"Diyan ka nagkakamali may pangako ang kambal sa isa't isa at kung sinama ka niya rito sigurado akong gusto ka niya." Tinapik niya ang balikat ko dahil nakita na niya si Denmeir na papalapit. "See you next time," kumaripas siya ng takbo dahil masama siyang tiningnan ni Denmeir.
"Bumalik nanaman ang may saltik na 'yon." Inis siyang umupo sa tabi ko. "I enjoy hawaiian dance."
"Mukha nga," inirapan ko siya.
Ngumisi siya. "Selos?"
"Asa," tumayo ako at naglakad na muntik pa akong matumba dahil nahilo ako. Ngayon niya lang napansin na may hawak akong alak.
"Binigyan ka ng alak ng may saltik na 'yon? ugh," inis niyang kinuha ang hawak ko at itinapon 'yon.
Ubos na ang laman niyon kaya okay lang. Naglakad kaming dalawa hanggang marating namin ang mga taong nagkukumpulan at nagsasayaw. May iba't ibang kulay na umiikot at malakas ang tunog. Para silang nasa bar.
Wala sa sariling sumiksik ako sa mga tao, sumunod naman si Denmeir.
"Yohoo!" Itinaas ko ang kamay ko at nag-headbang. Nakipagsayaw ako kung kani-kanino hanggang sa hindi ko namalayan na si Denmeir na ang kasayaw ko. Humawak siya sa baiwang ko at sumayaw na rin.
"Magsaya ka lang," nakangiti niyang sabi.
"Salamat," bulong ko sa kaniya.
Nagkakagulo ang lahat nang patayin ang tugtog.
"Aww!" malakas na sigawan nila.
Natigil din kami ni Denmeir at nagkatitigan. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil nakikita ko ang mukha ni Denveir.
"Hey party people!" Malakas na sigaw ng emcee. "Who wants to sing a song? 'When I look at you challenge' may prize na naghihintay. Come on, sino?"
Nanahimik ang lahat at ayaw gumalaw. Sa kalasingan ko ay itinaas ko ang kamay ko. Gulat naman na tinitigan ako ni Denmeir at ibinaba ang kamay ko.
"You're drunk, buko pie," nanlalaki ang matang sabi niya.
"No, I'm not," nilampasan ko siya. Naglakad papunta sa stage.
"Buko pie! Ailey!" Tawag niya pa, pero hindi na ako nagpapigil, inagaw ko ang mic sa emcee.
"Woah!" Malakas na sigawan nila.
Walang nagawa si Denmeir kung hindi ang panoorin ako. Nagsinungaling ako noong sabihin kong hindi ako marunong kumanta. Ang totoo professional singer ako. Ayaw ko lang sabihin sa kaniya dahil baka pakantahin ako. Nagsimula ang kanta. Nagtama ang mata namin ni Denmeir. Nag-iwas agad ako ng tingin.
Kumalabog nanaman nag dibdib ko. Hindi siya si Denveir kaya dapat hindi ko ito nararamdaman sa kaniya.
When I look at you
By: Miley Cyrus
Everybody needs inspiration
Everybody needs a song
A beautiful melody
When the night's so long
Kahit anong iwas ko kay Denmeir, tumatama pa rin ang tingin ko sa kaniya hanggang sa hindi ko na iyon magawang iiwas. Nagulat siya nang magsimula akong kumanta dahil siguro inaasahan niyang hindi nga ako marunong. Ngumiti ako sa kaniya, tumitig lang siya sa mukha ko pagkuwa'y ipinakita ang thumb niya na nagsasabing 'okay'.
'Cause there is no guarantee
Humugot ako ng maraming hangin at saka itinodo ang boses ko.
That this life is easy
Yeah, when my world is falling apart
When there's no light to break up the dark
That's when I, I
I look at you
When the waves
Are flooding the shore and I can't
Find my way home anymore
That's when I, I
I look at you
Gulat ako nang umakyat si Denmeir at kinuha ang isang mic na nasa gilid nakalapag. Mangha ang mga tao sa ginawa niya at sa lakas ng loob naming dalawa. Sinabayan niya ang kanta ko. Sa buong buhay ko wala akong nakasamang lalaki sa mga bagay na gusto ko maliban na lang kay Roex, ex ko.
When I look at you, I see forgiveness
I see the truth
You love me for who I am
Like the stars hold the moon
Right there where they belong
And I know I'm not alone
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Gusto kong bitawan dahil nakakaramdam na ako ng kakaiba, na parang pinapapasok ko na siya sa puso ko.
Hindi siya si Denveir.
Paulit-ulit na tinatatak ko sa isip ko. Siya ang kakambal niya at hindi sila magiging isa, magkaibang tao sila.
Yeah, when my world is falling apart
When there's no light to break up the dark
That's when I, I
I look at you
Sa hindi malamang dahilan ay tumingin ako sa mata niya. Tinitigan niya rin ako at nakita ko roon ang samu't saring emosyon. Bumagal ang mundo at parang kaming dalawa na lang ang nandito.
When the waves
Are flooding the shore and I can't
Find my way home anymore
That's when I, I
I look at you
Hindi na matanggal ang tingin namin sa isa't isa. Kumakalabog ang puso ko na para bang hindi na matatapos ang gabing ito.
You appear just like a dream to me
Just like Kaleidoscope colors that
Cover me, all I need
Every breath that I breathe
Don't you know you're beautiful?
Hinaplos niya ang pisngi ko na para bang isa akong mamahaling bagay.
Mali ba akong makita ang kislap ng mata niya? Imposible namang magustuhan niya ako. Hindi ko nga siya nakikita at kailan lang din kami nagkita. Ang puso kong baliw, bakit ka tumitibok?
"You appear just like a dream to me," ibinulong niya ang huling linya sa tainga ko.
Napapikit ako dahil ayaw kong makita ang mukha niya. Naaalala ko si Denveir. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko na pinalis niya gamit ang likod ng palad niya.
"Pwede mong isipin na ako si Denveir sa limang araw na magkasama tayo."
Tumulo nang tumulo ang luha ko. Wala kaming malalim na pinagsamahan ni Denveir, pero bakit ganito? Ang pag-ibig talaga ay komplikado hindi mo alam kung kailan ka nito tatamaan. Magugulat ka na lang na mahal mo na ang isang tao.
Walang kinalaman ang araw, ang mahalaga mahal mo siya.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakikita ko ang pagpipigil niya na halikan ako o feeling ko lang 'yon? Hanggang sa isang malakas na palakpak ang narinig namin.
"Woah! Amazing performance!" Lumapit ang emcee sa amin at ibinigay ang prize namin.
"Yacht date?" Sabay naming sabi ni Denmeir.
"Dalawa sana ang kakanta, lalaki at babae kaya naman 'ayan. Enjoy, couple," nakangiting sabi ng emcee. Magsasalita sana ako na hindi kami couple, pero kinuha na ni Denmeir ang kamay ko.
"Ako si Denveir."