Chapter Episode 44

Bigla akong nagising dahil sa marahang pag-alog ni Vaeden sa paanan namin ni Magne. Napapahikab, kinuha ko ang aking cell phone para i-check kung anong oras na ngayon.

It's eight o'clock in the morning, a bit late to what we planned yesterday. Ang plano kasi ay hindi kami magpapalipas ng tanghali dito, iyon kasi ang kondisyon ng mga magulang namin ni Magne. We promised them na uuwi kami nang alas-siyete ng umaga.

Napapangiwi tuloy ako habang nakatulala. Nagpe-play na kasi sa utak ko kung papaano ako masesermonan mamaya ni Papa. Paniguradong nakakabinging boses niya na naman ang maririnig ko mamaya.

Dahil sa mag-aala una na yata kami ng madaling araw natulog, heto kami at magtatanghali na nang magising. Kagabi kasi ay nag-laro pa kami ng mga larong pambata katulad ng luksong baka, patintero at iba pa.

Noong una ay laro-laro lang talaga ang napag-usapan pero naging seryoso ang lahat ng i-level up na ni Magne ang laro. Nilagyan niya ng consequence ang mga matatalo katulad ng the loser has to run the whole shore for a multiple times, has to tweet or post something that will embarass him or her for the whole night, or has to do things that will make him or her looks idiot. Ang consequences ay mangagaling sa mga players na nanalo, it's like a can't say no challenge.

Ang laging panalo kagabi ay ako at si Marco pero ang laging natatalo ay si Diyes. Nakakatawa dahil hindi talaga siya marunong ng mga larong pambata. Halatang halatang hindi siya naglalaro dati and I assume, that's because of his snobbish demeanor. Sa sobrang suplado niya siguro ay mas pipiliin na lang niya na maglaro ng computer games keysa makihalubilo sa ibang bata.

"Bangon na kayo, bilis. Umiinit na." Reklamong muli ni Vaeden na ngayon ay nasa labas.

As usual, napakainipin niya talaga. Sa aming magkakabarkada, siya lang talaga ang pinaka-istrikto pagdating sa oras. Siguro, kanina pa siya gising.

Napapangiwi akong bumangon at umupo. Inayos ko muna ang aking buhok, pinonytail ko ito bago nagpasiyang lumabas na. Naiwan si Magne na ngayon ay abala din sa pag-aayos ng kanyang sarili.

"Good morning." Pagkalabas na pagkalabas ko sa tent ay bumungad sa akin ang mukha ni Marco na ngayon ay malawak na nakangiti sa akin.

I smile back as I mess his tassled hair. "Good morning."

Seeing his playful smile, I can't help myself but to secretly gush. Sariwa pa rin kasi talaga sa utak ko ang mga ginawa niyang pag-amin sa akin kagabi. Para bang kanina lang 'yon nangyari dahil bawat detalye ng mga minutong iyon ay kabisadong kabisado ko.

"How was your sleep?" He asked with his playful smile on. Ngayon ay mas lumubog ang kanyang mga dimples dahilan para mas gumwapo siya sa paningin ko.

I bit my lower lip. Hindi ko siya sinagot dahil kapag nagsalita ako ay hindi ko mapipigilan ang sarili kong mapangiti. Ang ginawa ko na lang ay ang hawakan ang kanyang dalawang pisngi at saka ito iharap kina Vaeden at Diyes na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang tent.

"Tumulong ka doon, 'wag kang tamad." I said as I smile widely. Mabuti na lang at hindi siya sa akin nakatingin ngayon dahil tiyak, mamumula ang mga pisngi ko.

Humarap siya sa akin at saka bahagyang tumawa. "Sabi ko nga, tutulong na nga." Sambit niya habang kinakamot ang kanyang kilay.

Napailing naman akong habang bahagyang natatawa. Ilang saglit pa ng panonood sa kanila ay lumabas na rin si Magne kaya't sinimulan na rin namin ang pagkalas sa tent naming dalawa.

***

Mahigit isang oras ang ginugol namin para linisin ang mga kalat na ginawa namin kagabi. Pinili na rin namin na linisin din ang kalat na ginawa ng ibang mga naunang pumunta dito kaya medyo natagalan kami.

Ngayon ay nailagay na namin lahat ng mga gamit namin sa van. Sumulyap muna ako sa buong paligid, ngumiti ako dahil paniguradong hinding hindi ko ito malilimutan dahil dito nangyari ang pinakamasayang araw ko sa buomg buhay ko, so far.

As I bit my lip to prevent a smile, I turn my gaze to the direction where Marco confessed his feelings to me last night. Ito ay sa likod noong mga makukulay na halaman kung saan may mga iba't ibang kulay din ng mga paro-paro ang nagliliparan.

I took a deep breath. I will always cherish the memories I had with this surreal place. The memories I had here will always be the most precious thing that I'll keep for the rest of my life.

Muli pa akong sumulyap nang huling beses bago ako tuluyang sumakay sa van. Ang pwesto namin ay katulad pa rin noong pwesto namin papunta dito. Si Vaeden ang nasa passenger's seat samantalang si Magne ay nakaupo sa unang seat na nasa likod ng driver's seat. Kami naman ni Marco ay nasa pangalawang seat.

Nang umandar na ang van ay ibinaling ko na ang aking tingin sa paligid. May halong saya at lungkot ang aking emosyon habang patuloy na kaming lumalayo sa The White Fairyland.

Pero natigil ako sa iniisip ko nang maramdaman kong may humahawak sa aking kamay. I'm blinking as I anxiously turn my gaze towards Marco. He is now grinning at me as if he's teasing me. Sinubukan kong bawiin ang aking kamay pero napakahigpit ng pagkakahawak niya doon.

We were so beautiful.

We were so tragic.

No other magic could ever compare.

Lost myself, seventeen.

Then you came, found me.

No other magic could ever compare.

Habang nagmimistulang nagta-tug of war kami gamit ang kamay naming dalawa ay biglang nag-play ang kantang Never Not by Lauv. Ang lahat ay sumabay sa pagkanta maliban sa akin na patagong kinikilig.

There's a room

In my heart with the memories we made.

Took 'em down but they're still in their frames.

There's no way I could ever forget, mmm.

Pero nagpatuloy lang si Marco sa paghawak sa kamay ko kaya't wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. Ngayon ay kumakanta na siya habang nakatingin sa akin.

I just look away, ibinaling ko ang aking mga mata sa bintana pero tinatraydor ako ng utak at puso ko dahil ang atensyon ko ay nakabaling kay Marco na ngayon ay ramdam na ramdam kong nakatitig pa rin sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa direksyon niya. Ngayon ay nakangiti siya sa akin habang patuloy pa rin sa pagkanta.

For as long as I live and as long as I love

I will never not think about you

You, mmm.

He wiggles his eye brows as he continue to sing. He is even laughing between the lyrics of the songs and it made him look more attractive to me.

God damn it, how can I even resist this handsome creature right infront of me?

I will never not think about you.

From the moment I loved, I knew you were the one

And no matter what I-I do, ooh, mmm.

I will never not think about you.

His expression begin to turn gentle. Now, I can really feel the genuine feelings he has towards me. It seems like the lyrics that he's singing is coming from within his heart. It's looks like he is singing from the heart. Para bang ito ay mga salitang gusto niyang sabihin sa akin.

Nakakakilig. Sobra. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napangiti na lang ako nang malawak, habang siya ay patuloy lang sa pagkanta.

Maya-maya pa'y hinawakan niya ang aking ulo at marahan itong ipinatong sa kanyang balikat. Ang magkahawak naming kamay ay ipinatong niya sa kaliwang dibdib niya dahilan para maramdaman ko ang pagtibok ng puso niya.

Sobrang bilis noon.

Sobrang lakas.

At ang tanging nagawa ko na lang ay ang mapangiti nang sobrang lawak habang nananatili kami sa ganoong posisyon.

***

Sa buong biyahe namin, nanatili lang kami ni Marco sa ganoong posisyon. Mabuti na lang talaga at busy si Magne sa pakikipagbangayan kay Vaeden kaya't hindi niya nagawang mapatingin sa direksyon namin.

Pero natapos ang lahat nang isa-isa kaming ihatid ni Diyes sa kanya-kanya naming bahay. Ngayon ay nandito na ako sa amin at as expected, nakatikim pa muna ako kay Papa ng sermon bago ako tumaas sa kuwarto ko. Pero hindi ko na iyon ininda dahil bawing bawi naman ako sa mga nangyari kanina at kagabi. Para kasi talagang nasa isang panaginip lang ako-- isang magandang panaginip na unti-unting nagkakatotoo.

Nang makarating na ako sa kwarto ko, isang oras pa muna akong nagbabad sa bath tub. Doon, para akong baliw na bigla na lang napapangiti at tumatawa dahil sa mga nangyari kagabi. Paulit-ulit kong inalala ang mga sinabi sa akin ni Marco hanggang sa halos matapon na lahat ng laman ng tubig ng bath tub dahil sa pagtalon ko habang nakaupo.

Everytime I remember every single words that he said yesterday, I have this weird heat that I feel on my chest and these butterflies on my stomach. Ito na yata ang pakiramdam ng kiligin sa taong totoong mahal mo. Never ko pa kasi itong nararamdaman sa mga celebrity crush ko katulad nina Daniel Padilla, Tom Holland, Cha Eun Woo, Shawn Mendes at Asa Butterfield kaya this feeling is still an alien to me.

Nang makalabas na ako sa banyo ng kwarto ko, agad na akong nagbihis. I am now wearing my usual comfortable outfit: t-shirt and denim short shorts. The navy blue t-shirt that I'm wearing right now has a word printed that says Love Me on its upper chest part.

Pasalampak akong nahiga sa kama ko nang mapatuyo ko na ang aking buhok gamit ang blower. Ilang minuto pa muna ako nag-browse sa Twitter nang biglang may tumawag sa akin. It's Marco. I automatically smile.

I took a very deep breath before I answer his call. I even cough before I hit the answer button.

"Hello." I said while holding my lips. I'm now smiling like crazy.

"Namiss kita agad." Sambit niya na lalo namang nakapagpangiti sa akin.

Hindi ako nakasagot agad. That was just too sudden! Bakit ba lagi siyang nambibigla? Jusko, this is a sweet torture!

"Tingin ka sa bintana mo." Sambit niya nang ma-sense niya sigurong hindi ako makasagot.

Dahil sa sinabi niya ay napabalikwas ako mula sa hinihigaan ko, muntik pa nga akong mahulog sa kama ko pero mabuti na lang at nakakapit agad ako sa headboard.

Ano ba, Margot? Kalma!

Agad akong pumunta sa bintana para sumilip pero wala akong Marco na nakita mula doon. Inilibot ko pa muna ang aking mga mata pero wala talaga siya dito. I silently groan in disappoitment.

Habang nakadikit pa rin ang phone ko sa tainga ko, bahagya siyang tumawa. "Nadisappoint ka ba?"

Nakasimangot naman ako habang nakatingin doon sa lugar kung nasaan ang pwesto ng gate namin pero ganoon na lang ang gulat ko nang biglang sumulpot mula doon si Marco na ngayon ay ngiting ngiting nakatingin sa direksyon ng bintana kung saan ako ngayon nakasilip.

I began to feel the butterflies on my stomach all over again. I smile widely. I roll my eyes at him while laughing gently.

Ang epal talaga ng lalaking 'to.

***

Ilang minuto pa ay nagpaalam ako kay Papa na lalabas kasama si Marco. Dahil si Marco iyon, pinayagan nila ako. Minsan nga, nalilito na ako kung sino ang anak niya eh, mas mabait kasi siya kay Marco kesa sa akin.

Pumunta kami ni Marco sa play ground ng park kung saan maraming mga bata ang naglalaro. Nakakatuwa silang pagmasdan. They somehow reminds me of how we should live and it's to live life without the circumtances of the problems of reality.

Habang nakatingin sa mga bata, ramdam na ramdam ko na nakatingin sa akin si Marco. Tumingin ako sa kanya pabalik. "Ano?" Natatawa kong tanong.

"Your shirt tells what I'm doing right now." He wiggles his brows and then he pinch my cheeks.

I gave him my most confused reaction. Hindi ko na-gets ang nais niyang iparating. Inalis ko ang pagkakakurot niya sa mga pisngi ko.

I continue to stare at him with my confused expression until he pout his lips as if he's pointing something on my shirt. From that moment, narealize ko na ang sinasabi niya. It's my shirt with the print that says "Love Me."

"Ang corny." Pabiro ko siyang inirapan at saka tumawa nang bahagya. Little did he knows, sobrang kinikilig na ako!

"Payag ka na bang ligawan kita?" Pag-iiba niya ng topic.

Lumunok ako ng laway.

Hmm.

Ilang segundo akong nakatitig sa kanya. Tila bang tinatantya ang pagkakataon. Iyong tipong sinusukat ang tamang sitwasyon.

"Yes . . ."

His smile grew.

As he blinks, he almost jump because of the genuine happiness.

"Pero may condition." I stare at him right into his eyes. "Sa atin lang muna 'to. Baka kasi malaman nina Mama at Papa, mapapagalitan ako ng mga 'yon." I sadly sigh.

This is the decision I made para wala akong i-sacrifice. Para wala akong piliin. Para wala akong i-let go.

To my suprise, he hugs me tight. "Okay lang. Basta ang mahalaga, payag kang magpaligaw sa akin." And just like that, I smile sweetly. "That was indeed enough for me."

Then I sigh my most relieved breath.

Thanks, God.

I live for this moment.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.