Chapter 110 THE VERY SPECIAL PART

"You'll end up suffering!" Malakas na sigaw ni Shivelle Flear habang mabilis na tumatakbo pasugod kay Shiven Tlair.

"Don't judge my capabilities," sinugod rin siya ni Shiven Tlair.

Naglaban sila ng lakas, parehas ngitngit sa galit, tiim ang bagang at walang gustong magpatalo.

May hawak silang dalawang arnis at malakas na hinahampas ang isa't isa.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanila.

"My angels, baka magkasakitan kayo," mahinahon kong sabi.

Nag-eensayo lang naman sila pero parang hindi magkapatid pagdating sa ganitong bagay. Walang gustong magpatalo dahil parehas lumalaban. Pinapanood sila ng mga Baider, nakangiti at para bang hangang-hanga.

Ang dalawa ko talagang anak hindi ko alam kung bakit pati ako natatakot sa kanila dahil parang hindi man lang sila nakakaramdam ng takot. Malakas, maangas, mayabang kung umasta at higit sa lahat kung hindi mo sila kilala misteryoso, kunot ang noo at masungit, halos lahat ng katangian ng Baider ay nakuha nila.

Panay ang ilag ni Shivelle Flear nang sunod-sunod siyang hampasin ng kapatid ng arnis. Si Shiven Tlair naman ay nangigigil dahil hindi man lang makatama. Nang si Shivelle Flear naman ang nagpaulan ng palo ay sinasangga rin niya iyon. Walang gustong magpatama man lang kahit isa dahil tingin nila agad talunan sila.

"Okay! Time out! Keep hydrated!" Pumasok si Flair na may hawak na tray ng juice. "Mga anak tigil muna," baling niya sa dalawa.

Nasa bundok kami ngayon dahil may ensayo ang mga bata.

Sabay binaba ni Shivelle Flear at Shiven Tlair ang arnis. Alerto pa rin sila at animo'y pinapakiramdaman ang isa't isa.

Lumapit na ako at parehas pinunasan ang pawis nila. Nagdadalaga at binata na ang anak namin ni Flair, as of now, wala namang sakit sa ulo maliban na lang kay Shiven Tlair na ayaw nang mag-aral dahil alam na raw niya ang tinuturo sa school.

Pinunasan ko ang mukha ni Shiven Tlair at hinaplos ang pisngi niya. Mas matangkad na siya sa akin ngayon, nakuha niya kay lolo ang taas niya.

"Mommy, I'm good. Don't pamper me," kunot-noo niyang sabi.

"Sus!" Mahigpit ko siyang niyakap kaya napabuntong hininga na lang siya. "Baby ko pa rin kayo."

Lumapit ako kay Shivelle Flear at pinunasan ang pawis niya.

"Mom, I'm not a baby anymore."

"You are," humalik ako sa pisngi niya.

"Ang galing ng dalawa kong anak!" Proud na sabi ni Flair habang inaabutan ng juice ang dalawa. "Kumain na muna."

Nag-aliwalas ang mukha ni Shivelle Flear at nauna pang pumunta sa mga pagkain.

"Shivelle Flear, you have monster in your stomach," nakataas ang gilid na sabi ni Shiven Tlair sa kapatid.

"You don't care, Shiven Tlair," walang emosyong sagot niya at sumubo nang malaki.

Lumapit si Flair at inabutan ng tubig si Shivelle Flear. "Nak, baka mabulunan ka naman dahan-dahan, at ito pa," hinawakan niya ang damit ni Shivelle Flear sa bandang balikat. "Bakit ba panlalaki ang suot mo? Anak naman! Ang dami kong binili saiyong damit. Bakit gustong-gusto mo panlalaki? Tapos itim pa lagi ang suot mo."

"Tomboy siya, dad," nakangising sabi ni Shiven Tlair.

"Don't annoy me, you'll suffer," wala nanamang emosyong sabi ni Shivelle Flear.

"I'm not.. I'm just stating the fact and who the hell would like you? Tsk," pang-aasar niya pa sa kapatid. "Parehas tayong lalaki."

"Zip your mouth, I'll swear, you can't see the sunlight."

"Tsk. You're just idolizing Taxen Kil," nakataas ang gilid ng labi na sabi ni Taxon. Inabitan niya si Shivelle ng inihaw na bangus.

"Of course, she will build her own banda, too, right, Shivelle Flear?" Nakangiting sabi ni Kil.

"I hate interaction with other people tito."

"You hate because you are man-like structure, preventing other to bully you," nakangising sabi ni Shiven Tlair.

"Shut your mouth or I'll bury you in sedimentary rocks!"

"Try me."

Napailing-ilimg na lang ako. Madalas silang ganito pero magugulat ka na lang minsan magka-akbay, nilutuan ni Shiven Tlair ang kapatid, o di kaya naman inaalagaan ni Shivelle ang bunsong kapatid.

Ang ugali nila ay para bang nakatago ang totoo.

Yumakap si Flair sa baiwang ko. "Nag-aaway nanaman sila," bulong niya.

Niyakap ko rin siya. "Di ka pa nasanay sa mga anak mo."

"Ayaw kong nag-aaway sila."

"Pero ikaw inaasar mo ako?" Taas ang gilid ng labi na sabi ko.

"Magkaiba naman ang sa atin, cherish," siniksik niya pa ang sarili sa leeg ko.

Kami ang namamahala sa HTH Organization. Itinuloy namin ang gusto ni BossRill. Naging malakas kami nila Rev, Kean, Nel Jan, Lance at Flair. Sama-sama naming nalulutas ang kaso, hindi kami nag-iwanan. Itinataya namin ang buhay para sa isa't isa pero sinisiguro namang ligtas ang bawat isa.

"Pre!"

Binatukan agad ni Kean at Rev si Flair.

"Kapag ako nagka-amnesia! Cherish, oh!" Sumbong niya pa sa akin. "Sipain mo 'yong dalawa!"

"Hello everybody!" Bati ni Nel Jan nang makalapit kasama niya ang anak na lalaki at asawang si Sicy.

Ang ganda niya.

Nakipag-beso sa amin si Sicy at ngumiti.

"Jaryl, come here. Greet your titas and titos." Tawag ni Nel sa anak.

Lumapit ang binata at nakipag-beso rin sa amin.

"Hello po, tito, tita," napahinto siya nang mapasulyap kay Shivelle Flear na ngayon ay nakasalampak sa upuan at kumakain ng chocolate cake.

May kung ano akong nakita sa tingin niya sa anak ko.

May gusto ba siya kay Shivelle Flear?

Titig na titig siya kay Shivelle Flear hanggang sa lumapit siya at umupo sa harap nito ay nakatitig pa rin.

"Don't stare, you'll suffer," walang emosyong sabi ni Shivelle at patuloy pa rin sa pagkain. Ni-hindi niya man lang nilingon ang binata.

"You're.. ahm," nagkamot siya ng ulo. "fearless."

"Don't look directly at my eyes," sinalubong niya ito ng tingin. "You'll regret."

Ang anak ko talaga puro pagbabanta ang lumalabas sa bibig niya kaya siguro natatakot ang manliligaw niya.

Valentine

(with Martina McBride)

If there were no words

No way to speak

I would still hear you

Naka-blind fold ako habang inaalalayan ni Flair na sa tingin ko ay paakyat nanaman sa rooftop ng mansyon. Rinig ko ang tugtog at ang pagkanta ni Shivelle Flear sa linyang iyon. May nagda-drums nang mabagal at may nagpa-piano.

Rinig ko naman ngayon ang boses ni Shiven Tlair. Ang gaganda ng boses nila, ang mga anak namin hindi lang trained sa laban maging sa iba't ibang talento.

Tinanggal ni Flair ang pagkaka-blind fold ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung gaano kaganda ang lugar at parang huminto ang pagtibok ng puso ko nang makita si Shivelle Flear na siyang nagda-drums at si Shiven Tlair na nagpa-piano.

Napangiti ako nang marinig ko ang duet nilang dalawa. Tumatalon ang puso ko sa saya dahil nasa harap ko ngayon ang aking pinakamamahal na asawa't mga anak.

Nawili akong panoorin ang pagkanta at pagtugtog nila. Kahit parehong walang emosyon ay may ipinapakita silang kinang sa mga mata. Mahal man ang mga ngiti nila na bihira kong makita iyon ang pinakamagandang ibinigay sa akin.

Si Shivelle Flear at Shiven Tlair ang bunga ng aming pagmamahalan kaya lubos ko silang minamahal. Bawat araw hindi ako mapapagod na iparamdam kung gaano ko sila kamahal dahil ito lang ang kaya kong gawin ang mahalin sila ng higit pa sa sarili.

"Mommy and daddy," hawak ni Shivelle ang mic at tumitig sa amin ni Flair. "Thank you for everything," ipinakita niya saakin ang malapad na ngiti, totoong ngiti na nagpapabagal sa pagtakbo ng mundo. "I'm not showy, mom and dad, but I love you two.. I really do. You two are the best parents in the whole solar system!"

Napatawa si Shiven Tlair kaya napangiliran ako ng luha. Bihira siyang tumawa pero kapag nangyayari na iyon tumatalon ang puso ko.

"Mom and dad, I love you." Iyon lang ang sinabi ni Shiven Tlair.

"That's it, Shiven Tlair?" Taas ang kilay na sabi ni Flair.."'Yon lang? Ang dami mong sinabi, ah, dugtungan mo naman."

Napatawa ako at hinampas ang balikat ni Flair. "'Wag mong pilitin."

Napabuntong hininga si Flair. "Alam ba ninyo kung gaano kami masayahin ng mommy ninyo tapos kayong dalawa parang laging walang buhay? Anak naman, para kayong laging may dinaramdam."

Tinawanan ng dalawang nagbibinata este dalaga at binata pala ang nakangusong labi ng ama. Nagpaunahan silang tumakbo at mahigpit siyang niyakap matapos ay magkasabay rin na humalik sa tig-kabila niyang pisngi kaya ang impakto halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti. Ganoon din ang ginawa nila sa akin hanggang sa isang family hug ang nangyari.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may malakas na sumigaw.

"Fiance!"

Sigaw ni Renvert Aliro, ang anak ni Rev at Ali. Tumakbo siya at mahigpit na niyakap si Shivelle, inis na inis naman itong isa dahilan para dibdiban siya.

"Don't touch me, you kid!" sigaw niya at patakbong naglakad pababa ng rooftop na sinundan naman ni Renvert. "What are you doing here?! Stop annoying me, Aliro!"

"Ganyan ba ang tamang pagtrato sa fiance?"

"I'm not your fiance!"

"I am! Daddy told me you're going to marry me!"

"I won't!"

Sinundan namin ni Flair nang tingin silang dalawa.

"Hi, bhessy," kumaway si Hershel Dream Belmonte kay Shiven Tlair, ang anak ni Clench at Rozel pinagkunutan niya naman ito ng noo. Lumapit siya muna sa amin at nakipagbeso bago pinulupot ang kamay sa braso ni Shiven.

"Don't dream.. I'm not your best friend," walang emosyong sabi niya at nagmartsa rin pababa ng rooftop na sinundan ni Hershel.

"I'm Dream," malapad na ngumiti si Hershel Dream. "Bhessy, let's go to the mall samahan mo ako."

"I'm busy."

"Huh? Wala ka namang ginagawa."

Napabuntong hininga si Shiven Tlair. "Just one hour."

"Two?"

"One."

"Three."

"One, period."

"Ang bilis naman noon."

"You're bothering me all day, Dream."

"Of course! You're my only bhessy."

"I said.. I'm not!"

Pinanood din namin ni Flair ang pag-alis nila.

"Ang mga bata talagang 'yon ayaw makipagkaibigan man lang," iiling-iling na sabi ni Flair.

"Trust me, they're friends, but avoid to show it," tiningala ko ang kalangitan. "That's the usual attitude of a Baider."

"Misteryoso? Ano pa bang bago?" Sabi ni Flair at hinalik-halikan ang pisngi ko. "My Over Melanin Zeal."

Hinalik-halikan ko rin ang pisngi niya. "My impaktong Flair."

"Thank you for loving me," bulomg niya.

"Thank you, too."

Mahigpit naming niyakap ang isa't isa habang nakatingin sa mga bituin.

"Shine," mahina niyang sabi. "You're my Shine Clear."

"You're my Javen Flair."

"All yours, baby cherish."

"All yours, Mr. Perfect."

Nilapit niya ang mukha at naglapat ang mga labi namin sa marahan, mabagal, punong-puno ng emosyon at pagmamahal.

"You're all to me," madamdamim niyang sabi.

"You're my everything," mahigpit naming niyakap ang isa't isa.

"Ikaw lang walang iba," bulong niya sa tainga ko.

"Wala talagang iba dahil kung hindi mapapaaga ang pagkamatay mo," madiin kong sabi na tinawanan niya lang.

Ang tawa niyang palaging masarap sa pandinig. Ang mga ngiti niyang nagpapakabog nang sobra sa dibdib ko.

I found the person who means the world to me.

Even if I go back to the past I will always choose to meet him again, hit him with my favorite rose and shout at his face again because that was the beginning of our unexpected love.

Javen Flair Imperial, my favorite person, my Mr. Perfect, my impakto, my earth, I have no home without him.

My final mission is to love him, love my family, and protect them until the end of my life.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinakatitigan ang mata ko sa paraang magpapakita ng lubos na pagmamahal.

"Araw-araw kitang mahal," ngumiti siya nang malapad. "Araw-araw gabi-gabi."

Natawa naman ako. "Baliw ka talaga kahit kailan."

"Ang pagmamahal ko saiyo ay 'di nababawasan lalo pang nadadagdagan." Humalik siya sa noo ko.

"The Unexpected, my Over Melanin Zeal."

"The Unexpected, my impaktong Flair," ulit ko at mahigpit na niyakap siya.

"Mommy, daddy! Si Shivelle Flear binugbog si Renvert Aliro!"

You have flaws, but yet Mr. Perfect.

- Shine Clear Baider-Imperial

Over Melanin/Cherish

Dangerous Fighter

AWAIT FOR THE UNEXPECTED LOVE IS OVER.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.