Chapter Episode 43

Natigilan ako sa sinabi niya. Para ba akong nanigas mula sa kinatatayuan ko habang pinoproseso sa utak ko ang kanyang mga sinabi. Ilang segundo pa akong napatingin sa kanya bago muling nag-salita.

"H'wag mo nga akong pag-trip-an." I said as I look away.

"I'm not tripping on you." Humugot siya nang malalim na hininga. "Gusto kita, Margot. Matagal na."

Tuluyan na akong natigilan at natahimik dahil sa mga narinig mula sa kanya. Sumabay sa natahimik kong katawan ang paligid. Sobrang tahimik nito. Tanging ang mga huni lang ng insekto ang naririnig ko pero katulad ng paghuni nila ay ganoon rin ang nagsisimulang pagpabilis ng tibok ng puso ko dahilan para gumawa ito ng ingay sa aking katawan na tanging ako lang ang nakakarinig.

"It's Month of July nang magkagusto ako sa 'yo. You were always there for me. You cook for my food. You help me with my academics activities. And most especially, you saved me from the cruel sadness caused by the death of my father."

I can clear the sincerity from his eyes and the kind of emotion that I've been longing to see from him.

Atlast . . .

"Lagi mo akong pinapasaya. Lagi akong sumasaya kapag naaasar ka sa akin, kapag lagi akong barado sa 'yo tuwing nagjo-joke ako at kapag ipinapatong ko ang braso ko sa ulo mo." He stepped closer to me, that made me move my feet backward involuntarily, "Margot, sumasaya ako kapag kasama kita."

Then I gasp when I bumped my back against the tree.

The he trapped me.

Inilagay niya ang magkabilang kamay sa pagitan ng ulo.

Then he darted me that kind of stare that I've been waiting for a long time.

"Lahat ng pang-aasar ko sa 'yo, akala mo trip ko lang lahat ng iyon?" Tumawa siya nang bahagya. "Hindi, gusto ko lang kasi na mapansin mo ako lagi kaya ko iyon ginagawa. Gusto kasi kita, eh. Gustong gusto kita."

Still staring right into my eyes, he continue to talk without me answering him. It's like he is speaking his heart out right now. Para bang ibinubuhos na niya ngayon ang mga salitang hindi niya masabi-sabi nitong mga nakaraang buwan.

"Pero pinili ko na lang na kimkimin ang nararamdaman ko para sa 'yo. Itinago ko kasi natatakot akong masira ang pagka-kaibigan natin. Ikaw ang nakakapagpasaya sa akin at siguradong hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Kaya mas pinili ko na lang na magpaka-safe kesa mag-take risk. Mas pinili ko na lang na manatili sa kung ano ba tayo noon kesa naman sa mawala ka pa sa akin."

As he continue to look at me, I began to sense the sadness from him. "Akala ko, kapag patuloy kong itinago ang nararamdaman ko para sa 'yo ay unti-unti nang mawawala ang feelings ko para sa'yo pero hindi pa rin pala, mas lalo lang akong nahulog sa 'yo pagkaraan ng ilang linggo."

"Pero promise, sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero wala eh, mas lalo lang akong nafo-fall habang pinipigilan ko. Mas lumakas ang epekto mo sa akin sa paglipas ng mga araw. 'Yung tipong simpleng ngiti mo lang sa akin, parang sasabog na ako sa saya."

Shit.

I felt the same way to you, Marco.

Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.

"'Yung simpleng pag-sandal mo lang ng ulo ko sa balikat ko, feeling ko, solved na solved na ako. Minsan pa nga, hinihiling ko na tumigil na lang ang oras para manatili na lang tayo sa ganoon. Pati na rin 'yung patuloy mong pagluto ng mga pagkain ko, bawat subo ko sa mga pagkain na 'yon, feeling ko, pwede na akong mamatay kasi it's like it's the only thing that I live for. Your food and," I saw his prominent Adam's apple to bob up and down, "you . . ."

He sigh. "One day, nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-confess sana sa 'yo. Pero patuloy akong pinapa-atras ng takot na mawala ang pagkakaibigan natin kaya umatras ako. Sinabi ko sa sarili ko na, bukas-- magcoconfess na talaga ako pero patuloy pa rin akong pinapaatras ng takot ko kaya ang bukas ay naging isang buwan hanggang sa mawalan na ako ng lakas ng loob na umamin pa sa 'yo."

"But that one day came, it's 25th day of September. Doon na talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa iyo ang nararamdaman ko. Naaalala mo pa ba 'yung araw na tinanong kita kung sino ang gusto mo? That time, we were walking on the sidewalk on our way home while it's raining."

I blink. Yes, that was the day where Cygny confessed her feelings to him. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon dahil sobrang umiyak ako noong araw na 'yon.

"That was also the day where Cygny confessed her feelings to me. That time, I asked God for a sign. Sabi ko sa sarili ko, tatanungin kita kung may gusto ka ba at kapag sinabi mong wala, I'll stop. Ititigil ko na talaga ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Umawang ang mga labi ko.

No.

You must be shitting on me . . .

Bumuga siya ng hangin. "I asked you that question and you said no. That was the moment I knew I had to stop my feelings towards you. Pero nagulat ako nang itanong mo sa akin kung gusto ko ba si Cygny, I said I like her demeanor but little did you know that my heart that time was only beating for you."

Patuloy sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Habang ang mga mata ko ay nagbabadyang magbagsak ng luha. Luha na dala ng labis na saya.

"Pero sobrang nadurog ang puso ko nang sabihin mong bagay kami. Doon ko nakumpirma na dapat ko na nga talagang itigil ang nararamdaman ko para sa 'yo. I thought, you don't see your future with me holding your hands."

Thinking about that, I was so dumb!

Bakit hindi ko ito naramdaman?

Bakit hindi ko ito sinubukang malaman?

Edi sana, hindi na nasaktan pa si Marco kay Cygny . . .

"And so, I accepted Cygny's feelings in order for me to forget the feelings I have towards you and gladly, it worked but only for the mean time. Ginawa kong rebound si Cygny pero nakarma lang ako. Nang ma-fall na ako sa kanya, saka ko lang nalaman na hindi naman niya pala talaga ako gusto."

"Nang masira kami ni Cygny, na-depress na naman ako. Bumalik lahat ng lungkot. Mas lalo pa nga yatang nadagdagan, eh. But you never leave me. Nag-stay ka kaya muling nanumbalik ang nararamdaman ko para sa 'yo. Na-realize ko na ikaw naman talaga ang gusto ko simula pa noong una."

He took a deep breath. "Ikaw na ang laman ng puso ko, Margot, noong una pa lang."

Hindi ako handa nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Saka tinitigan ako sa aking mga mata. Ang mga mata niya ay para bang nangungusap. Napapalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan na sa kanya.

"But I am now brave enough to confess my feelings towards you. Ayoko nang matakot na mawala ang friendship natin after nito dahil alam ko na sobrang dami na ng pinagsamahan natin para lang mawala lahat ng iyon dahil lang sa pag-amin ko sa'yo."

I began to feel all the butterflies on my stomach. Ramdam na ramdam kong namumula na ang mga pisngi ko, mabuti na lang at madilim ngayon.

"I want to court you, Margot. I have to do this. Ayokong dumating ang araw na pagsisisihan kong hindi ko ito ginawa. Ayokong makita kang maging masaya sa ibang lalaki. Gusto kong ngumiti ka dahil sa akin. Gusto kong pasayahin ka katulad ng kung papaano mo ako napapasaya araw-araw." He said sincerely. I can really feel all the genuine feelings on his husky voice.

I bit my lip to prevent a smile. I can't explain how happy I am right now. Para bang lahat ng lungkot na naranasan ko nitong mga nakaraang araw ay kusang nawala dahil sa ilang minutong pag-uusap namin.

It's fucking worth it, that's for sure.

Magsasalita na sana ako nang biglang mag-salita si Magne sa hindi kalayuan ng kinatatayuan namin dahilan para mabilis kong tanggalin ang mga kamay ni Marco mula sa pagkakahawak sa mga pisngi ko. Lumayo ako sa kanya at saka awkward na ngumiti kay Magne na ngayon ay himihikab na nakatingin sa amin.

"Oy, Tara na, sapat na daw 'yong mga punong-kahoy na nakuha namin. 'Wag na daw kayong kumuha sabi ni Diyes." Magne said with her usual energetic voice.

For no reason, I secretly groan in disappoinment. While I heard Marco heave a sigh-- a disappoinment one, I nod at Magne and then she starts to walk towards our tent. Magsisimula na sana akong maglakad nang biglang bumulong sa akin si Marco.

"Basta, kahit ano pang i-sagot mo, liligawan pa rin kita." Sambit niya at matapos noon ay ginulo niya ang buhok ko bago siya natatawang tumakbo papalapit sa tent namin.

As I stare at him run away from me, I began to smile widely. Gusto kong tumalon dahil sa kilig! Siguro, kung nasa kama ko lang ako, kanina pa ako nagpagulong-gulong!

Jusko, parang sasabog na yata ang puso ko dahil sa saya.

Totoo ba 'to? Kinurot ko ang aking braso at nang masaktan ako ay mas lalo akong napangiti nang malawak.

Shit! Totoo nga! May gusto nga sa akin si Marco!

Muli kong kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi para pigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa kilig. Napahawak din ako sa aking braso para pigilan ang sarili ko na mapatalon.

Sobrang saya ng araw na ito, ito na yata ang pinakamasayang araw na naranasan ko. Pwede bang 'wag na lang itong matapos?

***

Nang makalapit na ako sa tent ay nakagawa na si Diyes ng bonfire. Ngayon ay naka-upo kami pa-ikot dito.

The White Fairyland is now being succumbed by the darkness. Ang dagat na kaninang sobrang ganda ay nabalutan na ng kadiliman, ganoon na rin ang puting mga buhangin at ang mga malalagong puno sa paligid namin.

Ang tanging nagbibigay buhay na lang sa kapaligiran ay ang bonfire at mga tawanan ng OPERAE PRETIUM Squad. Nagjojoke na naman kasi si Vaeden at sa hindi malamang dahilan ay natawa na naman kami dahil doon.

Ngayon ay nakaupo ako sa tabi ni Magne, katapat ni Marco na ngayon ay nakangiti sa akin nang malapad. It's like we are sharing a secret and all I can do is to just smile back at him.

Ngunit mabilis kong ibinaling ang tingin ko kay Diyes na ngayon ay nagi-strum ng gitara ni Marco. Napangiti ako dahil sa kantang ngayon ay tinutugtog niya. Ang kantang ito ay Sa Piling Mo by Silent Sanctuary.

Diyes is a big fan of OPM music which is a total opposite of Marco. Marco likes american music more than the local songs.

Wag madismaya, sugal ang buhay.

Kasama 'yan sa paglalakbay.

Matututo ka ba kung di nagkamali?

Alam mo ang sagot, di'ba hindi?

Nagpatuloy lang kami sa pakikinig kay Diyes. He really has this sweet voice that can make someone froze on their spot and engaged them to join him sing the song.

As I continue to listen, my hair is dancing because of the wind. Itinangala ko ang aking ulo at saka dinama ang malamig na hangin. Para bang ang ihip ng hangin ay sumasabay sa ganda ng boses ni Diyes dahil lumikha ito sa akin ng harmony na sobrang sarap sa tainga.

Napangiti ako. As I open my eyes again, I was amazed. Ang ganda ng langit, punong puno ito ng mga bituin na para bang mga kristal. Ganoon na rin ang buwan na ngayon ay bilog na bilog.

The feeling that I have right now is too surreal that all I can do is to just flash a smile towards the sky. I am with my favorite persons with this beautiful place as the stars and the moon looks happy while watching us live our lives to the fullest.

Mga bagay na bagong haharapin.

Kailangan pang hawakan at gawin.

Ngunit kahit ano paman ang dumating.

Nandito na ako at dadamay sa 'yo.

Habang patuloy na pinagmamasdan ang mga stars, napaisip ako nang malalim. Sabi nila, katulad daw ng bilang ng mga stars sa langit ang tamang araw daw para mahanap mo ang taong nakatadhana sa 'yo ay isang bagay na imposibleng malaman. It will happen without you knowing it. It will come at the most unexpected moment with the most unexpected person.

Mula ngayon di kana mag-i-isa.

H'wag matakot mawala.

Sasamahan ka hanggang langit at 'di bibitaw.

Sa piling mo, sa piling mo.

But I don't really care about that because the person I want to spend my life with is staring at me right now. He is still staring at me as I look at the vast darkness of the sky.

Ibinaling ko nang muli ang tingin ko kay Marco. Gushing inside, I managed to act normal.

Habang nakatingin sa mukha niya, hindi ko maiwasang maisip ang ideyang baka mawala pa rin siya sa amin. The nature will always find its way in order for things to fall into its right places. I can never unsee that fact.

But thinking about that, the things we are avoiding will only happen if Marco continue to live with his regrets and the only way for him to be saved is by saving his heart from it.

Will I be able to save his heart using my feelings towards him? Gusto namin ang isa't isa, will our feelings towards each other be enough for him to stay alive?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.