Chapter Episode 37

Ipinadyak ni Marco ang kanang paa niya na nadaganan ng mabigat na foam. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na pagkadismaya sa nangyari. He wants to bounce back from the failures but it seems like the destiny doesn't want him to do so.

Nang matapos na siya sa pagpadyak ay iniharap niya ang mukha niya sa akin. Ngumiti siya nang malawak. The same usual playful smile he always show me but it's far different from what I always see from him. His smile is full of pretensions. It seems like he is just hiding the pain deep inside his fragile heart.

Lumakad na uli siya doon sa kabilang dulo ng foam, paharap sa akin. "Tara na, Margotliit. Wala lang 'to, malayo 'to sa bituka." Tumawa siya nang bahagya pero alam kong hindi totoo ang tawang 'yon. Alam kong pilit lang iyon.

Patuloy na kinakabahan, sinunod ko na lang siya. Hinawakan ko na ang itim na handle ng foam at ganoon din siya. Bumilang muna siya nang tatlong beses bago kami nagsimulang magbuhat. Pero katulad nang nangyari kanina, nadaganan na naman ang paa niya.

Ngayon ay punong puno na ng pag-aalala ang mukha ko. "Sure ka ba? Okay ka lang talaga?" I am blinking ans freaking out at the same damn time. "Punta ka muna sa clinic, baka kung napano na 'yang paa mo."

Ngumiti siya sa akin. Puno pa rin ito ng pagpapanggap. "Hindi. Kaya ko 'to. Trust me."

Bumuntong hininga na ako. Wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang sa kanya dahil alam ko namang wala din akong magagawa. Patuloy lang siyang magpupumilit.

"On my count of three, buhat." Sambit niya habang nakatingin sa akin. Puno naman ng pag-aalala ang mukha ko nang itinango ko ang ulo ko sa kanya.

"One."

Nakatingin lang ako sa kanya. Ramdam na ramdam kong desidido siya sa gusto niyang gawin. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang manindigan na kaya niya ito. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kayang kaya niya ito.

"Two." I looked away right after he winked at me. Nakuha pang mang-asar ng loko-loko.

"Three, buhat."

Matapos niyang sabihin iyon ay buong lakas ko nang iniangat ang foam at saka tumingin sa kanya. I frown right after I saw his face. Napapangiwi siya ngayon pero hindi niya pa rin talaga binibitawan ang handle ng foam. Halatang nahihirapan na siya pero ayaw niya pa ring bumitaw. Gusto niyang panghawakan ang sinasabi ng kanyang utak.

"O-Oh, 'di ba? Sabi sa 'yo eh, kayang kaya ko 'to." He said as he laughed awkwardly. He is still full of pretensions.

Ngunit napakurap na lang ako nang makitang tumabi sa kanya si Diyes at saka hinawakan din ang handle sa gilid ng foam. "Marco, okay lang kung sabihin mong hindi mo na kaya. We are always here for you. We can help you-- we will always help you."

Natigilan ako sa narinig ko sa kanya hanggang sa si Vaeden naman ang humawak sa kabilang handle na katapat ng hinahawakan ni Diyes. "Paps, kung hindi mo na talaga kaya. Let go, you have to rest. Winning doesn't mean you're strong physically. Winning means you're strong enough to admit your weak sides."

"Oo nga, Marco. Hindi mo kailangang magmukhang malakas kung nanghihina ka na. Hindi required ang maging matapang sa mundo. Minsan, kailangan mo rin talagang tanggapin na hindi mo kaya." Magne said as she holds the other handle.

Nang mapatingin ako kay Marco, nag-iba na ang expression ng kanyang mukha. Ngayon ay kitang kita kong unti-unti nang nagbubutil ang kanyang luha pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Tila bang hindi niya inaasahan ang nangyari, para bang mas lumakas siya dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan namin.

Finally, I smile at him. "Kaya ikaw, mokong. Ipatingin mo na sa clinic 'yang paa mo para makatakbo ka mamaya sa relay race. Leave this to us. Rely on us. Let us carry the burden you are currently feeling. Let us be the ones to throw this for you." I heave a deep sigh then smile him genuinely. "You can always count on us."

Tumango siya. Nanginginig ang ibabang labi niya. "Thank you . . ." He said with his teary eyes. His eyes are now full of encouragement. It seems like he finally found a way for him to graciously fight the battle that has been giving him desolate feeling for a long time.

We nod at him and gave him a gentle smile. A smile that will make him realize that if he's with us, everything will be fine.

***

"Nangyari pa rin ang pagka-injured ng paa niya. What does this mean?" I anxiously told them as soon as we sit on the football field of the oval. Katatapos lang naming ilagay ang foam doon sa area ng mga sasabak sa High Jump Competition.

Diyes sighs. "As what I've said, the nature will always find a way to get things done the way how it should be. It's inevitable."

What he said just make a storm within me. Natatakot ako. Nalilito. Hindi makapag-isip nang ayos. Patuloy pa ring kinakabahan, pinili ko na lang na makinig na lang muna sa kanila.

"So, ang ibig sabihin ay mawawala pa rin sa atin si Marco?" Magne sadly asked.

Diyes shook his head. "Nope, we won't let that happen. We have to save Marco, not physically but mentally."

He looks up the sky. "It's a battle between his mind and we have to remove the things that distorting his view to the beauty of life for him to finally live his life to the fullest. Hindi pa huli ang lahat."

I agree.

Diyes really know it all.

"This is now all about what's inside of his head. Hindi tayo ang makapipigil ng mangyayari, tanging si Marco lang ang pwedeng makagawa noon. Ang magagawa lang natin ay ang bigyan siya ng motibasyon para hindi na niya gawin ang nakatadhana niyang gawin." Dagdag niya nang tumingin siya sa amin at ngumiti.

I heave a sigh of relief. Pero kahit na ganoon, kinakabahan pa rin ako. Hindi pa rin maalis sa akin ang ideyang kahit na anong mangyari, mangyayari at mangyayari pa rin talaga kay Marco ang dapat na mangyari kung hindi namin mababago ang naiisip niya patungkol sa buhay.

***

It's two thirty o'clock in the afternoon, nasa oval na kami. Naghahanda na sa relay race. Ngayon ay nasa kanya-kanya na kaming relay courses. Si Diyes ang nasa unang course at kasunod niya si Magne bago si Vaeden. Ako naman ang sumunod kay Vaeden at pagkatapos ko ay si Marco na ang sumunod which is ang anchor ng grupo.

Laking pasasalamat talaga namin nang malamang hindi malala ang natamong injury ni Marco sa kanyang paa. Nilagyan lang ito ng maraming medical tape para makasiguradong hindi lumala ang injury niya. Pero kahit na ganoon, maaaring maapektuhan pa rin noon ang bilis ng pagtakbo niya. Bagay na talagang nakapagpakaba sa aming magkakaibigan.

Tirik na tirik ang araw ngayon kaya't ang mga manonood ay kanya kanyang bukas ng payong. Mabuti na lang at nakasuot kami ng PE Uniform ngayon kaya't kahit na mainit ay presko pa rin sa katawan.

Ang uniporme namin ay kulay asul na jogging pants na may dalawang linyang kulay dilaw sa gilid at nakasulat doon ang pangalan ng University. Samantalang ang uniporme naming pantaas ay white shirt lang na may nakaprint na logo ng University at sa taas noon ay may nakasulat na "Physical Education".

Ngayon ay rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ng mga kaklase namin, ganoon na rin ang mga kaklase ng kalaban namin. All I can hear right now is the loud noise that they are producing out of their will for their bet to win.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na sasali ako sa sports competition kaya't hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lalo lang akong kinakabahan dahil sa mga tao na ngayon ay nakatingin sa amin.

Ako kasi 'yung tipo ng tao na ayaw nang tinitignan ako. I find it uncomfortable.

Right now, I can really feel the boys infront of me to land their eyes on me. I can't help it. Mas lalo pa akong nailang nang may isang lalaki ang sumigaw para magpakuha ng selfie kasama ako. I just shook my head. I politely said "no". I'm not into it. Pinili ko na lang na tumalikod sa kanila at ibaling ang paningin ko sa paligid.

Habang itinitingin ko ang mga mata sa paligid ay napailing na lang ako habang tinitignan si Marco. Ngayon ay nakatingin sa kanya ang mga mata ng halos lahat ng babaeng nasa relay course namin. Para bang ineenjoy pa ng loko ang atensyong ibinibigay sa kanya ng admirers niya.

Siyempre, ganoon din ang chicboy na si Vaeden. Feel na feel pa ng mokong ang pag-smile sa camera ng mga admirers niya. Ang mga haliparot na babae naman ay nagtitilian pa na para bang mahihimatay dahil sa kindat niya.

Natawa naman ako nang bahagya nang mapatingin ako sa direksyon ni Magne na nakasimangot habang nakatingin kay Vaeden. Halatang nagseselos. Ayaw pa kasing umamin na gusto niya rin si Vaeden. Katulad ko ay hindi niya rin pinapansin ang mga lalaking nasa tapat niya na pinipilit siyang magpakuha ng selfie kasama siya.

Nang ibinaling ko naman ang tingin ko kay Diyes na nasa kabilang side ng oval, halos matawa ako dahil feeling ko, naka-poker face lang siya doon sa tumpok ng mga kababaihan na nasa harap niya ngayon. Knowing him, alam kong hindi uubra ang mga admirers niya sa kasupladuhan niya.

Natigil ako sa malalim kong iniisip nang papwestuhin na kami ng ibang Professors sa kanya kanya naming relay course. Hudyat na magsisimula na ang relay race. From that moment, nagsimula na akong kabahan. Napapakurap, ibinaling ko na ang mga mata ko doon sa puwesto ni Diyes.

Ngayon ay nakasayad na sa lupa ang kanyang kamay at akmang patakbo na. Nang mabilis na tumunog ang pito ng Professor na nasa tabi niya ay napuno na ng hiyawan ang buong oval, ganoon na rin kaming mga kasali sa competition.

Halos mapaos ako sa kasisigaw habang mabilis na tumatakbo si Diyes, sobrang laki ng agwat niya doon sa kalaban niya hanggang sa maipasa na niya ang baton kay Magne. Ilang segundo pa, naipasa na rin ng kalaban namin ang baton at ngayon ay mabilis nang tumatakbo ang kakampi niya papalapit kay Magne.

Dahil malaki ang agwat na nagawa ni Diyes kanina, naunang nakapagpasa si Magne ng baton kay Vaeden kahit pa halatang mas mabilis sa kanya ang kalaban niya. Dahil hindi siya gaanong kabilisan, halos kasunod niya lang din ang kalaban namin. Naipasa ng kalaban namin ang baton doon sa kakampi niya wala pang isang segundo matapos maipasa ni Magne kay Vaeden ang baton. Ngayon ay dikit ang laban nila ni Vaeden na ngayon ay tumatakbo papalapit sa akin.

This time, biglang nawala ang kaba ko. Ang naiisip ko na lang ngayon ay si Marco. Kailangan kong galingan para sa kanya. Para mauna siya. Para manalo siya. Para sumaya siya. Para mapatunayan niya sa sarili niya na hindi lang puro kabiguan ang mayroon siya sa buhay niya.

Nang papalapit na sa akin si Vaeden ay nagsimula na akong tumakbo papalayo sa kanya habang inaabot niya sa akin ang baton.

"Win this for Marco!" Sambit ni Vaeden sa akin nang maabot ko na ang baton.

Wala na akong hinintay pang sandali, tumakbo na ako nang mabilis papunta kay Marco. Dikit na dikit pa rin ang laban namin ng kalaban ko pero hindi ako nagpatalo. Mas bilisan ko pa ang aking takbo pero para bang biglang nanghina ang tuhod ko kaya medyo bumagal ang aking pag-galaw. Huli na nang marealize kong medyo umaalagwa na ng distansya sa akin ang kalaban ko. Mabuti na lang at malapit na ako kay Marco.

"Marco! Win this for us! Win this for yourself. You can do this! Win or lose, we are always here for you!" Sambit ko kay Marco nang maiabot ko na sa kanya ang baton. Ngumiti naman siya sa akin nang malawak at saka mabilis nang tumakbo papunta sa nauuna nang kalaban niya.

Hinga na hingal, ipinatong ko ang kamay ko sa tuhod ko habang patuloy na sinisigaw ang mga katagang sinabi ko sa kay Marco kanina. Ngayon ay dumidikit na siya sa kalaban niya. Konting distansya na lang ang kailangan ng kalaban niya para maabot ang finish line. Pero dumikit talaga siya sa kalaban namin. Ngayon ay pantay na silang tumatakbo.

Kitang kita ko sa mukha niya ang determinasyong manalo. Kahit na masakit pa ang kanyang paa, wala akong naaninag na hirap sa mukha niya. Kitang kita ko sa kanya na gustong gusto niya talaga itong maipanalo.

Konting konti na lang ang distansya nila sa finish line. Mas binilisan pa ni Marco ang pagtakbo at ganoon na rin ang kalaban namin. At matapos ang ilang segundo, napaupo ako. Napapakurap habang napupuno na ng hiyawan ang buong oval.

Nauna si Marco.

Nanalo ang section namin.

Habang hingal na hingal pa rin, napatingala ako sa langit na tila bang pinapasalamatan ang Panginoon dahil hindi niya kami binigo. Maya-maya pa'y lumapit na sa akin si Magne at itinayo ako. Hinila niya ako papunta sa finish line kung saan nandoon ngayon ang nagcecelebrate na sina Diyes at Marco. Ganoon na rin si Vaeden na papalapit na sa kanila.

Nang makarating na kami sa kanila ay nagyakapan kami habang nagtatawanan. Tila bang enjoy na enjoy sa tagumpay na nakamit namin. Ganoon na rin ang masayang sigawan ng mga kaklase namin.

All I can feel right now is the victory. The excitement. The joy. The bliss. It was a full packed of happiness.

Umakbay na kami sa isa't isa dahilan para mag-form kami nang pabilog.

"OPERAE PRETIUM Squad, walang iwanan?!" Marco yells with joy as the main event of his tone.

We answered him with the same emotion he has right now. "Walang iwanan!"

At matapos noon, nakangiti kaming humiga sa grassfield habang ang ibang students ay kanya kanya kaming kinukuhanan ng picture.

While smiling at the sky, I told myself, "We can change the future. We can make Marco stay alive. He will stay alive."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.