Nakakuyom ang isa kong kamay habang sinusundan ng tingin sina Diyes, Vaeden at Marco. Umupo sila doon sa gilid ng glass wall kung saan makikita ang labas ng Coffee Shop.
Humanda ka talaga sa akin mamaya, Marco!
Umupo sa harap nila ang mga babaeng pare-parehong nakasuot ng fitted dress. Sa iksi ng suot nila ay halos makita na ang pang-ibabang pribadong suot nila. Halos lumuwa na rin ang malulusog nilang mga dibdib.
Sa isip ko, gusto kong sigawan sila na sana ay nag-panty at bra na lang sila!
Sa totoo lang, kung nakakamatay lang siguro ang pagtingin. Siguro, nasa libingan na itong tatlong haliparot na ito!
Saka teka, bakit parang ang weird ng suot nila?
Ang isa ay may kulay blonde na buhok habang nakasuot ng kulay blue na dress na off-shoulder. Ang isa naman ay may maiksing buhok na umabot sa balikat at nakasuot ng kulay green na dress na backless. Samantalang ang huli naman ay may kulay pulang buhok na nakasuot ng kulay pink na dress na may long sleeves.
Teka nga, Powerpuff Girls ito?
Patuloy pa rin ang pagkunot ng noo ko pero mabuti na lang at si Magne ay busy sa pagtipa sa kanyang cell phone. Hindi niya makita kung papaano ako sumimangot ngayon.
As I continue to frown, patuloy ko silang pinagmamasdan. Si Diyes ay nakatitig lang sa kawalan, halatang pinilit lang siyang sumama dito. Si Vaeden naman ay ngising ngising, paniguradong pakana na naman niya ito. Samantalang ang mokong na si Marco naman ay para bang gusto nang umalis sa pagkakaupo pero inakbayan siya ni Vaeden dahilan para hindi siya makaalis.
Habang nakasimangot pa rin, kinuha ko ang cellphone ko at saka ko in-unairplane mode iyon. Sunod-sunod na nag-vibrate ang mga messages ni Marco pero wala ako sa mood para mag-focus doon. I directed my fingers towards the message app and furiously texted my obnoxious boyfriend.
You
Hey
Nang ma-send ko na iyon ay tinignan ko si Marco. He quickly pulled off his cell phone from his pocket. Napaubo siya nang malala nang makita ang text message ko.
Marco Kapre
Margotliit!
Marco Kapre
Shet, atlast! Na-miss kita!
The fuck with him?!
Na-miss niya ako pero heto siya at nasa harap ng plastikadang babaeng iyon!
Controlling my anger, muli akong tumipa sa aking cell phone.
You
Nasaan ka ngayon?
I saw him wince. Tatayo na sana siya pero ang hukluban ng kademonyohang si Vaeden ay pinigilan siya. Hindi siya makawala mula sa mula pagkaka-akbay niya.
Marco Kapre
Nasa bahay
Marco Kapre
Hehe
Marco Kapre
Ikaw?
Wow!
Just wow!
You
Sa bahay niyo?
Marco Kapre
Opo
You
Eh sino 'yang babaeng nasa harap mo?
Pagtutukoy ko doon sa babaeng may kulay pulang buhok.
Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Marco. Sa nabasa niya ay hindi na maipinta ang kanyang mukha. Biglang siyang namutla habang inililibot ang paningin sa buong coffee shop.
And there, he saw me.
We connected our gaze.
Me glaring at him.
Him saying countless of sorry using his pleading eyes.
Gusto na niyang umalis mula sa kinauupuan niya pero patuloy siyang pinigilan ni Vaeden kaya't wala siyang magawa kundi ang mapangiwi na lang habang nakatingin pa rin sa direksyon ko. I just gave him my most cold stare and just by that, he frowns at me. Para pang nagpapacute ang loko sa akin.
Pero halos mapatalon na lang siya sa kinauupuan niya nang biglang hawakan siya noong babaeng katapat niya sa kanyang dibdib, para bang kinakapa at malanding dinadama ang malapad na dibdib ng manliligaw ko.
Dahil doon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatayo ako habang nakasimangot pa rin sa direksyon nina Marco. Si Marco naman ay pilit na napapangiwi habang inaalis ang kamay noong babae pero patuloy talaga ang malandi sa pagchachansing sa kanya.
Tumingin sa akin si Magne, nagtataka. "Oh, bakit?"
Hindi ko siya pinansin, ngayon ay naglalakad na ako papunta sa direksyon nina Marco habang patuloy lang siyang chinachansingan noong babaeng haliparot.
On my mind, I am warning her.
Bitawan mo si Marco kung ayaw mong umuwing lagas lagas ang pula mong buhok!
Wala pang ilang sandali ay nakalapit agad ako sa kanila. Nang makalapit na ako ay mabilis kong hinawakan ang kamay noong malanding babae. I gave her my coldest stare as I raise my eyebrow at her. She looked at me with her most confused look.
"Get your filthy paws off my boyfriend." I dryly said.
Lahat ay nagulat. Ang tatlong babae ay napahawak sa kanilang bibig nang sabay-sabay. Ganoon na rin ang panlalaki ng mga mata nina Diyes, Vaeden at maski ni Marco.
"What the . . ." Sambit ni Magne na ngayon ay nasa likod ko.
"Boyfriend mo si Marco?!" Gulat na gulat na sambit ni Vaeden.
Si Diyes naman ay nanatiling nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Si Marco ay ganoon din, katulad ko ay gulat na gulat siya sa sinabi ko.
Shit.
Napapakamot ng ulo at napapangiwi dahil sa ginawa ko, natawa na lang ako nang awkward habang ang lahat ng mga mata nila ay nakabaling sa akin.
***
Nang makaalis na ang mga babaeng mala-Powerpuff Girls ang taste pagdating sa kulay ng dress, nanliliit akong nakatungo sa kinauupuan ko. Katabi ko si Marco na ngayon ay awkward na nakangiti kina Vaeden at Magne na nakatingin sa amin nang masama. Si Diyes naman ay bahagyang tumatawa, tila bang inaasahan na ito.
"Kailan pa 'yan? Bakit niyo itinago sa amin?" Nagtatampong asik ni Magne.
"Let me explain . . ." Mahina kong sambit.
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko pa talaga siya boyfriend, nililigawan niya--"
"Aba, teka! Wala nang bawian." Reklamo naman ni Marco kaya't kinurot ko siya sa tagiliran para tumahimik. Ngayon ay napapangwi siyang hinahaplos ang parteng kinurot ko.
Bumuga muli ako ng hangin bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Nililigawan niya pa lang ako."
I paused for a second as I turn my gaze on my two curious friends. "Nagsimula siyang manligaw sa akin noong birthday niya last December. Pero please, 'wag kayong mag-isip ng kung ano. I have my valid reasons why I chose not to tell this to anyone."
I took a deep breath. "Isinikreto ko sa inyo kasi kilala ko kayo."
I pout before I continue to speak. "Madudulas at madudulas kayo kina Mama at Papa. Paniguradong masasabi niyo ito sa kanila kaya pinili ko na lang na isikreto muna sa inyo." I said, emphasizing the word 'muna'.
They groan in disappoinment. Nanatili silang nakatingin sa akin nang masama habang kami naman ni Marco ay tumatawa nang awkward.
"Napakadaya talaga! Ayan, may date ka na tuloy sa Prom natin sa February 14!" Muling reklamo ni Magne makalipas ang ilang segundo. Ngayon ay dismayadong dismayado siya sa akin.
Ang sabi niya kasi sa akin nitong mga nakaraang araw ay sabay kaming maghahanap ng date para sa araw na iyon pero dahil hindi ko masabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Marco, um-oo ako. Bigla tuloy akong na-guilty, damang dama ko kasi kung papaano siya umasa sa pagsang-ayon ko sa inalok niya kaya siya nagkakaganito ngayon.
"Bakit ka pa maghahanap kung nandito naman ako?" Sabat naman ni Vaeden na ngayon ay nakangisi nang nakakaloko kay Magne.
Inirapan siya ni Magne. "Ayoko sa pokpok, duh."
At lahat kami ay nagtawanan habang ang dalawa naman ni Magne at Vaeden ay nagsisimula na namang magbangayan.
***
Lumipas ang ilang linggo, nagpatuloy ang sikretong panliligaw sa akin ni Marco. Mabuti na lang talaga at hindi nadudulas sa pagsabi ng sikreto namin sina Magne at Vaeden kapag kausap nilang dalawa si Papa. Pero sa pagitan nilang dalawa, mas kay Vaeden ako natatakot. Napakakalimutin kasi ng lalaking 'yon kaya't sobrang maingat ako kapag nasa bahay namin siya. Kung pwede nga lang na i-ban ko siya sa bahay namin, gagawin ko talaga!
Anyways, today's 14th Day of February, ang araw kung saan magaganap ang kauna-unahang Prom ng SHS Life ko.
Ngayon, nandito ako sa bahay nina Magne. Inaayusan kami ng mga make-up artists at stylists na malapit na kaibigan niya. Model kasi siya kaya't marami talaga siyang kakilala pagdating sa field of fashion.
Mga isang oras pa muna nilang inayusan ang mukha ko. Habang nakaharap ako sa salamin, napangiti na lang ako habang tinitignan ang sarili ko mula doon.
Ang buhok ko ay nakalugay habang ang mga dulo nito ay kinulot nang bahagya. Ang make-up naman na inilagay sa akin ay katamtaman lang. Kaunting blush on, subtle medium shade of brown eye shadow and a light shade of pink lipstick.
Ang ni-request ko kasi sa make-up artist na nag-ayos sa akin ay ang gawin ang no-make-up look. Thankfully, nasunod niya ang gusto ko.
Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Magne na ngayon ay iniaayos na ng hairstylist ang buhok niya. Ang buhok na gusto niya ay messy bun. Ang ginawa naman ng hairstylist niya ay kinulayan muna ang dulo ng kanyang buhok ng blonde bago ito ni-bun. Ngayon, mas lalo siyang nagmukhang amerikana dahil doon.
Habang patuloy akong nanonood na ginagawa ng hairstylist niya ay ibinaling ko ang atensyon ko sa mukha ni Magne. Hands down, napakaganda niya. Lalo siyang gumanda sa make-up niya. Ang make-up niya kasi ay talagang nakapagpalitaw ng personality at kagandahan niya. Mayroon siyang subtle smokey eye, blush on na katamtaman ang pula at dark shade of red lipstick.
She's too sophisticated with her make-up and I really can't find any words to define how beautiful she is right now. Although maganda na naman talaga siya dahil siya ay half American, mas lalo lang talaga siyang gumanda ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas, natapos na rin ang hairstylist ni Magne sa buhok niya. Doon na namin napagpasiyahan na isuot na namin ang ballgowns na ginawa ni Ms. Agnes Marasigan para sa amin.
Excited kaming dalawa habang isinusuot ang gown. Ilang minuto ang itinagal ng pagsusuot ng gowns namin. Kinailangan pa naming humingi ng tulong sa mga stylists dahil sa hirap nitong isuot. Pero nang maisuot na sa amin ito ay bigla kaming pinatalikod ng mga stylists sa malaking salamin dahilan para hindi namin makita ang mga itsura namin ngayon.
"On our count of three, haharap kayo, mga ija." Excited na sambit sa amin ni Tita Esmeralda, nanay ni Magne, habang katabi niya si Mama na halatang tuwang tuwa habang pinagmamasdan kami.
With that, they both started to count.
"One."
"Two."
"Three."
And just like that, we faced the mirror.
Napaawang ang bibig ko habang tinitignan ang sarili kong nakasuot ng ball gown na kulay royal blue. For a moment, I questioned myself if I am really that gorgeous girl whose smiling on the mirror.
I began to smile widely as I continue to stare at myself while wearing this gown that touches the floor. Off-shoulder at fitted ito pero hindi gaanong revealing ang harap. Ang likod naman ay bahagyang naka-backless. Nakasuot din ako ng white gloves na umabot hanggang sa siko ko. All in all, I look like a princess with this gown-- tiara na lang ang kulang.
"Oh my God, ang ganda mo, Margot!" Exclaims Magne as she stared at me from the mirror.
I also turn my gaze on her and as expected, mas lalo siyang gumanda.
"Mas maganda ka kaya." Bahagya akong natatawa habang nakatingin sa kanya, totoo naman kasing mas maganda siya keysa sa akin.
Si Magne naman ay nakasuot ng sophisticated red gown na umabot din sa sahig ang haba. Off-shoulder din ito pero ang kaibahan nga lang ay medyo revealing ang sa kanya. May hati ito sa bandang dibdib. Umabot iyon sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib dahilan para sumilip ang malusog niyang cleavage mula doon. Katulad ko ay nakasuot din siya ng white gloves na umabot din sa kanyang siko.
"Napakagandang mga bata, Mare. Mana sa atin." Bungisngis ni Mama habang patuloy na nakatingin sa amin.
Magsasalita na sana si Tita Esmeralda nang biglang pumasok ang nakababatang kapatid ni Magne dito sa kwarto.
"Ma, nandito na po sina Kuya Vaeden." Magalang na sambit ng batang lalaki.
"Sige, anak, papasukin mo ang mga kuya mo. Pipicturan natin sila kasama itong pagkagagandang mga ate mo." Said Tita Esmeralda with her native Caviteña accent. Katulad ni Mama ay bumubungisngis na rin siya.
Tumango naman ang bata at saka mabilis na lumabas ng kuwarto.
Ilang saglit ang lumipas, nagbukas na uli ang pinto ng kwarto. Pumasok na rin ang tatlong lalaking kaibigan namin dito sa loob. Pero halos matawa kami ni Magne nang makita namin silang tila bang napapanganga dahil sa itsura namin. As in, silang tatlo ay para bang mga istatwa na nakatingin lang sa amin.
Habang natatawa ay tinignan ko ang mga suot nila. Si Vaeden ay nakasuot ng cream pink na coat at katerno noon ang trousers niya. Sa loob ng coat niya ay nakasuot siya ng white turtle neck sweater. Ang kanyang buhok ay ganoon pa rin. Kulot ito habang natatakpan nito ang kanyang noo. By just looking at him, he reminds me of a certain male korean artist who dress just like him.
Si Diyes naman ay nakasuot ng black coat at trousers, sa loob noon ay nakasuot siya ng white long sleeves at red necktie. Ang kanyang buhok ay naka-brush up as always. All in all, his look is the usual vibe I always see on him-- neat and manly.
Lastly, si Marco. Ngayon ay nakasuot siya ng navy blue coat and trousers, white long sleeves and brown leather belt. Ang buhok niya naman ay iba sa messy look na nakikita ko lagi sa kanya dahil katulad na ito ng buhok ni Diyes. Ngayon ay contact lense ang sinuot niya dahil hindi siya maaaring mag-eyelass, hindi niya kasi maisusuot nang maayos ang masquerade mask niya kung isusuot niya iyon. In conclusion, he still looks like the Marco that I fell inlove with. Medyo nag-level up lang ngayon dahil sa buhok niya na lalo nakapagpadagdag ng appeal niya.
"Oh, sige na, sige na. Pumuwesto na kayong lima sa gitna para mapicture-an na namin kayo. Bilisan niyo na, aba'y mag-gagabi na." Muling pagsasalita naman ni Tita Esmeralda na naging dahilan kung bakit parang natauhan ang tatlong lalaking kaibigan namin. Ngayon ay napapakurap silang lumapit sa amin.
Ang naging puwesto namin ay nasa gitna si Marco, samantalang nasa kabilang side ni Magne si Vaeden habang si Diyes naman ay nasa kabilang side ko. And with that, nagsimula na kaming kuhanan ng pictures nina Mama at Tita Esmeralda.
As we smile to the cameras, Marco whispers to me. "Ganda talaga ng Margotliit ko."
I can't help but to smile wide. That simple sentence of him means everything to me. That damn simple sentence brings myriad of butterflies to my stomach.
Deep inside my heart, gusto kong magtatalon dahil sa kilig pero dahil nandito si Mama, minabuti ko na lang na iraos ang kilig na labis kong nadarama sa pamamagitan ng pag-ngiti nang sobrang lapad.