Shine Clear's POV
Hindi ako nakapagsalita. Natutop ko ang bibig ko. Gumapang ang kaba ko at nangilid ang kuha ko.
Imposibleng magka-amnesia siya wala namang sinabi ang doctor.
"Sandali tatawagin ko si Kuya Zen," akmang tatayo ako pero hinila niya ako pabalik.
"Ang ganda mo kasi," malapad na siyang ngumiti.
Gusto kong paghahampasin siya kung hindi lang dahil sa mga sugat niya. Pinakaba niya ako nang todo.
Kainis talagang impakto ito! Akala ko kung ano na.
"Shut! Hindi natuloy ang kasal natin dahil naaksidente ako?" Gusto niyang tumayo pero pinigilan ko.
"Oo, itutuloy natin kapag magaling ka na."
"Bakit ganyan ang suot mo? Saan ka pupunta?" Kunot noo niyang pinasadahan ang hitsura ko.
Anong idadahilan ko?
"Wala, trip ko lang hehe."
Tinitigan niya ako. "Saan nga?"
"Magse-selfie hehe." 'Yon na ang pinakamalaking kasinungalingan ko sa buhay. Gusto kong tawanan ang sarili pero nauna nang tumawa si Flair.
"Elle."
Napalingon ako sa pinto.
Gosh! Boses 'yon ni Nel Jan.
"Wait." Tumayo ako agad at nagmadaling buksan. Hinila ko si Nel Jan.
"Wag ka magpapakita kay Flair gising na siya. Intayin mo ako sa sala." Itinulak ko siya paalis.
"Sino 'yon?" tanong agad ni Flair.
"Si manong, nagpaalam na uuwi na."
Ang galing mo na magsinungaling, Elle. Gosh!
May itatanong pa sana si Flair pero pinatahimik ko na siya nang halikan ko.
'Wag ka na magtanong. Kainis ka naman. Paano ko ito mapapatulog para makaalis na?
Inihiga ko siya habang nakadampi pa rin ang labi sa kaniya. Nag-iisip ako kung paano ako tatakas sa impaktong ito.
"Baby cherish, sumasakit sugat ko sa ginagawa mo." Nakangiti niyang sabi. "Na-miss mo ba ako?"
"Yeah." Habol ko ang hininga. Nakagat ko ang labi ko.
Anong gagawin ko para matulog ulit ito?
Tinawagan ko si Kuya Zen na pumasok sa kwarto.
"Lalabas muna ako, baby, titingnan ka ni Kuya Zen. Magpahinga ka okay?"
Tumalikod na ako sa kaniya.
"Cherish.."
Nilingon ko ulit siya.
"I love you.." iyon na yata ang pinakamalambing na pagkakasabi niya no'n.
"I love you always."
Iniwan ko na siya sa kwarto. Inutusan ko si Rev na makipagkulitan sa kaniya mamaya para hindi ako hanapin.
"Let's go." Sumunod sa akin si Kean at Nel Jan.
Hawak ko ang maliit na speaker. Si Kean ang nag-drive at nasa likod si Nel Jan. Nang marating namin ang lugar ay ang daming naglalakihang katawan ng lalaki ang nakaharang.
Madali lang ito.
Akmang lalabas ako pero pinigilan ako ni Kean.
"Anong gagawin mo?"
"Watch me."
Hindi kami pwedeng basta nalang manipa o manuntok dahil iba't ibang grupo ng sindikato ang nasa loob. Kung babanggain namin ang hindi namin kilalang grupo gagawa 'yon ng ingay. Posible pang tugisin kami at hindi na makalabas ng buhay kaya dapat smooth lang.
Hawak ko ang speaker. Ngumiti ako nang malapad sa kanila.
"Hi, boys!" Pinalandi ko ang tinig noon.
Pinasadahan ako ng tingin ng mga lalaki at gumuhit ang mga ngisi sa labi nila.
"Pwede ba akong pumasok?"
"Aww, sorry, Ms. Beautiful bawal kapag hindi taga-rito."
Gusto kong magtiim bagang pero nginitian ko nalang siya.
"Balak ko kasing sorpresahin ang kaibigan ko."
"Pasensya na tala--"
"Kahit sayawan ko kayo?" Malandi kong tanong.
Pinindot ko ang speaker. Nakangiti akong sumayaw, swabe at sexy. Wiling-wili sila sa panonood. Ginandahan ko pa ang giling.
Kung hindi lang maaalarma ang mga tao sa loob pinagsisipa ko ito.
Akmang lalapit ang isa pero pasimple ko siyang tinulak. Umikot ako para kunin ang baril ng isa. Hindi sila nakakahalata na kinukuha ko na ang mga baril nila. Patuloy lang ako sa pagsayaw. Hindi na nakatiis si Kean at bumaba. Sumunod naman si Nel Jan. Pasimple ko silang tiningnan nang masama.
Sinisira ang plano!
"Sino kayo?" Akmang lalapit ang isa sa kanila pero pinigilan ko.
"Mga kuya ko hehe." Ako na siguro ang pinakamalanding babae.
Nang matapos ang kanta ay pinapasok kami ng mga lalaki.
"Bakit mo ba ginagawa ang gano'n? Kapag nalaman ito ni Jave magagalit 'yon!" Asik ni Kean. "Hin--"
Pinatahimik ko si Kean nang ilagay ko ang hintuturo sa bibig niya at malapad na nginitian siya. Napahinto siya at tinitigan ako.
This is my charismatic moves.
"See? Pati ikaw naakit ka. Marami ang nagagawa ng pagiging babae, handsome. Kung hindi ko gagawin ito hindi pa tayo nakakarating pagod na tayo sa dami ng kalaban dito." Nginisian ko siya.
Tahimik lang si Nel Jan na nakatingin sa amin.
Muli akong nagrampa habang dinadaanan namin ang mga lalaki. Wala silang masabi kung hindi sipol. Imbes na harangin kami ay tinitigan ako. Hindi nila alam na ang kalaban ang mismong sinisipulan nila.
Pinaganda ko pa ang ngiti at pagrampa. Sinilip ko 'yong dal'wa na halatang iritado na dahil parang nababastos ako.
May humarang na isang lalaki.
"Hi miss, saan punta mo? Hatid na kita." Nakangising sabi nito.
"Talaga? Sa Flores. Alam mo ba kung saan ang daan papunta sa liblib na lugar?" Kininditan ko pa siya.
"Sure." Akmang aakbay siya pero pasimple kong tinanggal.
Itinuro ko si Nel at Kean.
"Magagalit ang mga kuya ko." Malandi kong sabi.
"Sorry mga kuya." Yumuko pa ito sa dalawa. Pinigilan ko ang matawa.
Narating namin ang lugar.
"Thanks, pogi!" Malandi kong sabi sa lalaki.
"Welcome miss, pwede ko bang makuha number mo?"
"Bawal," si Kean ang sumagot.
"Sorry, istrikto si Kuya," malandi pa akong tumawa at hinampas ang braso niya. "Don't worry babalik ako bukas." Kinindatan ko pa siya.
Iritado akong tiningnan ni Kean. Hinubad niya ang jacket at binigay sa akin kahit may jacket naman ako.
"Okay lang ako. No worries. Kailangan natin ito para makapasok dito."
"Fuck!" Hindi niya ako pinansin at nagpatiuna.
Nagkibit balilikat nalang ako kay Nel na ngayon ay nakatingin din sa akin. Kunot ang noo.
Gumapang kami papasok sa loob. Ang daming tauhan, hindi ko alam saan kami magsisimulang pumasok dahil marami ang daaanan.
"Maghiwalay kaya tayo?"
"Hindi pwede. Mas magandang magkakasama tayo para kung sakaling mahuli tayo madali tayong makakapanlaban," sabi ni Nel Jan.
Tumango naman kami sa kaniya. Dahan-dahan kaming nagtago sa pader. Nagmadali kami nang mawala ang mga bantay pero ingat na ingat makagawa ng ingay. Hindi pa namin sigurado kung ito bang building na ito ang may hawak kala z2.
Napatago kami nang makitang may paparating. Sinilip ko iyon, nanlaki ang mata ko nang makita ako. Sinenyasan ko silang dalawa na 'wag lumabas. Ako ang nagpakita at ngumiti sa kanila.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Nawawala ako. Pwede bang pakisamahan ako sa main door?" Malandi kong ani.
"Sige na pre, samahan na natin. Makakatanggi ka ba sa ganda niya?" Nakangising sabi ng isa.
Sinenyasan ko 'yong dalawa na sumunod. Nakita ko silang dahan-dahang nagtatago kung saan-saan.
Gosh! Parang hindi ito.
Lilinga-linga ako para hanapin sila z2.
"May dinala ba ditong lalaking moreno? 'Yong isa sakto lang ang kulay, pogi siya, singkit ang mata at matangos ang ilong. 'Yong isa naman negro talaga?" Ngumiti ako nang malapad para mang-akit.
"Wala miss, wala pang pumapasok na ibang tao simula noong isang araw. Ikaw lang yata."
Gosh! Hindi nga dito.