Chapter Episode 50

It's Monday evening. Dalawang araw matapos mangyari ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang kalimutan iyon. Ang masalimuot na mga alaala ko noong gabing iyon ay automatic na nag-peplay sa aking utak at hindi ko iyon mapigilan. Para itong sumpa na habang buhay nang guguluhin ang tahimik kong mundo. It seems to be an unending chaos who will be my petrifying nightmare regardless if I'm awake or asleep.

Magmula nang gabing iyon, hindi muna ako pinayagan nina Mama at Papa na makipagkita sa kahit na sino man. Hindi rin nila ako pinayagang gumamit ng cell phone dahil as per the Psychologist, dapat daw ay ilayo ko muna ang sarili ko sa mga makakapagpaalala sa akin sa gabing iyon. Pasok doon ang internet dahil ngayon ay balitang balita na sa buong Cavite ang nangyari sa akin given the fact that our University is the most famous institution in the province. Kung patuloy akong gagamit ng cell phone, maari ko daw ma-encounter na naman ang mga posts na konektado sa iniiwasan kong maalala. Iyon ang dahilan kung bakit napagdesisyunan na lang nilang 'wag na muna akong pagamitin ng cell phone for the meantime.

Pero hindi iyon nagtagal.

Mabuti na lang at ngayong araw ay hinayaan na nila ako.

Mabilis kasi ang naging progress ko. Sabi ng doctor ay mabuti na lang daw at malakas ang mental health ko. Kung hindi daw ay baka naging malala ang natamo kong mental damage dahil sa mga nangyari.

Kahit na ganoon, iniwasan ko pa rin na mag-online. Ngayon ay nagbabrowse na lang ako sa mga messages sa akin ni Marco. Napakarami noon at labis akong napasaya ng mga ito habang patuloy ko itong binabasa.

This is what I called The Marcovence Baignard Razon Effect, he has been always my safe place. Simply seeing his text makes me feel like everything's fine. It's as if I'm always safe whenever I see him and probably no one can ever make me feel that way except him.

Nang matapos na akong magbasa ng mga messages ni Marco ay ibinaling ko naman ang atensyon ko sa mga messages ni Magne. Katulad ni Marco ay napakarami niya ring sinend sa akin na mga salitang makakapagpagaaan ng loob ko.

Pero ang atensyon ko ay nagfocus doon sa kahuli-hulihan niyang text. Nakalagay kasi doon na na-expel na sa University sina Cygny at Lucan with the help of Ma'amshie. Kanina raw ay galit na galit na kinaladkad ni Ma'amshie si Cygny papunta sa President's Office para sabihin ang mga nangyari noong Biyernes ng gabi. Dahil menor de edad pa rin daw si Cygny, hindi inilabas sa publiko ang tunay na dahilan kung bakit siya napaalis ng school.

It somehow made me heave a relieve sigh. Kahit na sobrang sama ng idinulot sa akin ni Cygny, nakakatawang ayoko pa rin na mahusgahan siya ng tao nang dahil sa akin. Naging kaibigan ko pa rin kasi siya kahit na papaano at alam kong may dahilan siya kung bakit niya iyon ginawa. Pero sana lang talaga ay magbago na siya. Kailangan niyang magbago para sa ikagaganda ng sarili niyang buhay.

Nakangiti akong in-off ang cell phone ko at ipinatong iyon sa unan bago tuluyang tumulala sa puting kisame.

Pero wala pang isang minuto ay nagulat na lang ako nang biglang mag-ring ang cell phone ko. Kinuha ko agad iyon at saka binasa ang pangalan ng tumatawag. It's Diyes. Ano kayang kailangan nito?

Agad ko itong sinagot. "Hello, ba--"

Naputol ako sa sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. "Margot, you have to know this."

Napakurap ako. Bakit parang hingal na hingal siya? Halatang ngayon ay tumatakbo siya nang mabilis na para bang nagmamadali.

Naguguluhan, nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa kanya. "Tinawagan ako ni Nanay Minerva, she said Marco is trying to commit suicide!"

Napaawang ang labi ko.

Kasabay ng biglang panghihina ko.

"W-What?" I was dumbfounded for a moment.

"Just . . . just go here, Margot." Hinihingal man, ramdam ko ang panginginig ng boses ni Diyes.

Then when reality hits me, I automatically run outside of my room. Running like haist, I almost stumble but I didn't care.

Nagsisimula nang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba nang makababa ako sa hagdan. Akmang tatakbo na ako nang mabilis palabas ng aming bahay nang biglang harangan nina Mama at Papa ang daan ko. Napatigil ako. Nangangatal man ay pinilit kong ipagsiksikan ang sarili ko laban sa pagkakaharang nila pero wala akong nagawa nang hawakan ni Papa ang mga braso ko.

"Anak, hindi pwede. Kailangan mo munang magpahinga sa kwarto mo." Malumanay na sambit ni Mama.

"Balik sa kwarto mo, Fersiphina." Matigas na wika ni Papa sa akin.

Walang salita ang lumabas sa aking bibig. Walang sagot ang gusto kumawala mula sa akin. Bagkus ay nagpatuloy ako sa pagsubok na alisin ang mga braso ko mula sa mahigpit na pagkakapigil ni Papa. Nang hindi pa rin niya ako binitawan ay naramdaman ko na lang ang kusang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko papunta sa aking mga pisngi.

Napapikit ako hanggang sa manghina ang mga tuhod ko. Hanggang sa napaupo na lang ako. Para bang tinakasan na ng lakas ang mga tuhod ko. Ngayon ay nakaluhod na ako habang nagsisimula nang humagulgol. Dahil doon ay bigla akong binitawan ni Papa.

"Kailangan kong sagipin si Marco. Please, hayaan niyo na lang akong lumabas!" I hysterically yell. Habang kumakawala ang paghagulgol mula sa aking bibig. Humahagulgol dahil sa labis na kaba. Humahagulgol dahil maaring mawala na sa akin si Marco ano mang oras.

Then I saw my parents's faces to soften.

Ilang segundo nang pananahimik ay nagsimula na akong tumayo at tumakbo papalabas ng aming bahay. Hindi na ako pinigilan nina Mama at Papa kaya't dire-diretso na akong lumabas ng gate at tumakbo na papalabas ng subdivision namin.

Nang makaabot na ako sa street nina Magne ay nakasalubong ko siyang tumatakbo rin palabas ng subdivision. Bakas na bakas din sa mukha niya ang pag-aalala hanggang sa sabay na kaming tumakbo na para bang nagkaintindihan kami sa pamamagitan lang ng pagtingin sa isa't isa.

Nang makalabas kami ng subdivision ay nakita naman namin si Vaeden na tumatakbo papasok ng subdivision ni Marco. After realizing what is happening right now, unti-unti akong pinanghihiaan.

Nangyayari na ngayon ang mga nakalagay doon sa letters ng future selves namin.

This scene . . .

Ganitong ganito ang nakalagay doon sa huling letter ng future self ko. Ang ibig sabihin ba nito ay . . .

I took a deep breath. I tried to calm myself down. I tried not to focus myself to that context. Because it will not happen. It should not happen.

Pero para bang nananadya pa ang langit nang biglang bumuhos ang ulan nang makapasok na kami sa subdivision nina Marco. Tila bang pati ang panahon ay nakikisabay sa lungkot namin. Tila bang pati ang langit ay lumuluha rin dahil sa mga nangyayari.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay ni Marco. Doon ay nadatnan kong umiiyak si Nanay Minerva sa harap ng gate. Si Vaeden naman ay nandoon din at para bang pinapakalma ang matanda.

Agad kaming lumapit sa kanila. Nang makita kami ng matanda ay agad niya akong niyakap habang humahagulgol na para bang nagmamakaawa sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako lalong napaluha.

Lumunok ako ng laway, pilit na pinapalakas ang nanghihina ko nang loob. "N-Nasaan po si Marco? Ano po bang nangyari?" Napapahikbi kong tanong sa kanya habang pareho na kaming basang-basa ng dahil sa ulan.

"Ganito kasi iyon, anak." Malungkot na sambit ni Nanay bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin. "Nakita ko siya sa kwarto niya kanina--"

Bumuntong hininga siya bago muling magsalita. Para bang pinipilit niya ang sarili niya na 'wag na munang magpatuloy sa pag-iyak para makapagsalita siya nang maayos. "Binalak niyang patayin ang sarili niya."

Pero nabigo si Nanay sa pagpigil sa kanyang paghagulgol. Ngayon ay nagpapatuloy siyang magsalita habang sa pagitan ng mga salita ay humihikbi siya, bagay na lalong nakapagpaluha sa akin. Ngayon ko lang kasi nakitang magkaganito si Nanay dahil magmula noong makilala ko siya ay puro ngiti at tawa lang ang lagi niyang ipinapakita sa akin.

"Nakita ko 'yung taling nakasabit sa kisame ng kwarto niya, anak." She continued sobbing and it's oainful to my ears. "Magbibigti siya. Kaunting kaunti na lang ay isasabit na niya sa kanyang ulo iyong tali pero mabuti na lang at napigilan ko siya."

Lumunok muna siya ng laway bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Kaninang umaga kasi ay nakita ko ang suicide note ng Papa niya noong naglilinis ako sa kanyang kwarto. Naisipang kong ibigay iyon sa kanya nitong kinahapunan dahil naisip kong baka mapagaan noon ang kanyang loob pero baliktad pala ang nangyari. Dahil kasi doon, lalo niyang sinisi ang sarili niya."

She heaved a dreadful sigh. "Kung alam ko lang na iyon ang mangyayari, sana pala ay itinapon ko na lang iyon."

Patuloy nang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga narinig ko. Napakapit ako kay Magne at si Vaeden naman ay inalalayan ako.

Ang suicide note. Iyon talaga ang magiging dahilan ng pagkawala ni Marco. Iyon ang nakalagay sa letters. Gagawin ni Marco ang pagpapatiwakal sa gabi ng araw kung saan makikita niya ang suicide note ng kanyang Papa. Ang suicide note na iyon talaga ang dahilan kung bakit niya iisiping mawala na lang dito sa mundo.

Ang tanga ko.

Ang tanga tanga ko.

Bakit ba hindi ko ito agad naisip?

"Sinisi niya ang sarili niya. Kasalanan niya daw ang nangyari sa Papa niya at sa iyo. Hindi daw siya karapat-dapat pang mabuhay dahil ang katulad niya raw ay puro sakit lang ang maibibigay sa mga mahal niya sa buhay at kayo iyon na mga kaibigan niya. Ayaw niya raw na mawala kayo katulad ng nangyari sa kanyang ina kaya mas gugustuhin na lang daw niya na mawala dahil iyon naman daw ang nararapat para sa walang kwentang katulad niya."

Patuloy sa paghagulgol si Nanay, niyakap ko siya para pakalmahin. Ganoon na rin sina Vaeden at Magne.

"Sinubukan kong ipaunawa ang lahat sa kanya. Sinabi kong ipaintindi na mali ang lahat ng iniisip niya pero hindi niya ako pinaniwalaan. Akmang itutuloy na niya sana ang gusto niyang mangyari nang biglang dumating si Diyes dito."

Bumitaw kami sa pagkakayakap sa kanya. I getly wiped her tears as she continued. "Dalawa kaming sumubok na pakalmahin siya pero sa labis na lungkot na nadarama niya ay umiiyak siyang napatakbo nang mabilis papalabas ng bahay."

Saka niya hinawakan ang aming mga kamay. "Sige na, humayo na kayo. Tulungan niyo si Diyes na hanapin si Marco."

Nanay paused for a second. "Pakiusap, sagipin niyo si Marco. Sagipin niyo ang alaga ko mula sa kalungkutan na ngayon ay kinakain ang kanyang pag-iisip." Sad is all I can see through her eyes.

Nahihikbi kaming tumango sa kanya at pinapasok na siya sa loob ng bahay dahil baka kung mapaano pa siya. Agad niya naman kaming sinunod at matapos noon ay mabilis na kaming tumakbo para hanapin si Marco.

Nagpalinga-linga ako hanggang sa maisipan na lang namin na maghiwa-hiwalay. Si Magne ay tumakbo pa-silangan, si Vaeden naman ay pa-timog. Ako ay tumakbo pa-kanluran kung saan ang direksyon papalabas ng subdivision.

Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, nahirapan akong makita ang buong paligid. Ngayon ay tanging ulan lang ang nakikita ko sa buong paligid. Hindi malinaw ang lahat sa aking paningin dahil tanging ilaw lang mula sa mga poste ang naaaninag ko. Sobrang tahimik din ng buong paligid, ang pagbuhos lang ng ulan ang naririnig ko.

Para basagin ang katahimikan, naisipan kong sumigaw. "Marco!"

Napapahikbi, nagpatuloy akong maglakad habang nagpapalinga-linga sa buong paligid kahit na wala akong malinaw na makita. "Marco! 'Wag mo akong iiwan! 'Wag kang selfish!"

I sniff for a second. "Sasagutin pa kita! Magiging tayo pa!" I bit my lower lips to prevent my sobs. "You still have to hear my four words and eight letters!"

Just like that, the raindrops began to drop more-- leaving me with the cold breeze that touches my now freezing hope of finding Marco. Pinanghihinaan ng loob dahil malabo talaga ang lahat ng nasa paligid, napaluhod na lang ako nang makaabot ako sa gate ng subdivision habang umiiyak.

Wala siya.

Wala talaga siya.

Napahagulgol ako dahil sa inis at lungkot. Bakit ba kasi kailangan pang sumabay ang ulan na ito ngayon? Bakit? Dahil ba nakatadhana na talagang mangyari ang dapat na mangyari? Hindi pwede, putangina. Hindi pwedeng mawala sa amin si Marco.

Pero nang ibaling ko ang mga mata ko sa kalsada ay may naaninag akong isang pigura ng tao na naglalakad nang mabagal papalapit doon. Dahil sa ilaw ng mga sasakyan ay malinaw kong nakita ang pigura niya. Kinuskos ko ang aking mga mata at tumayo bago ko sinimulang maglakad papalapit sa taong iyon.

Habang papalapit ako nang papalapit sa kanya ay unti-unti ko nang malinaw na nakikita ang itsura niya. Siya ay matangkad. May makisig na pangangatawan. Nagulat ako nang may itinapon siya sa gilid niya. Isa iyong eyeglass.

Hindi ako maaaring magkamali, si Marco ito.

Nang muli kong ibinaling ang aking mga mata sa direksyon niya ay doon ko na lang narealize na ilang agwat na lang pala ang distansya niya sa kalsadang may mga sasakyan na mabilis na dumadaan. Paniguradong mapapahamak ang kung sino mang tatawid dahil sa hindi visible ang buong paligid at madulas din ang kalsada.

"Marco!" Paulit-ulit kong sigaw pero para bang hindi niya ako naririnig.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumakbo nang mabilis papunta sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang may malaking ilaw ang tumama sa aming direksyon. Iyon ang ilaw ng truck na mabilis na humaharurot papunta sa direksyon ni Marco.

From that moment, I began to tremble. But I manage to run as fast as I can. I manage to stay close to him. Sinubukan kong kunin ang kamay niya. Nagtagumpay ako. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya-- tatalon na sana kami palayo ng kalsada ngunit huli na nang mahagip kami ng truck.

Nang sumalpok sa amin ang truck ay nagpagulong gulong kami sa basang kalsada. Namalayan ko na lang na nakahiga ako sa basang kalsada at sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na magawa pang makagalaw.

"Marco . . ." Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang lumuha habang tumitingin sa walang malay na si Marco na nakahiga sa hindi kalayuan sa hinihigaan ko. 

Nagsimula nang maging pula ang kulay ng paningin ko dahil sa dugong umaagos mula sa aking ulo. Unti-unti, naramdaman ko na lang na napapapikit na nang kusa ang aking mga mata.

"M-Marco . . ." Hinihingal kong sambit hanggang sa ang buong paligid ay bigla na lang nagdilim sa aking paningin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.