Chapter 34

Shine Clear's POV

"Babe pala, huh? Punta ka sa bahay, babe." Padabog akong pumasok sa mansyon.

Habol nang habol si Flair sa akin.

Sinungaling, manloloko!

"Cherish, hindi ko alam bakit niya ako tinatawag na babe! Baliw na 'yon, eh!"

Hinila niya ako sa braso ko pero hiniklas ko lang. "Rinig na rinig ko nga! Babaero!"

"No way! Wala akong ginagawang masama! Ilang ulit ko bang sasabihin saiyo?" Hinila niya nanaman ako at niyakap. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Wala! Babe!" Asik ko sa kaniya.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya at nagmartsa sa hallway ng mansyon.

"Cherish! How many times that I need to repeat that I'm not flirting with someone!"

"Babe!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ulit-ulit tayo, wala nga akong ginagawang masama!" Nauubusan na siya ng pasensya.

Lumapit ako at sinampal siya. Tumulo na ang luha ko. Nahawakan niya ang pisngi dahil sa lakas no'n.

"Rinig na rinig ko tatanggi ka pa! Pagtatakpan mo pa ang kasalanan mo!"

"Wala akong kasalanan. I swear to this family I didn't do something that can ruin us! Magtiwala ka naman!" Nakikita ko na ang pangingilid ng luha niya.

"How?!" Madiin kong sabi. "If I heard what she said! She called you babe! Fucking impakto!" Galit na galit ako sa kaniya.

"Uulitin ko nanaman? Hindi ko nga alam kung bakit 'yon ang tawag niya. I was ignoring her all my stay at the clinic!"

Lumapit ako at sinipa siya. Napahawak siya sa hita dahil malakas nanaman 'yon.

"You're a sadist!" Asik niya.

"Yeah! At kapag dineny mo pa puputulin ko 'yang junjun mo!"

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan. "Shut! I didn't do anything."

"Ano?!" Hamon ko sa kaniya.

"Mom, dad, are you fighting?"

Napalingon kami kay Shivelle Flear na ngayon ay nakatingin sa amin. Yumakap agad ako sa baiwang ni Flair.

"No." Pinilit kong ngumiti. "We're just.. talking." Kahit nangingilid ang luha ko ay pinilit kong 'wag tumulo.

"Mom." Lumapit si Shivelle Flear at nagpakarga sa akin.

"Miss, mommy?" Hinalikan ko siya sa pisngi. Tumango siya at ngumiti.

She's smart. She knows my feeling right now. Hindi siya ngingiti ng ganyan kung hindi niya alam.

Nakita ko ang matalim niyang tingin kay Flair.

She understands everything.

Tatlong taon palang siya pero bakit kung mag-isip siya parang ang tanda niya na. Hindi niya pinansin si Flair kahit kinakausap siya nito. Hindi niya man alam ang buong detalye alam niyang may ginawa ang daddy niya.

"You love mom, right?" Cute ang boses na sabi ni Shivelle Flear. Natigilan kaming dalawa ni Flair at tiningnan siya.

"Yes, of course." Sagot ni Flair.

"I keep an eye to you dad." Inilagay pa niya ang dalawang daliri sa mata ni Flair pagkatapos ay sa mata niya na parang nagsasabing 'I watch you'.

Napalunok si Flair sa ginawa niya. Parang siya pa ang natakot sa anak niya.

Nilingon ako ni Shivelle Flear at pinakita ang malapad na ngiti na halos hindi na makita ang mga mata. Pumunta siya ng kusina kaya sinundan namin. Pilit niyang binubuksan ang ref pero hindi niya mabuksan kaya ako na ang nabukas.

Nagugulat ko siyang tiningnan nang ibigay niya sa akin ang chocolate cake.

"I love you, mom." Nangilid ang luha ko.

"I love you too." Humalik ako sa noo niya.

Hindi niya man lang inalok ang ama na kumain din ng cake. Sinubuan niya pa ako at hinahalikan sa pisngi. Pansamantalang nawala ang kirot sa puso ko dahil sa ginawa niya. Ni hindi man lang siya nagalit dahil hindi ko siya naalagaan kagabi.

Napalingon kami nang bumaba si Taxon nang hagdan.

"Where are you going?"

"Kay Vinea." Tipid niyang sagot.

Lumapit siya at humalik kay Shivelle Flear at humalik din sa noo ko.

"Ilang araw akong mawawala dahil kapag hindi ko napigilan kung ano magawa ko sa Brekley na 'yon." Galit na sabi ni Taxon.

"Why?"

"Let's talk next time. Aalis na ako, bye." Nagpaalam na si Taxon.

Nagmamadali siya, nag-alala tuloy ako kung ano ang nangyari.

"Is tito love Vinea?" Tanong ni Shivelle Flear.

Ang bata-bata pa kung anu-ano na ang tinatanong. Curious siya sa maraming bagay.

"Hmm. It's an old thing, angel." Sagot ko sa kaniya.

"Yeah. I'm not old, 'cause I'm still your baby." Paglalambing niya sa akin.

"Yes! Always." Pinanggigilan ko ang pisngi niyang cute na cute.

"Are you going to sleep with me this night, mom?" Bigla ay tanong ni Shivelle. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang labi niya.

"Gusto mo bang katabi si mommy?" Masigla kong sabi.

"Yes!"

"Ako rin tatabi!" Singit ni Flair.

"Sleep alone, dad." Mataray na sabi ni Shivelle Flear. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Shivelle! Come to tita! We're going to mall!" Nilingon namin si Diamond.

Kinuha niya agad si Shivelle.

"We're going." Magsasalita pa sana ako pero tumalikod na siya karga si Shivelle.

Nawili talaga siya kay Shivelle, bihira na siya magmaldita ngayon. Naiwan kaming dalawa ni Flair. Katahimikan ang nangibabaw. Niligpit ko nalang ang pinagkainan at hinugasan.

"Cherish.." malambing niyang tawag.

Hindi ko siya pinansin. Nilampasan ko lang siya at dumiretso sa kwarto.

"Let's talk," pagsusumamo niya.

Wala, kahit ano pang sabihin niya hindi ko siya kinausap. Nakakapagod, may ebidensya na nga tumatanggi pa siya.

Mamatay na ang babaero! Kasal na lumalandi pa!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.