Chapter Episode 36

It's Thursday afternoon, katatapos lang ng Physics Class namin. Ang susunod na ay ang last class para sa araw na ito which is Physical Education.

Dalawa ang class namin sa PE every week. Ang isa ay tuwing Tuesday kung saan ginagawa namin ang actual activity na diniscuss ni Ma'am Natividad sa lecture. Ang isa naman ay tuwing Thursday kung saan lecture lang ang ginagawa namin.

Natigil ako sa iniisip ko nang magsalita si Marco. Napatingin kaming lahat sa direksyon niya.

"Ma'am, I have something to tell you." He said. As I stare at his face, I can sense all the sadness from it.

Wait . . . Vaeden!

Tumingin ako kay Vaeden nang masama. Ang napag-usapan namin kasi ay siya ang magsasabi kay Marco na sasamahan namin siyang lumaban bukas sa relay race. Siguro ay nakalimutan na naman ng loko!

Vaeden seems to realized what I just acted. Nakangiti na siya nang awkward sa akin habang naka-peace sign. Umirap na lang ako sa kanya nang pabiro at saka ibinaling ang tingin sa nakatayo pa ring si Marco.

"Ano 'yon, Mr. Razon?" Ma'am Natividad said as she holds the book that she's looking for inside her bag.

"Hindi na po ako--" Naputol siya sa pagsasalita nang biglang tumayo si Diyes na nakaupo sa tabi niya.

"I want to join the relay race with Marco, Ma'am." Diyes said as he smiled shortly at Marco.

After him, Vaeden stood up. "I will also run with Paps Marco, Ma'am." He said as he wiggle his eyebrows at Marco.

I blink when Magne stood up as well. "Me too, I want to fight for this section with Marco, Ma'am."

Wala na akong hinintay na sandali, tumayo na rin ako. "Ako rin, Ma'am. I want to win the competition with Marco." I said as I smile towards Marco's direction.

Halatang halata ang pagkagulat sa mukha niya. We just smile at him. As the section groan in happiness because none of them wants to represent the section, Ma'am Natividad nods at us while smiling.

***

"Uy, salamat talaga ah. Ayoko kasi talagang sumali sa relay race bukas. You saved me." Sabi sa amin noong kaklase naming babae na supposedly, kasali sa competition bukas.

I just smile at her because it's not just she whom we saved, it's Marco and his will to fight with the failures he had with his life. This is afterall, for him.

Maya-maya pa'y nag-paalam na kami sa kanila. We smile at them as we bade our goodbyes.

Nang naglalakad na kami sa corridor, I silently mumbled, "I should be glad that Cygny is stepping down. Hindi na niya tayo ginulo ngayong araw."

Tumingin sa akin si Magne. "Siguro natakot na 'yon magpakita."

Napatingin ako sa direksyon ni Marco na nakikipagtawanan kina Vaeden at Diyes. "I hope so. I want her to be out of the picture. Sana, sapat na talaga iyong ginawa kong pananakot sa kanya."

Bumuntong hininga pa muna ako bago muling nagsalita si Magne. "Speaking of the bitch." Sambit niya. Her tone is harsh.

Tumingin ako sa direksyon ng tinitignan niya. Napakurap na lang ako nang makitang naglalakad si Cygny papunta sa direksyon namin.

Akmang lalapit na ako kay Marco para ilayo siya kay Cygny pero pinigilan ako ni Magne. "Let the boys do their job." She said as she gave me a reassuring expression.

Nang ibinaling ko ang tingin sa tatlong lalaking kaibigan namin ay halos matawa na lang ako. Ngayon kasi ay isinuot ni Vaeden ang black cap niya kay Marco. Ibinababa niya iyon para hindi siya makakita.

Si Diyes naman ay nakahawak sa ulo ni Marco habang mabilis na naglalakad papalayo kay Cygny. Siyempre, nagpumiglad si Marco sa kanila pero wala siyang nagawa sa pinagsamang lakas nina Vaeden at Diyes.

Kitang kita ko kung papaanong nainis si Cygny dahil sa ginagawa ng tatlo. Iyon ang dahilan kung bakit nilagpasan niya na lamang si Marco.

Nang papalapit na siya sa amin ay nagsalubong ang kanyang mga kilay. Inirapan niya kami. I just gave her a shrug because I won't waste my time to someone like her anymore. I already gave her the attention that she wants last Tuesday, I won't let her ruin my day again.

***

Friday morning.

Wala kaming klase dahil nag-give way ang ibang subjects para sa event ng Physical Education. Maaga kaming pumasok dahil as per Ma'am Natividad, kailangan pa rin naming panoorin lahat ng mga competition ngayong araw. For the reaction paper which will be our midterm project to her subject.

Ngayon ay punong puno ng SHS Students ang School Gymnasium dahil sa ginaganap ngayong Taekwondo Competition. Nakaupo kami dito sa bleachers. Pinapagitnaan namin ni Vaeden si Magne. Sina Diyes at Marco naman ay lumabas para bumili ng breakfast namin. Hindi na kasi kami nakapagalmusal dahil lahat kami ay na-late ng gising.

Doon kasi kami sa bahay ni Marco natulog lahat. Napagkasunduan kasi namin na sabay-sabay na lang matulog para walang ma-late ng gising sa amin. Pero hindi kami nakatulog nang maaga dahil sa masasayang kwento ni Nanay Minerva.

Siguro, mga one o'clock na kami nakatulog. Tapos kinailangan pa naming gumising ng alas kwatro para sa fun run, lahat kasi ng SHS ay required sumali doon. Siguro, four fifteen na kami nagising lahat tapos six o'clock kami nakarating sa school. Mabuti na lang talaga at Filipino time lagi ang event dito sa Pilipinas, magsisimula pa lang kasi ang fun run nang makarating kami.

Binaling ko na ang atensyon ko doon sa naglalaban ngayon. Section E at Section A ng HUMSS. Ngayon, lamang ang Section E dahil may dalawang miyembro na silang nanalo. Ang Section A ay wala pa. Kung mananalo ang ngayo'y lumalaban sa Section E, sila na ang mananalo dahil best of three ang game nila since five members lang kada-sections.

"Go my baby labs! Ipanalo mo 'to para sa akin!" Sigaw ni Magne.

Halos mawalan na kami ng pandinig dahil sa kanya. Hindi ko talaga alam kung sadya bang malakas ang boses niya o may nakalagay na mic sa lalamunan niya. Jusko!

Crush niya kasi ang ngayo'y lumalaban na heart throb sa Section E na si Kenzouie Cleondre Furukawa. Iyon ang dahilan bakit kung makasigaw siya ay parang wala nang bukas.

"Mas gwapo naman ako diyan. Andito naman ako, babe." Nakanguso si Vaeden sa tabi niya, halatang nagseselos ang loko.

Tumigil naman sa pagsigaw si Magne at saka humarap sa kanya. Feeling ko, nakapoker face na naman siya kay Vaeden. "Babe your face. Kay Baby Labs Kenzouie lang ako, duh." Matapos niyang magsalita ay nagpatuloy na uli siya sa pagsigaw.

"Hindi ka naman makikita niyan, liit kaya ng mata niyan." Tugon ni Vaeden habang tumatawa na ng malakas.

Muling tumigil sa pagsigaw si Magne at saka pinaghahampas ang tumatawang si Vaeden. Napailing na lamang ako habang tumatawa at saka ibinaling ang mata ko doon sa naglalaban.

"Magne, matatalo si Baby Labs mo." Natatawa kong sambit habang patuloy na pinapanood ang laban. Ngayon kasi ay sunod sunod nang sinisipa ng kalaban si Kenzouie. I think, his foe's kicks are now enough to defeat him.

Nang muling ibinaling ni Magne ang tingin niya doon sa naglalaban ay huli na. Idineklara nang talo si Kenzouie. That was the moment when she groaned in disappoinment as she turn her head to Vaeden again.

"Bakit kasi ang gulo mo?! Natalo tuloy ang Baby Labs ko!" Galit na galit na sigaw niya kay Vaeden habang patuloy na niya ito uling hinahampas. 

"What?! I didn't even touch him so why would you blame it to-- Hey! Stop it!" He said as he laughed like a kid. Para bang kiliti sa kanya ang hampas ni Magne. Baliktad talaga ang utak ng lalaking 'to.

Napapailing na naman akong tumawa dahil sa kanila. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa paligid para sana hanapin sina Diyes at Marco pero wala pa rin sila.

***

Natapos ang Taekwando Competion sa pagkapanalo ng Section A. Hindi ko talagang inaakalang mananalo sila pero siguro ganoon lang talaga sa buhay, hindi dahil natalo ka nang ilang beses sa una ay susuko ka na agad. Dapat, gamitin mo ang pagkabigo mo para mas maging malakas sa mga susunod pang hamon na darating sa buhay mo.

Ngayon ay nandito kami sa gilid ng gymnasium. Katatapos lang namin kumain ng breakfast. Kami lang ni Marco ang nandito dahil sina Diyes, Magne at Vaeden ay pumunta sa CR.

"High Jump Competition na siguro ang susunod." Wika ni Marco na hindi inaalis ang tingin niya doon sa gilid ng oval. May mga tumpok ng estudyante ang nagwawarm up doon.

Hindi ko naman siya pinansin. Iibinaling na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Automatic akong ngumiti nang makita ko si Ma'am Natividad na busy sa isinusulat niya sa papel na hawak niya.

"Stressed ka na, Ma'am. Sobrang hassle po ba ng araw na ito?" Natatawang ani ko kay Ma'am nang makita niya kami at saka naglakad papalapit sa pwesto namin.

"Oo nga eh. Pwede ko ba kayong mautusan?" Napapakamot niyang tanong, tila bang nahihiya.

"Sure, Ma'am. Wala pong problema basta mataas ang grade na--" Hindi na naituloy ni Marco ang sasabihin nang kurutin ko siya nang patago sa kanyang tagiliran.

"Ikaw talaga, Mr. Razon. Oo naman, mataas ang grade niyo sa akin. Kayo ang lalaban para sa section niyo, eh." Natatawa nang bahagya si Ma'am. Sinakyan ang biro ng mokong kong kaibigan.

She paused for a minute and then looks around like she's looking for something. When she finally found it, she turned her look on us again. "Pwede niyo bang dalhin 'yung High Jump Foam doon sa oval? Wala kasi akong mautusan, eh. Busy lahat ng Professors."

"Sure, Ma'am. Kami na pong bahala." I smile at her.

"Thank you, Ms. Agassi and Mr. Razon. Maiwan ko na kayo ha? Good luck sa relay race later." She smiles at us gently and then she quickly walk towards the door of the gymnasium. Halatang abalang abala siya.

Wala na kaming hinintay pang sandali. Pumunta na kami ni Marco doon sa High Jump Foam. Sa tingin ko, hindi naman ito mukhang mabigat. Makakaya naman siguro naming dalawa ito.

"Mukha namang magaan, tayo na lang kaya ang magdala nito? 'Wag na nating hintayin sina Diyes." Sambit sa akin ni Marco habang nakatingin doon sa foam.

Sumangayon naman agad ako sa kanya dahil pareho kami ng naiisip. "Doon na ako sa kabilang dulo?" I asked while still staring at him.

Hindi niya naman ako sinagot, hinawakan niya ang handle para buhatin ito pero nadulas ang kamay niya kaya't bumagsak ang foam doon sa paa niya. Bigla akong kinabahan nang napapangiwi siyang tumingin sa akin.

"Okay ka lang?" Dali-dali akong lumapit sa kanya at saka iniangat ang foam na medyo may kabigatan nga.

Nang tumayo siya ay iika-ika siyang humakbang, bagay na nakapagpakaba lalo sa akin. "Okay ka lang ba?" Muli kong sambit sa kanya.

He forced a smile at me. "Oo, wala 'to." I can sense that he's only faking the pain.

Napapakurap, patuloy pa rin akong kinakabahan.

Bakit nangyayari pa rin ang dapat na mangyari?

Bakit na-injure pa rin si Marco kahit taliwas sa nakalagay sa letter ang ginawa namin?

Ang ibig sabihin ba nito, mangyayari at mangyayari pa rin talaga ang dapat na mangyari kahit na pigilan pa namin ito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.