Chapter 12 GOC-KTCK 29

“ROBINSON, may bisita ka,” excited na sabi ni Ate Marjorie nang sila sa sumilip sa likod-bahay habang nagluluto sila ng barbeque sa likod-bahay bilang hapunan. Masaya ang atmosphere sa bahay sa kabila ng simpleng salo-salo nila. Ganoon pala kapag buo ang pamilya. Kahit pagod sa paghahanda basta lahat ay masaya.

“Sino?” tanong ng binata. May mga dumadalaw din na mga kaibigan sa binata at pati mga inaanak. Mukhang may humabol pa.

“E di ako, bestfriend!” anang lalaki na nakasuot pa ng bulaklaking polo, maong shorts at straw hat nang lumabas ng bahay. “Happy Christmas, bestfriend.”

“O, Rex! Nakauwi ka na,” anang si Robinson at nilapitan ang lalaki.

Nanigas ang buong katawan ni Ashley. Nandito na ang nobyo ng ama niya. The gold digger. She could feel her blood simmering. Nanginginig din ang kamay niya na may hawak ng tong. Sa wakas ay magkakaharap na sila.

“Gusto ko namang bumalik dito sa probinsiya para sa Pasko. Gusto rin ni Ron dahil nakakasawa daw ang Boracay. Madaming tao. Naku! Matutuwa ka sa regalo naming Magic Sing. Para masaya ang videoke natin ngayong Pasko. Ano itong balita ko na may girlfriend ka na daw? Siya ba?” Pakendeng-kendeng pa siyang nilapitan ng lalaki at inilahad ang palad niya. “Hi! I am Rex, bestfriend ni Robinson. And you are?”

“I am Ashley. Ashley Delaney,” aniya at kinamayan ito.

Namutla ang lalaki habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. “Ashley. Ikaw ang...”

“Yes. Ron Delaney’s daughter. At last we meet.” At sinadya niyang pisilin ang kamay nito. “What shall I call you? Stepmother?”

“Ashley, what are you doing here?” tanong ng ama niya at. “I thought you are back in the States.”

“Didn’t you receive the message that I lost my passport, may cards, gadgets and money?” tanong niya sa ama sa malambing na boses. “Kaya nga po nagbabakasyon muna ako dito sa Pilipinas as one poor tourist. Isn’t it grand?”

“What do you mean you lost it?” bulalas ng matandang lalaki.

“Nanakawan po siya ng riding in tandem nang papunta na siya sa hotel mula sa condo ninyo. Hindi ko naman na-contact ang cellphone mo kaya isinama ko muna siya dito sa probinsiya. Kawawa naman po si Ashley kung magdiriwang lang siya ng Pasko na mag-isa,” malungkot na kwento ni Robinson.

Nahigit ni Rex ang hininga at natutop ang bibig. “I am sorry. Nabasa kasi ang mga cellphone namin. Wala naman kaming mabiling maganda sa Boracay kaya nag-decide ang dad mo na i-enjoy na lang namin ang bakasyon kahit walang phone.”

“Yeah! How convenient. Ni hindi mo rin binuksan ang Facebook mo? Di ninyo naisip na baka may emergency o patay na ako?” Naningkit ang mga mata ni Ashley. Nag-evaporate na ang lahat ng good vibes niya ngayong Pasko. “Maybe you deliberately did it. Gusto mong ilayo sa akin si Dad para mauto mo pa rin at maubos mo ang lahat ng pera niya. Kung mapapahamak nga naman ako, pabor na pabor sa iyo para masolo mo si Dad.”

“Bejeezus, Ashley! This is not the time or place for that. Wala tayo sa sarili nating lugar and it is Christmas. Can you keep your issues to yourself first? Pwede bang palipasin muna natin?” angil ng ama at hinaklit ang braso niya.

“Yeah! Thanks, dad. Mas importante talaga sa iyo ang well-being ng boyfriend mo at kung paano niya limasin ang pera ninyo. Nagagawa pa ninyo siyang ipagtanggol samantalang akong anak ninyo ang nagmamalasakit sa inyo. You don’t even care if I got robbed. You didn’t even bother to ask if I got hurt. O nakalimutan na rin ninyo na may anak kayo at lalapit lang kayo sa akin kapag may kailangan kayo? Kailan ninyo maalala na may anak ulit kayo? Kapag wala na kayong pera na naman? Kapag nai-freeze na naman ng bangko ang account ninyo saka kayo tatakbo sa akin?”

Wala siyang pakialam kahit na Pasko pa. Ang mga ito ang sumira sa Pasko niya. Ipinaalala ng mga ito kung bakit bumalik siya sa Pilipinas.

Biglang huminahon ang ama niya. “Honey, I didn’t mean it that way.”

“I am not a kid, Dad. I know exactly what you mean. You are just like mom. You don’t really care about me.”

At napayuko ang ama. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyari, na ipapamukha sa kanya ng ama na hindi siya mahalaga dito. Akala niya ay sila lang ang magkakampi. Mali pala siya. Di na siya parte ng buhay nito.

“Rex, mag-videoke muna kayo ni Sir Ron. Mag-uusap lang kami ni Ashley,” anang si Robinson sa magaang boses.

Sumunod naman ang lalaki at inakay ang ama niya palayo. Tumalikod naman si Ashley at binalikan ang iniihaw. Sinadya niyang sagapin ang usok para maluha man siya ay hindi gaanong halata na umiiyak siya.

“Ashley, siguro naman hindi sinasadya iyon ni Rex at ni Sir Ron,” sabi ng lalaki.

“Lahat na lang hindi sinasadya? Kapag nakasakit sila okay lang?? Ayos lang kahit na ako masaktan pero sila di pwedeng kantiin,” panggagalaiti niya. “Fine. Sanay na ako.” Tumigil siya sa pagbibiling ng iniihaw at hinarap ito. “Gusto mo ba mag-empake na rin ako ng gamit para di nakakahiya sa kanila?”

“Hindi ako papayag na umalis ka Ashley. Dito ka lang,” anito at hinawakan ang balikat niya. “Kakausapin ko si Rex. Alam ko na may mali sa ginawa niya. Hindi ako konsintidor na kaibigan. Pero pwede ba kahit ngayon lang Pasko hayaan mo na? Gusto ko na maging masaya tayo ngayon.”

Huminga ng malalim. “Pagbibigyan kita sa ngayon. I will be civil to them because of your family. Saka dahil ang alam nila ay kaibigan ko rin si Rex. But that’s it. Pag-uwi ko ng States, isasama ko rin pauwi si Dad. And nobody can stop me.”

HINDI maipinta ang mukha ni Ashley habang masayang nagkakantahan ang mga tao sa bakuran nila Robinson gamit ang regalong Magic Sing ni Rex. Correction. Regalo ni Rex pero pera ng ama niya. Wiling-wili ang pamilya ni Robinson dahil di naman mura ang regalo na iyon.

Hindi niya magawang i-antagonize si Rex sa harap ng pamilya ni Robinson. Nakikita niya na malapit ang lalaki sa mga Dakila at parang pamilya na ang turing dito. Nakakainis lang dahil parang siya ang kontrabida sa kwento. Siya ang napahamak. Nagkagulo ang buhay niya dahil kasalanan ni Rex.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.