Chapter 12 GOC-KTCK 30

Pumasok siya sa loob ng bahay para makaiwas na lang. Baka di niya mapigilan ang sarili at sumabog na lang siya doon. She was not good in being civil either.

Naabutan niya sa kusina si Nanay Talia na naghuhugas ng plato. “Ako na po diyan, Nay.”

“Ayaw mo bang mag-videoke?”

“Nanay, kami na lang po ni Ashley ang maghahanda niyan,” singit ni Rex. “Naka-reserve na po ang I Will Survive ninyo.”

“Talaga? Sige. Kayo na ang bahala diyan, ha?” At nagmamadali nang lumabas si Nanay Talia. Naiwan silang dalawa ni Rex doon.

Ito ang nagmismis ng plato at siya naman ang nagsabon. Tinaasan niya ito ng kilay. Tahimik lang itong nagtatrabaho. “Sobrang sarap mag-Boracay, ‘no? The beach, the sands and you stayed in a swanky hotel. Kahit pala mamamatay na ang anak ng boyfriend mo, wala kang pakialam. Sabagay maganda nga naman dahil wala nang kontrabida para masolo mo si Dad. Nobody will thwart your plans to get on his money. Oh, maybe even my money. After all, si Dad ang magmamana ng pera ko.”

“Hindi ko hihingin na mapahamak ang kahit na sino. Nasira talaga ang cellphone ko...”

“As if I will buy that bull...” Pinigil niya ang bibig dahil ayaw niyang magmura sa araw ng Pasko. “Hindi ako naniniwala na nasira ang cellphone mo at nagkataon lang na di mo nabasa ang message ni Robinson sa iyo. You already know that I am here to bring my dad back to the States. Umaasa ka na babalik ako ng Amerika kapag di kayo bumalik agad. Paano pala kung wala si Robinson para tulungan ako? Where would I be? Thanks to you, napahamak ako. And you have the nerve to make excuses. As if ikaw ang kawawa.”

Naluha ito. “ I am sorry. Alam ko na di ka maniniwala sa akin kapag sinabi kong di ko gustong mapahamak ka. Hindi ako masamang tao. Aaminin ko na sinadya kong itago kay Ron na nandito ka. S-Sinadya kong basain ang cellphone namin.”

Sa wakas ay inamin din nito ang pananabotahe nito. “I knew it. Parang wala lang sa iyo na basain ang iPhone, ‘no? Palibhasa maraming pambili si Dad. Sabagay, hindi mo naman pinaghirapan. Di mo man lang naisip na baka magka-emergency?”

“G-Gusto ko lang naman siyang makasama. Pero akala ko babalik ka din ng Amerika kapag di mo siya nahintay. Hindi ko alam na maghihintay ka pa rin o may mangyayaring masama sa iyo. Hindi ko iyon ginusto. Mahal ka ni Ron kaya kapag may nangyaring masama sa iyo, sigurado ako na masasaktan ka. At masasaktan din ako.”

“Enough of the drama. I won’t believe any word from an opportunistic like you. Tingnan mo nga ang sarili mo saka mo sabihin sa akin na di mo ginagamit ang pera ni Dad. Na di ka interesado sa pera niya.” Natahimik ang lalaki. “See? Let’s stop kidding ourselves. You are after my dad’s money. At kapit-tuko ka sa kanya dahil sa pera. It has nothing to do with love. Kapag nawalan ng pera si Dad, I am sure you will move on. Iiwan mo siyang mag-isa.”

Lumunok si Rex. “Kahit anong sabihin ko, alam kong hindi ka maniniwala. Hindi rin kita mapipigilan kung gusto mong sumama si Ron sa iyo pabalik ng Amerika. Ang hihingin ko lang sa iyo, huwag muna tayong magtalo. Magpanggap tayo na okay tayo.”

Pagak siyang tumawa. “You mean, I must pretend that I like you for my dad. Hindi ako artista. You are asking too much.”

“Pwede tayong civil sa isa’t isa. Gusto ko magaganda ang maging alaala ni Ron sa huling araw niya dito sa Pilipinas. Hayaan mo lang kami na maging masaya hanggang umalis na kayo. Ako pa mismo ang kukumbinsi sa kanya na bumalik sa Amerika.”

“Tapos itatakas mo siya?”

Umiling ito. “Hindi. May isang salita ako. Kahit ilang araw lang.”

“Tama na ang paglilinis diyan. Let’s have fun. I want to be with the two most special people in the world for me when I sing,” anang ama niya at inakbayan silang dalawa ni Rex. Di man lang nito nahalata ang tensiyon sa pagitan nila.

Tahimik si Ashley sa videoke habang pinagmamasdan ang ama at si Rex. Umiinom na naman ng beer ang ama niya. Gusto sana niya itong paalalahanan pero naunahan siya ni Rex. “Ron, that’s enough,” anang lalaki at inagaw sa ama niya ang bote ng San Miguel Beer.

“Aw! It is just the fourth bottle,” angal ng ama niya.

“Only three bottles for you today. Only iced tea for you.” At sinalinan ang baso ng iced tea saka inilapag sa harap ng ama.

Nagpapaawang tumingin ang ama sa kanya. “Ashley, help me out here.”

“Dad, makinig kayo kay Rex. Only three bottles,” mariin niyang sabi.

Lumabi ang ama niya. “Okay.” At saka tinungga ang iced tea.

Nakikinig ito kay Rex. Hindi siya makapaniwala. Kahit ang mga therapist sa rehab ng ama niya ay wala itong pakialam. Paglabas ng rehab ay iinom na naman ito.

“Napapansin mo ba kung umiinom si Dad noong nasa condo siya?” tanong niya kay Robinson.

“Ganyan lang. Tatlong bote kapag nandiyan si Rex. Nakokontrol niya ang pag-inom. Nabanggit sa akin ni Rex na tinanggap niya ulit si Ron sa buhay niya basta nangako si Ron na hindi na magiging alcoholic pa. He is good for your father.”

Humalukipkip siya. Hindi pa rin siya impressed. “Hindi pa rin mababago ng katotohanan na interesado siya sa pera ni Dad.”

“Matanda na ang tatay mo. Naglilibang na lang siya. Naikwento sa akin ni Rex kung paano sila nagkakilala ni Sir Ron. May kasama daw na Pinay noon ang dad mo sa isang bar. Lasing na ang dad mo. Ginulpi dahil pinagbintangan na nambabastos at ninanakawan siya ng pera. Si Rex ang tumulong sa dad mo para di makuha ang pera. Your dad owes him.”

“At anong kaibahan niya sa mga magnanakaw na iyon?”

“Inaalagaan niya ang dad mo. Siguro nga may pakinabang siya sa dad mo pero kusang loob iyon ng ama mo. Napapasaya siya ni Rex at iyon ang kailangan ng ama mo. Si Rex di na iba sa pamilya namin. Naulila siya noong fifteen lang siya pero itinaguyod niya ang sarili niya. Sa mga naging karelasyon niya dati, lagi na lang siya ang nag-aalaga at nagbibigay. Kay Sir Ron lang siya nakatagpo ng pag-aalaga na sinusuklian. They look after each other.”

Napalingon siya nang tumawa ang ama niya habang sumasayaw. Hindi iyon saya dahil lasing na ito. He was sober and he was having fun. Gaano katagal na ba niyang nakita na ganito kasaya ang ama niya mula nang iwan sila ng kanyang ina? She had never seen this happy. At si Rex ang dahilan ng lahat ng iyon.

“Okay. Hindi ko aawayin ang kaibigan mo habang nandito kami ni Dad sa Pilipinas,” sa wakas ay sabi ni Ashley.

“Talaga?”

“Yes. Pagbibigyan ko lang ko si Dad sa ngayon. That’s it. In the spirit of Christmas.”

Pinisil ni Robinson ang kamay niya. “Salamat. Malaking bagay na iyan para kay Rex at sa daddy mo. Hindi ka rin kasing tigas ng inaakala mo. You have a soft heart.”

“Ewan ko ba kung paano nangyari iyon.”

Si Robinson ang dahilan kung bakit lumambot ang puso niya. Why she learned how to care. Dati akala niya ay wala siyang pakialam sa emosyon dahil manhid na siya. Di siya nadadala sa drama. Di siya nadadala sa nakikita lang niya. Pero naiisip niya ngayon, paano kung mahal nga ni Rex ang ama niya? Paano kundi naman ito kasing sama ng inaakala niya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.