Nanghina ang mga tuhod ni Lester matapos marinig ang journal ni Chen Allen. Halo-halo ang emosyon sa kanyang puso at gusto niyang maiyak sa nalaman. Kung ganoon ay lolo niya ito at kilala rin si Ezekiel! Hindi niya malaman ang gagawin at iisipin. Parang puputok ang ulo niya sa mga rebelasyon.
Ako at ang aking lolo, ay may iisang lalaking iniibig? Napakasaklap naman noon! At nangakong maghihintay ang Prinsipe libong taon man ang lumipas...?
Kung ganoon...
Bakit? Bakit kailangan ko siyang makilala? Bakit kailangan niyang lumitaw sa aking mga panaginip?!
Napalugmok siya sa sahig.
Nakita niyang tahimik na tulala lamang si Zeke matapos basahin nito ang nakasulat sa journal. Walang emosyon ang mukha at tila wala sa sarili. Ang kanyang Tito naman ay palakad-lakad sa isang tabi.
Maya maya'y nagsalita ang tiyuhin, "Kaya pala isa akong Fujushi. Dahil iyon sa dugo ni ama. At kung ganoon..." huminto siya at nag-isip ng maigi bago nagpatuloy, "Kung ganoon ay maaaring may kaugnayan sa mga ginto ang pagpapapatay kay Lester. Maaaring iniisip nila na mayroong nakatago at naiwanang ginto si ama o hindi kaya'y kamkamin ang lahat ng pinaghirapan ni ama, nais nilang makuha ang kayamanan dahil sa kanilang ganid na budhi! Kung totoo nga ang aking kutob, paano nila nalamang ang aking ama ay si Allen Chen ganuong nagpalit na siya ng pangalan?!"
Tahimik lamang si Lester. Wala pa rin sa sarili si Zeke.
"Hoy Zeke!" Tinapik ng Tito niya si Zeke bago pinuna, "Ang tahimik mo, ano ang iyong masasabi ngayon? Maaaring ang nais ni Larry Han ay makuha ang kayamanan ni ama hindi ba? At ang kasunod nilang balak patayin ay ako, hindi ba?"
Tumango si Zeke at sumagot, "Maaaring tama po kayo Tito."
Tumunog ang cellphone ni Zeke.
"Hello."
Hindi marinig ni Lester ang nasa kabilang kawad, tanging boses lamang ni Zeke ang kanyang naririnig.
"Good! Make sure na may evidence."
Napatayo si Lester. Mukhang nahuhulaan niya ang nangyayari. Lumapit siya at bumulong kay Zeke, "Sa hospital ba iyan?"
Nang tumango ang lalake, sari-sari ang naramdaman niya. Talagang balak nga siyang kitilan ng buhay ng mga hayop na iyon.
"Tito, pupunta ako sa hospital. Maiwan ko muna kayo, ako ng bahala kay Lester at huwag kayong mag-alala," paalam ni Zeke sa kanyang Tito.
Nagmadali silang umakyat sa hagdan palabas sa underground at mabilis ang mga hakbang na nagtungo si Lester at Zeke sa sasakyan.
Halos paliparin ni Zeke ang sasakyan patungong hospital sa pagmamadali at ni hindi niya magawang magsalita. Pakiramdam ni Lester ay mahuhulog ang kanyang puso. Napuno siyang bigla ng takot. Takot na maaari silang bumangga anumang oras. Takot na makita ang duguang katawan ni Zeke. Takot na hindi na sila maaari pang magkita. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa takot. Nangangatal din ang kanyang labi. Pakiramdam niya ay wala ng dugo ang kanyang mukha. Nanlalamig din ang kanyang pakiramdam.
"Lester! Lester!"
Hindi na halos maunawaan ni Lester ang mga sinasabi ni Zeke. Takot na takot ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa nakaramdam na lamang siya ng may kalakasang sapak sa pisngi. Doon siya nahulasan.
"Bakit ka nananapak Zeke?!" galit niyang sita kay Zeke.
"Bullshit. Just what the hell happened?!" galit ding tugon ni Zeke.
Nagulat si Lester ng bigla siyang kabigin ni Zeke ng mahigpit at dinala sa kanyang mga bisig. Hinagod niya ng pauli-ulit ang kanyang likuran. Saka niya pa lamang napagtantong nakahinto na ang kanilang sasakyan sa tabi ng kalsada.
"I'm scared," nangangatal pa rin ang buo niyang katawan ng bumulong siya kay Zeke.
"I know. I'm sorry baby. Please don't be scared, I will be very careful in the future."
Nagka-phobia na marahil siya dahil sa iilang aksidente ng nagaganap nitong mga nakaraan. Niyakap rin ng mahigpit ni Lester si Zeke. Hindi siya binitawan ni Zeke hanggang kumalma ang kanyang pakiramdam.
Ilang minutong magkayapos lamang sila ng tahimik ni Zeke ng tumunog ang cellphone ng huli. Subalit tila hindi iyon naririnig ng lalake sapagkat ni hindi man lamang tuminag sa pagkakayakap kay Lester, kaya si Lester na ang nangulit sa kanya.
"Zeke, your phone. Baka importante iyan," paalala niya kay Zeke saka pa lamang niya dinukot sa bulsa ang aparato at pinindot subalit nakayapos pa rin ang isa niyang kamay kay Lester.
"Hello,"
"Sa abandonadong building kami tumuloy kamahalan, Dito mo nalang kami puntahan."
Dahil magkalapit sila ni Zeke ay naririnig ni Lester ang sagot sa kabilang kawad mula sa tauhan.
"Ok." Pinatay ni Zeke ang tawag at tiningnan niya sa mga mata si Lester.
"What's that look?"
"Masama bang titigan ka?"
"It's not the right time to joke around, Zeke."
"Who's joking?" Inilapit ni Zeke ang kanyang mukha kay Lester matapos niya iyong bigkasin subalit tumigil din ng halos gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi.
"Lester..." mahina niyang bulong na may pamamaos.
Tumaas ang kilay ni Lester bago sumagot ng mahina rin, "What are you thinking, Zeke?"
Ilang saglit pang tumitig lamang si Zeke kay Lester. Sari-saring damdamin ang mababakas sa mukha nito at tila may pagkalito. Bumuntong-hininga ito ng malalim matapos ay lumayo rin sa kanya at hinarap ang manibela at mabagal na pinaandar ang sasakyan.
Mabilis nakaramdam ng kakaibang kabog ng dibdib si Lester. Katunayan, tila luluwa ang puso niya sa kanyang palagay. May tila bakal na pumiga sa kanyang puso.
'Nasaktan ko siya ng husto kahapon. Iniisip niya ba iyon?' naisip ni Lester.
Tumingin si Lester sa bintana. Natatakot siya. May kasalanan siya kay Zeke at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Subalit ano nga ba ang relasyong mayroon sila?
'Ang hirap ng ganitong sitwasyon. May damdamin din kaya siya sa akin? O naglaho iyon matapos kong sabihing may iba akong iniibig?'
Gustong pumatak ng luha ni Lester kaya pumikit siya ng mariin upang pigilan ito. Ilang minuto pa'y huminto sila sa presinto.
"We are here," walang emosyong wika ni Zeke matapos ay bumaba na ito ng sasakyan. Nagmadali siyang sumunod sa lalake.
Bumungad sa kanyang paningin ang isang lumang gusali na tila nasunog ilang taon na marahil ang lumipas. Nakasunod lamang si Lester kay Zeke ng pumasok si Zeke sa madilim na gusali.
“Come here beside me,” wika ni Zeke.
Lumapit si Lester at naramdaman niya ang paghawak ni Zeke sa kanyang palad. Malakas na kumabog ang dibdib niya na para bang ngayon lamang siya nahawakan ng lalake.
Sa dulo ng madilim na pasilyo ay may saradong pinto, binuksan iyon ni Zeke at nagulat si Lester sa liwanag na naroroon sa silid. Parang umaga lamang ang datingan noon sapagkat wala naman ilaw na nakabukas kundi liwanag na galing sa salaming bintana. Tumambad din sa kanilang paningin ang tatlong kasamahan ni Zeke at isang lalakeng nakasuot ng itim na damit at itim ding pantalon. Nakagapos ang mga kamay at paa sa isang upuan sa gitna ng silid. May busal din ito sa bibig. Tahimik lamang si Lester.
“Tell me, Argus” wika ni Zeke at sinenyasan ang kauri na lumapit.
“Kamahalan, nagpanggap po siyang nurse kaya namin pinapasok sa silid ni Lester.” Tumigil si Argus at tumingin kay Lester matapos ay tumingin din ulit kay Zeke bago nagpatuloy, “Dahil sa utos niyong walang babantay sa loob ng silid, naroroon lamang kami sa iba't-ibang sulok sa labas. Nakabantay lamang ako sa monitor ng mga hidden cameras sa loob ng silid ng makita kong may itinurok siya sa suwero ni Lester. Sa totoo lamang ay inakala kong totoong nurse siya, subalit ng mapansin kong unti-unting nanginig ang katawan ni Lester saka ko napagtantong iyon marahil ay kalaban. Nang makita niyang umeepekto ang kung anumang itinurok niya ay nagmadali siyang lumabas ng silid. Mabilis kong sinenyasan ang iba na patignan sa Doctor si Lester at ang iba ay sundan ako habang sinundan ko naman palabas ang salarin. Mabilis ang mga galaw niya hanggang makalabas ng hospital at hinubad niya ang nakapatong na kasuotan ng nurse at itinapon sa basurahan. Inabangan lamang namin na maparoon siya sa walang gaanong tao saka namin siya hinuli ng tahimik.”
Tumunog ang cellphone ni Zeke.
“Yes, Tito.”
Lumapit si Lester kay Zeke upang mapakinggan ang sasabihin ng tiyuhin.
“Zeke! Where the hell are you?! Akala ko ba'y maayos si Lester?! Tumawag sa akin ang Doctor at may nakapasok daw na nagturok ng lason kay Lester. Mabuti at naagapan ng Doctor at naialis sa katawan ng pamangkin ko! Pupunta ako ngayundin sa hospital!”
Nabingi si Lester at Zeke sa sigaw ng tiyuhin.
“Yeah, pinatawag ko kaagad ang doctor para matignan si Lester, I'm sorry Tito. Huwag kayong mag-alala, hawak ko na ngayon ang salarin at gagawin ko ang lahat upang mapaamin siya. Mag-usap tayo pagkatapos,” may pagka-konsensiyang sagot ni Zeke. Subalit wala naman siyang magagawa dahil walang alam ang Tito nila sa totoong lagay ni Lester.
“It's ok. He can handle it. But please make sure na may nakabantay kay Tito, Zeke.”
“I assure you.”
Lumingon sila sa nakagapos na salarin at nilapitan iyon ni Zeke.
"I'm not going to hurt you. All I want is for you to confess who ordered Lester to be killed earlier. If you won't answer correctly... ”
Mahinahon ang mga salita ni Zeke subalit nakakatakot sa pandinig. Tila iyon payapang tubig sa gitna ng karagatan na isang pagkakamali mo lamang ay maaring kitilan ka ng buhay.
Tinanggal ni Zeke ang busal sa bibig ng salarin upang makasagot ito.
“No one ordered me! Believe it,” nangangatal ang boses ng lalake.
Mahinahon lamang si Zeke na tinignan ang lalake matapos ay ngumiti ito ng nakakaloko at marahang hinaplos ang ulo ng salarin habang nakatitig lamang siya sa lalake.
Maya-maya'y...
“Miss Kathy King ordered me to do the job.”
“How do you know her, who's with her?”
“I am her personal underling. I only know her and nothing more, my job is to do any task she asks me to do.”
“Good, I won't kill you then. Now go to the police station and tell them all you know about Miss Kathy King.”
“I will.”
Inatasan ni Zeke ang mga tauhan, “Release him and bring him to the police station.”
“Masusunod kamahalan,” wika ni Argus at kinalagan ang lalake at isinama palabas ng gusali.
Hindi nakahuma si Lester sa nangyari.
“Anong nangyari? Bakit umamin siya ng ganuon na lamang??” naguguluhan niyang tanong.
Lumapit sa kanya si Zeke at inakbayan siya, “Hypnotism. Let's go.”
“Am I also under your hypnotism?” biglang tanong ni Lester kay Zeke.
“I will if I can. Unfortunately, walang epekto sayo ang kahit anong hypnotismo ko. Kung anong dahilan, wala akong alam.”
“Are you telling the truth? I am human. How it is possible for me not to be hypnotized by you?” Hindi pa rin siya naniniwala.
“That is the truth and I don't know why either. Isa pa, do I need to hypnotize you? Or maybe because I'm the one who was bewitched by you,” mahina na ang huling sinabi ni Zeke pero malinaw niya pa ring narinig iyon.
Tumalbog ang puso ni Lester na parang bola.