Tinawanan ko lang ang sinabi niya.
"'Wag kang magbiro hindi tayo talo at saka in love pa rin ako sa kapatid mo."
"Hindi ako nagbibiro."
Inirapan ko siya. "Tara na?"
"Okay."
Hawak niya ang kamay ko habang lumalangoy kami pabalik. Ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong damit.
"Hoy! Wala nga pala akong damit? Paano ito?"
Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. "Wet."
Bakit ba iba ang naiisip ko sa salitang 'yon? Green mo, Ailey! Gosh!
Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling pinitik ko ang bibig niya. "Anong wet?"
"Sa tagalog basa," tumawa siya. "May damit ka sa closet, syempre binilhan muna kita bago dal’hin dito," kumindat nanaman siya. "Magbibihis ka ba o maglalakad muna tayo?"
"Magbibihis, ang lamig, eh." Kiniskis ko pa ang kamay sa braso. Natigilan ako nang yakapin niya ako.
"Malamig pa ba?"
Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.
Bakit ba ang bilis ko mahulog? Nahuhulog na ba agad ako? Grabe naman ang bilis kung gano'n.
"Buko pie."
"B-bakit?"
"Kinikilig ka, 'no?"
Naitulak ko siya kaya tinawanan niya ako. Tumakbo ako papunta sa hotel room kung saan kami naka-check in. Hindi ko mabuksan ang pinto dahil wala akong keycard. Nang maabutan niya ako ay ngingisi-ngisi siya.
"Mahuhulog ka rin sa akin," madiin ang pagkakasabi niya niyon at saka tinap ang keycard.
Padabog akong pumasok ng kwarto at ni-lock. Dumiretso ako sa closet. Naloka pa ako sa dami ng damit pati undergarments.
'Yong totoo tanan ba ito? Hala ka! Ano raw? Tanan? Walang gano'n, Ailey. Lumalandi ka nanaman.
Short na maiksi ang kinuha ko at sandong black lang. Naligo ako sa banyo at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko nasa mahabang sofa siya at may binabasang kung ano.
"Buko pie, tara sa labas kahit me—" Natigilan siya nang lingunin ako. "Kailangan ba nakasando at maiksing short?"
Inirapan ko siya at padarag na umupo sa tabi niya. "Mainit, eh, at saka mabait ka naman, ‘di ba? Mumultuhin ka ni Denveir kapag may masama kang ginawa sa akin."
Tumawa nanaman ang mokong.
Happy kid?
"Mukha ba akong masamang tao? Sa mukha kong ito?" Nagpogi sign pa siya.
"Mukha kang…" tumawa ako nang malakas. Inaasar ko lang naman talaga siya wala naman talaga akong ibang sasabihin, pero mukhang pikunin din siya katulad ng kakambal niya kaya nagsalubong ang kilay niya.
"Mukhang?"
"Mukhang…" Tumawa nanaman ako.
Kahit wala namang nakakatawa, Ailey? Happy?
"Kapag hindi ka tumigil sa pang-aasar mo, I swear, hahalikan kita."
Natikom ko ang bibig habang nanlalaki ang mata
ko.
Ang sama niya!
Siya naman ngayon ang tumawa. "Joke lang."
"Baliw ba tayo? Anong nakakatawa?"
Sabay kaming tumawa na parang ewan. Lumabas kaming dalawa, magkasabay kaming naglalakad, pero may distansya kami sa isa't isa na parang nagkakailangan.
"Bro!" May nakipag-apir kay Denmeir at pinag-umpog pa nila ang mga dibdib. Napatingin sa akin ang lalaki at ngumisi.
"Hi, I'm Norman Soriano." naglahad siya ng kamay. Akmang aabutin ko ang kamay niya, pero kinuha ni Denmeir at pinagsalikop 'yon.
"Ailey Espinar, soon-to-be my girlfriend," si Denmeir ang nagpakilala sa akin.
"Oh," tumawa si Norman. "Possessive," imbes na matakot ay ngumisi pa siya at umakbay sa akin.
Matalim siyang tiningnan ni Denmeir. "Kapag ‘di mo tinanggal ang kamay mo sa balikat niya. I swear susunod ka sa kakambal ko sa kabilang buhay."
Mapang-asar na tumawa si Norman. "Gonad D, easy, bro." Tinanggal na niya ang kamay. "Next time na lang ulit kita iinisin, bye." Tatawa-tawang umalis si Norman.
"May saltik sa utak 'yon," sabi ni Denmeir. Matalim pa rin na nakatingin sa nilakaran ni Norman.
"Ang sama mo sa kaibigan mo."
"Mas masama si Kuya Denveir, kung siya ako baka talagang pinaglamayan na ang may saltik na 'yon."
"Kuya? Siya pala ang panganay?"
Tumango siya. "Ako, hehe."
"Baliw ka talaga? Eh, bakit kuya?"
"Minuto lang naman ang pagitan namin dalawa, pero dahil ayaw kong mas matanda lagi kong sinasabi na siya ang panganay hindi naman tumatanggi 'yon walang imik, madalas ay masungit."
Napangiti ako sa sinabi niya. Totoong masungit si Denveir, pero masasabi kong sweet siya na torpe.
"Tara," naglakad na ulit kami.
May nadaanan kaming nagha-hawaiian dance. Agad na pumulupot ang isang babae sa leeg ni Denmeir, imbes na ikainis niya nginitian niya ang babae. Mukhang hindi siya talaga masungit, kung si Denveir ba siya sisinghalan niya ang babae?
Pinanood ko lang ang pakikipagsayaw niya sa babae. Wala naman akong maramdaman na selos kahit tingnan ko pa siya. Umupo ako sa isang tabi at tumingala sa langit, papalubog na ang araw, paggabi na.
Nasaan ka kaya ngayon, Denveir?
Siguro kung natuloy ang love story natin masaya ako ngayon.
May tumabi sa akin at nang lingunin ko ay si Norman.
"May gusto ka ba kay Denmeir?"
Umiling ako agad. "Si Denveir ang gusto ko."
Natigilan siya sa pag-inom sana ng alak na in-can na hawak niya. Ibinigay niya sa akin ang isa pang hawak niya at binuksan.
"Bakit kasama ka niya ngayon?"
"Ewan ko sa baliw na 'yan. Dinala ako rito, limang araw daw kami."
"Sumama ka naman?"
"Pinilit niya ako. Okay rin para makapag-bakasyon kahit papa'no."
"Ikaw 'yong kweni-kwento sa amin ni Denmeir na gusto raw ni Denveir."
Tumango ako. "Madaldal siya at walang preno ang bibig kaya siguro pati lovelife ni Denveir alam niya."
"Ang ipinagtataka ko lang kung bakit ka niya dinala rito?"
Lumagok ako ng alak. "Bakit?"
"Dadalhin lang ng kambal ang babae rito kung gusto nila ito. Gusto ka ba niya?"
Gusto kita.
Pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina lang.
Umiling ako. "Malabong magustuhan niya ako dahil kakambal niya ang gusto ko at alam niya 'yon."