Chapter Episode 45

Lumipas ang Christmas Break namin nang walang nakakaalam na nililigawan na ako ni Marco. Mabuti na siguro ito, dahil paniguradong mapapagalitan talaga ako nina Mama at Papa kapag nalaman nila ang tungkol dito.

Sa nagdaang Christmas, sa bahay nina Marco kami nagpalipas ng araw. We had a lot of fun. We played parlor games. We ate myriads of food that Nanay Minerva made just for us. But we ended the day with us having a movie marathon 'till the sunrise. So far, that was the best Christmas that I've ever had.

Pero noong Bagong Taon, hindi kami sama-samang nag-celebrate. Si Diyes kasi ay sumama sa family nila sa Hong Kong, si Magne naman ay doon sa California at si Vaeden ay doon sa Korea.

Lahat sila ay may kanya-kanyang ganap kaya't kami lang dalawa ni Marco ang natira dito sa Cavite that time. Dahil anak na rin ang turing nina Mama at Papa sa kanya, dito na sa bahay namin silang dalawa ni Nanay Minerva sumalubong ng Bagong Taon.

Days went by so fast, before I knew it, patapos na agad ang Month of January. Today's Saturday and as planned, may secret date kami ngayon ni Marco. Mabuti na lang at busy ang tatlo pa naming kaibigan sa project namin sa History kaya't hindi nila malalaman na nagde-date na pala kami ni Marco.

Right now, I am wearing a fitted white t-shirt and a pastel green squarepants. I ponytail my hair and I put a slight make-up and pink lipstick to my face. As I stare at myself in the mirror, I smile. This day will gonna be a blast. 

As I walk towards the gate entrance of our subdivision, I saw Marco waving towards my direction. He's smiling with his usual playful smile on. He's wearing an avocado green t-shirt and a black ripped jeans. He's still wearing an eyeglass but because he's Marco, he still able to combine his nerdy looks to his hot outfit that resulted to an aesthetically appealing fashion. Ewan pero siya lang yata ang nerd na kilala kong sobrang hot kahit ano pa ang isuot.

Habang patuloy ako sa paglalakad papalapit sa kanya ay patuloy lang din siya sa pagtitig sa akin habang nakangiti. His smile seems like he won the lottery.

"Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa aking mata." He says as he sing the lyrics of the song Dalaga by Arvey.

Nang nakalapit na ako sa kanya, ipinatong niya ang braso niya sa aking ulo. "Swerte ko talaga."

Pinigilan ko ang mapangiti, kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya habang hinahaplos ang parteng iyon. "Hindi pa kita sinasagot. Anong swerte?"

Tumawa siya nang bahagya. "The fact na pumayag kang magpaligaw sa akin, swerte na ako noon." He wiggled his eyebrows.

I just rolled my eyes at him, still preventing myself to smile. Pero babarahin ko na sana ang banat niya nang biglang kumulog nang malakas dahilan para mapayakap ako sa kanya nang hindi ko inaasahan.

Niyakap naman niya ako pabalik, pero habang ang ulo ko ay nakadikit sa kanyang malapad na dibdib, naramdaman kong ang bahagya niyang pagtawa. "Oy, chansing."

Kaya't napalayo ako sa kanya. "Kapal mo." Asik ko habang ibinabaling ang aking paningin sa langit na ngayon ay nagdidilim na dahil sa nagbabadyang ulan.

Bago pa tuluyang umulan, nagmadali na kaming sumakay sa tricycle para pumunta sa pinakamalapit na Mall kung saan kami magde-date.

***

"Say ah, Margotliit." Sambit ni Marco sa akin habang itinutuon ko ang aking pansin sa movie na pinapanood namin.

Ang movie na pinapalabas ngayon ay ang The Voyage of Doctor Dolittle. Isa sa mga bida dito ang crush kong si Tom Holland kaya kada lumalabas ito sa eksena ay tahimik akong napapatili dahilan para singhalan ako ni Marco. Ani niya, mas gwapo naman daw siya kaysa kay Tom.

Ibinaling ko ang tingin sa kanya. Ngumanga ako dahilan para ilapit niya sa bibig ko ang isang piraso ng french fries na hawak niya ngayon. Nang malapit na malapit na ito sa bibig ko at akmang pakagat na ako ay bigla niyang inilayo sa akin iyon.

"Eyy." Natatawang sambit niya na para bang nang-aasar pa.

I gave him a poker face which made him change his reaction. "Heto na nga, hindi ka na mabiro."

"Say ahh uli." He said as he gave me a boyish grin. Kahit na madilim dito ay tanaw na tanaw ko pa rin ang mukha niya ngayon na ngiting ngiti sa akin.

Pero dahil uto-uto ako, ngumanga uli ako. Inilapit niya nang muli ang isang piraso ng french fries sa bibig ko. Noong malapit na malapit na ito ay bigla niya na namang inilayo ito sa bibig ko at isinubo iyon sa bibig niya.

Ngayon ay tawang tawa ang mokong habang ngumunguya. Siraulo!Hinampas ko na lang siya nang malakas sa braso niya dahilan para mapahaplos siya doon habang patuloy sa pagtawa.

Nag-poker face pa rin hanggang sa ibaling ko na lang uli ang tingin ko doon sa movie. Maya-maya'y kinulbit ako ni Marco pero hindi ko siya pinansin.

"Oy, galit ka? Sorry na." Sambit niya na ramdam ko'y naka-pout ngayon.

"Heto na, nganga ka na uli." Giit niya sa akin na pilit hinaharap ang mukha ko paharap sa kanya.

Nang naiharap ko na ang mukha ko sa kanya ay ngiting ngiti siyang tumingin sa akin at saka ipinakita ang isang piraso ng french fries.

Dahil uto-uto talaga ako, sinunod ko na naman siya. Ngumanga ako at saka inilapit niyang muli ang french fries na hawak niya sa bibig ko pero dahil alam kong pagtitripan na naman niya ako, inilapit ko na ang ulo ko doon sa french fries at saka kinagat iyon hanggang sa daliri niya.

Halos mapasigaw siya dahil siguro sa kirot habang ako ay tawang tawa dahil sa reaksyon niya. Ngayon kasi ay para siyang bata na sinisipsip 'yung daliri na kinagat ko para siguro maibsan ang kirot pero teka, may laway ko na 'yon ah?

"Sarap pala ng laway mo? Patikim pa nga." He said with his seductive voice.

What the fuck?!

Bigla akong nakaramdam ng pag-init sa aking mukha. Ramdam na ramdam kong ngayon ay pulang pula ang pisngi ko. Pinagpapawisan, pinaghahampas ko na lang siya habang siya ay tawa pa rin nang tawa.

***

Makalipas ang halos limang oras, napagpasiyahan na naming umuwi. Matapos kasi naming manood ng movie ay naisipan ko na lang munang mag-window shopping since hindi pa kami pwedeng umuwi dahil malakas pa rin ang ulan sa labas ng Mall.

Habang patuloy ako sa pagtingin sa mga damit ay inip na inip naman itong si Marco. Maya't maya niya akong kinukulit na umuwi na daw kami at noong naramdaman niyang hindi ako talaga ako papayag ay inasar na lang niya ako nang inasar hanggang sa ako na lang ang sumuko. Mabuti na lang talaga at tumila na ang ulan noong napagpasiyahan na naming umuwi.

Seriously, si Marco lang yata ang manliligaw na laging nang-aasar. Jusko.

Ngayon ay naglalakad na kami sa sidewalk ng subdivision papunta sa bahay namin. Dahil umulan kanina, basang basa ang daan. Ang ibang parte ng kalsada na may papalubog na bahagi ay punong puno ng tubig.

Habang naglalakad kami ay patuloy lang sa pag-asar sa akin si Marco. Pabiro niya ngayong hinahawakan ang kamay ko dahilan para mag-holding hands kami habang naglalakad. Mabilis ko naman itong binabawi pabalik dahil talagang malalagot ako kapag nakita ito nina Mama at Papa o maski ni Magne na malamang ay tapos na ngayon sa project na kinabibusyhan niya ngayong araw.

"Isa, Marco. Sasapakin na kita." Singhal ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Sige, basta kiss ang kapalit?" Ngumisi siya at saka akmang aabutin uli ang kamay ko.

Tumigil ako at saka humarap sa kanya. Habang naka-poker face na uli, mag-sasalita sana ako nang makarinig ako nang mabilis na pagharurot ng kotse sa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin kaya napalingon ako sa direksyon noon.

Halos mamutla ako nang makita kong nandito kami ngayon sa tapat ng kalsada na may papalubog na bahagi dahilan para magkaroon ito ng tubig. Ang kung sino mang titigil dito ay tiyak na mababasa sa pagtalsik ng tubig dahil sa dadaang sasakyan.

"Margotliit!" Pasigaw na sambit ni Marco nang hawakan niya ako sa braso habang ang paningin ko ay nasa kotse pa rin na humaharurot papalapit sa amin. Para ba akong istatwa na natigilan habang nakatingin pa rin sa kotse.

Until Marco grab ahold of my arms.

And I was ready to be a damsel in distress.

To be his Princess as he tried to be my knight in shining armor.

Pero walang hiya, iba ang ginawa ng siraulo.

Ang akala ko, poprotektahan ako ni Marco mula sa tubig pero hindi pala. Bagkus, ang ginawa ng mokong ay iniharang ako sa rumaragasang tubig dahil sa humaharurot na kotse. Dahil doon, ang lahat ng tubig ay tumalsik sa akin. Ngayon ay nagkulay brown na ang kaninang white t-shirt ko.

Humarap ako kay Marco at saka ko siya pinaghahampas dahil sa inis. Siya naman ay tawa lang nang tawa dahilan para mas lalo ko siyang paghahampasin. Matapos noon ay padabog akong naglakad papalapit sa bahay namin.

"Huy, sorry na. Nabigla lang ako." Sambit ni Marco na ngayon ay nakasunod pa rin sa akin.

"Bahala ka diyan! Don't talk to me!" Nagtatampong asik ko habang binibilisan ang lakad para hindi niya ako maabutan.

Sorry pa rin nang sorry sa akin si Marco pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating na ako sa bahay namin. Dire-diretso akong tumaas sa kwarto at nag-lock ng pinto. Si Marco naman ay rinig na rinig kong nagpapaliwanag kay Mama sa ground floor.

Hanggang sa nagdaan ang maraming oras, dahil sa inis na inis pa rin ako sa kanya, hindi ko pinansin lahat ng chats, texts, at calls niya. Itinuon ko ang pansin ko doon sa project na kailangan nang matapos ngayong weekend. 

***

It's Sunday morning. Kagagaling lang namin sa simbahan nang mag-text sa akin si Magne. Niyaya niya akong tumingin ng gowns na gagamitin namin sa Prom na gaganapin sa February 14, few weeks before today. Agad naman akong um-oo sa kanya dahil gusto rin na habang maaga pa ay mapaghandaan ko na ang pinakaunang prom ng SHS life ko.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin sa pangungulit sa akin si Marco pero hindi ko pa rin talaga siya pinansin. In-airplane mode ko ang phone ko matapos dumating ang kotse nina Magne sa tapat ng gate namin.

Nang makarating na kami sa downtown, tumigil ang kotse sa tapat ng isang two-storey building na as per Magne ay pag-mamay ari ng isang sikat na fashion designer na si Ms. Agnes Marasigan. Base sa mga natanaw kong gown doon sa glass wall ng building, masasabi kong napakaganda nga ng pagkakagawa doon.

Wala na kaming hinintay na sandali at pumasok na kami doon. Namangha ako nang makapasok na ako sa loob, punong puno kasi ito ng mga maniquin na nakasuot ng iba't ibang dress at gown. Hinila ako ni Magne papunta doon sa gown section at saka kami nagsimulang mamili.

Habang namimili, may isang babaeng may napakagandang mukha ang lumapit sa amin. Sa itsura niya, mukha siyang manika pero 'yung kagandahan niya ay masasabi kong hindi natural. Halatang halatang nagparetoke siya.

"Long time no see, Ms. Agnes!" Masayang bati ni Magne at doon ko nalaman na siya pala iyong sikat na fashion designer na sinasabi niya sa akin.

Bumeso kaming dalawa sa kanila bago siya sumagot. "Oh, anong maipaglilingkod ko sa paborito kong modelo ng mga gowns ko?"

Ang theme ng prom namin ay Masquerade kaya't ang dapat na isuot naming gown ay somehow, with a touch of 1900's vibes. Dahil close sa family nina Magne si Ms. Agnes, nag-suggest siya sa amin na gagawan na lang siya ng gown just for us.

Halos ilang oras ang itinagal ng pagko-conceptualize namin ng mga gown na gagawin ni Ms. Agnes. Namangha ako sa angking galing niya dahil nagawa niyang i-drawing nang eksakto ang nasa isip ko. Actually, para pa ngang hinihigatan niya pa iyon-- parang 'yung nasa imagination ko ay nag-level up noong mai-drawing na niya iyon.

Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na rin kami kay Ms. Agnes. Hindi na kami nagtagal sa shop niya dahil sa ngayon ay busy siya sa pag-asikaso ng mga deadlines ng mga gowns na ipinagawa sa kanya for this week.

Nang makalabas na kami sa shop ay napagpasyahan naman namin ni Magne na dumaan na lang muna sa isang coffee shop bago umuwi.

Ngayon ay nandito kami sa loob, naghihintay ng in-order naming capuccino. Nakapwesto kami sa kaduluhang bahagi ng shop, iyong parte na hindi madaling makita ng mga tao.

Inilibot ko ang tingin ko dito at in all fairness, sobrang aliwalas tignan nito. Ang kulay kasi ng pader ay kulay puti habang ang mga wall art na nakapinta doon ay kulay black. Ang mga nasa wall art ay mga english term na binuo para makabuo ng hugis cup. Sumabay din sa pagkaliwalas ng paligid ang music na pinapatugtog ngayon. They are playing LANY's song and it really fits the raining weather that we have today.

Nang magbukas ang pintuan ng coffee shop ay biglang tumunog ang bell na nandoon sa ibabaw noon. Iyon ang dahilan para maibaling ko ang tingin ko doon sa mga taong ngayon ay pumapasok sa loob. Pero napakunot noo na lamang ako nang sina Diyes, Vaeden at Marco ang tumambad sa akin. Mas lalong napakunot ang noo ko nang nakita ko ang tatlong babaeng kasama nila.

Wait, triple date?!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.