"Stalker si Kuya kaya 'wag ka nang magulat," tumawa si Cecelia. "'Yong notebook." Tinuro niya ang notebook na nasa tabi rin ng mga picture. "Dito
ka muna hanapin ko si Kuya Denmeir." Tumango lang ako at umupo sa kama.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Kinuha ko ang picture ko at tinitigan 'yon.
Gano'n ba kabaliw sa akin si Denveir?
May nakapa ako na kung ano sa likod kaya tiningnan ko. May note na nakalagay.
My Dream Girl
Grabe! Gaano ba ako kaganda? Jusko.
In-open ko ang notebook, sa harap niyon ay may nakalagay.
Don't touch my thing if you are not Ailey or Denmeir.
Bakit? Anong mayroon dito? Binuklat ko pa ang sunod na pahina.
She's my dream girl, brave and innocent that's why I have here the list of things that I want to do with her.
1. I want to confess my feelings to her. I'm so nervous.
2. I want to hug her at the bus.
3. I want to go to our favorite beach with her and create our own world.
4. I want to go up and climb a tree with her.
Ginawa namin 'to ni Denmeir. Sayang at hindi si Denveir ang kasama ko. Nakangiti kong ipinagpatuloy ang pagbabasa.
5. I want to swim while holding her hand.
Natigilan ako dahil may mga memories na pumapasok sa isip ko. 'Yon ay ang mga alaala namin ni Denmeir.
Baka naman nagkataon lang?
6. I want to play run with the kids at the beach and of course with her, laugh like a kid.
7. I want to be with her on the bed looking the artificial outer space.
Napamaang ang labi ko at ‘di makapaniwalang umiling-iling.
No! Ibig bang sabihin nito si Denmeir ay si Denveir?
Nasapo ko ang dibdib ko dahil sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko. Noong una parang nagkataon lang, pero ito imposible na.
Pinigilan kong 'wag maiyak dahil nangingilid nanaman ang luha ko. Pinalibot ko ang mata ko sa kwarto at may nakita akong album. Binuklat ko iyon at doon na tumulo ang luha ko. Lahat ay picture ko pasakay ng bus, naghihintay ng bus, nakikipagpambuno, paakyat, nakahawak sa bakal, nakaupo, lahat ay kuha sa may sakayan ng bus o sa loob ng bus mismo. Ang bata pa ng hitsura ko rito kaya alam kong matagal na 'yon.
8. I want to cook breakfast for her.
9. I want to watch movie with her.
10. I want to give her bouquet of sunflower.
11. Date her in the yacht.
12. We sing a song and duet in front of people while holding each others' hand.
Parang ayaw kong ituloy basahin dahil hindi man sunod-sunod ang nangyari sa bawat number nito
nangyari pa rin 'yon at si Denmeir ang kasama ko. Nananakit ang dibdib ko at nanlalabo ang mata ko. Ang sakit naman.
Anong rason niya bakit siya nagpapanggap? Tama kaya ang hula ko?
"Ailey? Sabi ko na, eh. Iiyak ka nanaman." Bumalilk si Cecelia at niyakap ako. Humagulgol na ako ng iyak.
Nalilito ako, naguguluhan at nasasaktan. Siya ba talaga si Denveir? Kahit lumuluha ay tinuloy ko pa rin ang pagbabasa.
13. I want to kiss her.
14. Be her boyfriend.
15. Meet her parents.
16. Sleep with her.
17. Hug her at the back.
I have a lot of things to do with her, but now I will go and meet her at the bus. I will continue writing later after the class.
Ms. Pharmacist, be mine.
"I think he's not yet done writing, Ailey. That day was his death."
Tumango ako at humigpit ang pagkakayakap kay Cecelia. Nandito pa rin ang kalituhan dahil nagawa namin ito ni Denmeir.
Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano ba talaga ang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalaglag ang notebook at bumulaga sa amin ang picture kong nakadikit sa likod at may nakasulat doon.
She is the pretty girl I love since then. You already know her, she's my life and my everything.
If there is something happened to me. Please do it for me, Denmeir. I was expecting you to do my favor, Twin Brad.
Love and marry her.
Durog na durog ang puso ko nang mabasa ko iyon.
Nasapo ko ang bibig ko at matunog na umiyak.
Mali ako, siya si Denmeir at masakit ang nakasulat dito na hindi pala sinsero si Denmeir sa lahat ng ginawa niya sa akin. Ang tanong ay ginawa lang ba ni Denmeir 'yon para sa kapatid niya? Sa kasunduan nila?
Mas matutuwa pa ako kung siya nga talaga si Denveir. Ang nakakatawa pa kaya pala hindi ko marinig ang 'I love you' niya dahil hindi niya naman talaga ako mahal. Ang galing niyang actor para hindi ko mahalata na hindi naman totoo ang damdamin niya.
Iyak ako nang iyak sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko. Hindi ko yata kakayanin ang sakit at bibigay na ko.
Ang sakit-sakit, mas masakit pa ito noong mamatay si Denveir. Tumulo lang nang tumulo ang luha ko na pakiramdam ko ay hindi na ito titigil sa pagdaloy sa pisngi ko.
'Yong pakiramdam na ginagago ka na pala hindi mo pa nahahalata. Mga lalaki nga naman, paasa na, manloloko pa at sinungaling din.
Pero may mas dudurog pa pala ng puso ko.
"Paano naman magagawa ni Kuya Denmeir 'yon? May Fiancee na siya at malapit ng ikasal."