Nang matapos ang halik ay nanatili siyang nakapikit. “Don’t wake me up. Don’t wake me up.”
“Gusto mo bang gisingin kita ng halik para malaman mo na hindi ka nananaginip.”
Dumilat siya at yumakap sa baywang nito. “Natatakot ako na pagdilat ko nasa tabi mo si Lhala at sinasabi mo sa lahat na siya ang Christmas girl mo.”
“Magkaibigan na lang kami.”
“Pero akala ko... Lagi kayong magkasama. Kaya mo siya tinuluingan dahil mahal mo siya at pagkakataon na para ma-realize niya na ikaw ang lalaki para sa kanya. Saka kaya ka nagpunta dito sa New York dahil gusto mong patunayan na karapat-dapat ka sa kanya.”
“Nagpunta ako sa New York para makasama ka. Kung anuman ang nararamdaman ko kay Lhala, awa na lang iyon at concern. Di ko siya maiwan dahil kailangan niya ng tutulong sa kanya. Kailangan niya ng mapagkukunan ng lakas. She is okay now. Sinabi niya na gusto niya ako pero huli na. Pero habang kasama ko siya, doon ko rin na-realize na hindi na siya ang nakakapagpasaya sa akin. My heart belongs to someone else now. Sa iyo na ang puso ko.”
“How romantic!” anang si Rex na mangiyak-ngiyak habang kaakbay ang ama niya. “Ang ganda ng idea ko, hindi ba, bestfriend?”
“Ikaw ang nakaisip nito?” tanong ni Ashley.
“Hindi ko kasi alam kung paanong sasabihin sa iyo na gusto rin kita. Madami akong ideas kaya tinulungan nila ako ng dad mo para piliin ang pinakamagandang paraan para sabihin na mahal kita,” sabi ni Robinson at kinintalan siya ng halik sa noo.
“Thanks, Dad! Thanks, Rex!” Ayaw ni Rex na tawagin itong stepmom. Rex lang daw. Wala daw itong planong tapatan ang pwesto ng kanyang ina. Nang taon na iyon ay nagkaayos din sila ng nanay niya at nangakong dadalaw ito sa kanya kung plano man niyang umuwi ng Pilipinas.
“Girl, I am so happy for you!” tili ni Cara. “Naiiyak tuloy ako.” At ipinaypay nito ang kamay sa mukha. “Minsan ka lang magka-love life tapos ganito pa kaganda.”
“Pagbigyan mo na ako. Minsan lang ito.”
“Robinson, as much as I love this romantic scene and I feel moved, we have our duties to our patrons,” sabi ng manager ng gallery na si Maggie. “At siyempre, kailangang ipakilala sa lahat ang Christmas girl mo.”
At magkahawak-kamay silang nakipag-usap sa mga bisita. She was elated when he introduced her as his Christmas Girl, his girlfriend.
HINDI alintana ni Ashley ang pag-ulan ng snow habang nakaupo sila sa Central Park ni Robinson at pinapanood ang mga nag-ice skating sa park. Damang-dama niya ang diwa ng Pasko habang nakahilig siya sa balikat ni Robinson. Mula sa exhibit ay doon na sila tumuloy. Matapos silang pagkulumpunan ng maraming tao, gusto na lang nilang masolo ang isa’t isa.
“Ilang buwan ko ring iniisip ang eksena na ito,” sabi ni Robinson habang hinahaplos ang buhok niya. “June pa lang gusto na akong dalhin ni Maggie sa Amerika pero sabi ko gusto kong sa Pasko pumunta sa New York.”
“Wala ka namang hint na in love ka sa akin,” nakalabi niyang sabi.
“Siyempre gusto kong masorpresa ka.”
“Kailan mo nalaman na gusto mo rin ako?”
“Noong simulan kitang ipinta pagdating sa probinsya. Ikaw ang babeang rumerespeto sa akin bilang tao. Ikaw ang babae na alam kong di ko lang basta mamahalin. Mamahalin mo rin ako at hindi mo ako pababayaan. And I love that feeling. That is love. A mutual love. Pinapalakas ka ng pag-ibig at hindi pinapanghina. You are the one I need in my life. At gagawin ko rin ang lahat para ako ang lalaking ibibigay ang lahat ng kailangan mo.”
“Akala ko hindi mo ako gusto. Wala kang ibinigay na sagot sa akin nang sabihin ko na gusto kita nang higit sa kaibigan. Akala ko wala ka nang pakialam,” aniya at huminga ng malalim. Awang-awa siya sa sarili niya noon. Daig pa niya ang nabasted.
“Hindi ko lang masabi sa iyo na mahal mo ako dahil hindi ko alam kung handa ka na. Magkalalayo din tayo. Now, I am here.” Pinisil nito ang kamay niya. “Kung kailangan kong mag-stay sa New York para makasama ka, gagawin ko.”
“No. Uuwi na ako ng Pilipinas pagka-Bagong Taon. Doon ako totoong masaya.”
Humalakhak ito. “Talaga? Uuwi ka na ng Pilipinas?”
“Yes. Pero sa ngayon, gusto ko munang mag-Pasko dito sa Pilipinas. Pagbigyan atin ang mga pamangkin mo na gusto ng picture habang gumagawa ka ng snowman. After that, uuwi na tayo ng Pilipinas. Makakasama na natin ang pamilya mo. Pwede naman nating tuparin sa Pilipinas ang mga pangarap natin. Para sa bagong buhay.”
“Ikaw talaga ang perpektong babae para sa akin. Akala ko kapag nagmahal ako, kailangan kong masaktan at magdusa para sa babaeng mahal ko. Mali pala ako. Dahil ibang babae ang nakalaan para sa akin. Someone who won’t hurt me and will make me happy. You are the perfect Christmas gift, Ashley.”
“And you are my Christmas star. Akala ko tiyak ko na ang daang tinatahak ko. Sa daang madilim at walang kaligayahan. Walang pagmamahal. Pero binigyan mo ng liwanag ang buhay ko. You showed me how to love and be happy. Really happy. You made me realize the more important things with life. You gave me a family. You taught me how to love and how not to be so hard on people. Ngayon ay bago na ang pakahulugan ko sa buhay. Salamat, Robinson. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko.”
Hindi na niya gustong balikan ng alaala ang mga Paskong nagdaan kung saan wala siyang pakialam sa kasiyahan sa paligid. Na ordinaryong araw lang iyon na lilipas din. She didn’t want to be that girl anymore.
“Hindi ka na maninira ng Pasko ng iba?” tanong ng binata at ipinaalala sa kanya
“No. I won’t be a Christmas Killer anymore. I will make sure that we will have a perfect Christmas from now on. Perfect Christmas for us and everyone dear to us.”
Sinapo ng nobyo ang pisngi niya. “Kiss me, Christmas Girl.”
Yumakap siya sa leeg nito. “With pleasure.”
---WAKAS---