Chapter ROCKY’S BACK

Javen Flair's POV

Pagkagising namin ay sabay-sabay kami nag-breakfast at nagligpit na sila ng mga gamit. Ang lungkot naman. Aalis na sila!

"Pre, wag ka ng malungkot. Dadalawin ka namin dito madalas" biro ni Rev sa akin at humawak pa ito sa magkabila kong pisngi.

"Gago!" sigaw ko sa kaniya at inalis nang marahas ang kamay niya sa mukha ko.

Tawa ni Rev.

"Uuwi na pala talaga tayo. Sayang ang saya pa naman dito" sabi ni Carme na mabibigat ang paa habang inaayos ang gamit niya.

Si Kean naman ay naka-akbay lang kay Zeal sa sofa at nakasilip sa cellphone ni Zeal. Si Zeal naman ay inis na nagta-type. Sino kayang kausap ng Over Melanin na 'yon?

"Curious ka ba?" Nagulat ako sa bumulong sa tabi ko. Si Clench pala at ngingisi-ngisi pa.

"Tigilan mo nga ako, sleeping master" pangaasar ko sa kaniya.

Tinulak niya ko papunta kala Zeal at napasubsob ako sa sofa, nauna ang.mukha ko. Ugh! Parang nayupi ang matangos kong ilong!

"Sleeping master pala huh?" sigaw ni Clench.

"Kupal!" sigaw ko at tiningnan siya nang masama.

Hinatid ko na sila sa gate pero may 'di inaasahang bisita. Napaatras kami.

Nasa harap na namin ngayon ang grupo nila Rocky.

"Kumusta, Elleina Zeal Suarez?" nakangising tanong ni Rocky kay Zeal. Itinago naman siya ni Kean sa likuran.

Lumapit ako at hinarangan silang lahat.

"What do you want?" maangas kong tanong kay Rocky.

"Simple lang diba? Ang sumama kayo sa grupo namin" nakangisi niyang sabi.

Pumunta sa unahan si Zeal at maangas na tumayo. Wow huh? Sa hitsura niyang naka-dress. 'Wag niyang sabihin sa akin makiki-pagsuntukan siya ng wala sa ayos ang damit niya!

"Leave or stay and die?" ayon nanaman ang tanong niyang iyon. Maangas siyang magsalita na biglang sa ganitong gulo ay nagiging lalaki ang attitude.

"Don't tell me lalaban ka ng ganiyan ang suot?" pangaasar ni Tyron at saka sila tumawa.

Tinabig ko si Zeal at inilagay sa likod ko.

"Pumasok ka sa loob isama mo sila Carme" sabi ko kay Zeal habang ang mata ay na kay Rocky.

"Kami ang kailangan mo diba? Papasukin mo sa loob ang mga kaibigan namin!" sigaw ko kay Rocky.

Nakikita kong nanginginig na sina Clench, Ali, Carme at Arah.

Kung kaming apat nila Rev, Kean, Zeal at ako ay pwedeng makipaglaban pero sila hindi marunong.

Hinila ni Zeal ang apat naming kaibigan papasok pero gano'n nalang ang inis niya nang harangan siya ni Braid.

"Where are you going, ganda?" tanong ni Braid sa kaniya.

Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Okay lang kahit ako ang mabugbog pero kapag ang mga kaibigan ko na lalo na si Zeal. Dudurugin no'n ang puso ko mas masakit sa anumang pisikal na sugat.

"You don't have permission to call me beautiful. It's my boyfriend thing" seryosong sabi ni Zeal kay Braid.

"I didn't say beautiful, I said 'ganda' there's a difference between Filipino and English" nakangising sabi ni Braid.

Hanep rin magisip ang isang 'to.

"Hmm" iyon nalang ang nasabi ni Zeal at maangas na hinawi si Braid para makadaan siya pero gano'n nalang ang gulat niya nang akmang susuntukin siya nito pero nailagan niya.

"I'm warning you. Let my friends go inside Flair's house or else I gonna kick your ass!" Sabi ni Zeal habang tinatago ang apat na kaibigan namin.

Pinalibutan namin ang apat naming kaibigan.

"We are not going with you, Rocky!" Sabi ko.

"We're not stupid to join your weak and pathetic group" sabi naman ni Kean.

"Okay! Tapos ang usapan. Bugbugin ang mga 'yan walang ititirang nakakatayo pa!" sabi ni Rocky.

Sumugod na ang mga tauhan nila. Shut! Kung sumugod sobrang dami palagi gano'n ba kami kalakas para 'di kayanin man lang ng mga limang tao.

Maya maya pa ay nagkakagulo na. Nakita ko si Kean na kaharap si Tyron. Sinuntok siya ni Tyron pero nakailag sya hanggang nasuntok niya ito sa panga dahilan para dumugo ang bibig nito.

"Ugh! Fuck you!" Sigaw ni Tyron sa kaniya.

Si Zeal naman ay puro suntok lang ang ginagawa dahil nakadress siya. Mukhang nahihirapan siya.

Si Rev ay maangas na naninipa kahit pa naisahan siya ng suntok pero agad ding nakabawi.

Takot na takot ang apat naming kaibigan na nasa gitna namin. 'Di sila sanay sa ganito!

Si Lance naman ay nakaprotekta sa apat at kung sinong lumapit sa kanila ay binabalian niya kaagad ng buto. Nice huh? The crack bone strategy. Marunong din pala siyang makipaglaban!

Tumakbo ako upang salubungin ang lalaking akmang susuntok kay Zeal at saka ko siya kinindatan, irap ang isinukli niya.

"Ibang klase talaga kayong apat at may dagdag pang isa na 'di ko inaasahang magaling mangbali ng buto!" naiinis na sigaw ni Rocky at tumingin pa kay Lance.

"Ugh! Go away bitbitin mo ang mga mahihina mong alagad!" Sigaw ko kay Rocky.

Sa inis niya ay sumugod na siya. Ang bilis niya kaya nasuntok niya ko. Ugh!

Susuntukin niya ulit ako pero umilag ako hanggang masuntok ko siya sa tyan pero 'di man lang siya natinag, nakatayo pa din at ngumisi.

"Medyo lakasan mo, bata!" sabi ni Rocky at sinunod-sunod ako ng suntok. Hirap akong umiwas dahil mabilis siya kaya kung saan-saang parte na niya ko nasuntok.

"Ugh!" humawak ako sa labi ko dahil putok na.

Sumugod nanaman si Rock pero hinarang siya ni Kean at sinipa ito sa mukha!

Natumba si Rocky pero mabilis na bumangon. Doon ko lang napagtanto na nakahiga na ang mga tauhan niya ang tanging nakatayo nalang ay si Rocky, Tayron at Braid.

"Wow! Prince of flying kick!" Nama-manghang tumitig si Rocky kay Kean.

"Thank you" nakangiting sabi ni Kean na animo'y magkaibigan sila.

Tumayo si Rocky at hinarap kaming dal'wa ni Kean. Gano'n nalang ang gulat ko nang sugurin niya si Kean at sinunod-sunod din ng suntok katulad ko ay kung saan saan din siya natamaan pero 'di ako pumayag na mabugbog si Kean kaya pinumpyang ko ang ulo niya at hihilo-hilong tumingin sa akin.

"Nice strategy" sabi ni Rocky sa akin.

Ewan ko ba dito parang pinag-aaralan ang mga galaw namin.

Sa kabilang banda naman ay kalaban ni Zeal si Braid. May mga tama na rin siya dahil sa hindi siya makagalaw ng ayos sa suot niya. Ugh!

Si Rev ay na kay Tayron ang atensyon nagpapambuno at naglalaban nang lakas.

Humugot si Rocky ng kutsilyo. Ugh! Sa lakas niya posibleng matamaan kami ni Kean no'n. Ngumisi siya pero 'di pa man lang siya gumagawa ng kung ano ay sinunggaban ko na siya at hinawakan ang kamay upang maalis ang kutsilyo. Shut! Mamaya may masaksak pa 'tong gagong 'to!

Habang inaagaw ko ang kutsilyo ay sinipa ulit ni Kean si Rocky sa likod kaya natumba ito. Tiningnan namin siya saka ko inapakan ang dibdib niya. Si Kean naman ay kinuha ang kutsilyo na nalaglag sa pagtumba niya.

"Bakit ba ayaw mong tumigil?" tanong ko kay Rocky habang naka-apak ang paa sa dibdib. "Wala ka namang mapapala sa aming apat kaya tigilan mo na"

At saka namin siya tinalikuran ni Kean. Nakita ko na rin si Braid na pinipilipit ni Zeal ang kamay habang nasa likod. Ibang klase talaga ang babaeng 'to! Pero nakita ko rin na ang dami niya ng galos sa katawan. Ugh! Napaiwas ako ng tingin. I hate to see you with those wounds.

Lumapit na si Kean at sinipa si Braid para makatulog. May pamatay pala siyang sipa haha.

Si Rev naman ay hawak sa leeg si Tyron.

"Hey! Tama na 'yan!" sigaw ko kay Rev.

At saka niya ito itinapon sa lupa.

Tiningnan ko si Lance, hingal na hingal siya at tumakbong yumakap kay Carme. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makitang hirap na huminga si Carme.

"Lance ang puso ni Carme!" sigaw ni Zeal kay Lance.

Nakahawak si Carme sa dibdib niya. 'Di ko maintindihan, may sakit ba siya sa puso?

"Ang--sa--kit" sabi ni Carme habang sapo ang dibdib niya.

"Sweetheart!" tawag ni Lance sa kaniya bigla siyang naging emosyonal at parang maiiyak na.

"Bilisan natin dalhin natin sa hospital!" nanginginig man ay nagsalita si Clench.

Agad kaming tumakbo sa kotse at ipinasok si Carme.

"May sakit siya sa puso huhuhu" nakita kong umiiyak na agad si Zeal at yumakap kay Kean.

"Shh! Magiging okay din siya" sabi naman ni Kean at hinaplos ang buhok niya.

Iyakin talaga siya kahit kailan. Pabalik-balik silang lahat habang ipinasok si Carme sa emergency room ng hospital namin, ang Imperial's Hospital.

Nakahinga kami nang maluwag ng sabihin ng doctor na okay lang siya at kailangan lang munang magpahinga.

Tiningnan ko si Zeal na ngayon ay humihikbi pa rin sa dibdib ni Kean.

"Stop crying. The crying Over Melanin" inasar ko siya para mapunta sa akin ang atensyon niya at 'di na umiyak.

"Impakto!" sigaw niya habang may masamang tingin.

"Ang pangit mo umiyak!" sabi ko sa kaniya pinakyuhan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Adik siya!

"Buti nalang okay na si Carme" sabi ni Ali habang nakatayo sa harap ko at nakahawak sa braso ni Rev.

"Nakakatakot talaga" sabi naman ni Arah kay Ali. Si Arah ay nakaupo sa tabi ko.

"Don't worry hanggat nandito ang lima na 'yan 'di ka mapapahamak" turo ni Ali sa aming apat.

Lumapit na rin ang ibang nurse at ginamot kaming lima kahit na puro galos lang naman 'yon.

Nakakainis na ang masayang araw namin kahapon ay naging ganito ngayon. Panira talaga ng moment ang Rocky na 'yon! Buti nalang okay na silang lahat.

Nakita ko si Lance at Clench na bakas pa rin sa mukha ang pagaalala. Hays!

Sinulyapan ko ulit si Zeal na nakayakap pa din kay Kean.

I'm glad you're okay, Cherish...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.