Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto. Malamang alangan namang siya ang magluto siguradong isa-savage nanaman niya ang pagkain. Niluluto ko ang fried rice nang may yumakap mula sa likuran ko.
"Good morning, my buko pie."
"Morning."
Humalik siya sa ulo ko. Hindi niya tinanggal ang pagkakayakap.
"’Di ako makagalaw."
"Gusto ko lang ng hug."
"Abnormal ka talaga, eh, 'no?"
Hinayaan ko siya sa ganoong sitwasyon. Naaamoy ko ang pabango niya, ang aga pa, pero ang bango niya na agad.
"Hoy! ‘Di ako makagalaw nang maayos."
Nakanguso niyang tinanggal ang pagkakayakap at umupo. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at tumabi sa kaniya.
"Kumain ka na."
"Ayaw," umiling-iling siya na parang bata.
"Tigilan mo nga ako, Denmeir."
"Ayaw mo sa akin."
Inirapan ko siya at nilagyan ang plato niya ng pagkain. Naglagay ako sa kutsara at isinubo sa kaniya. Parang baliw naman siyang ngingiti-ngiti.
"Bilisan mo na may pasok pa tayo."
"Subuan mo pa ako," ngumanga siya.
Ang isip bata naman nito. Umirap nanaman ako at sinubuan siya.
"Asawa ko," yumakap siya sa baiwang ko.
"Asawa mo mukha mo."
Padabog siyang tumayo at kumuha ng tubig. "Ang sama mo talaga."
Pumasok na ako sa kwarto at naligo. Paglabas ko nakaligo na rin siya at nakapagbihis. Ang bilis niya naman.
Nakangisi ko siyang tiningnan. "Ligong uwak ka? Bakit ang bilis mo maligo?"
"Baka kasi iwanan mo ako. May sapak ka pa naman."
"At ako pa?"
"Oo," tumayo siya at yumakap sa baiwang ko. Tinanggal ko naman ang pagkakayakap niya at bumalik sa kwarto para kumuha ng suklay.
Paglabas ko nagpipindot siya sa phone niya habang nakangiti kaya kumunot ang noo ko.
Sinong ka-text nito?
Pumunta na lang ako sa salamin at nagsuklay ng buhok. Sinisilip ko siya sa repleksyon, nagtitipa pa rin.
Yari 'to sa akin kapag babae ka-text nito.
Pasasagasaan ko ito ng truck para mamatay na.
Lumapit ako sa harap niya at pinagtaasan siya ng kilay. Hindi makahalata ang mokong.
"Buko pie?"
"Buko pie mo mukha mo." Inirapan ko siya at tinalikuran.
Humarang siya sa dinadaanan ko at inabot ang phone niya. "Si TK ang kausap ko. Natatawa kasi ako sa kaniya kasi naiinis siya kay Arah. G na G siya kaya ngumingiti ako."
"K dot."
Sumakay kami ng bus, hindi ko siya kinakausap. Bahala siyang mapanisan ng laway, pero mukhang ako ang mapapanisan ng laway dahil hindi ako nagsasalita.
"Buko pie," tinusok-tusok niya ang pisngi ko. "My buko pie."
Tinatarayan ko siya at hindi kinakausap.
"LQ? Maghihiwalay na kayo niyan, sabi ko naman kasi sa iyo walang forever." Nilingon namin ang konduktor na ngayon ay nangunguha ng bayad.
Siya nanaman? Si Manong konduktor na hugotero. "Hindi, ah. Tatampo lang buko pie ko."
"Hiwalay na sunod niyan," tumawa ang konduktor. "Oh, siya, akin na ang bayad n'yo." Inunahan kong mag-abot si Denmeir.
"Malala na 'yang away niyo kapag hindi naayos papunta na sa broken heart tapos kapag swenerte ka pa mabaliw ka dahil sa pag-ibig," tumatawang sabi ng konduktor.
Ang ingay naman nito kala mo si love guru.
Kumapit ako sa braso ni Denmeir nang biglang magpreno kaya ngumiti si mokong. As usual kasi nakatayo nanaman kami sa bus dahil dagsa ang tao.
"See you later, Buko pie." Humalik siya sa noo ko. "K dot. Mag-aral ka nang mabuti." "Opo! Kiss ko?"
Inirapan ko siya at tatalikuran sana, pero nagulat ako nang hapitin niya ako sa baiwang at walang pasabing humalik sa labi ko at saka kumaripas ng takbo na tumatawa pa. Natawa na lang ako sa kaabnormalan niya. Nagsimula nanaman ang klase kaya naman pagod ako sa maghapon. Pagkatapos ng klase ko nakita ko nanaman si Roex sa labas.
Anong ginagawa nito rito?
"Hey, invite kita sa birthday ko this weekend sama mo boyfriend mo." Nakangiting sabi niya.
"Sige wala naman akong gagawin."
"Thanks, Ailey. Una na ako, bye."
Nagpaalam na siya agad at umalis. Hinintay ko si Denmeir hanggang sa isang text ang na-recieve ko na may emergency daw kaya hindi niya ako masusundo. Tumayo na ako at naglakad palabas.
"Ailey!"
Nilingon ko si Cecelia na tumatakbo papunta sa akin. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Hindi ko rin alam kung alam niya ang tungkol sa amin ng kapatid niya.
"Oh, bakit?"
"Nakalimutan kong dalahin. May nakita kasi akong notebook ni Kuya Denveir para sa iyo yata 'yon, nasa bahay kaya pwede ka bang sumama?"
Nagulat ako at na-excite kung ano ba ang laman ng notebook kaya sumama ako kay Cecelia.
"Galing ako kala Vinea kaya heto," ipinakita niya ang hawak sa akin na sa tingin ko ay cake. "Wala pala ang bruhilda sumama sa isa niyang best friend, si Taxon. Sayang ang cake kaya kainin na lang natin, birthday kasi noon ngayon."
"Sige."
Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila. Hindi pa nga pala ako napakilala ni Denmeir sa magulang niya at ito namang kapatid niya tingin ko ang alam niya tungkol sa amin ni Denveir. Nahihiya naman akong sabihin sa kaniya, dapat si Denmeir ang magsabi niyon.
Narating namin ang bahay nila, hanep sa laki at ang taas ng gate. Sobrang yaman naman nila.
Hinila ako ni Cecelia sa kusina at pinaupo roon. "Kain ka muna ng cake tapos pupunta tayo sa kwarto ni Kuya Denveir."
"Sige," kinuha ko ang platito at nagsimulang kumain.
"Are you already move on?"
Natigilan ako at tumingin sa kaniya. "Siguro."
"Baka kapag nakita mo 'yon umiyak ka nanaman?"
"Hindi naman na siguro."
"Good."
Matapos namin kumain ay kinakabahan ako habang papunta kami sa kwarto niya. Ewan ko ba kung bakit.
"Pasok ka."
Nilibot ko ang mata sa malaking kwarto, kulay light blue ang kulay, malinis at may mga paintings. Natigilan ako nang makita ko ang picture frame sa gilid ng lamesa. May picture silang dalawa ni Denmeir at katabi niyon ay picture ko. Hindi ako makapaniwalang mayro'n niyon dito. 'Yong picture na 'yon ay profile ko sa facebook.