Chapter Episode 49

Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas hanggang sa nakaladkad na ako ni Lucan pataas sa madilim na hagdan nang walang kahirap-hirap. Ngayon, amoy na amoy ko ang alak na bumabalot sa sistema niya, halatang halatang nakainom siya. Bagay na ipinagtataka ko dahil ipinagbawal iyon ngayong gabi.

Dahil sa sobrang lakas niya, walang hirap siyang naitaas ako sa second floor ng The Vieuxfount Palace at katulad ng sa hagdan ay sobrang dilim ng corridor nito. Sa magkabilang gilid ng daan ay may mga pintuan ng kuwarto.

Nang makita ko ang mga iyon, labis akong kinabahan dahil kung maipapasok ako ni Lucan sa isa sa mga silid na ito ay wala akong laban. Sobrang lakas niya, paniguradong wala siyang kahirap-hirap na magagawa ano man ang gusto niyang gawin sa akin.

'Yon ang dahilan para mas lakasan ko pa ang pagpupumiglas. But he is too strong. It seems like my force was just a piece of cake for him.

Habang patuloy pa ring nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya, wala pa rin siyang hirap na naipasok ako sa pinakamalapit na kwarto mula sa kinatatayuan namin kanina. Mangiyak ngiyak ako nang isinalya niya ako sa kama hanggang sa mabuksan na niya ang ilaw ng kwarto.

"Lucan, pakawalan mo na ako. Parang awa mo na!" Napapahikbi kong sambit pero hindi niya ako pinansin. Bagkus ay humalakhak lang siya habang inaalis ang maskara niyang may disensyo ng balat ng itim na ahas.

"Sa wakas, matitikman na rin kita." He said as he bite his lower lip.

Napuno ng kilabot ang buong katawan ko habang patuloy akong nakatingin sa kanya. Nakakatakot siya. Kung nitong mga nakaraang buwan ay labis na ang takot na nararamdaman ko sa titig pa lang niya, ngayon ay mas lumabis pa ang takot na nadarama ko dahil sa kamanyakan na kasalukuyan niyang ipinapakita sa akin.

He is now staring at me as if he is already stripping my gown. It's as if I'm already naked on his mind.

Halatang may epekto ng droga ang kanyang pag-iisip dahil sa namumula niyang mga mata. Pati na rin ang paraan kung papaano siya gumalaw. Hindi ito gagawin ng isang taong hindi nalululong sa droga. Hindi ito gagawin ng isang taong nasa kanyang tamang katinuan. Ngayon kasi ay para ba siyang isang gutom na gutom na leon na handang lapain ang karneng nakalatag sa kanyang harapan.

"Noon pa naman talaga kitang balak tikman pero ang ungas na si Marco ay lagi akong pinipigilan. Ngayong wala siya, aangkinin na kita." Nakakatakot niyang sambit habang binabasa niya ng laway ang kanyang mga labi.

Napapahikbi akong tumingin sa kanya. Tumingin ako sa kanya na para bang nagmamakaawa ngunit kasabay ng pagpapaawa ko ay para bang ganoon din ang excitement na nadarama niya. Kitang kita ko kasi kung papaanong may matigas na bagay na umumbok sa harapan ng kanyang pantalon, hudyat na bagkus na maawa siya sa akin ay mas lalo lang iyong nakadagdag sa pag-iinit ng kanyang katawan.

Napasigaw na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang mga paa ko. Nangininginig, wala akong nagawa kundi ang gumapang papaatras sa kanya pero huli na ang lahat ng maabot na ng likod ko ang dulo ng kama-- ang headboard.

Tinangka ko siyang sipain pero napakahigpit ng pagkakahawak niya sa mga paa ko kaya't wala akong nagawa kundi ang paghahampasin siya ng unan ngunit tinawanan niya lang ako na para bang ineenjoy pa ang ginawa ko.

"Bitawan mo ako!" Mangiyak-ngiyak kong sambit pero hindi siya nagpapigil, bagkus ay dinilaan niya lang ang binti ko.

Dahil doon, tuluyan nang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. Takot na takot, ibinaling ko ang tingin ko sa buong kwarto. Naghahanap ako ng bagay na pwedeng ipangdepensa laban sa kanya. Nang makita ko ang lamp shade sa side table ay agad ko iyong inabot. Buong lakas ko iyong inihampas sa ulo niya dahilan para bumagsak siya sa sahig at magsisigaw dahil sa sakit.

Wala na akong hinintay pang sandali, tumakbo na ako papalabas ng kwarto pero nang mabuksan ko na ang pinto ay biglang bumungad sa akin ang babaeng may itim na gown at maskarang may disensyo ng sungay ng demonyo. Itutulak ko na sana siya pero naunahan niya ako. Bago ko pa siya maitulak ay nagawa na niya akong itulak nang malakas na naging dahilan ng pabagsak kong pag-upo sa sahig.

Habang napapangiwi dahil sa kirot ng likod ko, pumasok ang babae sa loob at saka isinara ang pinto. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa habang inila-lock niya ang pinto. Napadako ang tingin ko doon sa glass wine na hawak niya, may laman iyong red wine na hindi ko alam kung saan niya nakuha dahil mahigpit iyong ipinagbabawal ngayong gabi.

"Margot, na-miss kita. Na-miss mo rin ba ako?" Matapos niyang magsalita, napaawang na lang ang bibig ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na ito dahil palagi ko itong naririnig ilang buwan na ang nakalipas.

"C-Cygny?" Nangangatal kong sambit.

At bago pa man siya magsalita ay itinapon niya sa mukha ko ang laman ng glass wine. "Isn't it obvious already, dumb bitch?"

Gulat na gulat sa ginawa niya, pinunasan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. I began to breath fastly. "Ano bang kailangan niyo sa akin?! Bakit kailangan niyo pang gawin 'to?!" I said hysterically.

Ngayon ay magkahalong galit at takot na ang nararamdaman ko. Galit dahil sa kawalanghiyaang ginagawa nila sa akin ngayon at takot dahil sa maaaring mangyari matapos nito.

"Because you are a pain in the ass. Kung hindi dahil sa 'yo, sana ay kami pa rin ni Marco hanggang ngayon. Pero anong ginawa mo? Inahas mo kami!"

Lumuhod siya sa harap ko at saka sinakal ako sa leeg kaya't wala akong nagawa kundi ang pigilan siya sa pagsakal sa akin. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa unti-unti na akong nawawalan ng hininga.

"Ang dapat sa mga kagaya mo, binababoy. You need to learn your lessons, Margot." Matapang na sambit niya at sa amoy ng hinanga niya ay halatang nakainom din siya.

Nang maalis na niya ang kanyang kamay mula sa pagkakasakal sa akin, habol hininga akong tumingin sa kanya. Nagmamakaawa. Pero ang ipinakita niya lang sa akin ay ang pag-ngisi na para bang nagsasabing dapat lang sa akin ang nangyayari ngayon.

From that moment, dire-diretso na akong napaluha. Wala akong magawa. Hindi ako makalaban. Mahina ako. At iyon ang masaklap, ngayon ay tanging pag-iyak na lang ang maaari kong gawin. Pero kahit na umiyak ako ay alam ko namang walang epekto iyon sa kanya. Napakasama niya, hindi ko inakalang aabot siya hanggang dito-- hanggang sa puntong sasaktan niya ako.

Tumayo siya, tumingin kay Lucan. "You are going to have some fun." She smirks as she gets her phone. She dial a number on it before she place it right into her right ear.

Akmang tatayo na sana ako para tumakas pero bigla akong hinawakan ni Lucan sa magkabilang kamay dahilan para manatili ako sa pagkakaupo sa sahig. Ang mga kamay ko ay idinampi niya doon sa umuumbok niyang harapan, bagay na talagang nakapagbigay sa akin ng labis na kilabot. Matapos noon ay niligkis niya ang kanyang mga binti sa aking beywang.

"Dito ka lang, papaligayahin pa kita." Nakakakilabot na bulong niya sa akin bago niya dinilaan ang likod ng tainga ko dahilan para mas lalo akong manginig sa labis na kilabot.

"Hello, Marco." Cygny says, emphasizing Marco's name as if she wants me to hear it loud and clear.

"I have something to tell you. Paniwalaan mo ako this time, please." She continue as she try her best to act on the scene she's making. Ngayon ay nagmamakaawa ang boses niya pero taliwas iyon sa nakangising mukha niya.

"Margot's fucking another guy and guess who? It's Lucan!" She energetically says, it was a sudden change of mood. Right now, she looks like a lunatic. This girl is really something.

Sisigaw na sana ako nang biglang takpang muli ni Lucan ang bibig ko. Naiiyak naman akong nagpumiglas at sumigaw nang malakas kahit na alam kong hindi ako maririnig ni Marco.

Biglang nagbago ang reaksyon ni Cygny. "Ayaw mong maniwala?" She rolled her eyes. "Nasaan ba siya ngayon? Wala siya sa tabi mo, right? Tanga ka ba?"

Later on, she heaved a disappointed sigh. Itinaas niya ang kilay niya sa akin. "Then see it for yourself. Hanapin mo ang kwarto kung saan sila gumagawa ng milagro. Go on, Marco. You have to see how dirty the real Margot is."

She rolled her eyes again as she ended the call. And as she turn her gaze on me, she began to smirk like a villain. "Virgin ka pa ba?"

Pero wala akong naisagot sa kanya kundi ang pagluha. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa kanyang nakangising mukha. Gusto kong magmakaawa pero alam kong mas posible pa ang magkaroon ng himala kaysa pakinggan nila ang pagmamakaawa ko.

"Have some fun, Lucan." She winks at the man who's now laughing on my back.

Lumakad na siyang pabalik sa pinto at nang mahawakan na niya ang doorknob ay muli siyang tumingin sa akin. She smiles sweetly as if she is enjoying what's about to happen. Before I knew it, she quickly goes outside the room-- leaving me petrified in this room that will seem to be my darkest nightmare.

***

"Tulong!"

I sob.

Hard.

"Parang awa niyo na!" Naglandas ang maiinit kong luha mula sa aking nga mata, "Tulungan niyo ako!"

Punong puno ng takot akong sumigaw habang nagpupumiglas. Ngayon ay iginapos ni Lucan ang mga kamay ko sa headboard gamit ang posas na hindi ko alam kung saan at papaano niya nakuha. Dahil dito, mas lalo akong hindi makakalaban sa kawalanghiyaang gagawin niya sa akin.

Habang naghuhubad siya ng coat niya ay para siyang adik na naglalaway habang nakatitig sa katawan ko. Tuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ko, nagpatuloy lang ako sa pagsigaw hanggang sa mahubad na rin niya ang kanyang white long sleeves.

"Akin ka na, Margot. Akin lang." Sambit niya habang nakakagat labi.

Wala pang ilang segundo ay ipinasok na niya sa loob ng gown ko ang mga kamay niya. Nagsimula nang lumakbay ang mga iyon mula sa binti ko pataas ng aking mga hita dahilan para mapasigaw ako nang mas malakas.

Pinilit kong sipain siya pero napakahigpit din ng pagkakaposas niya sa mga paa ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang mapahagulgol dahil sa takot habang pilit akong nagpupumiglas kahit na alam ko namang wala nang magagawa ang pagpupumiglas ko.

Pero maya-maya ay narinig ko ang pagsigaw ni Marco. Nanlalaki ang mga mata kong pinakinggan ang mga sigaw niya.

"Margot?!"

Nakarinig ako ng pagkalampag mula sa pinto. But that door wasn't the room I am situated right now.

"Nasaan ka?!"

"Margot!"

Sisigaw na sana ako pero biglang tinakpan ni Lucan ang bibig ko. Halata ang takot sa mga mukha niya habang nakatingin doon sa pinto, tila bang natauhan na siya sa kasamaang gagawin niya sa akin.

Ilang minutong binalot kami ng katahimikan nang biglang tumunog ang doorknob ng silid kung nasaan ako ngayon. Nagsisigaw ako nang malakas pero dahil sa tinatakpan ito ni Lucan ay hindi ako makagawa ng ano mang ingay.

Maya-maya ay nawala na rin ang pag-tunog ng doorknob. From that moment, I began to lose hope.

Shit, Marco. Nandito ako! Bumalik ka!

Hinihingal, naisipan kong kagatin ang daliri ni Lucan. Tumingin ako nang masama sa kanya na ngayon ay kabadong nakatingin doon sa pinto. Huminga ako nang malalim at matapos ang paghinga ko ay kinagat ko nang madiin ang kanyang daliri dahilan para maalis niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ko.

Wala na akong hinintay pang sandali, kahit na habol hininga ako ay nagawa ko pa ring makasigaw nang malakas-- siniguro kong malakas na malakas ito para marinig ni Marco. Pero hindi nagtagal ay tinakpang muli ni Lucan ang bibig ko. This time, unan na ang ginamit niya kaya't maya-maya ay unti-unti akong nauubusan ng hininga.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ni Lucan nang biglang tumunog muli ang doorknob at kasunod noon ay ang pagkalabog ng pintuang kahoy-- hudyat na may nagtatangkang pumasok dito sa loob nang buong pwersa.

Dahil doon, nagmadaling tumakbo si Lucan sa pinto para harangan ang pagpasok ni Marco. Ako naman ay nauubong inalis ang unan sa aking mukha bago mabilis na hinabol ang hininga-- dahilan para pagpawisan ako nang todo.

Nang maibaling ko nang muli ang tingin ko kina Lucan ay buong lakas niyang itinutulak ang pinto laban sa panghihimasok ni Marco nang ilang minuto. Pero dahil sa sobrang lakas ng pwersang ibinigay ni Marco sa pinto ay nasira niya ito.

Nagawa niyang makapasok hanggang sa ang pinto ay dumagan kay Lucan na ngayon ay nakaupo sa sahig, napapangiwi dahil sa kirot.

"Marco!" Sigaw ko dahil sa magkahalong saya at pasasalamat.

But he stared at me with apalled eyes.

His eyes are widened.

Then suddenly, it mirrored an emotion I don't want to decipher. It's a dangerous anger. A deadly aura. He is furiously turning his gaze towards Lucan.

Napaawang ang bibig ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang na sinusuntok na ni Marco si Lucan sa mukha.

"Putangina mo, Lucan!"

Suntok sa mukha. Sipa sa tagiliran. Iyon ang salit-salitang ginawa ni Marco.

And I was there, crying while watching him break down into pieces.

"Napakahayop mo!"

Hindi iyon inaasahan ni Lucan kaya hindi na siya nakalaban pa. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin na lang nang tanggapin ang kamao ni Marco na para bang hindi siya titigilan hangga't hindi nababasag ang kanyang bungo.

Ilang segundo ang nakalipas ay sabay-sabay nang pumasok sina Magne, Vaeden at Diyes sa loob. Agad na pinigilan nina Vaeden at Diyes si Marco dahil wala nang malay si Lucan habang naliligo na sa sariling dugo. Si Magne naman ay tumakbo papalapit sa akin at saka mabilis na inalis ang pagkakaposas ng mga kamay at paa ko gamit ang mga susing nagkalat sa sahig.

Tuloy tuloy ang luha ko nang mapayakap ako kay Magne nang mahigpit. Takot na takot ako. Nanginginig. Hindi makagalaw. Tanging paghagulgol lang ang nagawa ko.

"Margot, okay na ang lahat. Wala nang makakapanakit pa sa 'yo. Nandito na kami." Nahihikbing sambit ni Magne habang hinahaplos ako sa likod pero wala akong nagawa kundi ang patuloy na mapaiyak na lang.

Pero bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin nang ilang sandali ang makalipas ay lumapit sa akin si Marco. Nang mapatingin ako sa mukha niya ay punong-puno iyon ng magkahalong lungkot, takot at kirot sa dibdib.

Umupo siya sa kama habang humihikbi. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Sorry, Margot. Sorry, kasalanan ko 'to." He continued to painfully sob. "Sorry . . ."

Napapikit ako habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. "Wala kang kasalanan, Marco. 'Wag mong sisihin ang sarili mo."

I sniff for a second. "Walang ibang may kasalanan kung hindi si Cygny. Please, 'wag mong sisihin ang sarili mo."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at saka tinignan ako diretso sa aking mga mata. Hinawakan ko naman ang mukha niya at tinangkang punasan ang kanyang mga luha pero dahil sa tuloy tuloy ang pag-agos noon sa kanyang mga mata ay wala akong nagawa kundi ang hawakan na lang ang kanyang mga pisngi.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang mga pisngi. Nang maibaling ko ang mga mata ko sa kanyang kamay ay punong puno iyon ng dugo at sariwang sugat, bagay na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.

"Pakana itong lahat ni Cygny. Hindi ito gagawin ni Cygny kung hindi dahil sa akin." His lips turned down. Creating a painful downward curve on his beautiful face, "Kaya ako ang may kasalanan."

Napapalunok ng laway, umiling lang ako sa kanya habang patuloy na humahagulgol. Hindi na ako makapagsalita pa dahil sa labis na emosyong nararamdaman ko. Niyakap ko na lang uli siya nang sobrang higpit habang ang magkahalong takot at lungkot ay unti-unti nang nawawala sa aking sistema.

He is surely my safe haven.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.