila ay tr-in-ain muna siya ng Daddy niya kasama ang mga ito. Napalapit ang loob niya sa mga ito kaya naman mas ginusto niyang kapag may mga projects sila ay pinapalagay niya ang opisina niya sa site sa lounge house.
Hindi niya alam kung kaninong bisita si Frances ng mga tauhan niya sa site. Hindi naman niya ipinagbabawal na magpapasok sa loob ng site basta at may kasama dapat ang mga itong kakilala roon pero dahil sa nangyari ngayon, malamang ay ipababago na niya ang rules niya.
Namula ito dahil sa sinabi niya. “Magpalit ka na lang ng damit!”
He shrugged. “Why will I? I’m comfortable with this,”
“Ah, ako ang hindi! Ikaw ang ipapulis ko dahil diyan, eh!”
“At bakit naman? Dahil ninakaw ko ang puso mo?”
“Aba’t---“
“You don’t need to hide it, Frances. Sanay na rin naman ako,”
“Ang lakas ng hangin! Buwisit!”
“Talaga? Akala ko kasi mainit, eh. Nandito kasi ako,” mas lalo pa siyang napangisi dahil sa naiisip niyang kalokohan.
“Ewan ko sa `yo! Pinapatagal mo lang ang usapan natin, eh. Pero kahit ganoon, `di ko rin naman babayaran ang nangyari sa mga salamin dito `no. Wala akong pambayad! Period!” sabi nito sabay tayo mula sa kinauupuan nito. Agad naman niyang hinawakan ang braso nito upang hindi ito makaalis. But as he did that, kakatawang parang nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa katawan niya kagaya na lamang ng pakiramdam niya noon kapag aksidenteng nahahawakan niya rin ito.
Kung kanina ay naiinis siya rito, ngayon naman ay naiinis siya sa sarili niya. Why did he have those feelings toward her? Matagal na siyang naka-get-over dito. Simula nang pumasok sa kokote niya na wala siyang pag-asa sa babaeng parang walang pakialam sa mundo noon, kinalimutan na niya ang feelings niya dito. He started living his life without her. Pinili niyang huwag talagang pumasok sa university na papasukan nito noong mag-college sila para maka-move-on na talaga siya. He knew he became successful on moving on because he learned to fall in love with other girls after that. May mga naging girlfriends siya pagkatapos ng pagkabigo niya rito. Pero bakit ganoon ang nararamdaman niya?
Siguro ay dahil nagulat lang ako, pagkumbinsi niya sa sarili niya.
Baka nga,
Inalis niya ang kamay niya sa braso nito nang masiguradong hindi ito makakaalis sa opisina niya. Nagpunta kasi siya sa may pinto upang hindi talaga ito makalabas. “You can’t just leave without paying. I am the contractor of this site and I’m gonna be the one liable for the damages if you will just leave without giving me a single cent.,”
“Ikaw ang contractor ng site na ito? So y-you mean ikaw ang may-ari ng construction company na---“
“Yeah. And even if I am rich, twenty thousand is something to me. Hindi birong halaga `yun,”
“Oo. At hindi rin birong dusa ang kailangan kong pagdaanan bago ako makakuha niyan lalo na ngayong broke na broke ako,” dahilan nito. “I’m just a writer and currently undergoing to a disease called writers block. Ano ngayon ang gusto mong gawin ko ngayon sa `yo? Wala akong ipon dahil nagastos ko na ang lahat ng iyon noong huling bakasyon ko!”
“Hindi ko na problema `yun. Basta kailangan mong bayaran ang utang mo within two months,”
Nanlaki ang mata nito. “What? Bakit may deadline? Lalo na akong walang naibayad sa inyo niyan,”
Nagkibit-balikat siya. “Gusto ko lang,” tumunog ang cellphone niya. “Sandali lang,” wika niya at sinagot ang tawag. Galing iyon mula sa kasambahay niya sa townhouse niya na si Aling Celia.
“S-sir, aalis na po ako,” bungad nito sa kanya.
Nagulat siya sa narinig. “Ho? Bakit naman ho?”
Narinig niyang humikbi sa kabilang linya ang matanda. “Lumala ho kasi ang sakit ng asawa ko. Kailangan niya ho ako lalo ngayon, Sir James,”
Natigilan siya. Three months ago ay na-stroke ang asawa ni Aling Celia. Na-paralyze ang kalahati ng katawan ng asawa nito. Sinabi sa kanya ni Aling Celia noon na may balak na itong umalis pero pinigilan niya ito. Sa panahon kasi ngayon, alam niyang mahihirapan siyang makahanap ng kasambahay na kagaya nito. Isa na rin dahilan ang mahirap magtiwala na lamang basta-basta sa mga tao ngayon. Nanatili pa rin naman ito sa kabila ng nangyari dahil naisip rin nito na mawawalan ng panggastos para sa maintenance na gamot ng asawa nito kung sakaling tumigil ito sa pagtatrabaho sa kanya.
“Hanggang kailan na lang po agad kayo kung ganoon?”
“As soon as possible po sana, Sir,”
Napahugot siya ng hininga. Ayaw man niya, alam niyang oras na para pakawalan niya ito. Gusto man niyang maging selfish muli pero alam niyang importante rin na unahin ang pamilya. Pinayagan na niya itong umalis at sinabing bibigyan pa rin ng perang panggastos nito pagkauwi niya. Ilang taon rin nagtrabaho sa kanya si Aling Celia at nararapat naman sigurong bigyan niya ito ng ganoon. Malaki rin ang utang na loob niya dito.
Nadagdagan na naman ang problema ko, nasa isip-isip niya nang maibaba ang cellphone. Alam niyang mahihirapan siyang makahanap ng kapalit nito lalo na at may trust issues pa naman siya pagdating sa mga kasambahay. Minsan na kasi siyang ninakawan ng isang kasambahay niya noon. Hindi pa naman siya sanay ng walang kasambahay sa bahay niya dahil hindi siya marunong gumawa ng mga gawaing bahay.
Napatingin siya kay Frances na ngayon ay nakatayo na namang muli sa kinauupuan nito. “I’m really leaving. I told you, wala akong ipambabayad sa `yo and I’m so sorry. Iyon na lang ang tanggapin mo, okay? I don’t have money and I don’t have a sure job so I can’t pay you,”
Sandaling natigilan siya dahil sa sinabi nito. I don’t have money and I don’t have a sure job so I can’t pay you. “How about you give me your service?”
“Huh? What do you mean service?”
Tinignan niya ang katawan nito. She looked fit. Sa tingin niya ay puwede naman ito sa trabahong gusto niyang i-offer kapalit ng pangbayad ng damages na ginawa nito sa property ng kompanya niya. Isa pa, natatandaan niyang sa lahat ng mga kaklase nila ay ito ang pinakamasipag sa klase nila pagdating sa paglilinis ng classroom. Kahit na ba kasi private school sila noon ay uso pa rin ang “cleaners”. Ito ang palaging ginagawang leader ng teacher nila dahil na rin sa dami nitong alam pagdating sa ganoon. Kaya malamang ay alam rin nito kung paano maglinis ng bahay.
Nanlaki ang mga mata nito at tinakpan ang didbib nito. “I don’t like what you’re thinking!”
“And what do you think I am thinking?”
Tinaas nito ang mga kamay nito. “Oh please...hindi ko pa kayang isuko si “bataan”. At wala akong balak kahit gaano ka pa ka-hot!”
Ang lakas ng tawa niya nang dahil sa sinabi nito. Natampal niya pa ang noo dahil sa lakas ng imagination nito. “Oh God! Do you really think I’m that bad?”
Ipinagdikit nito ang parehong index finger nito na parang batang dinudutdot iyon. “You make me imagine so much things because of your outfit...”
“Oh, okay. Pero kung wala ka talagang pera, masanay ka na sa pagkabalandra ng katawan ko. Palagi pa naman akong hubad sa bahay,” kapag nasa office o ibang lugar lamang siya nagsusuot ng damit dahil na rin sa kadahilanang pawisin siya. Hindi kasi kalakasan ang airconditioner sa unit niya. Isa pa, mas komportable siya kapag wala siyang suot na pang-itaas.
“S-sa bahay? Y-you mean gagawin mo akong live-in partner?”
Amused na napatingin na naman siya rito. Ganito na ba talaga ang tama nito sa kanya? “Of course not. Naisip kong puwede kitang gawing katulong,”
Napanganga ito sa sinabi niya.
“NAME: JAMES Matthew Torre. Live in: BF Homes Parañaque. Ambiton: To be a civil engineer,”
Kahit ilang beses ng pinapaulit-ulit na basahin at tignan ni Frances ang yearbook niya noong highschool siya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman niya. Ilang taon na ba simula nang gr-um-aduate siya ng highschool? Mahigit isang dekada na yata. Hindi niya akalaing pagkatapos noon ay magkikita pa sila muli sila ng lalaking iyon. Alam niyang halos lahat ng mga kaklase niya noong highschool ay mataas ang mararating. Halos lahat kasi sa mga ito ay mayayaman at mga tagapag-mana ng kompanya. Hindi sila ganoon kayaman pero dahil scholar siya noong highschool ay nakatapos siya sa eskuwelahang iyon. Hindi niya expected na makakita pa siya ng isa sa mga kaklase niya dahil alam niyang iba ang narating ng mga ito sa narating niya, lalong-lalo na si James. At sa nangyari sa kanila kanina, mukhang hindi lang pagkikita ang mangyayari sa kanilang dalawa, malamang sa malamang ay pagsasama pa!
“And his ambition became true. More than to it pa dahil hindi lang naman siya civil engineer kundi one of the youngest CEO here in our country! Sabi ko naman sa `yo, Frances, eh. Makakahanap ka ng inspirasyon sa pagpunta lang sa trabaho ko `di ba?”
“Expiration nga kamo dahil mukhang mawawalan lalo ako ng trabaho dahil sa gustong ipagawa sa akin ng boss mo! Hindi ko yata kayang makisama sa isang lalaking kagaya niya sa loob ng tatlong buwan,”
“Kaya mo `yan. Saka ano ba ang kinababahala mo? Sir James is so hot. Benefit pa nga iyon sa `yo kung tutuusin. `Di ba sabi mo ay gumagawa ka ng series for male models? Katawan pa lang ni Sir James, mai-inspire ka na! At kung inaalala mo ako dahil may crush ako sa kanya, well, para sa `yo ay magpapaubaya ako,”
“Nasa binggit ng alanganin ang puso ko sa kanya, Lucy. Mahirap na,”
“O, eh ano? Maganda nga iyon, eh. Nang magka-love life ka na. Malay mo, ma-develop muli sa `yo si Sir James `di ba? Ay naku, girl! Tiba-tiba ka doon!”
Napasimangot siya. Simula nang malaman niya ang pangalan ng lalaking kumausap sa kanya sa site ay nagulat siya. She really didn’t recognize James. Naging malaking parte man ito ng highschool life niya ay malaking pagbabago rin naman ang nakita niya rito kaya naman hindi niya rin masisisi ang sarili niya na hindi niya nakilala agad ito. Way back then ay napakapayat nito at hindi rin ganoong katangkaran. Iba pa ang tabas ng buhok nito. She could only remember his face so vaguely.
Paano ay wala ka namang pakialam sa mundo noong highschool ka!
Kung hindi siya ganoong ka-friendly ngayon, lalo na noong highschool pa lamang siya. Loner pa nga kung maituturing siya noon. Mas nasasabihan siyang weird noon dahil wala siyang kaibigan at palaging sa pag-aaral lamang nakatuon ang pansin niya. Ni ang iba niya ngang kaklase noon ay hindi na talaga niya matandaan ngayon kaya ganoon na lamang rin ang reaksyon niya kay James. Kahit madalas na nagpapalipad hangin ito sa kanya ay binabalewala niya lamang ito dahil na rin sa hindi naman ito ang priority niya. Wala rin siyang panahon sa mga kagaya nito dahil pakiramdam niya noon, hindi pa naman seryoso ang mga lalaki sa kung anong nararamdaman nito sa isang babae. Kahit mabait ito sa kanya, hindi niya pa rin pinapansin ito dahil na rin sa mga kadahilanang iyon.
“Dati iyon `no. Ang sama-sama na niya kaya ngayon,”
“Masama pa ba `yun? Eh binibigyan ka na nga niya ng other options para makabayad ka sa disgrasyang ginawa mo,”
Napasimangot siya. Lucy had a point. In exchange of the consequences of her stupidity, James laid a proposal to be his maid for three months. Ang kapalit ng pagiging katulong niya ay ang bayad niya sa damages na nagawa niya ngayong araw. Hindi naman sa hindi niya kayang maging katulong sa loob ng tatlong buwan kagaya ng sinabi nitong magiging usapan nila kung pumayag siya. Hindi naman siya tanga pagdating sa mga gawaing bahay. Noong nasa bahay ampunan pa lamang siya ay sanay na siya sa ganoon at pinagpatuloy niya rin ang ganoong mga gawain sa bahay ng adopted parents niya. Hindi naman kasi ganoong kayaman ang mga ito para makapagbayad pa ng katulong. Naisip niya rin noon na paraan ang paggawa ng mga gawaing bahay ang kabayaran niya sa pag-ampon niya sa mga ito at pagpapalaki ng mga ito sa kanya. Marami siyang alam sa mga ganoon at kung tutuusin ay puwedeng-puwede niyang patulan ang alok ni James na maging katulong. Kahit walang kalakip na allowance iyon ay libre namang pabahay at pagkain ang pagsisilbi niya. Iyon ang magiging bayad nito sa pagiging katulong niya. Pero kung ganoon namang lalaki ang pagsisilbihan niya, mapapa-no way siya!
“But I don’t think I can do it, Lucy. Lalo na sa ginagawa na niya yatang hobby na paghuhubad!”
Napahagikgik ito. “Why? Because he’s freaking hot and you are afraid he’s going to lure your cold heart?”
Gusto man niyang itanggi sa isip niya ang sinabi ni Lucy, alam niyang tama ito. Iyon ang pinakadahilan niya kung bakit ayaw niyang pumayag. First time in his life na makakasama siya ng isang lalaki sa isang bahay. She clearly knew the fact that she’s just a human being and she’s not a saint to resist temptation which best describes the guy she’s going to work to. Iyon ang kinakatakot niya---ang matukso kay James.
Eh natukso ka na nga `di ba? At halatang-halata pa! Nakakahiya!
Dahil na rin sa gulat niya sa magandang katawan ni James, kung ano-ano tuloy ang lumabas sa bibig niya. Napapaamin tuloy siya na totoong naakit nga siya dito dahil sa katawan nitong iyon. She was not usually like that. Pero kapag nakakita siya ng isang nakakalokong bagay, palagi na lang siyang nawawala sa sarili niya. Ibig sabihin lamang noon, kung sakaling magiging katulong siya ni James ay palagi na lamang siyang mawawala sa sarili niya dahil na rin sa sinabi nitong palagi rin itong nakahubad sa loob ng bahay nito.
Haay, ang dumi ng isip ko.
But you can’t help it. His body is a demon.
Mahihirapan siya kung maakit nga talaga siya sa katawan nito lalo na at wala naman siyang pinanghahawakan dito. And for all she know, malamang na nagbago na ito. Mabait ito sa kanya noong highschool sila. Kilala ito bilang gentleman sa batch nila. Pero naniniwala siya sa katagang people’s change as time passed by. Kung kanina nga ay iba na ang klase ng pagsasalita nito sa kanya, malamang ay iba na rin talaga ang ugali nito. Paano kung babaero na ito o `di kaya ay may girlfriend o asawa man? Baka mahulog ang loob niya rito at masaktan pa siya. Isa pa, mamaya ay pagsamantalahan pa siya nito dahil magkasama sila sa iisang bubong lamang.
Edi masaya! Hindi ka na hihiling na sana ay maging pawis ka na lang, sigaw na naman ng isang bahagi ng isip niya.
Baliw,
Hinawakan ni Lucy ang balikat niya. “Frances, wala namang masama kung maakit ka kay James. Ayon sa impormasyon ko, single naman si Sir James at ganoon ka rin naman `di ba? So go, go, go! Isuko mo man ang “bataan”, eh sa masarap naman!”
Binatukan niya ito. “Sobrang dumi na talaga ng utak mo!”
Tumawa ito. “Nahawa lang sa `yo. Nabasa ko ang line mo na `yun sa isa mong nobela `no!”
Napailing siya. Naalala nga niya ang line na iyon na inilagay niya sa isa sa mga paborito niyang gawa ng nobela. Puro kalokohan kasi ang alam doon ng heroine kaya naman kung ano-ano ang nailagay niya rin doon. Noong mga panahong sinulat niya rin iyon ay naadik siya sa pagbabasa ng series ng isa sa mga favorite international writers niya na puro kalokohan ang laman kaya naman ganoon na lamang ang kinalabasan noon.
“Oo na. Pero ayaw ko talagang makasama sa isang bahay ang hudyong iyon, Lucy. Gaano man siya ka-hot,”
“Eh anong plano mo? Wala rin naman akong ipahihiram sa `yo dahil malaki man ang suweldo ko ay malaki rin ang gastos namin sa bahay dahil kay Richmond at Tatay,” special child kasi ang nakababatang kapatid nito at ang Tatay naman nito ay lumalaban sa ngayon sa sakit na cancer.
“I know, I know. Hahanap na lang siguro ako ng ibang paraan,”
“Kung `yan ang gusto mo. Ang sa akin lang ay maganda rin naman ang option na ibinigay sa `yo ni Sir. Libreng pabahay, pagkain at bayad pa ang lahat ng damages kapalit lang ng pagiging katulong mo. Makakapagsulat ka pa rin naman siguro sa loob ng bahay niya kapag tapos ka na sa mga gagawin mo. Ang kailangan mo lang talaga ay pangkamot if ever na mangati ka at hindi ka nga niya patulan,”
Kumunot ang noo niya. “Ano?”
Ngumisi ito. “Wala! O siya, siya, aalis na ako at kailangan ko pa rin pala na mag-grocery sa bahay. Maiwan na kita nang makapag-isip-isip ka na rin ng ayos. Ciao!” sabi nito at kinuha ang bag at nagpaalam na sa kanya.
Naiwan siyang mag-isa habang patuloy na iniisip pa rin ang maaring gawin niya upang mabayaran ang consequence ng pagiging clumsy at stupid niya. Binigyan siya ni James ng tatlong araw upang pag-isipan kung ano ang gagawin niya. Pero kung sa iba ay mahabang araw na iyon para mag-isip, pero para sa kanya ay hindi. Alanganin kasi talaga ang sarili niya sa pagdedesisyon. Her mind doesn’t want to but her heart gets excited at the thought. Bakit kasi dalawa at opposite pa itong nararamdaman niya? Nahihirapan tuloy siyang magdesisyon.
Nasa kalagitnaan siya nang pag-iisip nang may mag-doorbell sa unit ng apartment na tinitirhan niya. Bumungad sa kanya ang hindi maipintang mukha ng land lady niya. Napakagat labi naman siya nang tignan ang mga dala-dala nito para sa kanya at maisip kung ano ang dahilan nito para sa pagdalaw sa kanya.
Ora mismo ay nakapagdesisyon na siya. Magkukumpisal na lang siya pagkatapos ng tatlong buwan.