"Why do they need to call you, Zeke? Mga kauri mo naman sila, they can hypnotize the suspect," nagtatakang tanong ni Lester.
Umiling si Zeke at sumagot, "It is my special ability. Hindi lahat ng kauri ko ay may kakayahang magpasunod sa tao, maging si Argus na nakatataas ay walang ganuong kakayahan."
Naunawaan ni Lester subalit nagtataka pa rin talaga siya. "Bakit nga ba hindi mo ako kayang pasunurin?"
"I already answered you. I don't know. Let's go home."
"How about we go to the hospital first?" mungkahi niya.
Nag-isip si Zeke ng ilang saglit bago sumagot, "Ok."
Bumalik na silang magkasama sa sasakyan. Sa pagkakataong iyon, katamtaman lamang ang ginawang pagpapaandar ni Zeke.
Malalim na ang gabi at kakaunti na lamang ang mga nagdaraang sasakyan. Pumikit si Lester ng makaupo sa passenger seat.
"You are tired. Let me take you home first, ako na lamang ang pupunta sa hospital," suhestiyon ni Zeke.
"We will go home together," mahina niyang sagot.
Natahimik silang dalawa at pawang hininga lamang nila ang maririnig sa loob ng sasakyan. Nagpapakiramdaman at kapwa hindi alam ang sasabihin.
Si Lester ang hindi nakatiis.
"Zeke."
"Hmm?"
"Galit ka ba sa akin?"
"No."
Tumahimik muli si Lester. Hindi niya alam kung maniniwala kay Zeke o hindi. Ramdam niya kasi ang panlalamig sa kanya ng lalake.
"Lester..." mahinang tawag ni Zeke makalipas ang ilang saglit.
"Hmm?"
"Can you...?"
Dumilat si Lester at lumingon kay Zeke.
"Can I what?"
"Can you forget him?"
Kumalabog ang dibdib ni Lester. Nanuyo ang kanyang lalamunan. At napalunok siya.
"What do you mean?" painosente niyang tanong.
"Nevermind."
"Zeke. Tell me," He wanted to know. Gustong malaman ni Lester kung saan niya ilalagay ang sarili sa buhay ni Zeke.
Inihinto ni Zeke ang sasakyan sa may kadilimang parte sa gilid ng daan at yumupyop ito sa manibela. Malalim ang kanyang bawat paghinga.
Inabot ni Lester ang kanyang palad at marahang hinaplos ang buhok ni Zeke. Napakalambot nito at madulas. Gusto niyang yakapin ang lalake.
"Zeke..." mahinang usal niya.
"Forget the person in your dream, Lester." Tumingin sa kanya si Zeke na nakayupyop pa rin sa manibela.
"It's just a dream. Hindi siya totoo," kinukumbinse niya nga ba si Zeke o ang sarili niya? Biglang lumitaw sa kanyang isipan ang napakakisig na si Ezekiel at rumagasa ang kakaibang tensiyon sa kanyang katawan. Kaya niya bang kalimutan ang imaheng iyon?
"Do you still want me to be with you for the rest of your life?" basag ni Zeke sa kanyang iniisip.
"I do, Zeke," walang alinlangan niyang sagot. Pilit itinataboy ang imahe ni Ezekiel sa kanyang isipan.
Tumitig lamang sa kanya ang lalake. Hindi niya tuloy malaman ang sasabihin. Hindi ba ito naniniwala sa kanya? O nababasa ni Zeke ang kanyang iniisip at ayaw lamang siyang ibuko?
Kumakabog ang dibdib niyang nagtanong, "Can you love me?"
"Forget him."
"Zeke!"
Hinila ni Lester sa batok si Zeke at iniharap sa kanya. Walang ilaw sa loob ng sasakyan at tanging ang liwanag lamang mula sa labas ang tanging liwanag nila at mula sa paminsan-minsang pagdaan ng ibang sasakyan subalit malinaw niyang nakikita ang lungkot sa mga mata ng lalake at naririnig niya rin ang malalalim nitong paghinga.
"Lester, please," mahinang pakiusap ni Zeke.
"Love me."
"Can't you feel it?" iritadong tanong ni Zeke.
"Tell me..."
"Damn Lester, are you blind?!"
"Can't you just say it?!"
"I don't know how to say it..." mahinang tugon ni Zeke.
Napabuntong-hininga si Lester at marahas na binitawan si Zeke. 'This is it! Bullshit!' Sumandal siyang muli sa upuan at pinipilit kalmahin ang sarili.
"Bring me home and stay away from me, I don't want to see you again," mariin ang bawat bigkas niya ng mga salita.
"Lester bullshit!" sigaw ni Zeke.
"Bring me home!" sigaw niya rin.
Hindi na tumugon pa si Zeke at ilang minuto pa ang nagdaan na tahimik lamang ang dalawa bago muling umandar ang sasakyan.
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lester nang makarating sa bahay at nagmamadali ring nagtungo sa kanyang silid. Kung invisible siya o hindi sa mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam.
Marahas niyang ibinagsak ang katawan sa kanyang higaan. Naiinis siya kay Zeke.
'Bakit kay hirap niyang maabot damn it!'
'And why do I need to dreamt of you Ezekiel?'
'This is making me crazy!'
'Parehas kayong hindi tao subalit magkaiba namang uri!'
'Ang masaklap, tumitibok ang puso ko sa inyong dalawa!'
"Ahhhhhh!!" napaungol si Lester sa iritasyon at galit na ginulo niya ang kanyang buhok at nagpaikot-ikot sa higaan. Nababaliw siya sa dami ng iniisip. Inabot niya ang cellphone at nais sanang tawagan si Zeke subalit nawalan siya ng lakas ng loob, bagkus ay pinalitan niya ang pangalan ni Zeke sa kanyang cellphone. Nang hindi dalawin ng antok, tumayo siya at nagtungong banyo upang maligo at magpalamig ng ulo.
Lumagaslas ang malamig na tubig sa katawan ni Lester at bahagyang kumalma ang kanyang pakiramdam. Subalit ng maalala ang malungkot na mukha ni Zeke ay dumaloy muli sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang kirot na nagmumula sa kanyang puso. Ngayong mag-isa na lamang siya, pinakawalan niya ang mga luhang kanina niya pa pinipigil at itinago iyon sa bawat patak ng tubig mula sa dutsa.
Masakit. Sobrang masakit. Nalilito rin siya kung paanong nagiging hadlang sa kanila ni Zeke ang isang imaheng sa panaginip lamang niya nabubuhay at sa alaala ng yumaong lolo.
Kung gaano siya katagal lumuha ay ganoon din siya katagal tumapat sa lumalagaslas na tubig sa dutsa.
'Paano kung bigla na lamang maglaho sa aking paningin si Zeke?'
'Paano kung totohanin niya ang sinabi ko at tuluyan niya akong layuan?'
'Paano na kung mawala siya?'
Patuloy na dumaloy ang mga luha ni Lester sa samu't-saring isiping nagpapabaliw sa kanya.
Wala na sa ayos ang kanyang pakiramdam. Natutulala si Lester at nababaliw.
"Zeke," wala sa loob niyang sambit.
Gaano niya na nga ba katagal nakilala ang lalake? Dalawang buwan? Subalit tila napakahabang panahon na ang nagdaan at ang hindi ito makita sa hinaharap ay hindi alam ni Lester kung magagawa niyang bumalik sa normal.
"Zeke, I love you," nagawa ring aminin ni Lester kahit pabulong lamang iyon.
Naramdaman ni Lester ang pagyakap mula sa kanyang likuran habang naroroon pa rin siya at nakatapat sa dutsa subalit nadismaya siya ng walang makitang tao. Tahimik na hinayaan na lamang ni Lester pakalmahin ang sarili sa bisig ng hindi nakikitang nilalang. Mas maigi na ring ganoon sapagkat hindi niya pa kayang harapin ng personal si Zeke.
Nang mapayapa ang kalooban, tinapos niya na rin ang paliligo at muling bumalik sa higaan.
Kinaumagahan, alas nuebe na nagising si Lester at nagulat siya na may pagkain ng nakahanda sa maliit na mesita sa loob ng kanyang silid. Walang ibang magdadala noon kundi si Zeke lamang sapagkat siya lamang naman ang nakakaalam na naroroon siya sa silid.
Bumaba siya sa higaan at masiglang naghugas ng kamay, nagsipilyo, at naghilamos ng mukha sa banyo. Matapos ay nagtungo na siya sa sofa.
Sinangag, itlog, bacon, tocino, at hotdog ang naroroon sa mesa. Mayroon ding mainit na gatas na nakalagay sa tasang may takip. At isang may kalakihang mineral water. Natakam siya kaagad ng makita ang nakahain. Tinanggal ni Lester ang plastic cover sa mga pagkain at nag-umpisang kumain. Hindi na siya nagtaka na mainit pa ang mga pagkain. Ano nga ba ang hindi kayang gawin ni Zeke maliban sa hipnotismuhin siya?
Hindi niya maiwasang mapangiti na mukhang tanga. Kagabi ay nagdaramdam siya ng husto at malungkot dahil kay Zeke, ngayon naman ay para siyang timang na nakangiti mag-isa dahil din sa lalake.
Nabubuang na nga siya. Dahil iyon kay Zeke. Kanino pa nga ba?! Hayy.
Tooot. Tooot.
Nanginig ang cellphone ni Lester sa mesang nasa tabi ng kanyang kama. Tumayo siya at dinampot ito matapos ay bumalik muli sa hapag kainan.
3 messages received.
From Tampalasang Malibog Zeke.
Namula si Lester matapos mabasa ang pangalan. Sa inis niya kagabi ay pinalitan niya nga pala ang pangalan ni Zeke sa kanyang cellphone.
Binuksan niya at binasa ang mga mensahe.
[Galit ka pa ba sa akin, baby? Pinagluto kita ng almusal. Don't worry too much and rest for a while, ako ng bahala sa kaganapan dito sa labas.]
[Huwag ka masyado mag-iisip. Mahal kita at nakahanda akong paungulin ka habang ika'y nabubuhay.]
[Love, Zeke. Muah.]
Napangiti ng malawak si Lester at napakagat-labi. Naisip niya tuloy, 'Taena! Kinikilig din pala kahit lalake! Sheeettt!'.
He replied.
[Gago.]
Message sent.
1 message received.
From Tampalasang Malibog Zeke.
[Go to my room after you finish. Iuuwi diyan ang pekeng Lester. See you the soonest, baby💋.]
"What the?!" napahiyaw sa gulat si Lester. 'Bakit iuuwi ang pekeng Lester? Maaari namang siya na ang gumanap na naroon?!'
1 message received.
From Tampalasang Malibog Zeke.
[Don't try to defy my order. Hurry up and go to my room before they notice you.]
Bago pa man makaisip magreklamo si Lester ay nakasagot na si Zeke na para bang alam ang iniisip niya.
Hindi na lamang siya sumagot at nagmadaling kumain matapos ay naligo. Iniisip niya pa lamang ang gagawin sa pinagkainan kung paano dadalhin sa kusina ay nagulat si Lester sapagkat wala na ito sa mesa sa kanyang paglabas mula sa banyo.
Napailing na lamang siya. Mabilis siyang nagbihis at tahimik na binuksan ang pinto palabas. Ng walang taong makita ay patakbo siyang nagtungo sa silid ni Zeke. Walang nakapagtataka kung bukas iyon ng pihitin niya ang seradora. Malamang ay nakasisiguro ang tampalasang iyon na susunod siya.
Ni-lock niya ang pinto at sumandal siya sa dingding. Pinagmasdan niya ang silid ni Zeke at namula ang kanyang mukha ng maalala ang mainit na eksenang pinagsaluhan nila noong nakaraan sa kamang nasa harapan niya ngayon. Pakiramdam ni Lester ay natuyo ang kanyang labi. Rumagasa rin sa bawat himaymay ng kanyang ugat ang init na si Zeke lamang ang may kakayahang buhayin.
"Damn!" he growled and frowned as he noticed his sudden erection. Napahaplos siya sa ibabaw ng suot na jogging pants at sinaway ang alaga, "Matulog ka muna diyan little Lester, mamaya na kayo maglaban ni little Zeke. Be obedient."
Subalit sa pagbanggit niya sa pangalan ni Zeke ay lalong nagwala si little Lester. Tumayo ito at nakahanda na sa laban.
"Goodness sake! Calm down!" Tinampal niya ang sariling 'alaga' upang kumalma.
Pigil ang ngiting humakbang si Lester patungo sa kama ni Zeke at pinagmasdan niya muna ang higaan na para bang andoon ang lalake. Maya-maya'y nahiga siya sa kama. Wala naman siyang gagawin ganoong hindi siya maaaring lumabas.
Dumaloy muli sa kanyang ala-ala ang mga naganap kagabi at napabuntong-hininga na lamang siya. May mga bagay at pangyayaring hindi maaaring baguhin subalit ang kapalaran niya ngayon ay siya ang magdedisesyon at hindi dapat nakasalalay sa mga nakaraan.
Mahal niya si Zeke, sigurado siya doon. At handa niyang isantabi ang isang imaheng naroon lamang sa kanyang panaginip. Kahit sabihin pang napakahirap noon gawin.
Dumapa si Lester at nanuot sa kanyang pang-amoy ang pabango ni Zeke. Napakapit siya ng husto sa kumot. Nag-iinit na naman ang kanyang pakiramdam na tila nagdedeliryo sa loob.
Wala pa ngang ilang araw ng huli silang magtabi kung bakit kay hirap kontrolin ng kanyang pag-iinit. Wala sa loob na pumaloob sa salawal ang kanyang isang kamay at hinawakan niya si little Lester. Tumihaya siya at niyakap ang mabangong unan ni Zeke na para bang si Zeke mismo iyon.
"I f*cking miss you, baby..." bulong ni Lester sa kawalan. Namilipit siya makaraan ang ilan pang sandali dahil sa tensiyong namuo sa loob ng kanyang puson.
'Paano ba kontrolin ang aking nararamdaman?' tanong ni Lester sa sarili.
Hirap man ang pakiramdam ay pinilit niyang pigilan ang init ng katawan. Pumikit siya ng mariin at hinagilap sa isipan ang pagtulog.
Nagising si Lester sa lagaslas ng tubig sa banyo at naalalang nasa kwarto nga pala siya ni Zeke. Nag-init ang kanyang mukha nang mamalayang ganoon pa rin ang kanyang hitsura ng siya'y makatulog. Nasa loob pa rin ng salawal ang kanyang kamay at mahigpit na nakadakot sa gising na ring si little Lester. Mabilis niyang hinila ang kamay at bumangon. Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal nakatulog at kung kailan ba dumating si Zeke.
"Nakakahiya, sh*t," bulong niya.
Subalit napangiti rin pagkatapos. Nag-iinit na naman ang kanyang katawan. Nang oras na iyon, 'Kailangan ko pa bang magpigil?' naisip niya. Nagmadali siyang naghubad at pinihit ang pinto sa banyo.