For a minute, I froze on my spot. Tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko. Luha hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa pasasalamat na wala si Marco sa eksaktong lugar na 'yon. Hindi nagkatotoo ang panaginip ko.
Unti-unti nang nabunutan ng tinik sa dibdib, inilibot ko ang tingin sa buong rooftop. Ganoon na lang ang pasasalamat ko nang sa wakas, nakita ko si Marco na nakaupo doon sa eksaktong lugar kung saan kami kumakain ng grupo. Ngayon ay kitang kita ko siyang nakasandal sa pader at nakatingala sa langit.
Hingal na hingal pa rin, lumakad na ako papalapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya. Halos mawalan ng hangin ang mga baga ko nang makita ko kung papaanong dumausdos ang luha sa kanyang mga mata.
Napapalunok ng laway, wala akong masabi.
"Margot, hindi ba ako worth it mahalin?" Punong puno ng lungkot ang tono niya.
Sasagot na sana ako pero muli siyang nagsalita kaya minabuti ko na lang na makinig na lamang sa kanya. "Hindi ba ako kamahal-mahal? Deserve ko pa ba 'tong nangyayari sa akin?"
Tumingin na siya sa akin habang nakangiti nang mapait. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Bagay na nagpaluha rin sa akin. "Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit parang ako lagi iyong pinupuntirya ng tadhana para pag-piyestahan ng kalungkutan? Bakit ako lagi?"
Humugot siya ng malalim na hininga. Then he came with his weakest tone. "Bakit?"
I can see the sadness on his eyes. Now, I know why the sky is gray today, it's because all of the blue is on his eyes.
Hindi pa rin sumasagot sa kanya, inabot ko ang mukha niya. Nagsimula akong punasan ang luha sa mga mata niya habang ang mga mata ko ay patuloy rin sa pagluha.
"Naalala mo 'yung araw na may gusto akong sabihin sa 'yo?" Sambit niyang muli habang nakatitig sa akin.
Napakurap ako. Oo nga pala. May gusto nga pala siyang sabihin sa akin pero naputol iyon dahil kay Steph.
Mabilis kong itinango ang ulo ko sa kanya. Habang naghihintay pa rin sa sagot niya, ibinababa ko na ang kamay ko. Definitely ready for what he is about to spill.
"That day, I want to seek advice to you. That was the day where I realized that I might be dating the wrong girl. That I might be on the wrong book to my real love story." Itiningala niya uli ang ulo niya. Tumingin siya sa langit na dumidilim na at nagbabadya na ng ulan.
"Cygny is a nymphomaniac. It's a condition where a girl has an abnormally excessive and uncontrollable sexual desire. Hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating sa sex. Nalaman ko ito nang minsang pumunta ako sa bahay nila. Her mother told me that Cygny doesn't want to undergo therapy because she strongly believe that she's normal." Bumuntong hininga muna siya bago inalis ang salamin niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
Natigilan ako mula sa mga narinig ko. Napapakurap, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya. Pero minabuti ko na lang na patuloy na makinig sa kanya.
"Later on, she admitted that she just confessed her feelings to me just because she just want to have sex with me." His chest went up and down.
Letting out a full of sadness breath, he continued as he turn his gaze at me. Ngayon, nakangiti na siya sa akin nang mapait. "It was painful. Her feelings towards me wasn't genuine at all. It was only for show. But I chose to stay by her side. I chose to embrace her with her flaws because as his boyfriend, that was my responsibility. I'm committed with her and the least that I can do is to straighten her crooks. Back then, she promised me that she will control herself. That she'll do everything not to cheat on me."
Napalunok ako ng laway. Dire-diretso nang lumalandas ang luha mula sa mga mata ko papunta sa pisngi ko. Hindi ko na mapigilan ang maluha. All this time, Marco did everything for a girl who will never love him back.
Nagparaya ako para kay Cygny pero ganito lang pala ang gagawin niya? Ngayon ko na talaga pinagsisihan na sana pala, hindi na lang ako tumayo na lang at hinayaan siya. Sana pala, sinabi ko rin kay Marco na mahal ko siya para kahit papaano ay hindi siya nasasaktan ng ganito.
He paused for a second. He took a deep breath. "I already gave her what she needs but she still chose to break her promise and my heart. She told me she love me but the truth is she just love me because she needs something from me. For her, I'm just a toy. The thoughts of betraying her boyfriend aroused the shits out of her that's why she continue doing her sins." Ibinalik niyang muli ang salamin niya bago humarap uli sa akin.
Our eyes met and all I can feel right now is the chaotic sadness from his eyes. Ngayon ay nakangiti na siya-- ngiting puno ng labis na kalungkutan. Ngiting kailanman ma'y hindi ko pa nakita mula sa kanya.
"But, I won't regret this day because this is the day where my numb sleeping self has awakened. I now know better. Natauhan na ako. Hindi ko deserve ang mga ginagawa niya sa akin. And thinking what happened, I realized that I wasn't really inlove with her from the very beginning. Maybe I'm just infatuated by her because she is my first crush. Ngayon ko lang narealize na may iba nga talaga akong gusto. Sadyang na-fall na lang talaga ako kay Cygny as the days went by. At saka siguro, pinili ko na lang talagang ma-fall sa kanya kasi parang hindi naman ako gusto ng taong gusto ko."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. May iba siyang gusto? Sino? Alam kaya ito ng future self ko?
Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko. "It was a battle between the one I love and the one who loves me and I chose the latter. Sana talaga ay hindi ako basta-bastang pumasok sa relasyong hindi ako sigurado. Nasaktan lang ako, eh. Nasaktan ako dahil nagmadali ako at ito ang resulta ng pagmamadali ko. Kung kailang na-fall na ako, saka naman walang tao ang sumalo sa akin."
Huling buntong hininga ang kanyang nilabas. "Totoo nga, everything that falls get broken."
Habang nakatitig ako sa kanya ay unti-unti nang nanumbalik ang Marco na kilala ko. Unti-unti nang bumalik ang ngiti niya. Ang sigla at saya na sa kanya ko lang nakikita.
***
Makalipas ang ilang minuto, naisipan na rin naming umuwi dahil nagsisimula nang kumulog. Hudyat na papalapit na ang malakas na ulan. Base sa dilim ng langit, masasabi kong malakas ang ibubuhos nito.
Nang pababa na kami sa Ground Floor ay ganoon na lang ang ngiti ko nang bumungad sa amin ang naghihintay na sina Diyes, Magne at Vaeden. Si Diyes ay nakatayo at nakasandal doon sa pader habang nakatingin sa sahig. Samantalang sina Magne at Vaeden naman ay nakaupo sa tapat niya habang nakatingin sa hagdan kung saan kami pababa ngayon.
Habang bumababa kami ni Marco sa hagdan ay napatingin sila sa amin. Automatic namang napangiti si Magne at saka tumakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit na para bang matagal na panahon kaming nagkalayo sa isa't isa.
Natatawa, niyakap ko na lang din siya nang mahigpit. Habang nakayakap kay Magne, binaling ko ang tingin ko sa nagtatawanang sina Diyes at Vaeden. Si Vaeden naman ay pabirong sinasakal si Marco gamit ang braso niya. Diyes is laughing silently as he watched the two of them. Tumawa lang naman nang tumawa si Marco na para bang wala lang sa kanya ang nangyari kanina.
Nakakatuwang makita kaming ganito. Carefree. Walang iniintindi kahit na pagtinginan na kami ng mga students dito. Wala kaming pakialam sa paligid dahil nakafocus lang kami sa isa't isa.
This is the beauty that OPERAE PRETIUM Squad has, we don't really care about anything. We are all for cherishing and enjoying the moment. This squad won't be called OPERAE PRETIUM if it's not all about being worthwhile at all.
Ilang saglit pa ay napagpasyahan na naming umuwi. Nagsimula na kaming lumakad papalabas pero napatigil kami nang biglang sunod-sunod na bumuhos ang ulan.
Tumingin ako sa sa Center Ground na unti-unti nang nababasa. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang napakandang view sa harapan ko. Ang nakikita ko ngayon ay ang sunod-sunod na pagpatak ng ulan na dahilan para magkulay abo ang paligid. Ipinikit ko naman ang mata ko. Dinama ang lamig na dinudulot ng masamang panahon at ang nakakarelax na tunog na ginagawa ng pagpatak ng ulan.
"Wow, sakto pa talaga ah?" Reklamo ni Magne, dahilan para mapamulat muli ang mga mata ko. Natatawa akong tumingin sa mukha niyang nakasimangot.
Ngumiti ako sa kanya. "Pwede namang maligo na lang tayo sa ulan, 'di ba?"
Napatingin sila sa aking lahat. Ang lahat ng mga lalaki ay ngumisi sa akin habang si Magne naman ay padabog na umiling. "No! Ayokong maba-- Ano ba?! Bitawan mo ako!"
Nagpipigil ako ng pagtawa nang biglang hinigit ni Vaeden si Magne sa ulan dahilan para tuluyan siyang mabasa. Habang tuloy-tuloy ang pagtulo ang patak ng ulan sa damit niya ay hinahampas niya si Vaeden na pinagtatawanan lang siya. Para tuloy silang couple na nag-aaway.
"Why won't they date already?" Says Ben 10 while he is standing on my side. I just chuckle. Yes, it's too obvious that they like each other.
Ilang saglit pa ay sinamahan na rin sila ni Marco. Dahil puro kalokohan ang nalalaytay sa dugo niya ay kumuha ito ng putik at saka itinapon sa nag-aaway na sina Magne at Vaeden. Punong puno ng putik sa uniporme, sabay nilang ibinaling ang nanlilisik nilang tingin kay Marco. Napailing na lang ako sa sumunod na nangyari. Kumuha din ng putik ang dalawa bago sabay na ibinato sa tawang-tawang si Marco. Napailing naman ako, para talaga silang mga bata.
Maya-maya pa'y napatingin ako sa tumatawang si Ben 10. Ngumisi muna ako nang nakakaloko sa kanya bago ko naisipang itulak siya sa ulan. Iyon amg dahilan kung bakit siya naman pinuntirya ng tatlong baliw na nagbabatuhan ng putik.
Habang tumatawa nang malakas, huli na ng marealize kong ako na lang pala ang natitirang hindi basa sa kanila. Tiyak na ako ang pupuntiryahin nilang batuhin ng putik kapag nagpaulan na ako!
Napapalunok ng laway, napakamot ako sa batok ko. Dapat pala, kanina pa ako tumakbo!
Habang nakatingin sa nakakalokong ngisi ng apat na kaibigan ko, bumuntong hininga muna ako bago ko simulang tumakbo papalayo sa kanila. Pero dahil sa apat sila ay walang hirap na napagtulungan nila ako. Punong puno ng putik akong nakipaglabanan sa kanila sa batuhan ng putik habang tumatawa nang malakas.
Ang mga naghihintay na tumila ang ulan sa SHS Building ay natatawa na lamang sa amin habang pinapanood ang kalokohan namin. Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin habang tumatawa nang malakas.
Ngayon, para kaming mga bata na naghahabulan sa gitna ng Center Ground. Walang problemang iniintindi. Kinakalimutan ang nangyari kanina. Kami ay nasa mundo lang namin na kung saan, walang problema ang pwedeng pumasok.
Right now, it was only us, the rain and our genuine happiness who will fill the empty space of the Center Ground.
***
Nang mapagod kami sa paghahabulan ay nagpasya na kaming maglakad papauwi habang basa pa rin at nababalutan ng putik ang mga uniporme. Nang makalabas na kami sa gate ay naisipan muna naming dumaan sa 7 Eleven.
Sabi kasi ni Vaeden, kailangang maka-move on ni Marco at ang mabisang paraan daw ay ang pagkain ng ice cream. Danas na danas na daw niya kasi lagi ang heartbreak at nakakasiguro siyang epektibo ang paraan niya.
Inirapan lang naman siya ni Magne at saka bumanat na hindi raw totoo ang sinasabi ni Vaeden. Kasi we all know that he is the one who used to break a girl's heart. Iyon ang pinagmulan ng panibagong pagbabangayan nila. Kaya para tumigil na sila sa nagsisimula na namang bangayan, sumang-ayon na lang kami kay Vaeden.
Ngayon ay nandito na kami sa loob ng 7 Eleven. Nakaupo ako habang katabi si Ben 10 at nasa tapat ko si Marco. Sina Magne at Vaeden naman ay nagsisimula nang bumili kaya hinihintay na lang namin silang dalawa.
Habang hinuhubad ang basang-basang coat ko, napatingin ako sa kaninang puting uniporme ko na namantyahan na ng putik. Napangiwi ako nang marealize na masesermonan na naman ako ni Papa. Paniguradong isang linggong sasakit ang tainga ko dahil hindi niya ito makakalimutan nang basta-basta, bagay na mas lalong nagpangiwi sa akin.
Bigla ko tuloy naalala 'yung minsang naiwan ko sa school ang tupperware niya. Jusko, halos araw-arawin niya ang pagsesermon sa akin noon.
Tinanong ko pa nga ang sarili ko noon kung ako ba ang anak ni Papa o 'yung tupperware namin? At saka kung bakit mas matalak pa siya kaysa kay Mama?
"Lagot ka kay Tito." Sambit ni Marco na para bang nabasa ang iniisip ko habang hinuhubad na rin ang coat niya. Matapos noon ay ginulo niya ang buhok niya dahilan para tumalsik lahat ng tubig na nasa buhok niya sa amin ni Ben 10.
I just frown at him but he just smiles at me with his playful smile. That playful smile never failed to make my heartbeat race like crazy. "Ako na lang maglaba, gusto mo?"
Napaiwas ng tingin at nagpipigil ng ngiti. "Excuse me? Hindi ka naman marunong maglaba. Nagpapalaundry ka pa nga sa laundry shop, eh."
He chuckles as he wiggles his thick eyebrows. "Edi mag-aaral para sa 'yo."
I roll my eyes at him while still preventing my self to smile. Ang epal talaga.
Mabuti na lang at saktong dumating sina Vaeden at Magne. Habang inilalagay nila sa mesa ang dalawang half gallons ng ice cream ay nagsimula na akong ngumiti. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatingin na lang sa ice cream na vanilla flavor at ang isa naman ay chocolate.
"Sa sobrang dami niyan. Ewan ko na lang kung hindi ka pa makamove-on, Marco." Sambit ni Vaeden habang may pagmamataas sa tono.
Umubo naman si Ben 10 nang pilit. "Parang nakamove-on na nga, eh." Siniko ko naman siya at saka nagpipigil ang tawa na tumingin sa akin.
Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay itinuloy muli nina Vaeden at Magne ang pagbabangayan nila na para bang mga aso't pusa. Ngayon, ang pinag-aawayan nila ay kung ano ba ang mas masarap, ang vanilla ba o ang chocolate. Naiiling na lang ako habang tumatawa dahil sa kanila. Wala na yata silang hindi pagtatalunan, eh.
In another life,
I would make you stay.
Napatigil ako sa pagkain nang mag-focus ang tainga ko sa kantang pinapatugtog ngayon. It was The One That Got Away by Katy Perry.
I took a deep breath. Bigla kong naalala ang future self ko. Bakit wala na akong natatanggap na mga liham galing sa kanya? Ganoon na rin kay Spero Futurae. Bakit hindi na siya nagpaparamdam sa akin?
Senyales na ba ito na naiba ko na talaga ang kapalaran ni Marco?
Habang nakatitig sa tumatawang mukha ni Marco, napangiti ako.
Mukha nga.
Sa ngiti ni Marco ay narealize kong step by step, I can make him stay alive. I will make sure that he will stay alive.
So I don't have to say
You were the one that got away.
The one that got away
Marco won't be our one that got away, I told my self. I can keep him alive even after ten years from now. I can make him stay alive for a lifetime.
***
Mahigit isang oras naming kinain ang ice cream. Sumuko kami sa pagkain at tanging sina Marco at Vaeden lang ang nakaubos noon. Dapat pa ba akong magulat? Alam na alam ko naman kung gaano katakaw ang dalawang 'yan.
Tumila na ang ulan. Pero madalim pa rin ang kalangitan kaya nagmadali na kaming tumayo para umuwi habang hindi pa bumubuhos muli ang ulan.
Naunang tumayo sina Magne at Vaeden. Sinundan naman agad sila ni Marco. Nang akmang tatayo na ako ay biglang hinawakan ni Diyes ang braso ko. Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka sa mukha.
"I have something to tell you." Seryosong sambit niya.
"Ano 'yon?" Napapakurap ko namang sagot sa kanya.
"It's about . . ."
Bumuntong hininga siya.
His face is telling something.
Something I can't decipher.
"It's about Spero Futurae."
×××
Author's Note: Cygny is a nymphomaniac at hindi niya talaga mahal si Marco. Gagawan ko siya ng sariling story, baka siya na ang next sa OPERAE PRETIUM Series.
Anyways, don't forget to vote and comment your thoughts about this story or you may tweet about this by tagging me (@VChesterG) or using the hashtag #AfterMyDeathTomorrow
Also, share mo rin sa friends or mga kakilala mo para mabasa din nila! It will really help me, bigtime. Thank you!