Javen Flair's POV
"Lagyan mo dito,” - Rev
"Kapalan mo ng kilay." - Zeal
"Oo, wait. 'Eto na." - Ali
"Hihi. Bahala kayo dyan 'di ako kasali dyan" - Arah
"Pre! dagdagan mo ng harina" - Kean
"Dami na" - Clench
"Bilisan niyo baka magising na" - Carme
"Tsk" - Lance
Naririnig ko iyon habang nakapikit ako.
"Ang ingay naman" sabi ko habang humihikab-hikab pa ako. At muling mahimbing na natulog.
Napamulat ako ng mata nang maramdamang ang lagkit ng katawan ko.
O__O - ako
Nanlaki ng sobrang perfect circle ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan kong nakapalibot sa kama ko at bumu-bungisngis.
^__^ -silang lahat.
Napabangon ako sa gulat.
"Ang pangit mo matulog, lalo na ang hitsura mo ngayon" nakangising sabi ni Zeal.
Lumaki nang pagkalaki-laki ang bunganga ko nang bigla nila akong batuhin ng itlog. Umilag ako pero bigo ako dahil natatamaan pa rin ako at saka ko nakita ang reflection ko sa salamin. Puno ng sulat ang mukha ko at ang buo kong katawan ay may white powder na 'di ko alam kung ano.
"Wala ka ng takas" sigaw ni Kean at binato pa ko ng itlog.
"Takbo pareng Jave" hinabol naman ako ni Rev.
Para kaming sira na naghahabulan sa loob ng kwarto ko. Hinabol nila ako habang binabato ng itlog.
"Ugh! Get out of my room!" Inis ns inis akong tumingin sa kanilang lahat.
Imbes na tumigil ay lumaki pa ang ngisi sa mga mukha nila.
"Hulihin ang bihag!" sigaw ni Kean habang itinaas pa ang kanang kamay sa ere.
The fuck?
"Hulihin!" parang mga baliw na tinaas din ng lahat ang kanang kamay nila at sabay-sabay na sumigaw at saka nagtawanan.
Napalunok naman ako nang akmang hahabulin na nila ako at huhulihin. Si Arah lang ang 'di nakikisali pero nakabungisngis siya sa isang gilid.
Tumakbo silang lahat parang may isang salot na sinusugpo. Takbo ako nang takbo kahit nadudulas ako sa lagkit ng katawan ko dahil sa kung ano ang nilagay nila. Punong-puno na rin ng itlog ang katawan ko dahil sa ginawa nilang pambabato.
"Ano bang problema niyo?!" inis na inis kong sigaw habang nagtatakbo para 'di nila mahuli.
Tawa lang sila nang tawa habang hinahabol ako at pinagkakaisahan.
Sa kakatakbo ko ay may nabangga akong tao. Nang tingan ko ay si Zeal pala, natumba kami at nasa ibabaw niya ko. Nailang ako bigla pero 'di siya nagpatinag, ngumisi si Zeal at saka mahigpit na yumakap sa akin.
Dug.dug.dug.
"Gotcha!" tatawa-tawa niya akong yakap para 'di makawala.
Nayari na! Nanghina ang katawan ko sa yakap niya kaya hindi na ko nakagalaw pa dahilan para tuluyan na nila akong mapuksa.
Kahit wala akong ideya sa nangyayari ay natatawa na rin ako. Ewan ko ba kung anong trip ng mga ito. Bigla nalang akong nagising na nandito silang lahat at ginugulo ang tahimik naming bahay.
Lumapit silang lahat sa akin at inihiga ako. Todo pumiglas ang ginagawa ko pero sa dami nila ay 'di ko magawang manlaban. Ugh!
Hinawakan ako ni Clench at Kean sa ulo at mga kamay. Si Rev, Ali, at Zeal ay nasa paa ko. Nakita ko si Arah na na nakaupo pa din at tumatawa sa amin. Si Carme at Lance naman ay naka-alalay sa likod ko. Binuhat nila ako ng nakahiga.
Inis na inis akong nagpupumiglas, kung saan nila ako dadalhin ay 'di ko alam.
"Ano bang trip niyo?!!!!" Inis na inis ko silang sinisigawan habang nagpupumiglas.
"Manahimik ka bihag!" tatawa-tawang sabi ni Zeal.
Tawanan sila nang tawanan hanggang marating namin ang labas.
At saka ko lang naisip kung saan nila ako dadalhin! Sa swimming pool!
"WHAT THE HELL!? GUYS IT IS NOT FUNNY!" galit na galit kong sigaw nang malapit na kami sa pool.
Pilit akong nagpupumiglas habang wala silang ginawa kung hindi tumawa.
"Pre, maglaklak ka ng maraming tubig hanggat gusto mo" pangaasar ni Kean.
"1" dinuyan-duyan nila ako sa ere, itatapon sa pool.
Shut! Mukhang wala akong magagawa!
"2." idinuduyan pa rin nila ako. Nagpupumiglas ako pero ang tindi nang kapit nila.
"HUMANDA KAYO SA AKIN ORAS NA MAKAALIS AKO SA INYO!!!" galit na galit kong sigaw.
"3." itinapon nila ako sa swimming pool.
Gano'n na lang ang pagkabigla ko nang maramdaman ang lamig ng tubig.
"Ahem--ugh!" Uubo-ubo akong itinaas ang ulo sa tubig at masamang-masama ang tingin sa lahat.
"HAPPY BIRTHDAY, JAVEN FLAIR!!!!"
Gulat na gulat ko silang tiningnan. Birthday ko? Nakalimutan ko na 'yon! Sa tuwing magce-celebrate ako ay sina Rev at Kean lang ang kasama ko. Ngayon ay sobrang dami ko na palang kaibigan.
Birthday ko pala kaya ganito nalang nila ako alaskahin.
"WOW! NICE GREETING!" Inis kong bulyaw sa kanilang lahat.
Iyon ang sukli nila, nangingibabaw pa ang tawa nitong Over Melanin na ito.
"Tuwang-tuwa?" Sarkastiko kong sabi at lalong lumakas ang tawa nila. "Di ko alam na ganyan pala kayo kabrutal kapag may nagbi-birthday!" inis na inis kong sabi saka sila tinapunan ng tubig at nagsigawan ang mga babae at lumayo sa pool.
"Wahh! Ang lamig" - Carme
Lumapit si Kean sa akin inilahad ang kamay niya upang tulungan akong umahon.
"Pre" nakangiti niyang sabi habang nakalahad ang kamay sa akin.
Ngumisi ako at kinuha ang kamay niya, tinulak ko siya papunta sa pool. Maya maya pa ay magkasama na kaming dal'wa sa tubig.
"Ugh!" sabi ni Kean habang tinatapunan ako ng tubig.
Maya maya pa ay nagkatinginan kaming dal'wa tila alam na ang gagawin. Umahon kami at isa-isa naming tinulak ang mga kaibigan namin.
"No way! Ugh! Ang lamig kaya!!" Nakita kong hinahabol ni Kean si Carme. "Wahh! can't believe, I'm going to swim with just my pambahay and not my swim suit no!" hanggang sa maitapon na niya ito sa tubig.
"Pare walang ganyanan!" Iwas nang iwas sa akin si Rev.
"Patay ka sa akin!" Hanggang sa maabutan ko siya at itinulak na sa pool.
"Ugh!" yon nalang ang nasabi ni Rev.
Sunod na nilapitan ko ay si Arah.
"Kala mo ligtas ka huh?" sarkastiko kong sabi kay Arah saka nanlaki ang mga mata niya.
"WAH!" nalaglag na rin siya sa pool.
Tiningnan ko silang lahat nasa pool na sila. Ang wala nalang ay si Zeal na ngayon ay hinahabol ni Kean.
"No!! Alis!!" sigaw niya kay Kean.
"Jave sa kabila ka" - Kean
Kinorner namin si Zeal na animo'y nagpapatintero!
"Impakto NO! Ang aga pa ayaw ko mabasa!" masama niya tingin niya sa akin.
"Ugh! Ito si handsome ko parang 'di boyfriend! Wala akong swim suit ugh! Go away" sabi niya kay Kean.
"Wow! Naisip mo ba 'yan nang ihagis niyo ko sa pool with just wearing my pantulog huh?" nakangisi kong sabi.
Tumawa si Kean at Zeal.
Hanggang sa mahuli ko siya at hinawakan sa baiwang. Binuhat ko siya na parang isang sakong bigas.
"Ugh! FLAIRRR!! PUT ME DOWN!" sigaw niya habang hinahampas ang likod ko.
Ibinato ko siya sa pool.
Napuno nang tawanan ang lugar.
At saka kami nagkatinginan ni Kean at magka-akbay na tumalon sa pool. Gano'n nalang ang inis nila dahil natalbuhan sila ng malakas na tubig dahil sa pagtalon namin.
Maya-maya pa ay masaya na kaming nagkakagulo sa tubig.
Maaga pa. 6 am at sobrang lamig ng tubig pero 'di maipagkakailang masaya ako. Ang saya palang magkaroon ng maraming kaibigan.
Dumating si dad. Saglit akong umahon para kausapin siya.
"Happy Birthday, anak" tinapik tapik ni dad ang balikat ko.
"Salamat, dad" nakangiti kong sabi.
"Regalo ko" may inabot siya sa aking nakabalot na regalo. "Di na ko nagpa-party dahil sabi ng mga kaibigan mo ay sila na ang bahala 'di ko alam na brutal pala sila" sabi ni dad habang sinulyapan pa ang mga kaibigan ko.
"Binata ka na, anak. Sana nandito ang mommy mo siguradong tuwang-tuwa 'yon" tinitigan ko lang siya.
Ilang taon na ang lumipas pero sobrang mahal pa rin namin ni dad si mommy. Siya talaga ang buhay namin.
"Sige na anak, bumalik ka na sa mga kaibigan mo. ENJOY!"
Iyon lang at naglakad na siya papunta sa loob ng bahay. Ako naman ay bumalik sa pool.
"Impakto!" tawag sa akin ni Zeal at lumapit naman ako sa kaniya.
"Happy Birthday!" masigla niyang bati at tinapunan ako ng tubig.
Nagtapunan kaming dal'wa ng tubig hanggang sa parehas na kaming tumatawa dahil napagod na.
Maya maya lumapit silang lahat habang lumalangoy at isa-isang bumati.
"Do'n kami matutulog sa kwarto mo" sabi ni Rev at umakbay sa balikat ko.
Lumapit din si Kean at umakbay sa akin at saka umakbay din ako sa kanilang dal'wa.
"Paano kayo magkakasya do'n?" Biro ko.
"Maglalatag kami ng sapin sa sahig" tatawa-tawang sabi ni Kean.
"Seriously?" Nakanganga kong sabi.
"Pre, buong buhay mo magisa ka sa bahay niyo. This time sasamahan ka namin" nakangiting sabi ni Kean.
"Ikaw sa kama at 'yong mga girls ay sa sofa. Malaki naman iyon." - Rev
"Anong trip 'yon?" Nakakunot kong sabi.
"Ewan din namin e, basta nagkasundo kami na dito matutulog! Yohoo!" Sinabuyan nila ako ng tubig.
Hanggang magtanghali ay nasa pool area lang kami. Nakita ko si Kean at Zeal na masayang nagkukulitan habang nagiihaw ng tilapia.
Sana makita ko 'yang ngiting 'yan kapag ako ang kasama mo.
Sa table naman ay 'ayon sila Rev at Clench nagkwe-kwentuhan at tawa nang tawa. Ano kayang pinagkwe-kwentuhan nila?
Si Arah ay solo flight nanaman nasa isang tabi lang at nagse-selfie. Ewan ko ba sa kaniya, minsan ay 'di ko siya ramdam.
Si Ali at Carme ay masaya ring nagkwe-kwentuhan habang kumakain.
"Pre!" tawag ni Kean. "Tara inuman na!"
Nagsipaglapitan na kaming lahat sa table at umupo.
"Happy birthday Jave!" tinaas ni Rev ang baso niya at gano'n din ang ginawa ng lahat.
"Happy Birthday Javen Flair!!" at masaya naming nilagok ang alak.
Tiningnan ko si Zeal. Dapat 'di uminom ang Over Melanin na 'yan!
"Tama na 'yan, my beautiful huh?" saway ni Kean sa kaniya.
"No, minsan lang naman 'to e!" - Zeal
"Nukaba! 'Di mo nga alam ginagawa mo e 'pag lasing" saka inilagay ni Kean ang kamay sa baiwang niya. Umiwas ako ng tingin.
"Ngayon lang!" rinig kong sabi ni Zeal.
"Si Kean dati no'ng nursery kami tumae siya sa short habang nage-exam." kwento ni Rev napa-hagikhik ako.
Tiningnan siya nang masama ni Kean.
"Teacher pa namin ang naghugas ng pwet ni--" di pa man naitutuloy ni Rev ang kwento ay binato na siya ni Kean ng takip ng beer.
Tawanan namin.
"See? Galit siya! Ganyan siya!" - Rev
"Fuck you! Ikaw nga kinagat ng langgam ang putotoy mo! Tapos Iyak ka nang iyak" - Kean
Tawanan nanaman ang lahat dahil sa biro ni Kean.
"Kapal mo! Gusto mong ikwento ko sa girlfriend mo pa'no ka inanak ng nanay mo?" tatawa-tawa siyang bumaling kay Zeal. "Alam mo ba muntik na 'yan malaglag sa inidoro kasi sabi ni tita kasabay niya ang mga tae dahil kala ni tita nadudumi lang siya. Nakakain na nga daw siya ng tae."
Tawanan nanaman namin. Hay nako 'tong mga bestfriend ko talaga kahit kailan 'di na nagbago alam na alam kung pa'no aasarin ang isa't isa.
"Ikaw nga dati tumulo ang sipon mo kinain mo sabi mo pa 'ang sharap' yuck!" sabi ni Kean kay Rev.
"Eeww" sabi ng mga babae at saka tumawa nang malakas si Kean.
"O tubig! Uminom ka na mamaya 'di ka pa maka-8 glasses of water isisi mo pa sa amin" biro nanaman ni Rev.
"Buset" sabi ni Kean pero kinuha rin naman ang tubig at ininom.
Maya-maya pa ay lasing na sila. Gabi na pala, ang bilis ng oras.
"Happy Birthday, Impakto!"
Shut! Naibuga ko ang iniinom ko ng lumapit si Zeal sa akin. Lasing na 'to. Naisip kong tawagin si Kean at ihatid na siya sa kwarto pero natatakot ako sa isang 'to dahil 'di maganda ang kondisyon kapag nakakainom.
"Cheers" itinaas ni Zeal ang baso ng alak niya at idinikit sa baso ko.
"Lasing ka na" sabi ko habang pinapanood siyang lumalagok ng alak.
"Di pa!" nakanguso niyang sabi.
Nilagyan niya ulit ang baso niya ng alak.
"Akala ko ay mukha kang impakto dahil lagi kang galit--hik pero kapag tulog ka ay daig mo pa si Adan." susuray-suray na umiinom pa din.
"Anong sinasabi mo?"
Nasa may malapit kami sa pool at kunting galaw lang nito ay malalaglag 'to kaya naka-alalay lang ako.
"Sabi ko--pogi ka!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Shh! Lasing ka na!"
"Di pa!"
Lumapit na si Kean at inalalayan siya.
"Iaakyat na kita" - Kean
"No!" Napatingin sa akin si Kean sa sinabi ko. "I mean--ano alam mo naman 'pag lasing 'yan kung anu-ano ginagawa niya"
"Haha girlfriend ko siya Jave" diniinan pa ni Kean ang salitang girlfriend.
"Ahm yeah" iyon nalang ang nasabi ko.
So, he's telling na no matter what happen sa kanilang dal'wa wala akong pakialam. Well, he's right!
Pinanood ko nalang ang pagalis nila pero tumigil din dahil nagpupumiglas si Zeal ayaw pang umakyat.
"Ano ba! Mamaya na! Nageenjoy --hik pa ko dahil birthday ni Impakto e" - Zeal
"But you're drunk, my beautiful" - Kean
"Sinong beautiful? Ikaw ba boyfriend ko?" - Zeal
Oh shut! Dumali nanaman siya sa 'di niya kilala ang kaharap kapag lasing. Inilapit niya ang mukha kay Kean.
"Boyfriend kita? So, can I kiss you?" sabi ni Zeal habang niyakap pa ang leeg ni Kean. Ngiti lang ang iginanti ni Kean sa kaniya.
I can't take this anymore! Nagiwas ako ng tingin. Shut! Ang sakit ng puso ko!
Sa 'di ko alam na dahilan ay tumakbo si Zeal papunta sa akin at yumakap.
"Di ko siya kilala!" pagsusumbong niya sa akin at nakaturo pa kay Kean.
Tumawa sila at natawa na din ako. Nababaliw talaga siya paglasing.
Pagkatapos nang inuman ay umakyat na kami sa kwarto ko. Seryoso silang do'n matutulog. Naglatag sila ng sapin sa carpet at inayos.
"Bakit kaya 'di nalang kayo do'n sa guest room?"
"Napagusapan na namin 'to planado na" - Ali
"Okay"
Magkakatabi sila Rev, Kean, Lance, at Clench.
Nasa sofa naman si Carme, Ali, Arah at Zeal. Apat kasing mahaba ang sofa dito.
"Do'n na kayo sa kama" sabi ko kala Ali. "Malaki naman ang kama ko kasya kayong tatlo do'n" nagkamot ako ng ulo. "Kasi ano ba namang trip 'to? Kayo talaga!"
"E, ikaw saan ka?" - Carme
Tiningnan ko ang mga boys ng may ngisi sa labi.
"Ang sikip na dito" Kean
Lalo silang nagdikit-dikit at nagkapit-kapit para 'di ako makasingit.
"Oo nga, ang init!" - Rev
"Dude can't breath" - Lance
Si Clench naman ay humihilik na, lasing na lasing.
Natatawa naman ako sa kanila.
"Kayo ang may gusto nito diba?" At saka ako tumalon upang mahiga sa kanila.
"Aray!!" Malakas na sigaw ni Rev at Kean.
"Badtrip" tumayo si Lance. "Mga kalokohan kasi" masungit niyang sabi.
Siniksik ko sila hanggang magkaroon na ako ng space sa gitna.
"Ayon!" saka ako pumulupot sa katabi kong si Kean at Rev.
"Bading help!" nadidiri kunwaring sabi ni Kean.
Bumalik si Lance sa pagkakahiga.
"Matutulog na ko huh? Wag na kayo magulo" sabi ni Lance at saka tumalikod sa amin ng higa.
"Ang sikip!" naiiritang sabi ni Rev.
Tumawa ako nang malakas. Paano ba naman ginusto nila 'to pero sa totoo lang sobrang saya ko.
Bali ang pwesto namin si Clench, Rev, ako, Kean at Lance.
Tumayo si Kean at nakita kong binuhat niya si Zeal at inihiga sa kama at saka humalik sa noo nito. Tulog na tulog na si Zeal sa kalasingan.
At saka sumiksik muli si Kean sa may tabi ko.
Maya maya pa ay napatayo si Rev.
"Yuck! Sumuka si Clench!" sigaw niya.
Nagmadali kaming tumayo at ayon nakita namin ang pisngi niya na punong-puno ng suka pati unan at saka ngunguya-nguya pa na parang kinakain ang suka.
"Yuck" sabay-sabay naming sabi.
"San tayo matutulog niyan?" naiinis na sabi ni Lance.
Kumuha ulit ako ng sapin at niligpit ang higaan na marumi. Binuhat naman nila si Clench at inilagay sa C.R. sa bathtub. Tawa kami nang tawa dahil sinapinan namin ang bathtub at doon siya pinatulog at saka ko kinuha ang cellphone ko at pinicturan siya.
And we go back to higaan happily.
Masaya akong nakatulog. Walang espesyal para sa akin sa araw na ito pero dahil nandito silang lahat ay naging napakasaya ng araw.
THE BEST BIRTHDAY EVER!
Sinulyapan ko ang mukha ni Zeal na tulog.
Goodnight, Cherish...