Nagpumiglas ako dahil hinarangan na nila ako papasok sa emergency room. Nanghihina akong lumuhod.
Bakit sobrang sakit naman ng araw na ito?
Hinila ako ni Kean at doon na ako humagulgol sa dibdib niya.
"Shhh. He'll be fine."
"Naaksidente ba talaga siya?!" galit kong tanong.
"We'll going to investigate."
"Parang hindi! Nasisiguro kong may gumawa nito!" Muli akong yumakap kay Kean. "Si Ariya.. patay na"
Natigilan siya.
"Ano?"
Hindi na ako nagsalita at umiyak nalang. Yumakap din sa akin si Lance, Carme at Clench.
"Iuwi mo si Carme, Lance, makakasama sa kaniya ang nangyayari," utos ko kay Lance.
"No! Sasamahan kita dahil best friend kita!" Lumuluhang sabi niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Para sa baby mo, please umuwi ka na."
Mahigpit niya muna akong niyakap at umiyak din bago umalis. Umupo nalang ako pero hindi tumigil sa pag-agos ang luha ko.
"Uminom ka ng tubig," inabot sa akin ni Clench ang bottle.
"Salamat."
Sinamahan ako ni Kean at Clench sa upuan hanggang lumapit si Taxon at umupo din. Walang nagsasalita, lahat ay gulat sa pangyayari.
"Tingin ko may kaaway tayong hindi natin kilala," biglang nagsalita si Kean.
"Kung kaya niyang gumawa ng ganito kalaking gulo dapat tayong maalarma," dagdag pa niya.
"The accident of Jave is impossible." Sabi ni Taxon. "Araw ng kasal niyo at imposibleng hindi siya mag-ingat."
"May bumangga kay Jave!" Napalingon kami sa tumatakbong si Rev. Ipinakita niya ang video sa amin, kuha sa CCTV.
Diretsong nagda-drive ang kotse ni Flair. Mabagal ang patakbo nang may kotseng bigla nalang lumitaw sa kaliwa niya at malakas na binungguan ang kotse niya. Hindi pa nakontento at tinangay pa iyon upang itama sa pader at saka ito mabilis na nag-drive palayo.
Nakuyom ko ang palad ko at nanggalaiti sa galit.
Kapag si Flair ang nawala. Buong angkan ng taong gumawa nito.. buburahin ko sa mundo.
"Princess!" Tumatakbong sigaw ni Kuya Zen.
"Nawawala si Mel Zeke at Mel Zaimon!"
Napatayo ako bigla at umiling-iling. Wala na akong mailuha. Galit ang nararamdaman ko.
Hindi ito pwede! Bakit pati ang mga kapatid ko?
"Nasa church lang sila kanina dahil sa kaguluhan hindi namalayan na nawawala pala sila. Nilibot ko ang buong lugar kahit sa bahay. Imposibleng hindi sila pumunta dito dahil sa nangyari!" aligagang sabi ni Kuya Zen.
Mariin ang pagkakakuyom ko sa kamao ko. Ngitngit sa galit ang mga ngipin at matalim ang mga mata.
"Sumusobra na talaga!" Gigil na gigil kong sabi.
Bakit ang mga taong mahahalaga sa buhay ko?
Nagmamadali ring lumapit si mommy and daddy.
"Hindi namin mahanap si z2 at z3!" naalarma ding sabi ni daddy.
"May kumuha sa kanila!" Inis kong sigaw.
Gusto kong takbuhin ang pagitan namin ng taong nasa likod nito pero hindi namin alam kung sino.
"Elle, are you okay?" tumatakbong sabi ni Nel Jan at humawak sa akin.
Tinitigan ko siya nang masama.
'Wag niyang sabihing siya nanaman?
Agad dumapo ang kamao ko sa mukha ni Nel Jan at kwenelyuhan siya. Pormal rin ang suot niya dahil inimbita ko siya.
Pagkakamali ba ang ginawa kong pakikipagkaibigan sa kaniya?
"Elle, hindi siya! Kasama namin siya ni Kean maghanap kay Jave!" pilit tinatanggal ni Rev ang pagkakahawak ko sa kwelo ni Nel Jan.
"Ikaw ba?" Madiin kong tanong sa kaniya.
Todo iling siya. "Hindi ako. Matagal nang tapos ang nangyari sa pagitan natin! Nandito ako para tumulong!" depensa niya.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakwelyo.
"Don't lie to me!"
"Hindi nga ako, Elle! Kahit patayin mo ako ngayon, hindi ako!"
"Hindi siya. Nasisiguro ko 'yon." Lumapit na si Kean at hinila ako.
"Kapag nalaman kong ikaw Nel Jan.. " inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Pa-pa-ta-yin ki-ta" pagdidiin ko sa mga salita.
Tumayo siya at tinitigan akong mabuti. "Pinapangako ko saiyong hindi ako. Bakit ko sisirain ang kasal mo? Humingi na ako ng tawad sa kasalanan ko. Totoo 'yon. Papatunayan ko saiyong hindi ako!"
"Sinabi ko naman saiyo na nandito ako kapag kailangan mo." Tinalikuran niya kaming lahat.
Matalim kong tiningnan ang likuran niya.
"Siguraduhin mo!" Sigaw ko pa sa kaniya.
Tumulo nang tumulo ang luha ko.
"z2, z3.." mahina kong sabi. "Nasaan kayo?" Pinunasan ko nang pinunasan ang luha ko.
Sinilip ko ang emergency room. Nakita ko ang nakapikit na si Flair.
Baby...
Parang hindi ko na makayanan ang lahat ng nangyayari.
"Saan ko hahanapin ang dalawa kong kapatid?" bulong ko sa sarili ko.
Nabigo na akong protektahan si Ariya. Hindi ko kakayanin kung pati ang pamilyang kinalakihan ko ay mabibigo ko rin. Hirap na hirap na ako.
'Wag ang mga taong mahal ko! 'Wag sila kahit ako nalang!
"Partner," pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Lance.
Mabilis niya akong niyakap. Siya 'yong tipo ng taong akala mo walang pakialam sa mundo pero sa pagkakataong ito nagawa niya akong damayan.
"Nasaan na si Carme?"
"Nasa bahay."
"Bakit mo iniwan? Hindi tayo nakakasiguro kung ligtas ba tayong lahat."
Yumuko siya, hindi na rin alam kung ano ang gagawin.
Dumating ang mga miyembro ng HTH Organization. Tinapik ako sa balikat ni BossRill.
"Hinahanap namin kung sino, z4." sabi niya.
"Salamat, BossRill."
"Kumusta si Jave?"
"Not okay," malungkot na sabi ko. "BossRill, nawawala din ang dalawa kong kapatid."
"What?!" nagulantang din siya. "Baka isa sa mga nakabangga ng HTH ito, z4."
"Not sure."
"We need to find them!" inis na sabi ni Lance.
"Calm down, LJ, mahahanap din natin." tinapik din siya sa balikat ni BossRill.
"Elle!"
Nakita ko si Nel Jan na papalapit. Nagdalwang isip ako kung pagkakatiwalaan ko pa rin siya.
"Nakita ko ito sa mga gamit ni Jave," inabot niya sa akin ang kapirasong papel.
Puno iyon ng dugo at ang natitirang parte na puti ay lang may sulat.
'Isa-isang malalagas at unti-unting mawawala ang iyong angas. Magpaalam ka na habang maaga pa'
To: z4