Chapter Epilogue

Matapos kong basahin ang letters, bumuntong hininga ako. Muling ibinaling ang mga mata ko sa maganda at asul na asul na dagat ng The White Fairyland.

Then I sigh.

A sigh that's full of mixed feelings. Combined happiness and undeciphered emotions.

It's been ten years already.

Sobrang laki na ng pinagbago ng lugar na ito magmula pa noong pumunta kami dito noong mga teenager pa lang kami. Ang dating tahimik at walang katao-taong paraiso ay nagmistula nang pangalawang boracay ngayon dahil sa dami ng turista na bumibisita dito. Pero  nanatili ang kagandahan nito. Ganoon na ganoon pa rin ang itsura nito sa kung papaano ito dati noong mga teenager pa kami.

"Tara, basahin na natin ang mga nilagay natin dito!" Masiglang sambit ni Magne kaya muli akong lumingon sa kanya.

Ngayon ay iniaabot na niya sa amin lahat ng mga letters na ginawa namin ten years ago. Ito 'yung letter na ipinagpilitan niyang gawin namin para balikan matapos ang sampung taon.

"Sisimulan ko na, ah!" Sambit niyang muli at saka inalis sa pink na envelope ang letter niya.

Umubo muna siya bago magsalita. "Dear Magne-- Wow ang drama ko talaga dati." Pagpuputol niya sa pagbasa kaya't kaming lahat ay natawa. Baliw pa rin talaga ang isang ito, walang pinagbago.

"Heto na!" Umubo muna siya uli. "Dear Magne, I hope that by this time, you already succeeded with the dream that you have right now which is to be a well-known supermodel. Gusto kong maging model ka ng Victoria's Secret. Alam kong medyo mataas ito pero vakla, mangangarap na lang din ako, eh di taasan ko na, 'di ba?"

At matapos noon ay nagtawanan kaming lahat. Walanghiya, puro kagaguhan ang nilagay niya doon. Wala talagang balak magseryoso 'to kahit na kailan.

Habang pinagmamasadan ko siyang magpatuloy sa pagbabasa ng letter niya, napangiti ako. Kagaya ng dati ay napakamasayahin niya pa rin. Para bang wala siyang iniindang problema-- parang lahat sa kanya ay positibo lang.

Katulad ng nakalagay doon sa binasa niya, nakamit niya ang pangarap niyang iyon. Ngayon ay isa na siyang international supermodel at doon na siya nakatira sa California. Sa aming lahat, siya ang pinaka naging successful kahit na hindi siya marunong magseryoso sa lahat ng bagay. Ganoon talaga siguro kapag sinto-sinto, sinuswerte.

Habang nakatingin sa kanya ay sinamaan niya ako ng tingin. Para bang nabasa niya ang nakakatawang iniisip ko tungkol sa kanya kaya't napailing na lang ako habang natatawa nang ibinaling ko ang tingin kay Vaeden.

"Ako naman. Ehem." Singit ni Vaeden na kumindat pa kay Magne. Inirapan lang naman siya ni Magne.

Binuklat ni Vaeden nang ilang sandali ang kanyang letter bago ito binasa. "Heto na, ah? Walang iiyak, hayop kayo."

"Excuse me? Ikaw lang ang hayop dito." Asik ni Magne at ang ginawa ko na lang ay ang takpan ang kanyang bibig para maituloy na ni Vaeden ang kanyang sasabihin.

Nag-make face pa muna sa kanya si Vaeden bago ituloy ang babasahin. "Dear Vaeden, siguro ngayon ay gwapo ka pa rin at sana ngayon ay patay na patay pa rin sa 'yo si Magne."

Puta? Hala, nakakaiyak nga.

Naka-poker face ako sa kanya nang alisin ko ang pagkakatakip ko sa bibig ni Magne. Ngayon ay hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa gagong si Vaeden. Bagay na bagay talaga ang dalawang ito, parehong wala sa katinuan.

"Aba!" Reklamo ni Magne at saka kinutusan si Vaeden na ngayon ay tawang tawa sa kalokohang inilagay niya dati sa kanyang sulat.

These two. Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Para pa ring mga aso't pusa. Pero kahit na ganiyan iyang dalawang 'yan, walang hiya, napaka-tindi ng pinagdaan nila. I was there to witness their story and it's fucking complicated. As in borderline complicated.

Habang natatawa pa rin, nagpatuloy na uli Vaeden. "Tukmol, siguraduhin mong mayaman ka na ngayon, ah? Sayang ang kagwapuhan mo kung hindi ka rin naman yayaman. Gago, dapat isa ka nang Engineer ngayon. Sarap kasi sa ears kapag Engineer Vaeden Elmore Delgado ang magiging tawag sa 'yo. Lalo kang makakadagit ng maraming chix kapag ganoon."

Hayop talaga ang isang ito. Hayop sa kayabangan at kagaguhan!

Hindi katulad ni Magne, hindi natupad ni Vaeden ang nasa letter niya. Nagbago kasi agad ang gusto niya noong makatuntong na kami sa College. Parang puso niya lang noon, pabago bago ng nagugustuhan. Full time gago ang isang 'to noong kabataan namin.

Ang kinuha niyang course noon ay Business Management. Ngayon ay isa na siyang businessman at owner ng isang sikat na restaurant dito sa Cavite.

"Pokpok talaga, kahit kailan." Sambit ni Magne nang matapos na si Vaeden. Ngayon ay iniirapan na niya ang kaibigan namin habang kami ay tawa lang nang tawa sa kanilang dalawa.

Bago pa sila magsimulang magbangayan, si Diyes ay agad nang sumingit. "Ako naman."

Inalis niya sa envelope ang letter at saka iyon binasa nang malakas. "Dear Diyes, I know life has been tough for you but just keep on moving forward. You have no choice but to move forward. You have to be successful on whatever path you want to choose."

It was too short but it was more of the Diyes that we know. Tipid sa salita. 'Yung tipong hindi talaga siya magsasalita kung hindi naman talaga kailangan. Ewan ko ba pero parang ang mahal mahal ng mga sasabihin ng ungas na 'to kaya't parang nanghihinayang siyang magsalita.

"Ang yabang talaga ng gagong 'to. English english pa-- wala naman sa Amerika." Asik ni Vaeden.

Na dinagdagan din naman ni Magne. "Ang hangin! Napakahangin ni Doctor Fauston!"

Naiiling na lang ako habang natatawa na nang mas malakas sa dalawang ito. Puro talaga kalokohan ang mga hayop.

Ito naman si Diyes, isang taon na lang ay magiging ganap na Doctor na siya. Hindi naman nakakapagtaka kung ano na ang narating niya ngayon. Sa aming mag-babarkada, siya kasi lagi ang top student. Katunayan niyan, grumaduate siya bilang Summa Cum Laude noong College sa kursong Nursing bago nagpasiyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.

Habang nakatingin sa kanila ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malapad. Matagal na din kasi nang makumpleto kami. Magmula kasi noong grumaduate na kami ay naging busy na kaming lahat sa kanya-kanya naming careers.

For a while, nakalimutan namin ang isa't isa pero mabuti na lang talaga at naalala ni Magne ang dapat naming gawin ngayong taon. Iyon nga ay ang kunin ang time capsule na ibinaon namin dito sa lugar na ito sampung taon na ang nakalipas.

Natigil ako sa malalim kong iniisip nang tapikin ako ni Diyes, pinisil niya ang balikat ko. "Ikaw naman, Marco."

Ngumiti ako sa kanya. Agad akong tumango at saka binuklat na ang envelope na naglalaman ng letter ko.

"Dear Marco--"

Ngunit pinutol ako ni Vaeden. "Walanghiya, parang Dear Charo amputek."

Siniko naman siya ni Magne kaya hindi ko na itinuloy ang akmang pagbatok ko sa kanya. Tumaltak muna ako nang pabiro bago nagbasa.

"Dear Marco, wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi sana ay maging masaya ka kasama ang mga kaibigan mo. Alam ko, kahit na ano pang piliin mong landas na tahakin, basta't kasama mo ang mga kaibigan mong nagparealize sa iyo kung papaano uli ang mabuhay, alam kong nasa tama kang landas."

Bumuntong hininga ako at itinuloy ang pagbabasa pero napatigil ako nang ilang segundo.

Fuck.

Automatically, my heart felt the dreadful pain that I've been holding for ten years now.

Shit.

For a moment, parang ayokong magpatuloy. Parang gusto ko na lang lukutin itong papel at itapon sa kung saan. Sa lugar kung saan hindi ko na ito mababasa pa.

But Magne urged me to continue. She is smiling at me as she a throw me her reassuring gaze.

Humugot ako ng malalim na hininga bago magpatuloy. "Sana din, magkaroon ka na ng lakas ng loob para umamin kay Margot. 'Yon lang ang gusto kong mangyari sa ngayon. Kasi alam ko, it's Margot whom you truly love. It's her whom you genuinely wanting to spend your forever with."

Lahat kami ay natahimik, nag-iba ang mood. Ang malamig na hangin na nanggagaling sa dagat ay patuloy nang dumadampi sa aming mga balat, bagay na naging pamilyar sa amin dahil minsan na kami nitong niyakap noong pumunta kami dito sampung taon na ang nakakalipas.

"Sampung taon na rin pala ang nakalipas, 'no? Parang kahapon lang ang lahat." Bumuga ng hangin si Magne matapos magsalita. Bakas na bakas sa tono niya ang hindi inaasahang lungkot.

Yes.

Sampung taon na nga talaga ang nakalipas.

Sampung taon na ang nakalipas magmula nang mawala sa amin si Margot.

Pero para bang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwang sariwa pa rin sa utak ko ang mga nangyari noong gabing iyon.

Iyong gabing iyon na pala ang kahuli-hulihang gabi na makakasama ko si Margot. And it's fucking painful.

Hanggang ngayon, hindi ko mapatawad ang sarili.

Wala ako sa sarili ko noong gabing iyon. Lumilipad ang utak ko at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mga nakakabinging salita na ginagawa ng utak ko. That condition is called schizophrenia. I was in deep depression that time. It has affected the way how I think. At ang mga salitang iyon ang nagtulak sa akin na magpasagasa doon sa truck na mabilis na humaharurot papalapit sa akin noong mga oras na iyon. Pero bago pa man ako mahagip ng truck, isinalag ni Margot ang kanyang katawan dahilan para mas maging malala ang natamo niyang pinsala kaysa sa akin.

Ang kwento nila sa akin, pareho daw kaming walang malay na dinala sa Hospital. Ako daw ay narevive pa at samantalang si Margot naman ay idineklarang dead on arrival.

That time, wala akong kaalam-alam na nawala na pala sa akin si Margot. Na-comatose kasi ako nang isang taon at nang magising ako, nagkaroon ako ng amnesia. Sa tulong ng mga kabigan ko at ng mga magulang ni Margot na kinupkop ako at itinuring na tunay na anak, nagawa kong maalala ang lahat.

Ikinuwento ng mga kaibigan ko sa OPERAE PRETIUM Squad ang lahat sa akin at kasama doon ang natanggap nilang letters ng future selves nila. Noong una ay hindi ko iyon pinaniwalaan pero nang mabasa ko na ito ngayong araw, kinilabutan ako dahil totoo nga talaga lahat ng kinwento nila sa akin.

Noon, nang tuluyan ko nang maalala ang lahat, si Margot agad ang hinanap ko pero napahagulgol na lang ako nang sabihin nilang wala na siya-- wala na ang babaeng mahal na mahal ko; na iniwan na niya ako at dahil iyon sa akin. Kasalanan ko kung bakit siya nawala.

Lungkot na lungkot ako noong mga oras na 'yon. Those were the times where my suicidal thoughts came to lure me again. But I realized that I will just put into waste all of the sacrifices that Margot has given to me. I realized that I should be stronger because I should live now not only for myself but also for the sake of Margot's sacrifices.

It sucks.

Really.

Para ba kaming pinagtagpo pero hinding hindi itinadhanang magtagal.

Margot died for me to stay alive. What's bound to happen will eventually happen if she didn't passed away. All the things that's written on the letters will automatically happen despite of how a ton of times we tried to halt it. Things will eventually fall into its right places not until the major plot twist happened and it's Margot's death.

Isa lang talaga sa aming dalawa ang kailangang mabuhay at wala kaming magagawa upang baguhin ang tadhana naming dalawa.

Ang gago lang talaga ng tadhana, ayaw niyang matapos ang kwento namin ni Margot nang may happy ending. Parang i-tinadhana na talaga kami para sa isang trahedyang istorya.

Kahit na ganoon, ang nangyari sa amin ni Margot ang naging dahilan ko para pasukin ang mundo ng pagsusulat kaya ako kumuha ng kursong Journalism sa kolehiyo. Ngayon, isa na akong author at ipinangako ko sa sarili ko na mabubuhay si Margot sa isip at sa puso ng lahat.

This time, I want her story to stay alive forever.

Matapos din ang lahat, wala na akong inibig pa. Wala nang babaeng nagpatibok pa ng puso ko dahil alam kong ang puso ko ay tanging nakalaan lang para kay Margot. Para kay Margot lang ang puso ko at paniguradong mananatili akong single hanggang sa kamatayan ko dahil ang asawa ko ay nasa langit na, naghihintay sa pagdating ko.

Habang unti-unti nang nag-iinit ang gilid ng mga mata ko, inabot sa akin ni Vaeden ang letter ni Margot. Lumapit siya sa akin at saka tinapik tapik ang likod ko. Lumunok naman ako ng laway bago iyon buksan at basahin.

"Dear Margot," my breathing is getting heavy as my heart began to beat faster than normal, "sana ay nagtagumpay ka sa pinapagawa ng future self mo. I know, you can make Marco stay alive even after ten years from now. Right now, 'yon lang kasi ang gusto kong makamit mo. I have no future plans right now but to make that mission a success. Aja! You can do it! You can make him stay alive!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko diretso sa asul na papel.

Kasabay ng patuloy na pagdurog ng puso ko. Na lumilikha ng mahapding pakiramdam mula sa aking dibdib.

Kahit noon pa man ay ako pa rin talaga ang iniisip niya. Sobrang selfless niya pa rin talaga. Wala siyang ibang pinangarap para sa sarili niya, basta ang gusto niya ay ang mapabuti ang mga taong mahal niya.

Bumuntong hininga ako bago ngumiti nang matamis sa papel na para bang ang mukha niya ang tinitignan ko.

Margot, nagtagumpay ka.

You made me stay alive.

And I will stay alive for you after your death.

END

×××

Author's Note:

This story is for all who once lured by the monsters of depression. I want this to be the brightest torch that will give them enough light so that they will not be lost to their darkest days anymore.

Moreover, para sa lahat ng Marco diyan, I want y'all to know that no matter how hard your problems are right now, you should keep on surviving. Keep moving forward.

Sabi nga ni Diyes, you should exclude the idea of "Giving up" to your choices because "Surviving" should only be your one and only option in order to live your life to the fullest. Alam kong nakakapanghina pero just keep on surviving and believe me, lulubayan ka rin niyan pagtagal ng panahon.

Pero kung hindi mo na talaga at gustong gusto mo na talagang sumuko, please, seek help to your family and friends. Sila ang magbibigay sa 'yo ng lakas. Of all the people, sila ang mas nakakaintindi sa'yo.

If ever na medyo you are not into speaking your heart into someone, I suggest you seek for Professional help or just dial the Crisis Hotline by National Center for Mental Health:

Kaya mo 'yan! The world is beautiful with you in it! Walang susuko, lalaban tayo!

Dito naman tayo sa lahat ng readers na mahal na mahal ko. 💙

Thank you for the nth time! I will forever be grateful to all of you. Hinding hindi ko ito matatapos kung hindi dahil sa suporta niyo. Lahat ng comments niyo, sobra talaga akong namomotivate noon na mas mag-improve pa, ganoon na rin ang votes at 'yung pagdagdag niyo sa number of reads-- lahat ng iyon ang naging pundasyon ko para magpatuloy kaya from the bottom of my heart, thank you! Mahal na mahal ko talaga kayo! 💙

I hope, ma-share mo rin ito sa mga kakilala mo at lalong lalo na sa mga katulad ni Marco. It will really be a big help for me and for them as well.

Anyways! Thoughts about this story? Pa-tweet naman sa Twitter using the hashtag #AfterMyDeathTomorrow o kung gusto mo, i-tag mo na lang ako (@VChesterG)

The next story of OPERAE PRETIUM Series will focus about Cygny, I have to let you all know why she did what she did and why does she turned into a monster that everyone hated the most.

Thank you uli! Oh, paano? See you sa story ni Cygny entitled "Kismet's Perfect Fiasco", ah! 💙

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.