Elleina Zeal's POV
Masaya ang araw ko hanggang sa dumating ang tanghali kompleto ang tropa sa canteen.
"Can't believe kayo na! Yohoo!" sigaw ni Rev habang nakatingin sa aming dal'wa ni Kean.
Agad namang nag-init ang pisngi ko. Narinig ko ang bulungan ng mga studyante.
"Sila na? Woah! Can't believe!!!"
"My Kean! Huhuhu!"
"No way!"
"My beautiful" malambing na tawag ni Kean sa akin. "My beautiful baby"
Kinikilig ako sa tawag niyang iyon. Gano'n nalang ang pagpipigil ko ng ngiti.
"Ayieee!! Bebs 'wag kayo masyadong sweet. Nagseselos si Clench" pangaasar ni Carme at sumulyap pa kay Clench na ngayon ay tahimik na kumakain.
"Tigilan mo nga ako, Carme" naiinis na sabi ni Clench.
"Kasi naman Clench ang daming nagkakagusto saiyo ba't 'di ka na lang manghila diyan?" bibig talaga ni Carme hindi matahimik.
"Anong tingin mo sa akin? Cheap?" Sarkastikong sabi ni Clench.
"Pre!" pagtawag ni Rev kay Flair. "Ikaw ba pare wala pa rin ba?" pangaasar ni Rev kay Flair.
Inangat ni Flair ang mukha niya, sumulyap kay Rev at kunot na kunot ang noong nagsalita.
"Rev! Don't tease me!" sigaw ni Flair.
"Ang sungit mo pare" pangaasar niya dito.
"Guys, wait lang huh? Bibili lang ako ng hotcake, gusto ko pa, eh" tiningnan kaming lahat ni Arah. "Sinong papasabay magpabili?"
"Ikaw beautiful, you want?" nakangiting sabi sa akin ni Kean.
"Ayaw ko na, handsome"
"Alam niyo minsan pakiramdam ko bading si Flair" pangaasar nanaman ni Rev kay Flair.
"Pwede ba tigilan mo nga ako?" Inis na binaba ni Flair ang kutsara at tinidor.
"See? Bading!" pangaasar pa rin ni Rev.
"No, sadyang taken lang ang babaeng gusto ko" sabi ni Flair kay Rev at saka sumulyap sa akin.
Nang magtama ang tingin namin ay umiwas ako.
"Woah! Shit! Great love" sabi ni Rev na animo'y nahulaan ang sinasabi ni Flair.
"Ganda talaga!" sa unang pagkakataon simula kanina ay nagsalita si Lance at sumulyap sa akin. Hinampas naman siya ni Carme.
"Sweetheart! 'Wag kang ganiyan sa bestfriend natin" saway ni Carme may Lance.
"Stop talking about lovelife, kumain nalang kayo" seryosong sabi ni Clench. "Right girl will come" at saka siya ngumisi.
"Woah! Gumaganiyan ka pre ah!" Dumali nanaman ang malokong si Rev.
"Kean, nakailang basong tubig ka na?" pagbibiro ni Flair kay handsome ko.
"Mga lima," humawak si Kean sa baiwang ko. "Di ako pinapainom nito ng tubig, eh"
"Ang clumsy mo!"
Napatingin kami sa nagsalitang iyon. Si Diamond binu-bully nanaman si Arah.
Bakit ba napaka-bully niya?
Tumayo ako pero pinigilan ako ni Kean pero 'di ako nagpapigil lumapit na 'ko.
"What's the problem?" Maangas kong tanong kay Diamond.
"Huwag mo ngang ikalat 'tong basura mong kaibigan. Naiirita ako!" Mataray niyang sabi.
"Bakit ano bang ginawa niya?" tanong ni Kean.
"Ganito" lumapit si Diamond sa akin habang hawak ang isang baso ng juice at ibinuhos sa ulo ko.
"What the hell?!" sigaw ni Kean at kumuha ng panyo at ipinunas sa akin.
"You!" Napalingon kami sa nagsalita, si Flair. "Can you please stop this?"
Ngumiti si Diamond at lumapit kay Flair.
"Sure! My love" kumapit pa ito sa braso ni Flair.
Awtomatikong gumuhit ang pandidiri sa mukha ni Flair. Sa ugali niyang 'yan ayaw niya na ang babae ang dumidikit sa kaniya lalo na at hinaharot siya.
"Kadiri!" naitulak ni Flair si Diamond buti nalang at nasalo ito ni Clench na 'di ko namalayang nasa likod na ni Diamond.
Ngumisi si Diamond kay Flair.
"You know what? Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko" mataray niyang sabi kay Flair.
"Spoiled brat ka kasi" nagulat ako sa prankang sagot ni Flair.
Lalong lumapad ang ngisi ni Diamond.
"You're interesting" dahan-dahang lumapit si Diamond kay Flair habang kumikembot-kembot pa ang pwet.
Umikot siya kay Flair at tila pinag-aaralan ang buo nitong katawan.
"My beautiful, are you okay?" mahinang tanong ni Kean sa akin kahit ang mata ko ay na kay Diamond and Flair. Tango lang ang isinagot ko sa boyfriend ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang humalik sa pisngi ni Flair si Diamond. Nakita ko ang inis na gumuhit sa mukha niya. Akmang masasapak na ni Flair si Diamond pero pinigilan siya ni Rev.
"Jave! Babae 'yan!" Sabi ni Rev na ngayon ay hawak ang palapulsuhan ni Flair.
"Shut!" madiing pinunasan ni Flair ang pisngi niya.
Tawa ni Diamond. "You look cute!" nanggigil pa siya.
"Kadiri" sabi ni Flair habang todo punas animong matatanggal ang marka na ginawa ni Diamond.
"I enjoy this day" nakangising sabi ni Diamond. "I'll make you mine, Jave"
Iyon lang at tumalikod na siya. Naglakad siya palayo ng kekembot-kembot pa.
"Hey, Arah are you okay?" rinig kong sabi ni Clench at tinulungan itong makatayo.
Nang tingnan ko ang kabuuan niya ay madumi na ang uniform niya, puno rin ng mantsa.
"Hays, my beautiful" bulong ni Kean. "Ang dumi na ng damit mo" malungkot na ani niya.
"Don't frustrate yourself, my handsome" hinawakan ko ang pisngi niya. "I'm okay, may damit ako sa locker"
"Over Melanin?" tawag sa akin ni Flair, nilingon ko siya. "Okay ka lang ba?"
"Of course yes" nginitian ko siya.
"Hey, don't smile at him" nakakunot na sabi ni Kean.
"Seloso" kinurot ko ang pisngi niya.
Pagkatapos ng break time ay kaniya-kaniya na ulit kaming balik sa klase namin. Dumaan naman muna ako sa locker ko para magpalit ng damit at pinauna ko na sila.
"Are you sure, you okay?" nagulat ako sa nagsalitang iyon. Nasa likod siya ng pinto ng locker ko nang isara ko iyon.
"Oo naman, impakto" ngumiti ako sa kaniya. "baka ikaw ang hindi okay?" pangaasar ko kay Flair. "Is that your first kiss?" tatawa-tawa kong sabi.
"No!" mabilis na sagot niya.
"Weh? NGSB ka pero may first kiss?" pangaasar ko ulit.
"Bakit bawal ba 'yon? Kung sabihin kong may isang babaeng nalasing at ninakaw ang first kiss ko?" sarkastiko niyang sabi na diretsong nakatingin sa mata ko.
Bakit parang feeling ko ako 'yon? Duh! Wala akong natatandaan 'wag siyang imbento diyan.
"Sino naman 'yon? Kawawang babae" pangaasar ko sa kaniya.
"So, kawawa ka pala?" nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon.
Ako? Paano magiging ako 'yon? Good time nanaman!
"Ewan ko saiyo!" Peke akong tumawa upang 'di niya mahalata ang gulat ko.
"Sus! You think it is just a joke? Ha ha" sarkastiko siyang tumawa.
"Ano bang sinasabi mo diyan?" naiilang kong sabi.
"Magpasalamat ka nalang dahil girlfriend ka na ni Kean kung hindi ipapaalala ko saiyo ang mapangahas mong ginawa" iyon lang at padabog niyang iniwan akong nakanganga.
Epal no'n ah? Impakto talaga! Pa'no naman mangyayari 'yon wala akong matandaan.
Pagkatapos ng klase ay nagyaya silang pumunta sa The Rose.
Papasok kami ng The Rose ng todo paalala si Kean.
"My beautiful, 'wag kang iinom huh?"
Saka siya umakbay sa akin. "Hindi mo natatandaan mga ginagawa mo 'pag lasing ka"
'Di ko natatandaan? So, may possibility na totoo ang sinabi ni Flair? Oh no!!!
"Inuman na!" Itinaas ni Rev ang baso niya.
Maya maya pa ay napapahiya siyang tumingin sa amin dahil walang nagtataas din ng baso para saluhan siya.
Tawanan namin.
"Ang daya niyo!" Marahas niyang ininom ang alak.
"Sweetie kasi masiyado kang excited uminom" malambing na ani ni Ali.
"E kasi naman ngayon nalang ulit" pagmamaktol ni Rev at saka niya nilagok ang laman ng baso niya.
"Kwentuhan nalang tayo. Alam niyo ba si Jave no'ng mga bata pa kami iyakin 'yan? Para siyang bakla 'pag umaalis nanay niya iiyak agad, uhugin pa" dire-diretsong kwento ni Rev.
Tawanan kami nang tawanan.
"Minsan nga nalaglag siya sa hagdan nauna ang bibig niya para siyang kinagat ng bubuyog sa labi namamaga, ganito oh" natawa naman ako ng gayahin ni Kean ang labi ni Flair.
Nakanguso siya na pinipilit ilabas ang labi niya.
"Nice rumor!" masungit na sabi ni Flair.
Bakit kaya ang sungit niya na ngayon? Dahil siguro maingay kami?
"Ito naman si Elle umiihi sa kama," pangaasar ni Clench sa akin.
"Ano ba tumigil ka!" Sigaw ko kay Clench na humawak pa ng takip ng beer at ibinato sa kaniya na agad niyang nailagan at dumila sa akin.
"Hmm? Mukhang naka-move on na si Clench nagawa na niyang asarin si Elle" nakangising sabi ni Lance.
"Hindi pa rin" lumapit si Clench sa akin at akmang aakbay pero inambahan na siya agad ni Kean ng kamao.
Tawanan nanaman nila.
"Possessive ng boyfriend mo, Elle!" nakasimangot na bumalik si Clench sa pwesto niya.
Maya maya ay tumayo si Lance o-order daw siya ng pagkain pero wala pang ilang minuto ay tumatakbo na siya pabalik.
Nagtataka naman namin siyang tiningnan.
"Ugh! Hinahabol ako ng mga bading sweetheart!" sumbong niya kay Carme at nagtago ito sa likod niya.
Tinulak ni Lance si Clench sa mga bakla.
"Ayan oh! Free and available. 'Wag ako andito girlfriend ko" turo niya pa kay Carme. Masama naman ang tingin ni Clench na nakatingin kay Lance at nagmadaling bumalik sa upuan niya.
"Baks! Ang dami palang pogi dito sa table na 'to" nakangiting sabi ng isang bakla sa dal'wa niyang kasama.
Tiningnan ko sila ang kakapal nang make up nila. Putok na putok ang labi sa pula ng lipstick, perpekto ang kurba ng kilay at pulang-pula ang mga pisngi nila.
Nang akmang lalapit sila ay awtomatikong napatayo si Flair at umatras.
Alam kong siya 'yong unang iiwas, kilala ko ang isang 'yan kung sa babaeng haliparot ay inis siya lalo na sa mga baklang haliparot.
"Mga fafa pwede na ba sa inyo ang 150?" Malanding sabi ng isang bakla na may nunal mismo sa tungki ng ilong. "Akin siya"
Nabigla si Clench nang umupo ito sa lap niya.
Tawanan namin.
Halos diring-diri namang tinanggal ni Clench ang bakla sa hita niya at inis na tiningnan ito.
"Okay 250, deal?" Sabi ng bakla na animo'y nakikipag-transaction kay Clench.
"Ugh, Elle! Help" sabi niya iyon habang pumulupot na ang bakla sa kaniya.
Tawanan muli namin. Nakakatawang panoorin si Clench na nagpupumiglas sa bakla at pikon na pikon na.
"Wag kang lalapit!" Napalingon kami sa sigaw ni Flair.
Namumula na ako sa pagpipigil nang tawa dahil nakahaya siya sa isang bakla at animong 'di siya magda-dal'wang isip na suntukin ito.
Nangingibabaw ang lakas nang tawa ni Carme at Ali.
Ang isang bakla pa ay lalapit sana kay Rev pero hinarangan ni Ali.
"Back off" mataray niyang sabi 'di naman nagdal'wang isip ang bakla na umiwas at maghanap ng fafa niya hanggang sa natigil ang mata niya kay Kean at ngumiti.
Naramdaman ko ang paghawak ni Kean sa kamay ko.
Don't tell me takot din siya sa bakla?
Ang ginawa ko ay ibinigay ko pa siya sa bakla.
"My beautiful! Ugh!" Masamang tingin ni Kean sa akin habang hinihila ko siya papunta sa bakla.
Maya maya pa ay yumakap na si Kean sa akin.
"Pinapamigay mo ko nakakainis ka" bulong niya sa tainga ko.
"Waaaah!!! Let go of me!!!" Nilingon namin si Flair na ngayon ay nagpupumiglas na sa bakla.
Nahuli pala siya?
Nang makawala siya ay nagtatakbo siya sa kung saan-saan.
"FAFA!" Sigaw ng bakla habang hinahabol si Flair.
Si Clench naman ay masamang-masama na ang tingin sa bakla.
Do'n natapos ang gabing iyon. Tawa lang kami nang tawa habang palabas ng The Rose.
"Pre, kung nakita mo lang mukha mo para kang turo kanina dahil galit na galit ka sa bakla" pangaasar ni Rev kay Flair.
"Tigilan mo nga ako! Nightmare! ugh!" Inis na inis na sabi ni Flair habang nadidiri pang pinupunasan ng panyo ang braso niyang nahawakan ng bakla.
Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni Rev at saka ito lumapit kay Clench, sinalubong naman siya nito nang masamang tingin.
Nag-enjoy ka ba, Clench?" Nakangisi at mahihimigan ang pangaasar sa tono ni Rev.
"Ugh! Doon ka na nga sa mga kaibigan mo" sumulyap si Clench sa aming lahat. "Bilisan niyo at ligong-ligo na ako"
Nangibabaw nanaman ang tawanan naming iyon.
"My beaitiful" humawak si Kean sa baiwang ko. "Tara na?"
Nakangiti ko siyang tiningnan at magkasabay na kaming naglakad. Bago ako sumakay sa kotse ni Kean ay inasar ko muna si Clench at Flair.
"Boys" baling ko kay Clench at Flair "balik ulit tayo dito bukas."
"Ugh" sabay nilang sabi at sumama ang tingin sa akin.
"Kapag bumalik tayo dito at nandito pa rin ang tatlong bakla na 'yon hihilahin ko 'yang si Kean ng maramdaman niya 'yong feeling na ugh nakakadiri" inis na sabi ni Flair.
"Walang ganyanan, pre haha" tatawa-tawang sabi ni Kean.
Doon na natapos ang jamming namin.
Tila walang problema ah?
Masaya akong nagpaalam sa handsome ko, humalik siya sa noo at binaybay ko na ang daan papasok sa bahay.
Nang mahiga ako sa kama ay masaya kong nakatulugan ang nakakatuwang pangyayari sa bar pero humihiling na sana 'wag ng mapanaginipan ang bangungot ko.
Memories with friends are one of the best part in life.