"Marco!" Nangininginig akong napasigaw nang makita ko siyang nakatayo sa dulo ng rooftop. Wala sina Diyes, Magne at Vaeden dito. Tanging kaming dalawa lang kaya't wala akong mahihingian ng tulong.
Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang umiyak habang pinapakiusapan siyang 'wag tumalon mula sa limang palagapag na building kung nasaan kami ngayon.
"Ayoko nang mabuhay!" Tuloy tuloy ang buhos ng mga luha sa mata niya habang nakatayo sa dulo ng rooftop. Isang maling hakbang niya lang ay tiyak na mahuhulog siya.
Wala akong nagawa kundi ang dahan dahang lumapit sa kanya. Pero nang papalapit na ako ay akmang tatalon na siya kaya't napatakbo ako nang mabilis papalayo sa kanya habang nakikiusap na 'wag ituloy ang kanyang binabalak.
"H'wag kang lalapit, Margot! Wala ka nang magagawa, gusto ko nang mamatay!" Putol putol na wika niya dahil sa sunod sunod na paghikbi.
Tuloy tuloy na rin ang pagdausdos ng luha mula sa mga mata ko, napaluhod na lang ako habang wala akong maitugon na salita na maaring sabihin para hindi na niya gawin ang binabalak niya-- ang magpakamatay.
"Ayoko na, Margot. Tapos na tapos na ako sa mga problemang nararanasan ko. Tapos na tapos na ako sa letseng buhay na mayroon ako. Gusto ko nang magpahinga, hayaan mo na lang ako." Malungkot na sambit niya habang tanaw na tanaw mula sa pwesto ko kung papaanong maglandas ang mga luha mula sa pisngi niya hanggang sa uniporme niya.
Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan dahil sa mga nalaman tungkol kay Cygny. Wala akong magawa kundi ang sundan siya dito sa rooftop para pigilan pero nabigo ako-- nabigo na naman ako.
Ano mang oras ay mawawala na sa amin si Marco at wala akong maisip na paraan kung papaano siya sasagipin sa lungkot na labis niyang nadarama ngayon.
Hindi pa rin makasagot, tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero ang ngiti na pinapakita niya ngayon sa akin ay puno ng sakit, ng lungkot at ng pagkabigo.
'Yung ngiting nakakalungkot tignan.
'Yung ngiting kailanman ay hindi ko nakita sa mapang-asar na si Marco.
"Hindi para sa akin ang buhay na ito, Margot." Umiling siya nang bahagya.
At . . .
Ganoon na lang nanlaki ang mga mata ko nang pahiga siyang gumalaw dahilan para malaglag ang katawan niya mula sa kinatatayuan niya.
Napapasigaw ako nang malakas habang tumatakbo papunta sa kanya. Kahit na nanghihina ang katawan ko dahil sa takot ay ginawa ko pa rin ang makakaya ko para tumakbo nang mabilis para masagip siya.
Ginawa ko ang lahat pero huli na nang hindi ko nahagip ang kamay niya. Ngayon ay patuloy ako sa pag-sigaw habang nakatingin sa katawan niya na ano mang oras ay babagsak na sa lupa.
Tuloy tuloy ang paghagulgol, natulala na lang ako habang tinititigan ang katawan niya na bumagak sa lupa at umagos mula doon ang pulang likido mula sa ulo niya.
"Marc--"
"Fersiphina! Aba, tanghali na! Gusto mo bang tumigil na lang sa pag-aaral?!"
Halos mapatalon ako mula sa hinihigaan ko nang ang malakas na boses ni Dad ang gumising sa binabangungot kong pagkakahimbing.
"Oh, bakit ka namumutla diyan?" Sambit uli niya habang inaagaw sa akin ang kumot ko. Ako naman ay nakatulala lang sa kanya na para bang gulat na gulat sa realidad kung nasaan ako ngayon.
Wala akong mailabas na salita, niyakap ko na lang si Dad hanggang sa maglandas ang mga luha mula sa mga mata ko. Nagtataka naman siyang nagpumiglas sa yakap ko pero nagpumilit ako sa pagyakap sa bewang niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lang ako.
Habang patuloy na niyayakap si Dad, prinoseso ko sa utak ko ang mga nakita ko kanina. Natakot ako. Akala ko, totoo na ang lahat. Akala ko, mawawala na talaga si Marco sa amin. Akala ko, nabigo na naman ako. Mabuti na lang, panaginip lang ang lahat.
***
Bago ako lumabas ng bahay matapos kong kumain, nakatikim pa muna ako ng sermon kay Dad. Akala niya kasi ay boyfriend ko ang iniiyakan ko.
Knowing them, they are very strict. Ayaw na ayaw nilang pumasok ako sa relasyon sa murang edad ko because for them, I'm too careless with my age and I might end up doing a lifetime mistake if they will just let me do what I want to do.
Pero kahit na magpaliwanag ako na binangungot lang ako ay hindi pa rin nila ako pinapaniwalaan kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang nang sumang-ayon sa sinasabi nila para tapos na agad ang usapan.
Matapos ang isang oras ay nagpaalam na ako sa kanila, humabol pa si Dad ng sermon kaya nagmadali na akong lumabas. Malala pa talaga siya kay Mom!
Habang naglalakad ako ay lutang pa rin ang utak ko. The sidewalk I'm walking right now is too empty but my mind is too crowded by the thoughts I've seen yesterday. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin iyon ni Cygny. Hindi ako makapaniwalang ang President ng CSG; ang model student na tinitingala ng lahat ng students sa University namin ay kayang makagawa ng ganoong kasalanan.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang maniwala.
Sa kabilang banda, natatakot ako. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit masisira ang squad. Ayokong masira ang squad at ayoko ring manatiling niloloko ni Cygny si Marco. Ayokong mangyari 'yon pero wala akong maisip na paraan sa kung papaano hindi masisira ang squad namin at kung papaano rin hindi mananatiling inosente si Marco sa nangyayari.
Sobrang hirap, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kailangang may isakripisyo ako sa isang desisyon na gagawin ko. It's like a battle between saving the squad and saving Marco.
Will my decision be worth it? Will I be completed again without the existence of the other choice that I'll sacrifice? Will I be happy with my choice? I don't know. Sobrang hirap.
Nang makalabas na ako sa subdivision ay kumpleto na sina Marco, Diyes, Magne at Vaeden na naghihintay doon sa tapat ng gate.
Marco is smiling at me with his usual playful smile and tassled hair. Diyes is with his usual serious face and well fixed hair. He is a total opposite of Marco. Magne is also with his usual element, she run towards me and then she hugs me tight as if this is the first time that we met after a long time of being apart with each other. While Vaeden is motioning his hands as if he's thanking God that I already came. Napakamainipin talaga.
Habang tumitingin ako sa kanila, lalong bumibigat ang dibdib ko. Ayokong mawala 'tong squad na 'to, pero dapat kong sagipin si Marco. What will I choose, the one that I want or the one that I need? I still don't know.
Nang magsimula na kaming lumakad ay nagsimula na si Marco sa pang-aasar sa akin, bagay na mas lalong nagpahirap sa akin na sabihin sa kanya ang totoo. Papaano kung hindi niya ako paniwalaan? Papaano kung lumayo lang siya sa akin pagkatapos? Papaano kung mas malungkot lang siya?
Ang daming what ifs ang naglalaro sa utak ko ngayon at wala akong magawa kundi ang maparanoid na lang. Kailangan ko na nga talagang mag-decide.
***
Nanatili akong lutang sa buong klase namin sa Economics. Tinitimbang ko ang choice na dapat kong sundin. Kung ano ba ang mas mahalaga.
Mas pinili kong sundin ang sabihin kay Marco ang totoo.
The choice that I need is to save Marco.
That should be the main point of all of this.
Saving him.
I still want to see his playful smile as long as I'm alive and I want to make sure that he will stay alive-- that he'll still be on our side even after ten years from now or probably, for a lifetime.
Naisip ko din kasi, ang OPERAE PRETIUM Squad ay hindi basta bastang mabubuwag ng kahit na anong problema. Nangako kami na walang iwanan at alam kong tutuparin nila 'yon.
Maaring mawala si Cygny sa amin pero wala akong magagawa, nakagawa siya ng kasalanan at kailangan niya iyong pagbayaran. Ang mahalaga, masagip ko si Marco sa mas malalim pang kalungkutan. Mas mabuti na ngang ngayon na niya malaman keysa mabigla na lang siya.
Sasabihin ko ito pagkatapos ng lunch break. Nakapag-decide na ako.
Ngayon ay nandito kami sa rooftop, katatapos lang naming kumain at nagpapahinga na lang. Wala si Cygny. Ang dahilan niya ay marami daw siyang aasikasuhin kaya't hindi na daw siya makakasabay ng pagkain sa amin. Pilit na tinatago ang mga alam ko tungkol sa kanya, minabuti ko na lang na manahimik muna.
Kay Marco ko lang sasabihin lahat.
Mabuti nang si Marco lang ang makaalam ng tungkol sa kanya kasi kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin siya at hindi makakabuti sa kanya kung sasabihin ko ang kasalanan niya sa buong grupo. It's like I'm backstabbing her if I told them what I know about her.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang school bell hudyat na simula na uli ang klase ng mga may klase ng ala-una ng hapon. Dahil ang last subject namin ay magsisimula nang ala-una ay tumayo na kami. Dali-dali na kaming naglakad papunta sa pintuan kung saan nandoon ang hagdan pababa. Habang papalapit kami sa pintuan, hinigit ko ang kamay ni Marco nang masiguro kong nakapasok na sina Diyes, Magne at Vaeden sa loob.
Nakangisi nang nakakaloko, tumawa lang sa akin si Marco na para bang may iniisip na kapilyuhan. Pero tumingin lang ako sa kanya nang may seryosong ekspresyon sa mukha.
"I have to tell you something. This is about Cygny." I stare right into his eyes. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.
"Ano 'yon?" I can clearly sense the curiosity through his face.
"She has an af--"
"Guys, bilisan niyo na. Malelate na tayo!" Naputol ako sa pagsasalita nang biglang sumulpot mula sa pintuan si Magne. Hinila niya ako papasok ng pintuan.
Napapakamot naman sa noo na sumunod sa amin si Marco.
I sigh deeply. Later, pagkatapos ng last subject, sasabihin ko na talaga ang totoo sa kanya.
***
Mahigit isang oras at kalahati ang itinagal ng last subject namin. Bago kami lumabas ng classroom ay sasabihin ko na sanang muli kay Marco ang nalalaman ko pero sa hindi inaasahang pangyayari ay si Vaeden naman ang sumingit sa amin. Kaya wala akong nagawa kundi ang i-hinto na naman ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Marco.
Ngayon ay naglalakad na kami sa pathway ng University. Tirik na tirik ang araw pero mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin.
Nasa unahan sina Magne at Vaeden habang nag-aasaran. Si Diyes naman ay seryosong naglalakad at nakatingin nang diretso sa daan habang kami ni Marco ay nasa likod nila. Nakapatong ang braso niya sa akin pero parang natahimik siya. This is not his usual self, now I'm wondering if what I said earlier still bugs his mind or if he is just thinking about the food that he wants me to cook for him tonight.
Kinakabahan at naguguluhan pa rin kung papaano sasabihin kay Marco ang totoo, minabuti ko na lang na magpaalam sa kanila na pupunta muna ako sa comfort room. Pinauna ko na silang apat para hintayin ako doon sa gate. Agad naman silang pumayag. Hindi na sila nagtanong pa dahil palagi naman akong pumupunta muna sa CR everytime na maglalakad na kami pauwi.
Nang makapasok na ako ay ako lang ang tao sa loob. Binuksan ko ang gripo at saka naghilamos bago tumingin sa salamin. Bakas na bakas sa mukha ko ang malaking eyebags dahil hindi ako makatulog nang ayos kagabi. Patuloy pa rin kasi akong ginugulo ng mga nakita ko kay Cygny.
Bumuntong hininga ako. Habang nakatingin ako sa sarili ko sa salamin ay walang salitang kinakausap ko ang sarili ko gamit ang isip lang.
"Kaya mo 'to, Margot. This is for Marco. You have to save him. You have to be strong for him to be saved. Sa'yo nakasalaylay ang lahat." Sambit ko sa sarili pero tila bang mas lalo akong kinabahan matapos 'yon.
Napapailing na lang akong lumabas ng comfort room. Bahala na.
Ilang minuto ang lumipas, nakalabas na ako sa comfort room. Magsisimula na sana uli akong maglakad papunta sa gate. Pero natigilan ako nang mula sa gilid ng mata ko ay may nakita akong dalawang tao na lumakad sa gilid ng comfort room hanggang sa dumiretso sila sa likod.
Napapakurap, automatic akong naglakad papunta sa kanila. Masama ang kutob ko. Mukhang hindi na naman maganda ang makikita ko ngayong araw.
Tahimik at maingat akong naglakad papunta doon. Nang makarating na ako sa dulo ay sumilip ako habang nagtatago sa pader para makita ang nangyayari dito sa likod ng CR.
At . . .
Tama nga ang kutob ko. Hindi na naman ito maganda.
Ngayon ay hindi ako makagalaw habang nakikita ang sitwasyon ni Cygny. Lalo akong nagulat nang hindi ang Doctor ng Clinic ang nakita kong kasama niya kundi si Lucan. She is now leaning against the wall while Lucan is kissing her neck. Nakapikit ang mga mata niya na para bang sarap na sarap sa ginagawa ng lalaking ngayon ay nakahawak sa dalawa niyang kamay.
Hindi pa rin makagalaw, nanatili ako sa pwesto ko habang patuloy na na-ba-blanko ang isip. Pero muntik na akong mapatalon mula sa kinatatayuan ko nang may biglang dumaan mula sa gilid ko at dire-diretsong naglakad patungo kina Cygny.
Napahawak ako sa bibig ko nang mapatingin ako sa bag noong lalaking ngayon ay dire-diretsong naglalakad sa naghahalikang sina Cygny at Lucan.
"Marco . . ." Nauutal kong sambit habang nananatili pa ring nakatayo sa pwesto ko. Natatakot. Nangangamba sa gulong mangyayari matapos nito.