I was still staring at Marco's back and somehow, he felt a stranger to me. It's as if he's near yet so far. Ibang-iba siya sa Marco na kilala ko. Sa Marco na walang alam kung hindi ang tumawa. Sa Marco na para bang hindi kayang magalit.
Ngayon, nag-iba ang lahat.
Marco seems like a ball of anger and disappoinment as he walked towards his cheating girlfriend.
Wala pa ring kamalay-malay sina Cygny na papalapit na si Marco sa kanila. Patuloy pa rin silang naghahalikan. They are making the best out of the moment while Marco's feeling the worse because of it.
Nang makalapit na si Marco sa kanilang dalawa, napahawak na lang ako sa aking bibig. Hinigit niya ang damit ni Lucan at saka kinwelyuhan. Cygny and Lucan obviously didn't expect this. Kitang-kita ko kung papaano manlaki ang mga mata ni Cygny habang nakasemento ang paningin sa kanyang boyfriend. Ganoon na rin si Lucan na ngayon ay hindi makagalaw habang nakatingin sa walang emosyong mukha ni Marco.
"Marco . . ." Natitigalgalang sambit ni Cygny. "Let me explain--"
Pero mabilis ang pangyayari, namalayan ko na lang na dumampi na ang kamao ni Marco sa mukha ni Lucan. Iyon ang dahilan kung bakit napahiga si Lucan sa lupa. When I steady my gaze on his lips, dumudugo ang ibabang bahagi nito.
Lucan is still defenseless as he tried to recover to the ground, but Marco didn't care at all. He is about to attack him one more time. And that was my cue to intervene because I know, if this continues, chances are Marco might be expelled from this school.
Niyakap ko si Marco mula sa kanyang beywang. He obliged surprisingly. Kusa siyang tumigil. Hanggang sa marinig ko na lang ang mga yabag ni Lucan, a sign that he already got away.
Nakalapat ang aking pisngi sa kanyang malapad na likod, I can clearly feel how dangerously his heartbeat is right now.
It was anger.
Disapppointment.
And most especially, a painful product of false hope.
Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong pwesto nang marinig ko siyang magsalita.
"Bitaw." Wala pa ring emosyon ang kanyang boses. Agad tuloy akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.
Cygny tried to touch him but she ended up being sweeped by Marco away. By the look of her eyes, she is in her deepest pain because of what he did.
Nanlulumong lumakad si Marco papalayo. I can really feel his sadness. I can really fathom how destroyed his heart has became.
This view of him, it will burn on my mind up until I die.
"You are unbelievable, Margot."
Napalingon ako kay Cygny. Nagtataka.
"Masaya ka na ba?" She said with knitted brows. "This is your plan, right? To ruin us. To split us apart so that you would have a fucking chance to be with him!" I can sense the anger through her eyes and I didn't expect that her mouth would be this vulgar towards me.
"For the love of God, Margot," dinuro niya ako, "pinakiusapan kita pero anong ginawa mo? Nag-take advantage ka! Napaka-walanghiya mo! Ahas ka!" Her tone is turning loud as her tears started to cascade down her rosy cheeks.
Bumuntong hininga muna ako. Sinubukan kong kumalma pero hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko. Nanghihina ako dahil sa walang katotohang mga paratang ni Cygny sa akin. "A-Alam mong hindi totoo 'yang mga sinasabi mo, Cygny."
Isa pang hugot ng malalim na hininga. "Oo, may gusto ako kay Marco pero hanggang doon na lang 'yon. Itinigil ko na ang nararamdaman ko noong maging kayo na at wala akong planong sirain ang relasyon niyo. Pareho ko kayong kaibigan and I want nothing but the best for you even if it still hurts."
Lumunok ako ng laway. Hoping that it will shove away the pain inside my heart. "Ikaw ang may kasalanan dito. Don't just turn the tables around in a way that will benefit you the most because we all know that it was your fault. Don't blame it to me, you are the who's at fault, Cygny. Please, 'wag ako ang sisihin mo."
I ball my fists. Then I closed my eyes, trying hard to control my sobs. "Oo, may plano akong sabihin ang nagawa mo kay Marco kasi karapatan niyang malaman ang totoo. Hindi dahil kaibigan kita ay pagtatakpan na kita sa kasalanan mo. Cygny, you cheated and you have to pay for your mistakes. You cheated not just once but twice! Hindi ako pwedeng tumayo na lang dito at sumakay sa kagustuhan mo. Kaibigan ko rin si Marco. It would really hurt me not to mumble a word when I know it will hurt him in the future."
Muli kong iminulat ang aking mga mata. There, I met Cygny's blazing eyes with her tears falling like it's unending. "Kung iniisip mong dinala ko siya dito para hulihin kayo, nagkakamali ka. Hindi ko siya dinala dito para makita ang kasalanan mo. It just happened and I didn't planned it. He caught the both of you in the act and I never planned it. Believe it or not, I'm telling the truth."
I paused for a minute and then all of a sudden, I smile bitterly at her. "The truth will always find its way to be unravelled, Cygny. And I think, you just got what you deserved."
Ngayon, kitang-kita ko kung papaanong mamula ang mukha ni Cygny. Her lips are twitching dangerously. It's as if she is preventing herself to sob. It's as if she is trying hard not to reveal her weakest side.
"Kahit ano pang sabihin mo, you are nothing but a background! A snake who is just waiting for us to break up! You can never justify that shit!" Muli niya akong dinuro. "Ahas ka! Margot, ahas ka! Traydor!"
Sa mga sinabi niya ay para bang may sariling utak ang mga paa ko. Basta-basta na lang itong naglakad papalapit sa kanya.
"Napaka-walanghiya mo! Wala kang kwentang kaibigan! Kahit ano pang sabihin mo, hindi pa rin noon maaalis ang katotohanang naghihintay ka lang ng pagkakataon para masira kami ni Marco. Hindi pa rin noon maaalis ang katotohanang gusto mo lang landiin si Marco dahil naiinggit ka sa akin dahil ako ang gusto niya at hindi ikaw!" Patuloy lang siya sa pagsigaw habang patuloy lang din ako sa paghakbang papunta sa kanya.
"Ahas k--"
Dumampi ang palad ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya ay namula ang parteng iyon. Habang damang-dama ko ang kirot sa palad ko, nagpatuloy ako sa paghikbi.
"Accuse me of anything but I'm never what you think I am. I am not the villain here. It's you, Cygny. It's fucking you." Sambit ko sa kanya. Pero napapikit na lang ako nang itaas niya ang kamay niya hudyat na sasampalin niya rin ako.
Puno ng sakit sa puso, pinili ko na lang na hayaan siyang saktan ako. Hahayaan ko na lang ilabas niya ang galit niya sa akin dahil sa huli, kaibigan ko pa rin siya.
"Hep! Time freeze!" Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Vaeden. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakahawak si Diyes sa nakataas na kamay ni Cygny.
"Noong una pa lang, hindi na talaga kita gusto. Ngayon, alam ko na kung bakit ang init-init ng dugo ko sa 'yo simula pa noong una. I'm really disgusted with you. Isa ka palang whore and cheater at the same time, I should puke while staring at your disgusting face." Magne is standing on my back, her tone is dangerously harsh.
Naglakad siya papalapit kay Cygny. Inilapit ang mukha niya sa kanya. "Subukan mong saktan si Margot, papaduguin ko 'yang pisngi mo gamit ang palad ko."
Nang mapatingin ako kay Cygny, hindi na maipinta pa ang kanyang mukha. Sa mga narinig niya kay Magne, alam kong poot lang ang pumasok sa kanyang utak. It should really hurt. Your friends turning their backs at you because you are shit. And you can't accept that.
"Pare-pareho kayong basura! Pinagsisisihan ko talaga kung bakit ko kayo nakilala!" Sinusubukan niyang kumawala mula kay Diyes. Pero hindi niya kaya.
"Akala niyo ba sincere ang pagsama ko sa inyo?" With her tears, she smirked. "You wish. Sumama lang ako sa basura niyong grupo dahil kay Marco. If Marco wasn't on your group, I won't really waste my tim--"
It was my time to snap. "Cygny, hindi kami ang basura dito kung hindi ikaw. You can't even admit that what's happening right now is your entire fault."
I am done.
Cygny is a lost cause.
"We have always been so supportive of you but we will never tolerate your mistake. Kung pinagsisisihan mong nakikilala mo kami, mas pinagsisisihan naman namin na napalapit kami sa'yo. You are nothing but a coward trash who knows nothing but to be selfish and we don't deserve someone like you. Wala akong pakialam kung hindi totoo ang lahat ng pakikisamang pinakita mo sa akin-- sa amin, basta simula ngayon, buburahin na namin ang mga ala-alang kasama ka. Ganoon lang naman 'yon, hindi ba? Ang mga patapon na bagay, dapat itinatapon at kinakalimutan na lang."
I paused for a second. "I hope someday, magbago ka na. You also deserve better. You have to change for the better. Stopping yourself from being a bitch and a whore will make you cute, believe me. And being fake towards others won't ever put you into right places."
I know, I'm too harsh. But most of the time, the easiest way for people to realize their mistakes is through the harsh words that will stop them from committing the same mistake again. Minsan, kailangang isampal sa isang tao ang katotohanan para magising siya. Masasaktan siya, oo, pero ang mahalaga, matututo siya.
Cygny is about to snap too when Vaeden cover her mouth using the towel he always put on his shoulder blades.
"Sige na, babe Margot. Sundan mo na si Marco." Nakangiti sa akin si Vaeden. His smile urge me to hurry up and follow Marco.
I then look at Diyes and he just nod at me. Nakangiti din siya habang tumatango, tila bang pinaparating niya sa akin na kailangan ko nang bilisan dahil kailangan ako ngayon ni Marco.
Maya-maya ay naramdaman ko naman ang pagtapik ni Magne sa balikat ko. "Sige na, kami nang bahala sa bitch na 'to." She said while staring furiously at Cygny.
Mabilis naman akong tumango sa kanila at saka pinunasan ang luha sa mga mata ko. Agad akong tumakbo papalayo.
Nang makalayo na ako sa CR ay nagpalinga-linga ako sa mataong daan ng University. The University Ground is too crowded but I try my best to look for Marco out of the students that are passing by. Hindi ko makita si Marco kaya't nagpasya na lamang akong tumakbo papunta sa gate.
Nang makarating na ako sa gate ay hingal na hingal kong itinanong kay Manong Guard kung nakita niya si Marco. Kilala kami ni Manong Guard at lagi niyang kinakausap si Marco sa tuwing lumalabas kami ng University kaya't naisisigurado kong tama ako ng pinagtatanungan.
Nagtataka naman siyang umiling sa akin. "Si Marco? Hindi pa siya bumabalik dito magmula nang sundan ka daw sa CR. Ilang saglit naman ang lumipas, sumunod na rin ang tatlo mo pang kaibigan sa inyo. Wala ni isa sa kanila ang bumabalik pa dito maliban sa 'yo. Ano bang nangyari, ineng?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sumama ang kutob ko na baka may masamang mangyari ngayong araw.
Napapalunok ng laway, sumagot ako kay Manong Guard habang tumatakbo palayo sa kanya. "A-Ah, wala po. Sige po, una na po ako." Pinagmasdan ko muna ang pagkikibit balikat niya bago ako tumalikod sa kanya.
Puno ng takot akong tumatakbo ngayon habang patuloy na nagpapali-linga sa mataong paligid ng University. Pero ni isa sa kanila ay walang Marco akong nakita.
Nasaan ka na ba, Marco?
Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko nang bigla kong maalala ang napanaginipan ko kaninang umaga. Para akong istatwa na bigla na lang natigilan habang natutulala.
Hindi kaya . . .
Walang ano-ano ay kusa na lang akong napatakbo patungo sa SHS Building kung saan kami laging tumatambay sa tuwing kakain ng lunch. Base din sa panaginip ko, doon ko nakita si Marco.
Hindi, hindi tama ang kutob ko. Hindi magkakatotoo ang panaginip ko. Hindi maaari. Hindi.
Sa bawat pagtakbo ko sa samentadong sahig ay ganoon rin naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dulot ng namamayaning kaba na bumabalot na sa buong katawan ko. Habang tumatakbo ako ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Patago rin akong nagdadasal na sana ay hindi magkatotoo ang panaginip ko.
Nang makapasok na ako sa SHS Building ay halos madulas ako habang tumatakbo dahil sa tiles pero hindi ko ito ininda, nagpatuloy ako sa pagtakbo nang mabilis hanggang sa makarating na ako sa hagdanan.
Pawis na pawis at hingal na hingal, napasandal ako sa pader nang makarating na ako sa ikatlong palapag. Dalawang palapag na lang at makakarating na ako sa rooftop kaya wala na akong hinintay pang oras, nagsimula na uli akong tumakbo papaakyat.
Kahit na pinagtitinginan na ako ng mga students na nadadaanan ko, walang pakialam na itinuloy ko ang ginagawa ko. Kabadong kabado pa rin, nakarating na ako sa ika-limang palapag.
Ngayon ay hinahabol ko na ang hininga ko habang nakakapit sa kapitan ng hagdanan. Tumingala ako sa taas at nakita kong nakabukas ang pintuan ng rooftop kaya't mas lalo kong nakumbinse ang pagod na pagod kong katawan na mas bilisan pa ang pagtakbo pataas dahil maaring nasa rooftop nga si Marco.
Dahil sa pagod, halos madapa-dapa akong tumakbo pataas ng rooftop. Nang makalapit na ako sa nakabukas na pinto ay mabilis akong pumasok at saka idinako agad ang mga mata ko sa eksaktong lugar kung saan nakatayo si Marco sa panaginip ko.
And there, he really is.
"M-Marco . . ." Nanginginig kong sambit habang nagsisimula na uling tumulo ang luha mula sa mga mata ko.