Chapter Episode 33

To Diyes Crimson Fauston,

How are you?

Life will be tough once you entered Senior High School. Be ready for what's about to happen.

Siguro nagtatanong ka kung sino ako? I'm yourself ten years from now.

I sent this diary to you because I want you to do me a huge favor. Maasahan ba kita?

Okay.

Laman ng USB na ito ang audio files. These audio files are from Marco. And I want you to send it to Margot. Including these letters from her future self.

Don't freak out.

Just do what you are told.

This is not just for Marco or anyone else. This is also for you. I don't want you to end up just like me. I want you to stay who you are. To be someone I will never be. To be someone you'd be proud of in the future.

I'm counting on you.

I took a deep breath after I read all of the letters of Diyes's future self. Katulad na katulad ng kung anong nakalagay sa mga letter para sa akin ang nakalagay doon. It was all about making Marco stay alive.

"You . . ." Nanginginig ang kamay ko habang tinititigan siya. "You are Spero Futurae?"

Iyon ang dahilan kung bakit siya napatungo ng ulo. Tila bang nahihiyang labanan ang tingin ko. "Yes."

"Bakit . . ." Bumuntong-hininga ako. Pinipigilan ang namumuong pagkadismaya sa puso ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"At first, hindi ako naniwala. Ginawa ko itong joke. Until it all became clear to me that it was all nothing but the truth. That's the point when I started to interfere with your life through sending these to you."

Pinasadahan niya ako ng tingin. Ngunit agad niya iyong iniwas sa akin. "Pero nang mabasa ko ang sumunod na liham para sa 'yo ng future self mo, I started to make my toxic self to just take over my system. Hindi ko hinayaang malaman mo na mali ang mapalapit si Cygny kay Marco." Diyes silently mumbled, he is still not throwing me a gaze.

"Kaya wala akong ginawa. Kasi at some point, naging masaya ako dahil alam kong may gusto ka kay Marco. Mabibigyan ako ng malaking chance na maging akin ka kapag napalapit siya kay Cygny."

What the hell?

Sa mga sinabi niya ay para bang tinusok niya ng kutsilyo ang puso ko.

"You are selfish." Hindi ko napigilan ang aking bibig.

"Selfish?" He chuckled, but with his tears creating their appearance down his flawless cheeks. "Yes, I am selfish."

I step backward, halos mawalan ako ng balanse. There was nothing I want to do at that specific moment but to stay away from him. "Don't come near me again."

I never thought he will be like this.

I never knew, he is hiding a villain inside of his silent self.

Napakasama niya.

Kung sana, hindi niya pinigilan ang mga dapat na malaman ko tungkol kay Cygny, sana . . .

Sana ay hindi na nangyari pa ang lahat kay Marco.

Sana ngayon, hindi siya nasaktan.

Hindi siya umiyak.

Hindi siya nahirapan.

It was the point where I started to turn my back at him. But I was halted when he spoke again.

"But do you want to know why?" His voice . . . his voice is hopeless.

"It's because in the future, there's an us. Sa future na walang Marco, doon lang magkakaroon ng tayo. Our future selves got married. May dalawa na silang anak sa mundo nila ngayon. And yes," napakagat ako sa aking labi, pinipigilan ang mapahagulgol, "selfish nga talaga ako dahil I hoped it will happen to us as well. Umasa na ako na iyon din ang future natin. Na ikaw at ako, tayo . . . tayo ang dulo ng isa't isa."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Napapalunok ng laway, nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya. He made me turn my face to him.

Now, I can clearly see his eyes that are full of sadness. "Now, it all makes sense to me. Nagising na ako sa kahibangan ko."

Bumuntong hininga muna siya. "Hindi ko talaga makakalimutan ang mukha ni Marco nang makita ko siya kanina habang lumalakad siya papalayo sa amin. Puno ng lungkot, ng pagkabigo at ng pagsuko ang mukha niya. At one moment, natakot ako. At one moment, sinisi ko ang sarili ko kung bakit wala akong ginawa. Kung bakit hindi ko sinend sa 'yo ang voice message at letter na dapat mong matanggap bago mangyari ang lahat. Kung bakit naghintay lang ako na mangyari 'yon kay Marco bago ako matauhan sa kagaguhan ko." 

He paused and then turn his gaze at me. "Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi ako, 'di ba?"

Hindi ako maka-sagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko i-sagot.

"Tanggap ko na ang lahat ngayon. Tanggap ko nang hindi ako ang future mo. Tanggap ko na . . ."

Napapikit ako.

Diyes.

You are so dumb.

"Tanggap ko nang hanggang kaibigan mo lang ako."

He cupped my face. Iyon ang dahilan kung bakit napamulat ako ng mga mata. "So, let's help each other. Let's erase all of the regrets of our future selves."

Everyone deserves a second chance.

And Diyes proved me just now that he deserves it.

And he is my friend.

I will always forgive him if he show me that he is worthy of earning it.

Tumango ako at saka ngumiti sa kanya. Tumutulo pa rin ang luha sa mga mata ko.

Simula ngayon, hindi na ako nag-iisang lalaban para sagipin si Marco. Dalawa na kami. Paniguradong masasagip na nga talaga namin si Marco. Makakaya namin 'to. Walang imposible. Para ito kay Marco.

Makalipas ang ilang minuto, nagpasya na kaming maglakad papunta sa bahay ni Marco. Bago kasi umuwi, sinabihan ko si Diyes na magkita muna kami sa playground ng subdivision nila para pag-usapan ang tungkol kay Spero Futurae. Hindi kasi kami nakapag-usap sa 7 Eleven kanina dahil sumingit sa amin si Magne.

Nang makarating na kami sa gate ay dinig na dinig ko ang malakas na paghalakhak ni Magne. Para bang enjoy na enjoy siya sa kung anong mayroon sa bahay ni Marco ngayon.

Nacucurious, tumakbo na ako papasok. Nakita kong nakaupo si Magne sa sofa habang nakatayo sa harap niya ang isang matandang babae. Wala sina Marco at Vaeden, tanging si Magne at ang matandang babae lang ang nandito.

Pinagmasdan ko ang matandang babae sa pagbabakasaling kilala ko siya pero hindi. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakita. Puti na ang ilang bahagi ng buhok niya pero kahit na kulubot na ang mukha niya ay hindi pa rin noon naapektuhan ang kagandahan niya. Sino kaya siya?

"Kaibigan niyo rin ba sila, ineng?" The old lady said with her thick Batagueña accent, pertaining to me and Diyes. I gently smiled at her.

"Opo, Nay. Kaibigan namin sila nina Marco. 'Yung babae, si Margot, ang taga-luto niya lagi." Masiglang sagot sa kanya ni Magne.

"Ah, ganoon ba? Aba, halika ka, ineng. Baka ikaw na ang mapangasawa ng gwapo kong alaga." Sambit ng matanda habang lumalapit sa akin. Namumula ang mukha ko nang hinila niya ako paupo sa tabi ni Magne. Sumunod naman din sa akin si Diyes at umupo rin sa tabi ko.

Nang nakaupo na kami ay sakto namang dating nina Marco at Vaeden na may dala-dalang mga gulay. Siguro ay bumili sila sa palengke kaya't hindi namin sila nadatnan dito.

Ngumiti sa akin si Vaeden at saka naglakad papunta sa matanda. Inakbayan niya ito na para bang kasing edad niya lang siya.

"Meet Aling Minerva. Call her Nanay. Siya ang nag-alaga sa akin simula Grade Six hanggang sa matapos ko ang Grade 10."

Napakurap ako. Tama. Siya 'yung kinukwento ni Marco sa akin lagi. Siya ang katulong nila na tinuring na niyang lola dahil sabik siya sa kalinga ng grand parents niyang namatay bago siya maipanganak.

"Namiss ko kasi itong alaga ko kaya minabuti kong dito na lang muna magbakasyon habang wala ang mga anak ko sa bahay. Lahat kasi sila ay busy sa kanya-kanyang trabaho kaya naisip kong dito na lang ako sa gwapo kong alaga mamalagi muna." Sambit ng matanda habang hinahalikan sa pisngi si Marco na para bang baby. Halatang closed na closed talaga sila.

Natawa naman kami nang pabirong magreklamo si Marco bago muling magsalita. "Heto nga pala, nay, ang mga kaibigan ko. This is Mag-- wait, na-meet mo na nga pala sina Magne at Vaeden."

Kumamot muna siya sa batok bago tumawa nang bahagya. "Heto po sina Margot at Diyes. Itong si Margot, nay, ang naging tagaluto ko kasi alam mo namang hindi marunong magluto ang alaga mo. Mabuti na nga lang at hindi siya napapagod sa akin."

"Nice meeting you po, Nanay." Ngumiti ako kay Nanay at ngumiti din siya sa akin pabalik. She has this motherly smile that I know, I'll be fond of.

"Apo, siya ang gusto kong mapangasawa mo." Sambit ni Nanay habang nakatingin sa akin.

Patuloy sa pamumula, napaiwas na lamang ako ng tingin kay nanay. Gusto kong magreklamo pero baka magmukha lang akong guilty kaya't minabuti ko na lang na manahimik.

Ang lokong si Marco naman ay nakisakay sa trip ni Nanay. "Oo naman, Nay. Akong bahala sa gusto mo. Tutuparin ko 'yan." Wika ng mokong habang nag-tataas baba ang kilay.

Napahawak na lang ako sa noo ko habang naiiling at tumatawa nang tipid. Itinatago ang namumuong kilig sa sistema ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.